Miyerkules, Marso 21, 2012

ang talambuhay ni aries gabayno



       
  Madalas kaming magkatampuhan ng aking ama dahil sa kanyang pag-inom ng alak. Madalas namin siyang pagbawalan ni mama pero hindi siya nakikinig , kahit hinahayblad na siya ginagawa pa din niya iyon. Pero kahit ganon , mahal pa rin namin siya. Kaya kapag minsan hinahayaan nalang namin kung anong gusto niya. 
Ang Talambuhay ni Aries I. Gabayno


         Ako si Aries I. Gabayno  anak ako nina Alexander  T. Gabayno at ni Priscila  I. Gabayno . Ipinanganak ako noong Marso 21, 1996 sa Daet  Camarines Norte, sa kasalukuyan ako ay labing anim na taong gulang na . Kami ay tatlong mag kakapatid, ako ang panganay sa amin ang pangalawa kong ay si Alyssa I. Gabayno, siya ay siyam na taong gulang na at ang aming bunsong kapatid ay si Angel I. Gabayno, siya ay tatlong taong gulang na.  
     Masaya ang aming pamilya ,ang nasusunod kay mama at papa ay si mama. Si mama ay masipag, maalaga, makulit , mapagmahal samin, mabunganga, palatawa at syempre matakaw. Si papa naman ay responsable  , mapagmahal siya , mabait , makulit , masipag siya , kahit masama na ang pakiramdam niya ay nag tatrabaho pa din siya para lang may makain kami sa araw –araw kaya mahal na mahal namin siya. Hindi ako nagsisi  na sila ang naging mga magulang ko.
        
        Pinalaki ako ng mabuti, makulit, mapagmahal,matulungin,masipag ng aking mga magulang at ng ibang taong nakapaligid sa akin. Sa aking paglaki hindi ko nakasama ang aking mama at papa dahil sila ay nagtatrabaho, ang aking lola ang naging katuwang nina mama at papa sa pagpapalaki sa akin, kaya pinasasalamatan ko rin ang aking lola sa pagmamahal niya.Ako ay kinuha nila mama at papa sa aking lola at lumipat kami sa Cavite noong ako ay mag lilimang taong gulang pa lamang.

       
 Noong ako ay nasa Cavite ipinasok ako nina mama at papa ng Kindergarten sa Montesory. Pinatapos lamang nila ako doon ng kindergarten. Pagkatapos ay lumipat na naman kami dito sa Laguna, nangupahan kami sa isang bahay sa barangay Sta. Felomina ng Lungsod ng San Pablo. Sa aking paglaki pumasok ako ng elementarya sa Mababang paaralan ng Sta. Felomina Elementary School. Nang ako ay nasa unang baitang pa lamang ako ay nasa seksyon-B marami akong naging kaibigan na laging nandiyan para sa akin. Sila ay sina Maureen, Rinalyn, Mirasol, Camille, Julie ann, Jerlyn, Charry, Lyneth, Abigail, at si Ann. Masaya kaming mag kakaibigan, makulit ang bawat isa sa amin pero marami kaming natutunan na mag kakasama. Marami naganap sa isang taon nagkaroon kami ng Intrams ngunit hindi ako pinasali ng aking mama masyado pa raw akong bata para sa mga ganung bagay naingit ako sa aking mga kaibigan masaya silang pumarada samantalang ako ay nanood lamang sa loob ng bahay namin at nakadungaw sa bintana.

      
   Pagkalipas ng tatlong taon ako ay nasa limang baitang na ng aking pag-aaral sa elementarya ang aking mga kaibgan ay nadagdagan pa ng isa siya ay si Rachell Dazo siya ay isang tranfery galing sa isang paaralan sa Pakil Laguna. Siya ang naging pinamatalik kong kaibigan  marami kaming ginawang kalokohan, masaya rin siyang kasama palatawa siya  sobra !! hahaha. Naging isa rin akong player ng Soccer at nag training din ako ng volleyball pero sa masamang palad nagkasakit ako at pinatigil ako ng aking mama at papa hindi naman ako makatutol dahil sila pa din ang masusunod. Pagkatapos ay nag Mr. and Ms. Valentine, ako ang napiling ipanlaban noon sa babae inis na inis ako noon dahil ayoko ng ganong labanan hindi ako marunong lumakad ng pang maarte ehh lahat ng kalaban ko maarte sobra medyo tomboyin pa ako ng mga panahon na yon. Masaya at makulay ang aking grade-5, natapos muli ang taon. Pagpasok ko nasa ika-anim na baitang na ako, huling taon ko na sa elementarya, magtatapos na ako sa wakas !! Sa panahong iyon marami akong natutunan naging matured ako. 

        Ako ay nakapagtapos na ng aking pag-aaral sa elementarya at maraming nagbago sa akin tulad ng pisikal na pagbabago na senyales ng pagdadalaga, pati aking pananamit ay nag bago din naging mas maarte na ako sa aking mga ginagawa. Namimili na rin ako ng mga kaibigan na pakikisamahan mas nagkakaroon na rin ako ng maraming oras sa aking kaibigan kesa sa aking mga kapamilya. Mas gusto ko ng kasama ang aking mga kaibigan marami akong na ibabahagi sa kanilang sekreto, nakakapag open din ako sa kanila ng maraming bagay.
 

      Nang ako ay sumapit sa pagiging highschool, nag aral ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Akala ko nung una ay mahirap maging highschool, sabi nila masarap daw ang buhay ng highschool-malaya, mapusok, maraming thrill, magulo, pero sa una talaga nakakatakot parang mag-isa ka lang walang kasama. Pero nagbago lahat nang nagkaroon ako ng kaibigan magulo kami ang seksyon ko noon ay I-C doon ko nakilala sila Jonna, Amina, Alice, Diane, Christine, Jaslean at marami pa pero sila lang ang naging malapit sakin, ung iba sa kanila naging bad influence kaya humiwalay kami ni Alice.

      Nang ako ay naging Second year ang aking section ay 2 - C marami akong natutunan noong ako'y first year. Marami akong naging kaibigan ulit sama sama kami sa kalokohan. Sila Rona , Ronabel , Evangeline , Camille ,at Stella , Ang naging mga bestfriend ko. Noong nag Instrams kami ay mag kakasama kami sa canteen at doon kami nag ayos. Marami akong natutunan sa kanila masaya silang kasama. 


     Nang kami ay nag 3rD year.Mas lalo kaming naging Matured nagkaroon din kami ng ibang classmate at naging kaibigan din namin sila. Nadagdagan din kami ng kaibigan sila Jen, Kristel , Romalyn ,at Angelica. Nagkaroon kami ng biglaang swiming may mga kasama kaming ibang lalake masaya kami ng araw na iyon kahit walang pagkain. Nagkaroon kami ng ibat - ibang relationships. Bihira kaming mag kasama sama noon malapit ng mag bakasyon dahil nga may mga boyfriend na kami. Noong nag birthday ako noong march 21 , 2011 . Masaya kaming nag kainan at nagkantahan kami ng aking mga kaibigan gabi na sila umuwe noon. Mayroon nga kami na kaibigan na brokenhearted noon araw na yon. Sa taon na un marami akong natutunan. 

    4th year na ako ngayon. Maraming nag bago pati section ko nag karoon ako ng ibang classmate at na iwan ko ang mga barkada ko sa 4 - C noong una ay malungkot kasi nakakapanibago kase para kaming o.p sa section namin ngayon. Pero nuong nag tagal ay nakasundo din namin un mga classmate namin pero ung iba ay mahirap pakisamahan. Ang una kong naging kaibigan sa 4 - Blake ay si Cristine. Siya ay makulit , Tahimik , Matakaw , Kulot , Mabait , Matalino , Nagpapagaya , at Syempre siya'y Joker. At Payat . Laging kaming nag kwekwentuhan. Nang isang Araw may nanligaw saken ang pangalan nya ay Algie Barrento. Section 4 -HARVEY noong una ay napapansin kona siya kasi lagi siyang nakatingin alam mo un nakakainis . kasi hindi mo alam kung bakit siya nakatingin akala mo tuloy laging may dumi sa mukha ko pero kinikilig naman ako.


       
Si James Dalanon, Ay kaibigan ko hindi ko alam kung bakit hiningi nya ang Number ko akala ko siya ang makakatxt ko yun pala ay si Algie. akala ko niloloko ako ni james tinawagan ko ung Number na nag txtxt saken na si algie kinulit ko siya ng kinulit hanggang naniwala ako sa kanya na siya nga yon. Tapos yon nanligaw siya saken sinagot ko naman siya July 29 2011. Naging kami. Tapos isang araw may pinakita siya saken na isang video ko na kumakain ako sa patio na hindi pa kami closed at magkakilala. Ngayon Okey na kami Naging maayos ang aming relasyon namin at mahal na mahal ko siya dahil mahal n mahal nya din ako. Ngayon sabay kaming Gragraduate ng highschool. Kahit nag aaway kami ng madalas nakakaya parin namin ang mga pagsubok na dumadaan sa aming relasyon. nag papasalamat ako sa Diyos dahil nagkaroon ako ng boyfriend na mabait at kaya akong alagaan at ipagtanggol sa mga masasamang tao. at kami ay Legal na sa aming mga parents. Ngaun March 21 Birthday ko na naman ang wish ko lang ay masama ko ang family ko , boyfriend ko at mga friends ko ngaun darating na birthday ko. Ngayon march 30 gragraduate na kami. dito kona puputulin ang akin masaya at makulay na buhay ko. ni Aries I Gabayno.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento