Miyerkules, Marso 21, 2012

ang talambuhay ni anna marie delos reyes




 ANG TALAMBUHAY NI ANNA MARIE DELOS REYES






Ako si Anna Marie Delos Reyes, labing anim na taong gulang, kasalukuyang nakatira sa San Francisco Calihan, San Pablo City.Ipinanganak ako ng aking ina noong Enero 5 1996, sa San Pablo City, Ako ngayong ay nasa sekondarya na at awa ng Diyos ay magtatapos na ng aking pag aaral .Ang aking mga magulang ay sina Evangeline, apat na pong taong gulang,self employed.Ang aking ama naman ay si Jun Delos Reyes, Limamput tatlong taong gulang ,isang Family Driver.Lima kaming mag kakapatid. Ang panganay ay si Art, sinundan ni Analyn, Si Rj, Angelique, at ako ang bunso.
Noong bata pa ako ang gusto ko ay simple lang, ang maging Sales Lady, para kasing ang dali dali lang ng ginagawa nila. Pero habang limalaki ako, napalitan ang kagustuhan ko, gusto ko nang maging Cashier kase gusto ko yung pagbibilang at pag aayos ng pera. Pero naiba ulit ang gusto ko, nang mag highschool ako, gusto ko ngang maging chef, hilig ko ang pagluluto pero walang hilig sakin ang niluluto ko. Balak ko pa nga napag nag kolehiyo ako, ang kukunin kong kurso ay HRM pero napag isip isip ko rin nabaka masayang lang masayang lang yung pag papaaral sakin kapag Hrm kukunin kong kurso dahil may kamahalan din ang kursong iyon.Sa larangan naman nang media, ang paborito kong manganganta ay si Sarah Geronimo, gusting gusto ko ang mga kanta niya at mga performance niya.Hindi ako nag sasawang panoorin ng paulit ulit ang mga video niya sa youtube at mga pelikula niya. Ang kuya Art ko ay nagtatrabaho at may sarili nang pamilya. Nauna nga lang magkaroon ng sariling pamilya ang ate Analyn ko. Siya ngayon ay may 2 anak. Masaya ako para sa kanya dahil alam kong blessings sa kanya ang kanyang mga cute at makukulit na anak. Kasama niya ngayon ang kanyang asawa na si kuya Marlon. Nakabukod sila sa amin, pero bumisita naman sila kapag sila ay bumibisita ay inaabot sila ng 2-4 na buwan. Siguro ang pinaka maikli nilang bakasyon sa amin ay 1 buwan lang. Kami ay binuhay ng mga magulang namin ng maayos at may paninindigan kahit mahirap, kahit maraming problema ay hinaharap namin at nagagawa namin o nila ito ng solusyon. Kahit simple lang ang buhay namin ay masaya parin kami, nagagawa namin ang kumain ng tatlong beses sa loob ng isang araw at may miryenda pa iyon. Kahit pag minsan merong mga bagay na hindi nnapagkakasunduan na umaabot sa pagtatalo, pero paglipas ng ilang araw ay nagkakasundo sundo na ulit kami. May trabaho din ang ate jek ko, siya ay nagtatrabaho sa isang bakeshop, hanggang 1st year college lang siya kasi nagdesisyon siyang kumuha ng kursong 1 year course lang. Naranasan ko ring magtrabaho, nagtrabaho ako noong nakaraang bakasyon. Nagtrabaho ako sa pagawaan ng libro, nag rerevise lang kami. Naoong una ay nahirapan ako kasi hindi ako sanay pero nang magtagal ay nasanay na rin ako at naging madali ang trabaho. Isang buwan lang ako nagtrabaho kasi magpapasukan na.  Kahit papaano ay nag enjoy ako sa bakasyon ko at sa trabaho ko. Sa darating na bakasyon ay gusto ko ulit magtrabaho kasi iba pala yung pakirmdam na may pera klang pinag hihirapan tapos ay nabibili mo pa ang gusto mong bilhin, noon ay nauunawaan ko mang aking ama sa pagtatrabaho. Marami akong naging kaibigan ng ako ay nasa elementarya. Masaya, magula, at andun di ang awayan. Buwan ng marso, 26 2008, ay araw ng aking pagtatapos. Medyo yung iba kong kaklase ay naging emosyonal pero napigilan kong umiyak, pakatapos ng program ay deretso na kong uwe, baka kasi tumuloy ang pagluha ng aking mata kasi nahihiya akong umiyak sa kanila. Nang magbakasyon ay pinag handaan ko na ang pagtuntoing ko para sa sekondarya kasi alam ko ay panibagong pagsubok ulit ang haharapin ko. Hindi nga ako nagkamali, dahil noong nasa freshman ako may medyo nahihirapan akong makisalmuha sa mga kaklse ko. Hindi ko talaga kasi sila kilala, pero lumipas ang buwan ay may naging kaibigan narin ako. Hindi lang isa kundi tatlo sila, sina kimberly, shaira, at may ann. Naging masaya na ako ng magkaroon ako ng mga kaibigan, sila kasi yung tumutulong sa akin kapag may problema ako. Nang nasa sophomore na ako ay tumaas ang seksyon na ako, kasi nung freshman ako ay “J” ang seksyon ko tapos naging “I” ako. Mas nakakalungkot nga lang ng nasa junior na kami kasi iilan nalng kami magkakaibigan na nagkasama ng seksyon. Naging “G” kami, hindi kami masyadong nahirapan mag adjust, kasi friendly din naman ang mga bago naming kaklase. Nang nasa junior na kami naranasan na namin ang nakakaexite na event, ito ay ang JS. Naging napakasaya ng gabing iyon dahil naging firstdance ko ang first crush ko. Isa yon sa ‘MOST MEMORABLE MOMENT’ ko sa high school life ko. Nang mag senior ako ay hindi ko inaasahang maging ‘B’ ako, halo ang nararamdaman ko noon kasi hindi ako makapaniwala dahil biruin ko nasa lowest seksyo lamang kami dati tapos ngayon ay pangatlo na kami sa higher section. Nahirapan kami mag adjust, kami nina Shairalyn at Kimberly, si May ann naman ay napahiwalay samin, naging “D” siya. Nahirapan kami kasi iba yung nararamdaman namin. May haloong tensyon, kaba, at hiya ang nararamdaman naming 3. Piling nga namin ay hindi kami “B” kasi lagi kaming na OOP sa kanila. Ginawa namin ang lahat para makasalamuha namin ang mga kaklase namin, di naman kami nabigo kasi lumipas siguro ang kalahating buwan ng taon ay naging close na kami ng magkaklase. Ngayon ay maraming pagsubong parin ang pinagdadaanan namin pero alam kong malalampasan ko ito sa tulong ng pamilya ko at mga kaibigan. Sa darating na March 30 2012 ay gaganapin ang pagtatapos namin. Dito ay siguradon di ko na maitatago pa ang luha ko kase talagang sobra kong minahal ang high scholl life ko. Kahit maraming problema ay nandun parin ang saya at ang pageenjoy. Pagkatapos nito ay ang kolehiyo naman ang aking pag hahandaan, dapat ay masanay na akong maging matiyaga at masipag para magamit ko s aking pag aaral. Napagkasunduuan namin ni Shairalyn n pumasok sa iisang paaralan at kumuha ng iisang kurso, ayaw kasi naming maghiwalay kaya kukunin naming kusro ay BSBA.Sana maging matagumpag ang ankin kinabukasan. Tulungan nawa ako ng Diyos.  



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento