noong bininyagan ako .. |
Ang ina ko ay si Esperanza G. Espeña na isang maalaga at mabuting ilaw ng tahanan at ang aking ama naman ay si Joseph G. Espeña na isang construction worker.Mayroon akong lima na kapatid na sina Christine Joy G. Espeña ang panganay sa aming magkakapatid na ngayon ay dalawampu't dalawang taong gulang na,ang pangalawa ay si Jopher G. Espeña na dalawampung taong gulang na,ang pang apat na sumunod sa akin ay si Justine G. Espeña na labing tatlong taong gulang na,si Clarence Jane G. Espeña na labing dalawang taong gulang na at ang aming bunso na si Angel G. Espeña na dapat ay limang taong gulang na sana kung hindi siya pumanaw ng siya ay walong buwan pa lamang.
ako at si lola ! |
Noong bata pa ako ay palipat lipat kaming tirahan ngunit ng ako'y mag grade two na ay nagkaroon na kami ng sarili naming tirahan. Noong ako ay pumasok nang kinder ay marami akong naging kaibigan. Lagi akong sinusundo ng aking mama sa school. Hindi ko makakalimutan na ako ang naging 1st honor noong kinder at nangunang kumanta ng aming graduation song na "We are the Children". Nang ako ay nasa elementarya na ay marami pa rin akong nakilala na bagong mga kaibigan at doon ko nakilala si Kimberly Esteban na naging aking best friend noong elementarya. Ang amin namang teacher noong grade one ay si Mrs. Socorro E. Brion na para sa akin ay ang pinakamabait na guro sa Guadalupe Elementary School. Ang aming samahan ng teacher namin ng grade one ay nabago dahil sa nagbuntis siya at kailangan niyang umalis muna ng ilang buwan.Napalitan naman siya ng isang teacher na kabaligtaran niya ang ugali. Sobrang taray nito kagi kaming napapalo sa kamay pag walang takdang aralin. Naalala ko din noon ang kaklase ko na kinuha ang aking lapis na binigay sa akin ng aking ama. Nakakatwang isipin na sa pagkabata namin ay ganon kababaw ang pinagaawayan namin.
girlscout camping .... |
Noong ako naman ay mag grade two na ay naging teacher namin si Mrs. Alcos na ubod ng taray ngunit mabait, medyo matanda na siya at walang asawa. Hindi ko naman malilimutan nang isang araw ay nagpasa kami ng notebook at napagalitan niya ako dahil sa magulo ang aking sulat sa aking notebook na puro bura. Umiyak talaga ako sa harap niya dahil sobrang pagkagalit niya sa akin. Ngunit kahit ganon ngayon pag nakikita niya ako ay lagi niya akong binabati at kinakamusta.ang sayang isipin na kilala pa niya ako hanggang ngayon. Hindi ko rin malilimutan ang salitang binitiwanniya sa amin na " kung ikaw ay hindi pinapalo o pinapagalitan ng iyong magulang ay hindi ka nito mahal ". Tama naman siya dahil kung ikaw ay pinababayaan lamang ng iyong magulang ay di ka mahal nito. At naiintindihan ko din na kung bakit ako pinapagalitan ng aking mga magulang dahil gusto nilang matuwid ang ating pagkakamali. Nakilala ko din ang naging close friend ko noon na si Ian. Lagi kaming naglalaro noon kahit may klase at naging crush ko din siya noon, nakilala ko din sina Jenny at Sunshine na naging kacloseko din noon.
Nang ako naman ay mag grade three ay naging teacher ko ulit si Mrs. Brion at ang aking kaibigan na si Michelle Veneracion na mabait at maganda. Lagi din kami noon naglalaro sa school pagkatapos ng klase.Nang ako naman ay maggrade four ay natutunan ko ang manahi.Naalala ko din noon na matanggal ang kawit ng aking palda ko at bigla itong nahubad sa gitna. Buti nalamang at may short ako at wala ng tao sa silid aralan namin. Nagpasalamat din ako noon dahil may dala akong panahi dahil sa aming pinagaaralan sa school. Naalala ko din noon na sinbihan ako ni Mrs Enya Gonzalvo teacher namin noon sa grade four na sobrang pangit daw ng sulat ko, para daw kinaykay ng manok ang sulst ko sa formal theme.
San Gabriel intramurals ... |
Noong ako naman ay mag grade five ay maraming umalis na estudyante sa school namin at nag transfer sa ibang school . Ngunit kahit ganoon mayroon namang napalit na bagong lipat na estudyante sa aming school. Noong matatapos na ang pagpasok ko sa grade five ay may nangyari namang hindi ko inaasahan at hindi ko malilimutan,namatay ang aking Ina noong Marso Ikadalawangput apat noong taong dalawang libo't pito hindi ako makapaniwala at di ko rin matanggap yon. noong mamatay siya ay kasama niya ang aking kapatid na si Angel walong buwan palamang siya sa tyan ng aking Ina.sabi nang aking mga tita na di na niya ito kinaya. Sabi ng aking mga Tita ay pinagsabihan na daw ng doktor ang aking ina na hindi na pweding magbuntis dahil mahihirapan na sya sa pagbubuntis pero dahil mahal niya ang bunso kong kapatid itinuloy pa rin niya kahit pa sinabihan na siya ng doktor na pumili na sa kanilang dalawa pero pinli parin niya ang aking kapatid kayat ngayon magkasama na sila sa heaven. Nakakalungkot lang isipin na naulila kami ng hindi handa at mga bat pa kami.
GRADUATE NA AKO ! |
Nang mag grade six na ako ay hindi ako naging masaya dahil ang aking mga kaklase ay lagi akong inaaway,inaasar ng hindi ko naman alam kung bakit. yun ang baitang na pinaka pangit kong naranasan,noon ang teacher ko ay si Mrs, sheryl Perez na naging mabait naman sa akin,noon ghosto kung pabilisin ang oras para maka graduate na dahil sa araw araw na pumapasok ako ay lagi nila akong inaaway, at dumating na nga ang araw at sa wakas ay naka graduate din ako, pero kahit ganon parte parin sila ng buhay ko at di ako matutung lumaban kung hindi dahil sa kanila,
Noong ako ay nag enroll na sa col. Lauro D. Dizon Memorial national Highschool ay madami ako nakilala at naging kaibigan. Ang una kong naging kaibigan ay si Liezl Agozar. Kami lagi noon ang magkasama. Hanggang sa nakilala na namin si Jhy Marie Bueno at Princess Pepito. Noong nag ayos na ng upuanay nakatabi ko si Anna Marie C. Delos Reyes na naging best friend ko hanggang ngayon. Ang una kong impresyon sa kanya ay siya ay suplada at mataray pero habang tumatagal ay nakilala ko na siya.
ako at si insan .. |
Noong ako naman ay maging second Year highschool ay kaklase ko parin siya at nadadagdagan kami sina Shairalyn Manalo at May ann Dalisay na naging best friend ko din.Lagi kaming magkakasama madami kaming mga pictures noon. Hindi ko rin malilimutan ang aming adviser na si Mrs. Delmina Baylon at ang aming math teacher na si Mr.Hernani Ang na tinatawag naming "daddy" dahil parang tatay na namin siya.
Noong nag third year highschool na ako ay halos lahat ng kaklase ko ay naging kaclose ko, kakulitan at kaasaran. Tawanan habang nagkaklase at nakikipagbiruan sa aming mga teacher pag hindi oras ng klase. Noon ko din naranasan ang pakiramdam na sobrang excited ng kami'y mag JS. Umaga na kami nakauwi noon.Ang tema noon ay hawaiian kaya kami ay nakabulaklakang damit. At ng matapos na kami ng third year highschool ay nalaman naming kaming tatlo na lamangang magkakasama, napahiwalwy simay ann at napunta sa ibang section.
Nang pumasok kami ng fourth year ay nalaman namin na iba na ang punong guro sa aming eskwelahan at iyon ay si Mrs. Cristeta Uy. At simula noon ay marami ng magagandang pagbabagong naganap sa aming school. Ang section namin ay IV B at ang adviser namin ay si Mr. Romualdo Vasquez. Nang dumating ang buwan ng Hulyo ay nag lipat na kami ng room at naging IV BLAKE na aming section. Doon nabuo ang magagandang alaala at mga kaibigan at mga katawanan. Nagkaroon ng mga bagong kaibigan.Naging guro din namin si Mrs. Banzuela na sobrang bait sa amin.
.. friendship :) |
Noong taon na iyon ay nagkaroon ng mga bagong patakaran. Nagkaroon ng gwardya, nagkaroon ng sariling building ang bawat year level, wala na din masyadong bata na nagdadrop o tumitigil sa pag aaral. Wala na din masyadong bata na nagpupunta sa iba't ibang lugar sa oras ng klase . Naging memorable din ang intramurals namin dahil pati mga teachers namin ay naglaro din ng volleyball at kung anu ano pang mga laro. Naglaro din ang bawat players ng bawat laro sa bawat year level. Pati ang aming punong guro ay siyang siya sa paglalaro at siya ay isng magaling na punong guro na sobrang suportive pa sa mga estudyante.
Nasng sumapit na ang dalawang libo't labing dalawa ay naramdaman na namin ang bilis ng araw. Sumapit na ang Pebrero at nag JS kami> Para sa akin ay iyon ang hindi ko malilimutan na JS prom.
At ngayon nalalpit na ang aming pagtatapos. Bawat araw ay sinusulit ko para makasama ang aking mga kaibigan. Ito ang lebel sa highschool na hinding hindi ko malilimutan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento