Miyerkules, Marso 21, 2012

Ang Talambuhay ni Riza O. Joven

  Ang Talambuhay ni Riza O. Joven 
           Ako si Riza O. Joven na ipinanganak noong Feb.09 taong 1994 at isinilang sa Brgy. San Roque S.P.C.Ang aking mga magulang ay sina Rogelio A. Joven at Saturnina O.joven.Pang pito ako sa siyam na magkakapatid.Kasapi kami sa simbahan na ang pangalan ay The Church of Jesus Christ of Latter Day saints o mas kilalang mormon.Mahilig akiong magbasa ng mga kwento/ parabula o anumang babasahin.Paborito kong laruin noong bata pa lang ako ay jackstone o badminton.


Tumuntong ako ng elementarya sa gulang na siyam na taon dahil na rin sa hindi stable ang paninirahan  namin .Sa Brgy san crispin kami napalipat at dito narin ako nagkaisip.Sa San Crispin elem. School ako nag-elementarya .Sa mga panahong ito ,dito na rin ako  natutong makisalamuha sa kapwa bata ,sapagkat noong akoy bata pa ayaw ng magulang  namin na kami ay lalabas. Ang naging kalaro ko lang ay mga kapatid ko ,kayat lumaki akong mahiyain.Ganon pa man ay ipinagmamalaki ko ang aking mga magulang  dahil sila ay mga responsableng magulang.Dinisiplina nila kami at pinalaki ng maayos.Ang tatay ko ay walang bisyo kayat ang aking mga kapatid na lalaki ay naging kagaya nya.Bata pa lang ako ay marami na akong ipinagtataka sa aking mga nasa paligid na bagay, kaya naman ng tumuntong ako sa elementarya ang mga tanong na iyon ay unti-unting nasagot .Noong nasa elementarya ako pangarap kong maging nurse para  may marunong sa aming gumamot pag may nagkasakit,at mag-alaga sa pamilya ko,subalit ng tumuntong ako ng grade 5 pinangarap ko ding maging isang astronauts kasi gusto kong makarating sa labas ng mundo,kasi nacucurious talaga ako.Noong nasa elementaryaako paborito ko ang asignaturang math at syempre science,lalo na noong 4,5,6 ang topic ay tungkol sa mundo.
Ang aking pamilya

Araw ng pagtatapos sa elementarya
        Nang magtapos ako ng elementarya naging malungkot ako kasi mawawalay na ako samga naging guro atnagin malalapit na kaibigan ko.
.Nagpalista ako ng pangalansa Col.lauro D.Dizon MNHS kung saan pumasok ang kuya ko.Naging napakahirap para sa amin ang pagpapaenroll sa school na ito ,sapagkat sa mga panahong ito ay marami rin ang gustong pumasok sa Dizon high. Ilang araw din kaming nagpabalik -balik.Sabi nga ng mga magulang ko ay huwag na daw akong pumasok don .Nawawaan na nga ako ng pag-asakasi ang tagal talaga ng proseso.Pagkatapos ng ilang na pagpabalik-balik ay natanggap ako.nagpapasalamat talaga ako kasi natanggap na ako.Nang mag-1st year ako ay nasa section A ako,nanibago talaga ako.Palipat-lipat kasi kami ng room ,syempre iba pa ang principal noon si mam.Evelyn Malabag pa.Talagang nanibago talaga ako maging sa mga teacher mukha kasing mga stricto at matataray.Si sir.Mision ang naging guro ko sa math.noon talaga hindi ko siniseryoso ganoon pa man sya ang hinangaang guro ko pagdating sa asignaturang math noong 1st year ako.Sa Science naman ay nawalan na ako ng interes ,siguro dahil sa topic. Noong 1st year ako natutunan ko na rin kung paano magsolve ng mga problem sa math,sobrang nachallenge ako sa asignaturang math.Marami rin akong naging kaibigan,nagkaroong ako ng mga kabarkada,mababait sila at mabuti ring impluwensya.
        
Mga naging kabarkada ko noong nasa ikalawang antas ako
Noong magsecond year ako ,bumaba ang section ko naging section B.Noong una ayoko talaga sa section B kasi yung mga kaibigan ko ay nasa section A .Ang lungkot ko talaga ,pero naisip ko na may purpose si para sa akin.Naging kakase ko ulit si Precious ,kaklase ko sya nung nasa elementarya pa lang ako.Nakisalamuha muli ako sa mga bago kong kaklase .Ang naging teacher ko sa math ay si mam nuevo.Marami sa mga kaklase ko ang naging paborito sya.Magaling din sya at nakakachallenge,kapag ang buong klase ay mababa ang nakuha sa quiz nya ay inuulit nya .Nagig paborito ko din syang teacher sa math. Sa panahong nasa second year ako, maraming masasayang nangyari .Narealize ko na mas masayang kasama ang mga section B.


Mga kaibigan ko noong nasa ikatlong antas ako
         Maraming nakakatuwang bagayang  nangyari ..Naging interesting din sa akin ang subject na biology,kaya lang sa mga ibang subject wala akong masabikasi hindi siguro sila naging interesting pagdating sa pagtuturo,pero kahit konti naman ay may natutunan naman ako sa kanila.Ang teacher ko nga pala sa Filipino ay si mam Bidula magaling din sya at ang adviser ay ang guro namin sa T.l.e na si mam Sotalbo.
JS Prom 2011-2012
  Nang mag-3rd ako ay ganun pa rin ang section ko at masaya na ako dito ,ang adviser ko ay si mam umali ang guro namin sa T.l.e at ang co-adviser namin ay si mam Lee ang guro namin sa Filipino,Sya ay magaling at masipag magturo kaya naman naging interesting sa akin ang noli me tangere .dahil na rin sa kanya na feel ko talaga ang subject na ito.Masaya ako at naging guro namin sya.
        

Temple trip(Manila Philippines Temple)
    Sa kabilang banda ay aktibo ako sa mga gawaing pansimbahan,umaatend ako ng seminary class namin  at guro namin ay si sis. guerra.Nagkaroon din  kami ng youth tempe trip,sa manila Phils. temple.Nagkaroon din kami ng youg women act.,nag hiking  kami sa pandin lake at noong dec.2011 nakaroon kami ng stake cultural event. Sa pamamagitan kasi nito ay nalilinang namin ang aming mga talento at mas lalo pa kaming napapalapit kay god,kaya naman nagpapasalamat ako at naging miyembro ako ng simbahang ito
          Sa schoolnamin ay isa sa mga naging masayang karanasan namin ay ang j.s prom.maramiingkalokohan ang pinaggagawa ng aming section kayat ang 2nd at 3rd year ay di ko malilimutan .masaya kasing kasama ang section B.
           Sa church naman ay achiever ako sa aming seminary class at masaya ako.Sa kabilang banda naman ay malungkot kasi syempre di ko na makakasama ang mga kaklase ko sa seminary class.
          
Ward Camp
        Noong April 2011ay nagkaroon ng Y,S,A AT YOUTH CONFERENCE 3 days kami sa simbahan .Nagpraktis kami ng sayawat marami akong nakilalang mga kaibigan.Dahil 50 taon na ang simbahan sa Pilipinas ay ay naghanda kami ng mga katutubong sayaw 8 ward ang kasali kayat  habang kami ag nagkakamping ,kasama na rin ang paghahanda para sa anibersaryo ng aming simbahan. Nang sumapit ang buwan ng mayo  naging excited kami,at dumating ang may 14 kung saan ay ito ang araw ng aming pagpeperform.Ginanap ito sa Central gym at ito ay open sa lahat kahit di member pwedeg manood. ang sinayaw ng aming ward ay sayaw sa palayok.Akala ko noong una ay di ko kayang sumayaw ng may palayok sa ulo pero narealize ko na kaya ko pala.Naging masaya ang aming pagdiriwang ,masaya ako kasi inaksa ko ang aking bakasyon sa mga act. ng church,sayang nga lang at di ko nainbitahan ang aking mga kaklasepara manood.Naging successful ang aming jubilee.
Sayaw sa Palayok , April 2011
                Nang dumating ang June ay nagpaenroll ako para sa 4th year at asusual B pero masaya kasi kakalase ko na ulit ang mga naging kabarkada ko noong 1st year ako.Maraming nabago pagdating ng 4th year ,iba na ang principal sya ay si Mrs.Cristeta Uy.Naging organize ang Col. lauro D.Dizon Memorial National High School.Nagkaroon na kami ng guard.Nagkaroon ng policy na No id no entry,kailangan proper uniform.Hindi na rin pweding lumabas basta-basta ng walang dahilan.May parusa na rin sa mga batang palaging nahuhuli sa klase .Wala na ring makikitang mga estidyante na pakalat-kalat kapg oras na ng klase.Ang mmga guro namin ay halos masisipag hindi tuld dati na hindi nagtuturo .Ngayong 4th year maayos at organisado ang pamamahala. May mga building na rin na itinatayo . Sa mga nakalipas na panahon ay unti-unti na ring umaayos ang Col. Lauro D.Dizon Memorial National High School.Ang adviser namin ay si Sir .Vasquez ang guro namin sa pisika . Maraming nagsasabi na mahirap daw ang asignaturang ito pero para sa akin ayos lang masaya ako sa pag sosolve ng mga problem.Marami kaming natutunan sa physics, klaro kasing magturo ang guro namin . Sa math ang guro namin ay si Mam putungan ,marami din akong natutunan sa kanya at gusto ko yung paraan ng pagtuturo nya. Sa mga naging guro namin  sa A.p,hinangaan ko rin ang ang guro namin sa A.p IV(ekonomiks0kasi pag nagtuturo sya talagang papasok talaga sa isp mo ang mga itinuturo nya.Sa mga nakalipas na panahon sa pamamalagi ko sa High school,marami akong  natutunan ,mas lumawak ang aking kaalaman,pero nabago ang pangarap ko .Sa pagtuntong ko kasi sa High school, hindi na nursig ang gusto ko  at ayoko ko na ring maging isang astronauts.Inayawan ko ang nursing  kasi narealize ko na hindi ko kaya ang mga gawain ng isang nurse.Inayawan ko rin ang maging isang astronauts kasi ayokong maging againts kay God ,kasi ang astronauts ay tungkol sa syensya at ang siyensya ay di naniniwala sa Dios kasi puro eksperimento at puro proving.Paborito ko ang talaga ang math.B.S Accountancy ang gusto kong kurso na makuha sa kolehiyo kasi ayon sa ang guro sa Mapeh ang kunin daw naming kurso ay yung nageexcel kami. 
Family Home Evening
       Ayos lang din kung Engineering kasi tungkol din yun sa math.Sa pagtuntong ko din sa High marami akong nahiligan tulad ng pagkanta kaya lang mukhang walang hilig sa akin pero sa nga sa amin sa churh ay linangin daw ang talento.Sa pagkanta kasi nailalabas ang emosyon ng isang tao .Para sa akin kasi kapag di ako nakakanta hindi kumpleto ang araw ko.Maraming nabago sa buhay ko at marami akong naging karanasan sa high school na kailanman ay di ko malilimutan.Noong akala ko hindi masaya ang highschool pero tama sila masaya nga.Nang mag18th b-day ako ang saya ko .

Mga missionaries sa aming simbahan
     May inihand pa ang mag leaders ko sa simbahan.Nagpapasalamat ako sa Dios sa mga biyaya nya na ipinagkakaloob sa akin,sa pagkakaroon ng mabuting pamilta kaibigan at iba pa,at ngayong magtatapos na ako alam ko na panibagong hamon ulit ang aking kakaharapin pgadating ko sa kolehiyo.Marami mang naging pagsubok na aming kinaharap pero napapasalamat ako kasi nalalagpasan namin ito.Nagpapasalamat ako sa mga naging guro ko sa Dizon high kasi sila yung naging daan upang mas lumawak ang aking kaalaman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento