Lunes, Marso 12, 2012

TALAMBUHAY ni Jamielyn Javier




          Ako si Jamielyn Amante Javier.Ako ay ipinanganak noong ika-30 ng Agosto taong 1995.Ako ay isang babae.Ako ay labing isang taong gulang na.Ako ay nagaaral sa Col.Dizon sa ikaapat na pangkat.Kame ay binubuo ng anim na miyembro.Ang aking ina ay si Marilyn Javier.Siya ay ang nagaalaga sa aming lahat,siya rin ang nagaayos ng mng pangangailangan namin.Siya rin ang bahala sa pagbubudget sa mga kailangan bilhin sa bahay.si mama rin ang nakakaalam sa lahat ng bagay na nakapalibot sa amin.Proud ako na naging mama ko siya.kasi mabait at mapagmahal pa.Ang aking ama naman ay si Jaime Eilaga Javier.Siya ay isang machinist ng isang shop dito sa San Pablo.Siya ang namamahala sa aming pangaraw-araw na gastusin at pagkain.Wala na akong gusto pang maging ama kasi nasa kanya na ang lahat.mabait at masipag siya.Lahat gagawin niya para sa amin.Ako at may tatlong pang kapatid.Ito ay sina Mark James labing apat taong gulang na nagaaral sa paaralan ng Col.Dizon na nasa ikatlong pangkat sa sekondarya,gayun din ang pangatlo kong kapatid na si Marie Jame labing tatlong gulang na nasa ikaunang pangkat sa sekondarya,at ang bunso kong kapatid ay si Jarilyn siya ay apat na taong gulang na nagaaral sa Day Care Center.
        Simple lang ang pamumuhay namin.Masaya na kami sa kung anung meron kami.Ang mahalaga sa amin ay sama-sama kaming lahat.Ok lang samin kung wala kami ng nga bagay-bagay.
         Ito ako noong bininyagan ako sa Cathedral Church ditto sa san Pablo.Kasama ang mga magiging pangalawang ina at ama ko.Lahat sila masaya na nabinyagan na ko.
ako at ang pinsan ko
         Ito na ako noong isang taong gulang pa lamang ako.Sabe nila masayahing bata daw ako na nakakapagpaligaya sa mga kaanak ko na nagaalaga sa akin.Sabi nila noong ganito pa lamang ako masarap daw akong alagaan ngunit ngayong lumaki na ay hindi na.Sa mga panahon na ganito ako kalaki tanda ko pang lagi akong karga ng aking ina.Lagi kong kasama ito kahit saan.Mahilig akong makisama sa lahat.Sana ganito nalang ako para mas masarap sa pakiramdam.Lalo na at inaalagaan ka at mas minamahal pa.Sa edad kong ito naranasan ko ang maging special sa lahat yung bang para kang bread winner para sa kanila.
          Ito na ako noong bata na ako na laging nasa labas na aming bahay.Masaya na akong naglalaro sa mga ka-edad ko kong ito.Nakikisalamuha na din ako sa iba pang tao bukod sa mga kapamilya ko.Natatandaan ko pa na napaka arte ko noong bata ako.Kasi mahilig ako sa mga larong make-upan.Dito nakakapaglaro ako sa mga pinsan ko.Kasama ko sila sa bahay.Araw-araw kame na magkakasama.Kahit saan magpunta kasama ako.Kameng magpipinsan minsan di nawawala ang inggitan.Kasi pano ba naman minsan may nangiiwan kaya nakakainis din.Ako pa naman yung laging naiiwan.
           Ito naman ako noong ika-anim na taong gulang na ako.Napasok na ako sa school na mga panahong ito.Malapit lang naman ito sa amin.Pero lagi pa rin akong inahahatid na mama at sinusundo sa school.Noong mga araw na ito marame akong mga natutunan.Natutu akong magsulat,bumasa.Nga pala ito ay sa San Pablo Central School (Kinder Garden).Ako ay nasa section Mickey Mouse ako noon.Grabe ang saya ng mga panahong ito.Kasi madame akong naging mga kalaro/tapos ang saya pang mag-aral at puro mga activities sa aming school.Grabe enjoy na enjoy ko.Kahit noon ay hindi ko pa masyadong alam.Lalo na yung mga ginagawa ako noon.Nakatapos ako noon sa kinder.
            Nakapag-grade one na ako.Nagkaron na naman ako ng marame pang kaibigan.Minsan pagkasama ko mga kaklase ko ang saya-saya ko ng nakikipaglaro.Tanda ko pa noon na nagklaron kamr ng film showing noon sa cinehan kasama ko noon si mama.makulit ako na gusto ko ng umuwi kasi di ko gusto ang palabas.Syemre bata pa naman ako noon kaya di ko pa alam kung ano nga yun.Pag nasa school kame nina mama di ko maiiwasang hindi bumili ng ice cream noon kasi yun ang pinaka favorite ko.Pag recess na pumipila kame sa cantin kahit mahaba ang pila talagang nakikipagsiksikan ako para makabile ako agad.Pagkabalik sa room makikipag laro na ko sa mga kaklase ko.Saya nito kasi lahat napagdaan ko.Hindi ako pinagbawalan ni mama.Hinayaan lang niya ako.Basta baa lam lang niya kung ano ang ginagawa ko.
           Grade five na ko.Doon nagkaroon ng mga crushes sa room at sa school.Infairness lahat sila gwapo ha.Pero anyway masaya ako dahil nalampasan ko ang lahat ng mga pagsubok.Sa mga oras nay un talagang ineenjoy ko.kahit medyo nakaka stress ito.Kasi nadedevelop na ako.Sa emotional maraming kakaiba.Sobrang naglelevel-up ako.Alam mo yung feeling na naiinlove ka na pala.Anyway sabi nga nila pati ng mga teacher ko bata pa puppy love lng daw un.Tutok ang mga teacher namin sa amin kasi alam nilang iba na yung stage naming.Gusto kasi nala na talagang may matutunan kami.At gusto din nila na malaman kung papasa sa grade six.Napaka dameng happenings ng mga panahong ito.Kasi gala kung saan kasama mga kaklase kahit saan.Nagkaroon ng bonggang xmas party noon.Lahat kasale.Ay lalo na noong valentines nagpalaro ang teacher namin grabe tu da max ang saya noon.
grade six ako
            Eto na ang pinakaiintay ko.Ang mag-grade six ako.Kasi para matapos ko na ang elementarya.Iba-iba na naman ang mga nakilala ko.Iba na naman ang naging mga best friends ko.Mas masaya to kumpara sa ibang grade level ko.Kasi ditto dameng mga party na naganap din.Araw-araw di nawawala sa aming magkakaklase ang mamasyal sa ibat ibang building ng central.Kalagitnaan na ng taon nafifil ko na ang simuy ng gagraduate.Sa wakas eto na nga.Gagraduate na ko nakatapos na naman ako.Masaya na naman ako pero may halong lungkot kase maiiwan ko mga kaklase ko at mamimis sila.Kung saan saan sila pumasok kaya kame nagkahiwahiwalay.Graduation day na lahat kame masaya.May nakaiyakan pa nga ay syempre kasama no ako doon. Nakalipas ang mahigit dalawang buwan.Kasi gawa ng bakasyon na.Walang ginagawa sa bahay.NAnunuod lang at nagaalaga ng maliit na kapatid.
2nd yr h.s
          Ang high school life ko ay walang katumbas.Sobrang saya.Punong puno ng mga happenings mula first year pa.Nagsimula sa mga concert sa loob ng school namen.Second year ako nakilala ko ang bhest friend ko na si edeliza.siya ang kasama ko lage kapag may pinupuntahan ako.Siya na ang wonder bhest friend ko.Swerte ako ng nakilala ko si ede.para ko na rin syang kapatid.minsan nga parang kambal pa kame.May mga barkada din ako na nakilala pa.
          Ang pinaka memorable sa akin ay noong mula third year ako bukod sa kasama ko si ede syempre nakilala ko ang boyfriend ko na si Christianly Lor.Nabuo din samahan naming na JHEKGS FAMILY.Sila ung lage kong kasama.Madame na kameng mga pinagsamahan.Magjj.s na kame.excited na kame kasi una naming ito.Grabe inabot na ng umaga akala ko hindi totoo un.Pero kahit ganun masaya pa rin.Kahit kame kame lng ang magkakasama.
4th yr na ko
          Fourth year na ko ito mas maraming mga gimik kung tawagin.Kasi bago ang aming Principal.Simula noon marame ng nagbago.Sa pamumuno naging mas maganda.Lalong naging nadisiplina ang mga estudyante.Sa mga concert naman busog na busog kame kase sunod-sunod.Kasama ko lage ang tropa ko ang JHEGKZ FAMILY pati ang aking boyfriend.Panay ang masasayang araw na kasama ko silang lahat.Hindi ako nagsawa.
           Nagj.s na naman kame kasama ko na ang bf ko.Masya kahit na kame lang yung magkasama kahit na nakaupo lang.sobrang saya ko pero nalulungkot kasi maiiwan ko siya.Mga barkada ko masaya din kasi buo kame.Salawan sa pagkaen pati sa pagsayaw.
Magtatapos na ko.May maiiwan ako pero gayun pa man.Alam naman niyang lage naman akong nasa tabe nya kahit anung oras.Tutulugan ko sya sa lahat ng pagkakataon.Masaya ako na makakatapos na ako.Gagawin ko na ang lahat para makatulong sa mga magulang ko.Para naman makabawe ako sa mga panahong sila ang naghirap sa akin.Salamat sa aking mga magulang na laging naandyan.Salamat din sa mga kaibigan ko na laging andyan pag may mga problema.

-------WAKAS------

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento