Huwebes, Marso 22, 2012

ang Talambuhay ni Merellyn Calupas


       Talambuhay ni Merellyn Calupas






ako kasama ang kaofficer ko na si joren ;)






          Taong isang libo syam na daan siyamnaput-anim (1996) nang ako ay isinilang sa ika-30 ng buwan
ng mayo. Ang pangalan ko ay Merellyn L. Calupas. Pangatlo po ako sa aming apta na magkakapatid. Ang
pangalan po ng aking panganay na kapatid ay si Melanie L. Calupas at sinundan nama po ni Myline L.
Calupas at ang bunsong kapatid kong lalaki ay si Mitch Richmond L. Calupas. Ang aking ama naman po ay
si Edwin I. Calupas at si Eulalia Calupas naman po ang aking ina. Gumaraduate po ako ng kinder sa Day
care Center ng Solidad. Ipinagpatuloy ko po ang pag-aaral sa paaralang Solidad Elementary School.
Grade 1 po ako noon nang pagpasyahan ng aking mama na magtrabaho sa ibang bansa. Samantalang
naiwan ang aking ama at dito nagtrabaho sa Pilipinas bilang isang Laborer. Kami po ay lumaki sa aming
Lola na si adelina Carandang. Kanit wala po sa aming piling ang aking mga magulang ay napalaki po kami
ng maayos ng aking lola at lolo. Ngunit nagkasakit po ang aking lolo at nagpagamot sa iba’t-ibang lugar
pero sa di inaasahan ay baniwian din po siya ng buhay. Simula pa lang po ng pasukan noon naming sa ika
apat na baiting sa Elementary. Ipinaalam po ng aking mga tita ang nangyari noon sa aking mama. Kaya’t
nagpasya po siya na umuwi dito sa Pilipinas. Pero pagkaraan poi ng dalawang buwan ay bumalik po ulit
siya sa Saudi Arabia(Jedah). Nagtuloy-tuloy po ulit kami sa pag-aaral hanggang sa makapagtapos po kami
sa elementary. Isa poi yon sa Masaya at nakalulungkot na pangyayari dahil magkakahiwa-hiwalay nap o
kami ng aking mga kaibigan. Kaya ng araw din pong iyon ay pumunta po kami sa bahay ng isa’t-isa
parang “bonding” na din po. Hanggang nagsimula na din po ang buhay “Highschool”. Pumasok po ako sa
paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Ako po ay first year noon na nabibilang
sa pangkat E. Madami po akong naranasan na “first time”. Dito kop o naranasang umuwi ng mag-isa.
Dito ko rin po nakilala ang anking friend na si Marjorie Culla. Siya po ang madalas kong kasama. Sumali
po ang aming seksyon sa palatuntunan sa Filipino. Dito po ay itinanghal naming ang kwento sa Ibong
Adarna. Di man kami nanalo noon ay masaya pa din kami. Pero sa pagtungtong naming ng second year
High school ay hindi na kami magkakaklase ng aking friend na si Marjorie dahil siya ay nabibilang na
noon sa seksyon C samantalang ako ay nanatilui sa seksyon E.

si camille kaibigan ko.
vina && dane

michelle


jeverly

Doon ko nakaclose at nagging bestfriend sina Janelle, Kayee, Joanna, Michelle, Vina, Dane, Camille at Marialla at pinangalanan naming an  aming
grupo na A.K.A Mhine. Di man maiwasang hindi mag-away ay nagkakasundo pa din naman kami sa
maraming bagay. Madalas kami noong tumatambay sa Bagong Pook during our vacant time. Doon kami
lagi nakain ng lollipop kaya minsan tinatawag kaming lollipop girls. Kahit di na kami magkakasama ng
third year sa iisang section ay nagkakabonding din naman sina Camille, Michalle at Mariella Madalas na
din kaming hindi nagkakasama dahil magkakaiba na kami ng schedule sa pagpasok. Kaya doon nakilla si Jeverly Calabia. Madalas kaming magkasama noon lalo na


pagpuntang CR madalas sa time ng A.P.



ang facilitator namen sa CAT :)


volunteer days.



wacky ;)




Sumali ako sa isang organisasyon sa school, ito yung C.A.T nagging isa akong volunteer. Tuwing may free
time ako ay ditto ko nalang iyon nilalaan. Mahirap pero masaya. Mahirap kasi hondi kop o alam noon
ang mga gagawin at Masaya dahil maraming bagay kang dito mo lang mararanasan at madami ka pang
makikilalang friends. Tsaka ditto maraming kapakipakinabang na Gawain kang matututunan. Dito ko rin
nakilala si Jemrick, he was my first boyfriend. Pero hindi ko naman mahal kaya nakipagbreak din ako
nine days lang naging kami. It’s just we call puppy love. Pero hindi din. Friend lang kasi sya para sa akin.
Bakasyon na pero napasok pa rin kami ng CAT ito yung tinatawag na ”summer training” every morning
umiikot kami sa ovaltapos nag-eexercise. Naglelecture din kami at may activity. Sabay-sabay din kaming
nakain kasama si Mr. Marfori.Isang lingo din kaming tinuruan ni sir Vic Rivera. Lagi kaming may activity
kaso every wrong move may parusa. Katakot pero mabait naman. One time nalibre nya kaming lahat ng
kakanin na binebenta nung ale. Tapos every Friday doon kami natutulog tapos may activity pa sa gabe
perop dapat pag oras na ng pagtulog dapat matulog na kasi may parusa. Natapos na ang 20 days araw
na ng graduation ng CAT sa summer training. Tinawag na ni Sir Marfori isa-isa ang mga umatend kung
saan position sila mapapalagay hanggang sa dalawa nalang kaming natira ni Aquino. Napunta sya sa
position ng X-O na corps-conmmander. Tapos sa corps-commander ako. Super saya ko kasi di ko naman
inaasahan na sa posisyong iyon ako mapupunta. Natapos na summer training at malapit na din ang
pasukan. First day of school na ulit forth year na kami. Nakakpanibago kasi lagi kong kasama ang mga
kaofficer ko pero hindi kami magkaksection at sa pag kakataon ito ay tumaas na ulit ang section ko.
Npunta kami ni jeverly sa section B at dahil bago na din ang principal nagbago na din ang pamamalakad
sa school mas mahigpit pero makikita mo ang pag unlad ng school. Tinawag na 4-blake ang aming
section. Sa Pagsisimula ng taong ito mas nagging kaclose ko pa si JR Torres volunteer din sya dati dito
kaso nagquit na.

sa nuvali kasama si jr !!


JS PROM 2012



He is my friend. Lagi ko syang nakakakulitan. Liging nag aagawan ng panyo at
nakaksama din sya sa paggagala. Tapos nanligaw sya. At first ayaw ko pa maniwala kasi kala ko joke lang
pero totoo pala. Then nagging kami noon July 22 2011. Saya na ata ang first love ko. Madalas ko sayng
kasabay noon pag uwi. Naikot ng ovl tapos tambay ng oval. Then first monthsary naming noon I give him
a card with key chain na guitar. Tapos binigyan nya ko ng staff toy. Pinangalanan ko ng Jherell (pinagmix
na pangalan naming dalawa). After 20 days he broke up with me maskit kasi mahal ko na tapos bigla
namang nawala. Pero nakaksabay ko pa din sya pag uwi. Naging kami ulit sept.22 2011. Nasa oval
kaming dalawa ng I say yes again. Super saya. Then I meet his family. Pumunta kaming SM. Tapos
naglaro kami sa WOF. Lahat sila mabait. Then kasama pa rin nila ako papuntang Memorial para basitahin
nila yung puntod. Pagkatapos non pumunta kaming bayan. Sa UNO bumili sila ng pang exchange gift.
After that I go home. Christmas party na super saya kasi andaming activities ang bawat seksyon. Tapos
banigyan ako ng gift ni JR ang cute jacket color black. Month of Feb. 14-15 magkakaroon dawn g JS
Prom. Sumali ako kagaya ng dati lagging late. Pero umabot naman Madami nagsayaw sa akin. Pero
pinakamemorable nung sinayaw nya ko. Pan 8 dance ko si JR tapos sya din ang last dance ko I won’t
forget that day. Siguro last na din yon. Feb. 22 2012. Nakipagbreak ako sa kanya. Tapos sabi na lang nya
OK with a smiling face. Parang wala lang sa kanya. Ang sakit!!!!! Sobra. Mahal na mahal ko pa sya tapos
ganun lang reaksyon nya. Noon lko lang nafeel yun ganun kasakit. Tapos banilik pa nya sa akin lahat ng
ibinigay ko sa kanya. Kaya napilitan din ako na ibigay lahat ng ibinigay nya. Buti na lang may mga friends
ako na napaglalabasan ko ng sama ng loob. Pero noong time na malaman ko na may GF na ulit sya masd
masakitb yon para bang gumuho ulit ang mundo ko. Kahit bestfriend ko na sya mas lalo lang sumasakit.
Lalo na pag nakikita ko sya with other girls. Hanggang ngayon di pa din ak nakaka “move on”…….


OFFICERS 2012 ;)




Ang Talambuhay ni Kimberly Joyce Griño Espeña







noong bininyagan ako .. 
                 Ako ay si Kimberly Joyce Griño Espeña na ipinanganak noong ika sampu ng Hulyo taong isang libo't Siyam na raan siyam na pu't anim. Ako ay ipinanganak sa Guadalupe II, San Pablo City Laguna.
            Ang ina ko ay si Esperanza G. Espeña na isang maalaga at mabuting ilaw ng tahanan at ang aking ama naman ay si Joseph G. Espeña na isang construction worker.Mayroon akong lima na kapatid na sina Christine Joy G. Espeña ang panganay sa aming magkakapatid na ngayon ay dalawampu't dalawang taong gulang na,ang pangalawa ay si Jopher G. Espeña na dalawampung taong gulang na,ang pang apat na sumunod sa akin ay si Justine G. Espeña na labing tatlong taong gulang na,si Clarence Jane G. Espeña na labing dalawang taong gulang na at ang aming bunso na si Angel G. Espeña na dapat ay limang taong gulang na sana kung hindi siya pumanaw ng siya ay walong buwan pa lamang.
          


ako at si lola !
                             Noong bata pa ako ay palipat lipat kaming tirahan ngunit ng ako'y mag grade two na ay nagkaroon na kami ng sarili naming tirahan. Noong ako ay pumasok nang kinder ay marami akong naging kaibigan. Lagi akong sinusundo ng aking mama sa school. Hindi ko makakalimutan na ako ang naging 1st honor noong kinder at nangunang kumanta ng aming graduation song na "We are the Children". Nang ako ay nasa elementarya na ay marami pa rin akong nakilala na bagong mga kaibigan at doon ko nakilala si Kimberly Esteban na naging aking best friend noong elementarya. Ang amin namang teacher noong grade one ay si Mrs. Socorro E. Brion na para sa akin ay ang pinakamabait na guro sa Guadalupe Elementary School. Ang aming samahan ng teacher namin ng grade one ay nabago dahil sa nagbuntis siya at kailangan niyang umalis muna ng ilang buwan.Napalitan naman siya ng isang teacher na kabaligtaran niya ang ugali. Sobrang taray nito kagi kaming napapalo sa kamay pag walang takdang aralin. Naalala ko din noon ang kaklase ko na kinuha ang aking lapis na binigay sa akin ng aking ama. Nakakatwang isipin na sa pagkabata namin ay ganon kababaw ang pinagaawayan namin.
         

girlscout camping ....
           Noong ako naman ay mag grade two na ay naging teacher namin si Mrs. Alcos na ubod ng taray ngunit mabait, medyo matanda na siya at walang asawa. Hindi ko naman malilimutan nang isang araw ay nagpasa kami ng notebook at napagalitan niya ako dahil sa magulo ang aking sulat sa aking notebook na puro bura. Umiyak talaga ako sa harap niya dahil sobrang pagkagalit niya sa akin. Ngunit kahit ganon ngayon pag nakikita niya ako ay lagi niya akong binabati at kinakamusta.ang sayang isipin na kilala pa niya ako hanggang ngayon. Hindi ko rin malilimutan ang salitang binitiwanniya sa amin na " kung ikaw ay hindi pinapalo o pinapagalitan ng iyong magulang ay hindi ka nito mahal ". Tama naman siya dahil kung ikaw ay pinababayaan lamang ng iyong magulang ay di ka mahal nito. At naiintindihan ko din na kung bakit ako pinapagalitan ng aking mga magulang dahil gusto nilang matuwid ang ating pagkakamali. Nakilala ko din ang naging close friend ko noon na si Ian. Lagi kaming naglalaro noon kahit may klase at naging crush ko din siya noon, nakilala ko din sina Jenny at Sunshine na naging kacloseko din noon.
            Nang ako naman ay mag grade three ay naging teacher ko ulit si Mrs. Brion at ang aking kaibigan na si Michelle Veneracion na mabait at maganda. Lagi din kami noon naglalaro sa school pagkatapos ng klase.Nang ako naman ay maggrade four ay natutunan ko ang manahi.Naalala ko din noon na matanggal ang kawit ng aking palda ko at bigla itong nahubad sa gitna. Buti nalamang at may short ako at wala ng tao sa silid aralan namin. Nagpasalamat din ako noon dahil may dala akong panahi dahil sa aming pinagaaralan sa school. Naalala ko din noon na sinbihan ako ni Mrs Enya Gonzalvo teacher namin noon sa grade four na sobrang pangit daw ng sulat ko, para daw kinaykay ng manok ang sulst ko sa formal theme.
         

San Gabriel intramurals ...
           Noong ako naman ay mag grade five ay maraming umalis na estudyante sa school namin at nag transfer sa ibang school . Ngunit kahit ganoon mayroon namang napalit na bagong lipat na estudyante sa aming school. Noong matatapos na ang pagpasok ko sa grade five ay may nangyari namang hindi ko inaasahan at hindi ko malilimutan,namatay ang aking Ina noong Marso Ikadalawangput apat noong taong dalawang libo't pito hindi ako makapaniwala at di ko rin matanggap yon. noong mamatay siya ay kasama niya ang aking kapatid na si Angel walong buwan palamang siya sa tyan ng aking Ina.sabi nang aking mga tita na di na niya ito kinaya. Sabi ng aking mga Tita ay pinagsabihan na daw ng doktor ang aking ina na hindi na pweding magbuntis dahil mahihirapan na sya sa pagbubuntis pero dahil mahal niya ang bunso kong kapatid itinuloy pa rin niya kahit pa sinabihan na siya ng doktor na pumili na sa kanilang dalawa pero pinli parin niya ang aking kapatid kayat ngayon magkasama na sila sa heaven. Nakakalungkot lang isipin na naulila kami ng hindi handa at mga bat pa kami.
       

GRADUATE NA AKO !
                 Nang mag grade six na ako ay hindi ako naging masaya dahil ang aking mga kaklase ay lagi akong inaaway,inaasar ng hindi ko naman alam kung bakit. yun ang baitang na pinaka pangit kong naranasan,noon ang teacher ko ay si Mrs, sheryl Perez na naging mabait naman sa akin,noon ghosto kung pabilisin ang oras para maka graduate na dahil sa araw araw na pumapasok ako ay lagi nila akong inaaway, at dumating na nga ang araw at sa wakas ay naka graduate din ako, pero kahit ganon parte parin sila ng buhay ko at di ako matutung  lumaban kung hindi dahil sa kanila,
           Noong ako ay nag enroll na sa col. Lauro D. Dizon Memorial national Highschool ay madami ako nakilala at naging kaibigan. Ang una kong naging kaibigan ay si Liezl Agozar. Kami lagi noon ang magkasama. Hanggang sa nakilala na namin si Jhy Marie Bueno at Princess Pepito. Noong nag ayos na ng upuanay nakatabi ko si Anna Marie C. Delos Reyes na naging best friend ko hanggang ngayon. Ang una kong impresyon sa kanya ay siya ay suplada at mataray pero habang tumatagal ay nakilala ko na siya.
      

ako at si insan ..  
           Noong ako naman ay maging second Year highschool ay kaklase ko parin siya at nadadagdagan kami sina Shairalyn Manalo at May ann Dalisay na naging best friend ko din.Lagi kaming magkakasama madami kaming mga pictures noon. Hindi ko rin malilimutan ang aming adviser na si Mrs. Delmina Baylon at ang aming math teacher na si Mr.Hernani Ang na tinatawag naming "daddy" dahil parang tatay na namin siya.
          Noong nag third year highschool na ako ay halos lahat ng kaklase ko ay naging kaclose ko, kakulitan at kaasaran. Tawanan habang nagkaklase at nakikipagbiruan sa aming mga teacher pag hindi oras ng klase. Noon ko din naranasan ang pakiramdam na sobrang excited ng kami'y mag JS. Umaga na kami nakauwi noon.Ang tema noon ay hawaiian kaya kami ay nakabulaklakang damit. At ng matapos na kami ng third year highschool ay nalaman naming kaming tatlo na lamangang magkakasama, napahiwalwy simay ann at napunta sa ibang section. 
          Nang pumasok kami ng fourth year ay nalaman namin na iba na ang punong guro sa aming eskwelahan at iyon ay si Mrs. Cristeta Uy. At simula noon ay marami ng magagandang pagbabagong naganap sa aming school. Ang section namin ay IV B at ang adviser namin ay si Mr. Romualdo Vasquez. Nang dumating ang buwan ng Hulyo ay nag lipat na kami ng room at  naging IV BLAKE na aming section. Doon nabuo ang magagandang alaala at mga kaibigan at mga katawanan. Nagkaroon ng mga bagong kaibigan.Naging guro din namin si Mrs. Banzuela na sobrang bait sa amin.
      

.. friendship :)
    Noong taon na iyon ay nagkaroon ng mga bagong patakaran. Nagkaroon ng gwardya, nagkaroon ng sariling building ang bawat year level, wala na din masyadong bata na nagdadrop o tumitigil sa pag aaral. Wala na din masyadong bata na nagpupunta sa iba't ibang lugar sa oras ng klase . Naging memorable din ang intramurals namin dahil pati mga teachers namin ay naglaro din ng volleyball at kung anu ano pang mga laro. Naglaro din ang bawat players ng bawat laro sa bawat year level. Pati ang aming punong guro ay siyang siya sa paglalaro at siya ay isng magaling na punong guro na sobrang suportive pa sa mga estudyante. 
          Nasng sumapit na ang dalawang libo't labing dalawa ay naramdaman na namin ang bilis ng araw. Sumapit na ang Pebrero at nag JS kami> Para sa akin ay iyon ang hindi ko malilimutan na JS prom.
          At ngayon nalalpit na ang aming pagtatapos. Bawat araw ay sinusulit ko para makasama ang aking mga kaibigan. Ito ang lebel sa highschool na hinding hindi ko malilimutan.  

ang talambuhay ni Charles Elrain C. Duran




Ako si Charles Elrain Catipon Duran, 18 years old. ipinanganak noong Sept. 19, 1993 sa Doctors hospital. Naka tira sa brgy. Concepcion San Pablo City.





Total nag pa kilala na din naman ako, hayaan nyong ilarawan ko kung sino ba si Charles Elrain catipon duran o si “cheloy”.


Maraming nag sasabing suplado ako, mayabang, walang pake alam sa mundo, trouble maker o kursunadahen, tamad, lagging tulog at maraming pang negative attitude. Ok lang saken ang sabihin saken ang mga bagay na un. Sabi ko nga noon sa mga nag sasabi saken ng mga bagay nay an. “you know my name but not my story.” Which is true.  Kaya bago mo ako husgahan mas maganda kung kilalanin mo ako. Inaamin ko suplado ako pero un ay kung hindi pa tayo close, friendly akong tao at kung sino man ang gusto akong maging kaibigan ay gusto ko din. “mayabang ako” tama yon. Pero lahat ng taong nabubuhay sa mudong ito kailangan ng yabang at tapang, dahil kung wala ka nito ay mamaliitin ka at aapak apakan ka ng mga taong nasa paligid mo. Kursunadahen ako dahil marami ngang nag sasabing mayabang ako. Inaamin ko din na gago ako pag dating sa pag aaral ngunit ito ay noong napapasok ako sa  
SPC ( San Pablo Colleges) at doon ay marami akong pag kakamaling nagawa. Natuto akong manloko ng mga tao lalung lalu na ang aking pamilya. Ngunit pinipilit kong itama ang  mga nagawa kong pag kakamali. Sa pamamagitan ng aking pag aaral muli sa aking bagong eskwelahan na Col. Lauro D. Dizon MNHS. Dito ay pinipilit kong makatapos ng 4th year high school kahit na marami akong pag kukulang tulad ng ndi pag pasok dahil nag karoon ako ng sakit na “insomnia” pero kahit na kulang ako sa pag tulog ay pinipilit ko pa ding makapasok para hindi ko na muling mabigo ang aking ama sa kanyang pangarap para sakin.

    
Hayaan nyong ipakilala ko ang myembro ng aking pamilya.ü


Ito ang aking mama! Ang pangalan nya ay Cecile Catipon duran. At syempre ako yung cute nacute na baby. hehehe.
Sya ay 45 years old at mag 46 na sa darating na aug. 16 2012. Sya ay 11 years ng wala sa aming piling dahil sya ay pumanaw noong January 21 2001. Sya ay namatay dahil sa aksidente. Nabunggo sya ng isang tricycle sa may tapat ng lianas. Mahirap man tanggapin ngunit kailangan naming tanggapin ang katotohanan at sakit na wala na ang aming mama.
        
Ganon pa man alam naming nandyan lamang sya sa tabi naming at alam kong hindi nya kame pababayaan.
 




Ito naman ang aking papa. Sya ay nasa ibang bansa. Medyo may katandaan na sa picture pero bagets padin ang ugali. Para syang hindi lang sya tatay kundi kapatid, barkada, at best friend naming mag kakapatid. Nag iisa syang nag tatagutod sa aming tatlong mag kakaparid. Tinitiis nya ang hirap sa ibang bansa. Mahirap man na wala sya sa aming tabi.




Eto nman ang kuya kong si Chester edrain catipon duran.sya ay mag dalwangput isa sa darating na April 4 1991
Sya ang nag sisilbing nanay at tatay samen 3ng mag kakapatid habang wala ang papa..









Eto naman ang pinaka mamahal naming bunsong kapatid. Sya ay si
Checile Enrain Catipon duran. Kameng 2 ang mag kaclose na mag kaclose sa lahat ng bagay. Sabi nila kaya daw ganun dahil pinag sama ang pusod naming 2 at isinabit sa may labas ng pinto ng bahay.





Eto kami noong mga bata pa kame. Kinunan ito noon sa bahay namin sa wawa. Tandang tanda ko ito. Dahil ito ay dispiras ng pasko. At hinihintay namen si SANTA CLOUS para sa mga rigalo naming 3 . 
Mag shashare lang ako sa aming mga nakaraang mag kakapatid noong bata pa kame.

Lagi kameng nag aaway ng kuya dahil sa mga laruan naming 2 dahil mag kakamuka ito. Lagi kameng nag aagawan dahil napapag kamalan naming ang laruang nilalaro ng kuya ko ay aken.
At pag nakita na ako ng bunso naming kapatid na umiiyak na at natatalo sa kuya ko ay tutulungan nya ako at makikisabay sa pag iyak saken. Dahil naawa daw sya saken. Noon nababaduyan ako pag ganun ang ginagawa ng bunso kong kapatid pero ngaun ko lang narealize na ganun pala talaga pag mahal nyo ang isat isa doon ay pinapatunayan nyang mahal na mahal nya talaga ang nya ako.
Noong mga bata pa kami ako ang napapag kamalang bunso sa aming mag kakapatid dahil napaka liit ko daw at tinatawag ako ng mga kabarkada ng tatay at nanay ko ng bantam.dahil napakaliit ko daw noon.


 


Eto ang mga litrato upang o pruweba kung gaano kame kadikit ng bunso kong kapatid

Ganyan ang trip namen lagi sa tuwing singga ang aming pahed. Naalala ko na tuwing may taupan sa aming brgy. Lagi kame ang mag kapartner pag sya ang kinukuwang reyna. Kaya ang ibang hindi nakakakilala samen ay napag kamalan kameng mag bf at mag gf. Dahil ang sweet namen sa isat isa. Maraming naainggit samen ng kapatid ko. Sinasabi nila na sana ako nalang ang kuya nila, na sana sya nalang daw kapatid nila, at madaming nag sasabi na sana ganan din kame ng kapatid ko. Ang masasabi ko lang sa kanila ganan talaga pag talagang solid kayong mag kakapatid. 

Close din naman kame ng kuya ko. Lalu na ngayong wala ang aming mga magulang. Nag simula ito nun pinaka malalang away namen ng kuya ko. Dun ko napatunayan na totoo pala ang mga sinasabi ng mga tropa ko na mas magiging solid at mas malalim ang inyong pag sasamahan pag nang yare sa inyo ung sitwasyon na talagang nag mamanomano na kayo ng kapatid nyo. Yung away na un ay noon pang 2010 at hindi na muling nasundan. Hindi ko sinasabing gayahin ang ginagawa naming ng kuya ko nais ko lang mai share ang mga nagging karanasan naming ng kuya ko.





eto ung pic namen ng mama ko nung grumaduate ako noong kinder. Naalala ko itong pic. Na to pag katatapos ng aming graduation excited na excited akong umuwi para ipakita sa mga lolo, lola, tito, tita, mga kapatid at sa aking papa dahil alam kong proud na proud sla sa aken. At syempre para maipakita ang aking medalyang natanggap bilang 1st  honor sa aming klase at para Makita na ang mga laruan na bagobilang rigalo saken ng mga kamag anak kong nag hihintay sa bahay naming.






Eto naman ang pic ko noong naka graduate ako ng elementarya, wala man akong sabit noon o award masayang masaya ako dahil unti unti kong na aabot ang pangarap ko at ang pangarap ng tatay ko para saakin.                                      Konting share ulit tungkol sa litratong ito! Hahah! Ito ay trip ng lang ng aking papa na mag shades ako pag akyat sa stage at ang nakakagulat don! Pag abot saken ng diploma ko akalin mong may mga sumigaw sa kaliwang parte ng gymnasium at yon ay ang aking mga nakasama sa track n’ field. At dahil nga sa mga sigaw ng mga yon ay nilakasan ko din ang trip ko at nag suot ako ng shades. J









At pag nung katapos ng elementary ay pumasok ako sa liceo de san Pablo. At doon ay naging masaya ang  una at pangalawa kong taon. At sa aking pag pasok ng 3rd year ay doon ako nasira sa aming mga guro dahil napasali ako sa FRATERNITY na SRB. Ndi koi to ginusto ngunit pinilit ako ng aking pinsan. Kayat napasali din ako at dahil sa pag Sali namen doon ay napaalis kame sa liceo








Kayat napapasok ako sa 4th year sa pinakang ayokong school at yon ay ang spc    o ang San Pablo Colleges. At dito ay talagang  napasama ang ugali ko dahil sa mga nakabarkada ko d2. Kayat hindi ako naka graduate ng dalwang taon. Dahil dito sa school na ito ay madami akong natutunang hindi magandang asal at gawa. Dito ay natuto akong manigarilyo. Mag inom at gumamit ng tinatawag nilang marijuana.




At noong na drop muli ako sa pangalawang pag kakataon sa SPC ay may nakilala akong pani bagong grupo at yon ay ang Bond Of Love na kinabibilangan ng aking papa. Dito sa grupong ito ay muli nilang ipinakilala kung sino ba ang dyos. at dahil dito ay nabuksan ang aking isip na at muling mag balik sa panginoon.at hindi nag tagal ay naibalik ko ang tiwala ng aking ama at dahil doon ay pinapasok nya akong muli.





Pinilit kong maka pasok sa Col. Lauro D. dizon memorial national high school kahit ayaw ng tatay kong pumasok ako sa public na tulad ng school na ito. Ngunit kahit ayaw nila ay wala silang nagawa dahil nakapag enroll na ko sa tulong ng aking kaibigan.

Dito sa school na ito ay nakamit ko ang aking pangarap na maka pag tanghal sa harap ng mga school mates ko.
Napasali ako sa TIKLAD masaya ako dahil kahit papaano ay nakasayaw ako kahit 2ng beses lamang sa grupong ito. At dahil sa grupong ito ay nag karoon ako ng pani bagong mga kabarkada sa dizon.




 Hindi nag tagal ay umalis ako sa tiklad dahil naging busy at napasali ako sa  mr. and ms. Intrams at doon ay nanalo ako ng 1st runner up at ang aking mga kabrada naming si bea ang naka sungkit ng best in sports wear at si joe naman ay nakasungkit din ng 2nd runner up.






At hindi pa don nag tatapos ang mgagandang araw ko sa dizon dahil napasali din ako sa mr. and ms. Dizon. Hindi ko lubos na maisip na nakasali ako sa mga ganitong bigating pageant na hinalintulad ng sa mga pageant na katulad ng mga lakan at mutya. Masayang masaya ako dahil naka pagmodel ako at naka kanta sa SM San Pablo na kahit medyo naging palpak ang aking talent doon ay masaya ako dahil hindi lahat ay nabibiyaan na makapag tanghal doon.




At para sa huling parte ng aking talambuhay ipapakilala ko muna ang mga taong mahahalaga sa buhay ko dahil sia ay napakaaking parte ng aking buhay.




Eto ang pasaya kong mga kabarkada. Hindi ko sila tinuturing na barkada dahil sila ay aking pamilya maraming naiingit sa aming samahan dahil ang barkadahan sa mga panahon ngayon ay puro inuman. Pero sa amin gumigimik kame ng walang usapang alak. Dahil doon ay tinawag naming ang aming samahan na enjoii family.



Sya si ate nida pero ang tawag naming ay aya. Sya ang aming katulong katulong na mahilig mag utos. Hahaha.. Mahal na mahal naming tatlong mag kakapatid si aya. Sya ay tinuturing na naming myembro n gaming pamilya dahil bata palang kami ay sya na ang kasa kasama naming noon. Masasabi kong mabait syang tao dahil hindi sya nang iiwansa ere. Tuwing lumalayas ako sa aming bahay ay sa kanya ako tumatakbo. Sabi ng kuya ko ako daw ang paborito ni aya kase tuwing humihingi ako ng pera o tulong ay hindi sya humihindi saakin. Kahit wala syang pera gumagawa sya ng paraan para mabigyan ako. Dahil ganun nya ako kamahal.




Eto naman si ang pinsan kong si ate mea but I used to call her MACAPUNO. Nauso ang macapuno dahil sa sobrang ka sweetan naming ay napapagkamalan ng ibang taong GF ko sya. Naalala ko noong bata pa ako at sa wawa pa kami nakatira sya lang ang lagi kong kausap. Kapag sumpong ako sya lang kinakausap ko. Noong bata ako hindi ako pala imik wala akong iniimikan dahil mahiyain ako noon pero pag sya ang kumakausap saken walang humpay ang tawanan namin. Hindi din ako kumakaen ng hindi sya ang kasabay ko. At wala hindi kami nahihiyang mag sabihan ng I LOVE YOU sa harap ng madaming tao. Lagi kaming holding hands pag kami ay nag lalakad lalu na pag may nakaka salubong kaming magaganda at gwapo dahil ayaw naming may lumalapit na iba samin. Ganyan kaming ka solid ng aking pinsan.