(Ako ngayon 16 na taon) |
Ako ay nagtapos na elementarya sa San Deigo Elementary School.
Nung nasa grade 1 ako ang gurong tagapayo namin ay si Ginang Cecile Caperina.Marami akong nagging karanasan nung nagging guro ko siya.Magaling siyang magpaunawa sa kanyang mga estudyante lalo na sa magugulo.Masaya kahit kami ay pasaway pero yung grupo ng mga grupo ng lalaki sempre kasama ako dun lagi na lang kaming sinasayaw na maingay pa daw kami sa babae.Ang pinakamasamang nangyari nun ay nung nahulog siya sa upuan may isinasanit sya nun eh nalimutan ko na kung ano tapos bigla na lang siyang nahulog na ikinatakot nung iba ko pang kaklase sempre matanda na un tapos nahulog ang masama pa ay ulo ang unang lumapat sa sahig kaya yung iba ay na takot sa nang yari pasalamat at naging maayos din ang lahat.Nagtapos ako ng Grade 1 kaya nman ay naghanda kami sa panibagong gurong tagapayo.Nag Grade 2 kami yung sinabi nga ng iba na mataray ang aming magiging guro ay nag katotoo kaya ako ay natakot baka pag nagkamali ako ay mapagalitan nya ako.Ang masayang ginawa naming saming gurong tagapayo ay nung na late siya tapos binate naming siya ng “Mam. Gudafternoon why are you LATE”nagtawanan kami nun pati narin ung mga nakarinig sa labas puro tawa na lang kami tapos biglang nagalit at sinabng “Magdala kayo ng ganimit sa pagtatanim magtatanim tayo.Kinabukasan ay nagtanim nga kami puro siya utos kami nman sumusunod na lang dahil takot nga eh.Nung nagdidilig ako ay bigla na lang niya akong kinalmot sa may mukha nung una di ko pinansin kasi wala akong naramdaman na sugat tapos nung hinuhugasan naming yung mga ganit napansin nung kaklase ko na may dugo sa mukha ko.Kaya na isip ko na masama pala yung magalit kaya di na naming inulit pa yon baka lahat masaktan pa niya.Ang pangalan nga pala ng aming gurong tagapayo ay Ginang Alunan.Pero kahit ganon siya ay natanggap naming siya kase mabait naman siya wag ka nga lang magulo kundi papagalitan ka niya.Marami akong natutunan sa kanya kaya ako ay nagpapasalamat at nagging guro ko siya.Nag grade 3 ako ang nagging gurong tagapayo ko noon ay si Ginang Bathan.masaya kami nung lalo na kapag oras ng biruan magpakakataon pa nga na yung aming guro pagnakikitang tinatamad kami ay pinagbibigyan kaming magpahinga sa kanyang oras.Mabait siya kaya siya yung naging paborito kong guro.Marami rin akong natanggap na payo sa kanya kase nga makulit ako.Nag grade 4 ako ang nagging gurong tagapayo ko noon ay si Ginang Araceli Montoya.Mabait siya sa lahat lalo na mga pursigidong mag-aral.Nung nagrereview sila para sa laban naglalaro lang kami ng iba ko pangkaklase na hindi kasali tapos bigla na lang nilang sinabi na nabangga daw ako kinabahan yung titser ko tapos nung nkita ako napagalitan tuloy ako eh nagtago lang naman ako sa classroom.Masaya kami sa kanya lalo na nung nagkaroon kami na party para sa pasko.Nakakatuwaang isipin kahit kagano na siya katanda game pa rin siya sa mga laro namin kaya ako ay tuwang-tuwa sa kanya lalo na yung pagiging maalalahanin niya.Nag grade 5 ako na ang gurong tagapayo ay si Ginoong Marlon mabait siya at mapagbigay sa mga estudyante niya.Masaya akong nakapagtapos ng grade 5 dahil sa mga naituro nyi samin.Nag grade 6 ako doon ay natuto akong magseryoso sa pag aaral at mabawasan ang aking kaingayan lalo na nung nagkaroon ako ng ibang kaklase na medyo seryoso at magagaling sa ibat-ibang asignatura.Natutunan ko sa kanila kung paano mag seryoso sa pag-aaral.Masaya ang karanasan ko nung nasa elementary ako lalo na kapag kasama ko yung mga kaibigan at kabarkada ko na sina Aldrin,Marlowe,paul,Eduardo,Kim,Lawrence,Jandry,Nickole,Michaela,joan,jenny at iba pa.Maraming karanasan ang natunghayan ko nung nagaaral ako ng elementary.May karanasan ako nung nag camping para sa Boy Scout magulo at Masaya.Meron din sa camping para sa science Masaya noon kase marame akong nakila na napasok sa ibang paaralan meron mabait at meron ding nga suplada..Ang gurong tagapayo ko nung grade 6 ay si Ginang Susan masaya ako sa pagtuturo lalo na sa subjet may pagkakataon pa nga na natutulog kami sa classroom dahil sa wala na kami ginagawa at pinaghahandaan naming ang aming pagtatapos malungkot ito dahil magkakahiwalay-hiwalay na kami yung iba ay makakalimot sa mga kalokohang ginagawa at sa mga pang aasar ng mga titser namin.Nagpapasalamat ako sa mga gurong gumabay para makapagtapos kami ng pagaaral.
(kabakada ko si aldrin) |
(si nickole kaibigan ko) |
(si kim kabarkada ko) |
Pumasok ako sa Col. Lauro D. Dizon National Highschool nang hanggang apat na taon para makapasok ako sa kolehiyo.Nag First year ako ang nagging gurong tagapayo ko ay si Ginang Belen.Mabait siya pero ako ay kinakabahan dahil sa unang pasok sa school na d pamilyar at yung makakasama ko ay di ko kilala mahirap nung una pero nung nagtagal matanggap nila ako at natanggap ko din sila.Ang naging section ko noon ay section C. na lagging napapagalitan bilang pasaway na section. Masaya ako sa mga nagging guro ko nung first yaer ako
Nag second year ganon pa rin ang section mabuti at may kakilala na ako o nagging kaibigan noong ako ay na sa first yaer.May nadagdag na bagong kaklase nung una ang tingin ko sa kanila ay hindi makulit,maingay at magulo yung pala kabaligtaran yung tingin ko sa kanila makulit,maingay at magulo pala sila pero maasahan mo slia lalo na kapag may problema.Ang naging gurong tagapayo ko ay si Ginang Lingad.Mabait siya at maalahanin sa estudyante.Masaya ako sa mga nagging guro ko nung second yaer ako.
Nag third year ako doon nagiba na ang tingin ko sa pagaaral na isipan ko na kailangan ko nang baguhin ang style ng pagaaral ko para sa nagpapaaral sakin kaya doon nagsipag ako sa paggawa ng mga takdang aralin at pagbutihin ang mga exam.Ang gurong tagapayo ko noon ay si Ginang Joaquin mabait siya ang tinututo niya ang Araling panlipunan .Naranasan ko ang “JS prom” doon nagging masaya ako noon dahil sa nakasama ko ang mga kaibigan ko at mga kaklase ko tapos iba pang 3rd at 4th year Masaya yung karanasan iyon.Natapos ko ang 3rd year kaya tutungo na ako sa pagiging 4th year nalaman ko na tataas ako ng section na magiging section B ako I nung nalaman ko ay kinabahan ako dahil ibang kaklase na naman kailangan makibagay sa mga ginagawa nila o magpakungbaba kapag may aasarang nagdudulot ng away.Naging masaya ako sa mga naging guro ko nung third yaer ako.Pagkatapos ng bakasyon ay naghanda ako sa pagpasok sa huling antas sa pagiging highschool.
Nag 4th na ako nung unang pasok nahiya ako dahil sa marami palang kaming magiging kaklaseng babae at kakaunti lng ang lalake.Nung unang mga buwan ay ilang pa ako sa iba pero may iba na akong na kilala.Mabait sila kahit may kanya-kayang grupo ay wala namang awayan na nangyayari.Ang nagging gurong tagapayo naming ay si Ginoong Vasquez.Mabait siya at pagminsan mo lang mapapansin na masaya siya dahil siya ay isang seryosong tao.Yung mga kaklase ko naman ay masayahin at maingay.Kaya na bansagang maingay ang section B yun naman talaga ang totoo kase nga marami kaming babae ka siguro ganon o talagang nag kasamasama ang maiingay na estudyante.Makalipas ang ilang buwan ay nagkaroon ng Js prom yung isang okasyon na inabangan ko dahil sa mayroon akong pagkakataon na isayaw ang taong malapit sakin,yung mga kaibigan ko at yung mga nagging kaklase ko na date masaya talagang maging highschool dahil sa mature na ang isipan mo sa mga nagaganap sa paligid mo at sa salrili mo
.Pagkapos ng ilang buwan bago kami magtapos ay nag karoon kami ng National Achievement Test na kailangan mapataas dahil sa gusto ito ng principal namin sa kagustuhang mapaganda ang paaralang Dizon High.Nagkaroon din pala kami ng Intramurals na naging napakasaya sa lahat kase nakilahok doon an gaming principal at iba pang guro,Pima pahalagahan niya ang pamlpalakasan.Kaya natuwa ako sa kanya dahil sa gusto ko din ng ibat-ibang larong pampalakasan.masaya ako sa mga naging guro ko nung 4th year nagpapasalamat ako sa kanila sa mga payo at patitiwala lalo na sa pagtanggap sa aming maingay na section.Nagpapasalamat din ako sa aming gurong tagapayo dahil sa siya ang unang tumangap sa aming ugali.
(JS prom) |
(kami ng mga classmate ko ng fourth year) |
Kagaya ng ibang pamilya, meron in kaming tampuhang nararanasan. Mga isyung hindi maiiwasan. Pero kahit na may mga problema kaming nararanasan matatag pa rin kaming nagsasama-sama. Ngyon ay nangungupahan kami at nagpapagawa ng pa ng bagong bahay. Sana kasabay noon may bago ring mangyayari at mararanasan kami sa aming buhay. Masayng-masay ako kasama ang aking pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento