Ang talambuhay ni Ron Daniel Cortez
bagong silang ako |
Ika-3 ng hunyo 1996 ng magsilang ng pangalawang anak ng pamilya cotrez. Isinilang si Ron Daniel D. Cortez sa malaking ospital sa lungsod ng San Pablo sa Laguna. Masayang Masaya ang aking mga magulang pati na ang aking nakatatandang kapatid dahilsa wakas ay nasundan na ang kanilang panganay. Masaya kaming nanirahahan sa maliit na brangay sa San Pablo, ito ay ang Sta. Felomina. Makalipas ang mahigit na isang taon, ganap na ika-6 ng Hulyo taong 1997, ako ay nabinyagan na sa simbahang katoliko. Alam ko na kahit sanggol pa lamang ako ay nararamdaman kong Masaya sila kapiling at kasama nila ako sa kanilang buong buhay.
ako ay bininyagan |
Sa patuloy na pamamalagi ko dito sa mundo, ginabayan at pinalaki ako ng aking nanay at tatay. Odelon S. Cortez ang pangalan ng aking tatay na mabait. Istrikto siya sa lahat ng bagay, gusto niyang sinusunod lahat ng utos niya dahil pag hindi sinunod ang utos niya ay npaniguradong hindi ka niya iimikan buong maghapon. Masayahin din siya lagi ko siyang nakikitang nakangiti ngunit mahiyain siya sa mga taong hindi niya kakilala. Dahil ditto, naman ko ang ugali niyang ito.Minsaan ay hindi ako lumalabas ng bahay sa maghapon. Isa naman sa mga taong pinakamalapit ako ay sa nanay ko. Lapaz D. Cortez ang tunay niyang pangalan, siya ay napak bait, maaruga at napak maintindihin. Masipag siya sa gawaing bahay, maging sa pagkita ng pera at pagnenegosyo. Mapagbigay din siya dahil mas inuuna niya ang ikasisiya ng mga bata kaysa sa ikasisiya niya. Laging magkasundo ang aking nanay at tatay pero tulad ng isang ordinaryong pamilya dumadating din ang ilang pagsubok at agad din naming nasusulusyunan. November 26 ng ikasal ang aking mga magulang. Sumumpa sila sa harap ng altar na magmamahalan sa hirap at ginhawa sa lungkot at saya. Ang akin naming nakatatandang kapatid ay nagngangalang Marianne Pauline D. Cortez. Isinilang siya noong ika-31 ng Agosto 1993. Siya ay 18 taong gulang at nag-aaral sa Laguna State Ploytechnic University sa kursong kaniyang kinukuha na Bachelor of Science in Psychology sa kasalukuyan. Mabait ang aking ate, madalas kaming magkasundo sa lahat ng bagay, kahit pananmit at sa mga palabas sa telebisyon.
ako at ang pinsan ko |
Lumipas ang mga oras, araw, lingo, buwan at taon na kami ay ginabayan at ginagabayan parin ngayon ng aming mga magulang. Kami ay inaruga atpinalaki ng maayos.Di naglaon ako ay apat na taong gulang na. Sa edad na ito ay pumasok ako sa isang mumuniting eskwelahan sa aming barangay. Ditto ko naranasan ang maging mapag-isa dahil iniiwanan ako ng aking nanaypagkahatid sa amin. Sa ekwelahang ito natuto akong sumulat, magbasa, at makinig sa mga leksyong tinuturo sa aming guro, minsan pa nga’y naglalaro kami ng tungkol sa leksyon na aming natalakay. Isa sa mga paborito kong ginagawa naming sa aming silid-aralan ay ang paglililok ng uba’t ibang pigura gamit ang artificial clay. Lumipas ang isang buwan, nakatapos ako ng nursery. Masayang Masaya ako noon pati narin ang mga magulang ko. Pagkalipas ng tatlong buwan ay iienroll na ako ng aking nanay sa kinder. Masayng Masaya ako noon dahil ako ay magkikinder na. marami akong kaibigan noon, dito ko naranasan na dumamai ang aking kakilala.
ako nung bata ako |
Marami akong hindi malilimutang pangyayari noong kinder isa na rito ay ang pananakot ng aming guro na may baliw na dawn a pupunta sa aming room kung hindi raw kami papasok. Hindi ko rin malilimutan ang pagsulat namin sa hangin gamit an gaming kamay ng mga letra ng alpabeto pati na ang sulok n gaming silid-aralan kung saan matatagpuan ang madaming laruan na pinaglalaruan naming pagkatapos ng gawain. Enero 2004, sa panahong ito naman isininlang ang ubnso kong kapatid na si Tom Vennon D. Cortez.
ako at ang nanay ko |
Di ko rin malilnutan ang pangayayring napahiya ako sa buong klase dahilsa pagkain ko. Recess na noon ngunit ng tiningnan ko ang bag ko wala ang baon kong pizza at zest’o, kaya’t sinabi ko ito sa aking guro. Ibinili ako ng aking guro ng kaparehong pagkain kaya’t kinain ko ang kaniyang binili, ngunit ng tignan ko muli ang baon ko ay andun na muli ito.sinabi ko muli ito sa aking guro, kaya’t ibibnalik niya sa tindahan. Hindi ko talaga alam ang nangyari sa akin kung bakit hindi ko nakita ang baon ko. Lumipas ang mga raw ay dumating na ang Marso. Tuwang tuwa ang nanay at tatay ko at pati narin ang lolo at lola ko dahil kasama ako sa top10. Ika-18 ng Marso 2012, ibinigay na sa amin ang aming diploma at umakyat ako sa entablado upang isabit ng aking ina ang aking medalya. Masayang Masaya akong umuwi sa aming bahay dala ang medalyang aking pinaghirapan sa loob ng isang taon. Binigyan ako ng aking lolo ng 500 pesos at ikinain naming sa Jollibee na isa sa pinaka sikat na kainan noong panahong iyon.
kinder |
graduation elem. |
Hunyo 2008 ng nag-umpisa ang pasukan sa Dizon High. Naghalo-halo ang nararamdaman ko dahil sa nerbiyos ni hindi ko alam ang mangayayri sa mga susunod na oras o araw. Kasama ko noon ang aking ina sa paghahanap ng aking section. Natatwa ako sa sarili ko dahil sa silid ako ng 1-a napapunta pero may nagturo sa amin na hindi doon ang aking section kaya agad akong umalis upang hindi mapahiya. Lungkot na lungkot ako pagdating sa aming bahay dahil nahihirapan akong makihalubilo sa aking mga kaklase, minsan pa nga’y dumating sa puntong na-iiyak ako. Lumipas ang mga araw at buwan. Natutnan kong kausapin ang iba, marami na akong naging kaibigan pamula noon. Marami akong natutunan mula sa magagaling na guro. Marami kaming nagging activity sa paaralan gaya ng field demo. At isa sa pinaka Masaya ay ang pagsasadula ng ibong adarna. Di gaanong maganda an gaming acting pero nakuha parin naming ang ikalwang pwesto. Masayang Masaya ang 1-B pati na an gaming guro sa Filipino. Dumaan ang mga buwan, dumating na naman ang Hunyo. Siyempre pasukan na naman, wala na akong kabang nararamdaman dahil kakilala ko na ang mga kaklase ko at madali ko rin naming nakapalgayang loob ang mga bago kong kaklase. Maraming masasayang karanasan noong 2nd year, ikaw ba naman ang magkaroon ng masasalaw na kaklase at mga baklas. Gaya din ng dati, kada taon ginagawa ang field demo at nagdudulaan muli kami pero Florante at Laura naman. Sa kasamaang palad ay hindi kami nanalo pero nagging Masaya naman kaya ayos lang. masayang Masaya ang nagging karanasan ko noong 2nd year. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga mababit kong guro at makukwela kong kaklase. Lumipas ang mga buwan, ako ay nasa 3rd year na. Lumipas ang mga buwan, ako ay nasa 3rd year na. natuto na akong mag-ayos ng sarili, nagging mitikuloso sa pananamit at natutong magpolbo at magsuklay. Nagsesryoso na rin ako sa aking pag-aaral. Hindi pa rin nawala ang field demo na nagpaitim sa aming mga balat. Di naglaon at natapos na ang 3rd year. 4th year na ako, at mas luminaw ang aking isipan. Maraming masasayang karanasan. Isa na rito ang magkaroon ng mga gurong magagaling at ang gurong tagapayong laging nakasubaybay sa amin na si Mr. wally Vasquez. Naranasan ko din na maging isang manlalaro sa Dizon High ng volleyball sa palarong panlunsod.
ako sa kasalukuyan |
Gusto ko sanang kumuha ng fine arts dahil may talino ako sa pagguhit na naman ko sa aking ama. Ang dami kong ambisyon sa buhay gaya ng maging bilyonaryo at ang maging isang sikat na fashion designer, hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa buoing mundo. Naniniwala akong magagawa ko ang lahat ng ito kapag nagtiwala ako sa Panginoon, dahil walang imposible kung ikaw ay nananalig sa Diyos at sasamahan mo ng sipag at tiyaga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento