Sabado, Marso 10, 2012

Ang Talambuhay ni Jeverly Calabia

Ang Family Picture ng aking ina .
Si Vergie Reyes Calabia ang aking ina. Anak nina Angelina Exconde Reyes at Victor Caperinia Reyes , hindi sila malaki at mayamang pamilya tatlong magkakapatid ang aking ina , siya ang panganay sinundan ng aking tiya si Rosalie Reyes Susano at ang bunso si tiyo Joseph Exconde Reyes. Nanirahan sila sa Brgy. Sto. Angel San Pablo City.Sa Elementaryang Paaralan ng kanilanh brgy. nagtapos anh aking ina ng elementarya at nag secondarya naman sa" San Pablo City National School of Arts and Trade" dun sila nagkakilala ng aking ama'ng si Jefferson Ligaya Calabia na anak naman ni Flordelisa Frayle Calabia at Danilo Bilbao Calabia .


 Gaya ng aking ina hindi din sila malaki at mayamang pamilya dalawa lang sila magkapatid.Ang aking ama ang panganay at ang bunso ay ang tiyahin kong si Marjorie Calabia Ceradoy. Ngunit hindi sila magkasama lumaki ng aking tiyahin, sa kadahilanan nagkahiwalay ang lolo at lola ko nung ang aking ama at tiyahin ay mga bata pa lamang . Kaya naman palipat-lipat ng paaralan na pinapasukan ang aking ama nuong siya ay elementarya at secondarya pa lamang at ng siya ay nag kolehiyo sa ina ng ama niya siya tumira sa Sto.Cristo,
Ang kasal ng aking ama at ina.

 kaya naman sa LSPU siya nakapag aral kolehiyo sya noon sa LSPU at nasa ikaapat na taon sa sekondarya naman ang aking ina . Dahil sa parehas sila ng paaralang pinapasukan nagkakilala sila, naging magkaibigan at nagkaibigan .

bininyagan ako sa simbahang Aglipay.






Hanggang sila ay magpakasal noong ika-15 ng hulyo taong 1995 nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nagkaroon sila ng tatlong anak. Ako ang panganay. Ako si Jeverly Reyes Calabia at ipinanganak ako noong ika 9:45 ng umaga ika 10 ng Marso taoong 1996 sa Brgy.Sto.Angel San Pablo City at bininyagan ako noong ika-25 ng Mayo taong 1996 ,
 may dalwa akong nakakabatang kapatid na nagngangalang Angelica Reyes Calabia at ang bunso si Terence Raphael Reyes Calabia .Sa kasalukuyan akoy labing-anim na taoon pa lamang ang sumunod saakin ay labing-apat na taon at ang bunso ay isang taon pa lamang. Sa kadahilanan magkasunod ang pagsilang sa amin ng aking kapatid ang lolo at lola ko sa parte ng aking ina ang nag alaga saakin sa kanila ako tumira ,
Unang kaarawan ko.

 sa bahay nila sa Brgy.Sto.Angel San Pablo City hiwalay sa aking mga magulang dahil sa manila sila nanirahan kasama ang pangalawa kong kapatid, dahil naroon ang kanilang trabaho. Sa pangangalaga ng akina lolo at lola lumaki akong mabuti at nagsimulang mag-aral. Sa pamumuno ni Ginang Josie Esleta sa paaralang " Day Care Center" . Doon ako unang natuto magsulat ng aking pangalan , mag abakada gumamit ng krayola, magbilang , makisalamuha sa iba at makipag kaibigan 
Graduation nung Kinder .

at nung araw ng pagtatapos nakuha ko ang ika-apat na parangal. Masayang-masaya ako noon dahil alam kong masayang-masaya din ang aking mahal sa buhay lalong lao na ang aking lolo at lola na nag-alaga sa akin noon.Nag hahatid saakin sa aming silid-aralan , nag titiyagang mag bantay, handaan ako ng makakain at pagtyagaan akong suyuin pag akoy tinotopak at lalong-lalo na ang tulungan akong gumawa pag may takdang-aralin . Pero hindi don lang natapos ang lahat nag Elementarya na ako, pumasok ako ng elementarya sa paaralang elementarya sa aming brgy. Maging guro kong tagapayo sa unang baitang sa Gng. Nilda Uayan , lalo niyang nahubog ang aking mumunting kaalaman .
Ika-pitong kaarawan ko.

 Nung akoy nasa unang baitang natuto na akong mag-sulat hindi lamang ng aking pangalan may iba na din akong natutunan .Hindi na rin abakada lang aking alam basahin nadagdagan na rin pati ingles ay unti unti ko na rin natutunang basahin bumilang hanggang milyon o bilyon man ay kaya ko na din at ang hindi ko malilimutang naging aralin namin noon ay yung " problem solving" nahirapan ako doon pero sa bandang huli natutunan ko rin. Ng akoy tumuntong ng sa ikalawang baitang na si Gng. Arlene Lanuza na ang aking tagapayo . Narandaman ko noong hindi na katulad ng dati ang lahat , ginagabayan pa rin ako ng lola ko pag pasok ngunit hindi na tulad ng dati, dahil lumaki na daw ako kailangan ko ng matuto. Isinasakay na lang niya ko sa tricycle at ako na lang ang mag-isang napasok saaming paaralan . Nanatiling masaya ang aking ikalawang baitang sa elementarya mas marami na akong natutunan at mas marami na akong nagiging kaibigan at kalaro at sa bata ko pang edad naramdaman ko na ang paghanga sa aking lalaking kaklase noon , mabait kasi siya at masayang kalaro kaya naman humahanga ako sa kanya pero alam kong pahanga lang iyon dahil bata pa ako at hindi ko pa alam ang "LOVE" kung alam ko man pagmamahal lang iyon sa aking mga kapamilya . Nag ikatatlong baitang na ako at si Gng. De Guzman naman ang aking gurong taga payo marami din akong natutunan sa kanya at naging karanasan . Sumali pa ako noon sa" Search for Mr & Ms Sto. Angel" sa aming paaralan at nakuha ko noon ang unang parangal . Dahil doon mas nahubog ang aking personalidad hanggang akoy nag ika-apat na baitang sa pamumuno ni Gng. Belina , ikalima sa patnubay naman ni Gng. Arquiza at nag ika-anin na baitang sa pamumuno ni Gng. Dorado.Huling taon ko na sa elementarya at alam

Recognition Day nung gra
ko noon sa sarili ko na madami ng pinagbago,mas maramii na akong natutunan mga karanasang naranasan mga problemeng nasulusyonan at mga naging tapat na kaibigan.Sa araw ng aming pagpaparangal nakakuha ulet ako ng parangal " top student " masayang-masaya din ako noon at alam kong mas masaya ang aking pamilya noon sa akin. Ngunit noong hapon ayun na talaga ang oras ng aming pagtatapos nahuli ako at hindi ako naka pag martsya ngunit sa kabila noon naging masaya din naman dahil naabutan ko naman kunin ang aking diploma un nga lang di ako naihatid ng aking ama dahil nga sa nahuli kami ng dating.Bumuhos ang luha namin lahat noon kasabay ang malakas na buhos ng ulan ,dahil sa magkahalonh saya at lungkot na aming nararamdaman dahil magkakahiwa-hiwalay na kami.

Graduation nung grade 6.
Ang masasayang araw na magkakasama sa aming paaralan ay magiging isang napaka gandang ala-ala at katulad ng ibang nagsisipagtapos sobrang saya dahil alam namin na may maag bagong aral, karanasan at kaibigan nanaman , ang aming matututunan, mararanasan at makikilala sa bagong yugto ng aming buhay . Sekondarya na ako ngaun kaya naman kinuha na ako ng aking mga magulang sa lolo at lola ko sa San Pedro Sto. Tomas Batangas na sila nakatira kaya naman doon na ako papasok. Ayoko dahil mapapahiwalay ako sa lolo at lola ko at hindi ko iyon kaya pero wala akong magawa kasi ayon ang gusto ng aking ama at ina .Sinubukan kong pumasok don ng sekondarya ngunit hindi nagtagal dalawang linggo lang ay nagpalipat na ako dito sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool, dahil sa hindi ko talaga kayang malayo sa aking lolo at lola . Nang ako'y dito na napasok napa bilabg ako sa seksyong I-C nahirapan ako nung una dahil akoy nahuli ng mag-enroll pero hindi rin nagtagal nakahabol din naman ako at nasanay na rin sa mga bago konh kaklase , naging kaibigan ko na rin sila. Ang pagiging "highschool student" ay sadyang kakaiba di tulad sa elementarya. Mas marami dapat aralin at seryosohin hindi tulad nung elementarya na palaro-laro lamang .
nung kami'y nag florante at laura.

 Unang beses ko noong mag field demo at nasayahan akong gawin ito di nag tagal nag ikalawang antas na ako seksyon C parin . Florante at Laura ang hinding hindi ko malilimutang karanasan noon masaya ng karanasan iyon kasama ang aking mag naging kaibigan na at kaklase . Mang aawit ako noon , at dahil sa aming pagsisikap at pagtitiyagang pagbutihin pa ang aming ipriprisinta nakuha namin ang ikatatlong parangal . Masayang-masaya kami noon, dahil nasuklian ang aming pinaghirapan. Hanggang sa nag ikatatlong antas na ako seksyon C raen mas lalong naging masaya ang taong ito para saakin , dahil mas madaming natutunan at nadagdagan pa ang aking mga kaibigan at unang beses ko din dumalo noon ng " JUNIORS SENIORS PROMENADE" naging masaya na karanasan ito para saakin may naging tema pa itong "hawaian party" kaya naman ang lahat ay naka floral dresses dahil nga sa unang beses ko pa lamang dadalo sa ganitong klaseng pagdiriwang excited ako non . Hinding hindi ko yun makakalimutan hanggang sa aking pag tanda. Mabilis ang mga araw nag ika-apat na akong antas at magkahalong saya at lungkot ang aking naramdaman ng malaman ko ang aking bagong seksyon. Tumaas ang aking seksyon at naging  seksyon B ako . Masaya dahil tumaas ang aking seksyon at may mga bago akong magiging kaklase ngunit sa kabilang banda malungkot dahil sa hindi ko na magiging kaklas e ang aking mag kaibigan na nakasanayan ko na sa loob ng tatlong taon . Gayon pa man lumipas ang mga araw naging ka close ko na din ang aking mga kaklase . Naging mga kaibigan ko na rin sila  hanggang sa nasanay na rin ako sa kanila marami na rin kaming mga karanasang hindi malilimutan na magkakasama . Napasaya pa ang aking ika-apat na taon sa sekondarya dahil sa mga pagdiriwang na naidaos. Nagkaroon ng iba't ibang concert. Isang lingong selebrasyon ng " intamurals" na masasabi kong napaka saya at sa apat na taon kong  pag-aaral dito sa dizon high ngayon ko lang naranasan ang ganito 
me & my sister nung JS prom 2012

at nagpadagdag pa ang ikalawang pagdalo ko sa " juniors seniors promenade" sa aming paaralan na mas masaya nung una .Malapit na ang araw ng aming pagtatapos . Ma mimiss ko ang buhay highschool ang mga kaibigan kong wagas kung makapang bara parang si vice ganda lamang at ang mga napaka gagaling at responsable kong mga naging guro . Ang lahat ng aking naranasan simula noong namulat ako sa mundo hanggang ngayon ay napaka gandang ala-ala at araw . Gagamitin ko itong inspirasyon sa pagtupad ng aking mga pangarap .    



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento