Ang Talambuhay ni
Maria Krizza Lyn D. Cavitana.
![]() |
Ako kasama ang aking pamilya |
![]() |
Ako at ang aking pamilya |
![]() |
Ako noong natututo palang akong tumayo |
Noong desyembre 24, 1995 kung kailan abala ang lahat ng miyembro ng aking pamilya at maging lahat ng aming mga kapit- bahay para sa pag hahanda sa darating na pasko ay siyang araw ding ako ay ipanganak. Mga ika-8 ng umaga ng araw na iyon ay naramdaman na ng aking ina na parang sya ay mananganak na. dinala na sya sa San Pablo District Hospital para doon manganak. Noong ganap na ika- 11 ng tanghali ako ipanganak at sa sandali ding iyon ibinigay sa akin ang aking pangalan na meron ding kahabaan.
Dumaan ang mga buwan at unti-unti ng nag kamalay ang aking isipan . Sa pang 8 buwan ay natuto na akong bumigkas ng salita na lahat ng bata ay ito ang unang natutunan, tulad ng ‘mama’ at ‘papa’. At sa pang 9 kung buwan ay natutu naman akong mag lakad ng paunti- unti.
![]() |
Ito ay ang aking unang kaarawan. |
![]() |
Ako kasama ang aking dalawang kapatid |
At noong ako’y naging 4 at kalahati taon g gulang ay nagaral ako ng kindergarten sa isang pampublikong day care center sa aming barangay. Mga 10 lang kaming mag kakaklase noon at lahat naman sila ay naging kaibigan ko. Marso 22, 2001 ng ako ay nagtapos . At ng ako ay 5 at kalahating taong gulang na pumasok naman ako ng nursery kung saan ako pumasok nung ako ay nasa kindergarten. Sila parin ang naging kaklase ko pero may mga ilan namang nadagdag . At Abril 1, 2002 naman ako nagtapos sa nursery.
6 na taon at kalahati naman ako pumasok ng unang baitang sa elementarya .Sa San Nicolas Elementary School ako pumasok dahil malapit lang ito sa amin na sa ngayon ang pangalan na nito ay Prudencia D. Fule Memorial Elementary School. Sa unang pangkat ako napapunta . Ang naging Guro ko noon ay si Gng. Anonuevo . Siya ang isa sa mga guro ang kinatakutan ko dati dahil napaka istrikto niya . Kapag nakita niyang mahaba ang kuko mo sa kamay pipitpitin niya ito ng patpat , Pero di ko naman ito naranasan dahil nag kukusa na akong mag pagupit ng kuko sa nanay ko kaysa mapitpit ang daliri ko. Pero ngayon naisip ko naman na para samin din ang pag tataray niya, para kami ay matutong maging malinis sa katawan. At sa ngayon ay nag retiro na siya sa pag tuturo.
Pumasok na ako sa ikalawang baitang . Ang naging guro ko naman noon ay si Gng. Villanueva. Siya naman ay isang mabait na guro. Ayaw niya ring may mga kaklase akong mahaba ang kuko sa kamay kaya may dala siyang
tatlong “nail cutter” pero kami na ang mag gugupit ng aming mga kuko. Noong taon ding yon ako nag kasakit ng “typhoid fever”. Hindi naman ito naging malala dahil sabi naman ng doktor na pwedeng sa bahay na lang ako mag pagaling. Mga dalawang linggo rin akong lumiban sa paaralan para mag pagaling.
![]() |
Ako noong nag tapos ako ng nursery, at elementarya. |
At pagkalipas naman ng ilang buwan natapos ko na ang angang aking pangngalawang taon ng elementarya.
Ako ay tumungtong na sa pang 3 baitang ko sa elementarya. Ang naging guro ko naman noon ay si Gng. Jalbuena. Siya ay napaka bait na guro . Ang hindi ko lang malilimutang ugali ni Ma’am ay nakakatulog siya habang nag checheck ng aming notebook , Kaya kahit kulang ang mga aralin na nasulat mo hindi niya ito mapapansin . Noon ding ako ay nasa ika-3 baitang ako ay nakasali sa mga “achievers”.
Ngayon naman ay pumasok na bilang isang ika-4 na baitang na estudyante. Ang nagging guro ko noon ay si Gng. Sael . Siya ay isang mataray na guro kung wala kang nagawang takdang aralin . Naranasan kong maparusahan dahil di ako nakagawa ng takdang aralin .Kami ay pinahilera sa unahan ng silid aralan ,at dapat hawakan namin ang tenga ng aming katabi na ang kamay namin ay naka kros. Nakakahiya ang naranasan kong iyon kaya palagi na akong nagawa ng aking mga takdang aralin.
Nasa ika-5 baitang na ako. Ang naging guro ko naman noon ay si Gng. Atienza . Kahit siya ay medyo matanda na maganda parin siya . Medyo mataray din siya lalo na kung ikaw ay maingay. Noong taong iyon ay nagkaroon ng paligsahan sa pag luluto. Nag laban ang baitang 4 hanggang 6 . Kahit hindi ako noon marunong mag luto nakisali parin ako dahil pag hindi ka katulong sa pagluluto ikaw ay magsusulat ng pagkahabahabang aralin . Masaya kami dahil ang niluto naming “Ginataang kalabasa na may pako” ang siyang nanalo. At noong taon ding iyon ay naparangalan ulit ako bilang isang “achiever”.
At dumating na nga taon kung saan huling taon na namin sa elementarya. . Si Gng. Banzuela ang naging guro ko noon. Siya ay napaka buti sa aming mag kakaklase. Ang hindi ko naman makakalimutan kay Ma’am ay minsan kahit anong tawag mo sa kanya o kahit medyo pasigaw ka na pag kausap siya ay hindi kaparin nya masayadong maintandihan dahil mahina na kanyang pandinig. Siya ay nagiisa lang sa buhay , at ang mga kasama lang niya sa bahay ay ang kanyang mga aso. Kaya kahit kailan mo gustong matulog sa kanyang bahay ay papayagan ka niya . At pagkalipas ng ilang buwan ay dumating na nga ang araw kung saan ako ay mag tatapos na ng elementarya.
Ako ay 11 na taon at kalahati ng ako ay pumasok na ng haiskul. Pumasok ako sa paaralan kung saan din nagtapos ang dalawa kong nakatatanda kong kapatid sa COL. LAURO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL .Ako noon ay nasa pangkat B .Nung unang pasukan kung saan sinabi sa amin ang iskedyul ng aming naging guro na si Gng. Baylon. Kalahating araw lang ang pasok kaya pag kasabi sa amin ng aming iskedyul ay kami ng aking ina ay nag pasya na puntahan namin ang magiging silid paaralan ko sa m.a.p.e.h dahil noon ang mga istudyante ay nag lilipatan pa ng silid aralan. Nang kami ay papunta na sa m.a.p.e.h building ay nakilala ko sina Grace at Krishia. Sila ang naging una kong kakilala noong ako ay nasa 1st year pa lamang. Kinabukasan naman kinakabahan ako dahil ako lang mag isa ang pumunta sa eskwelahan dahil nung ako ay nasa elementarya ay hinahatid ako ng aking ama bago siya mamasada ng tricycle. Pero nasabi ko sa sarili ko na dapat ay matuto na akong mag isa. Marami akong naging masasayang karanasan noong ako ay nasa 1st year .tulad nalang noong kami ay sumali sa pagalingan ng pag arte sa kwentong Ang Ibong adarna . Kami ay nanalo noon . Kami ay nasa pangalawang pwesto. Pero kahit ganun masayang-masaya kami sa nang yari . at natapos ko na nga ang unang taon ko sa haiskul .
Nang ako naman ay nasa 2nd year na ay ang naging guro naman naming tagapayo ay si Gng. Sotalbo. May mga kaklase akong bumaba ang pangkat ang iba naman ay tumaas at ang karamihan naman ay nanatiling nasa pangkat B.noon ang gusto ko lamang ay manatili sa pangkat B , dahil marami na akong naging kaibigan sa pangkat na ito .Sumali ulit ang aming pangkat para sa pagalingan sa pag arte sa kwento naming Florante at Laura na isinulat ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal. Pero malunkot mang isipin ay natalo kami noon per kahit ganoon ang nangyari ay masaya parin kami dahil sa mga masasayang nangyari sa amin habang kami ay nag iinsayo para dito. At dahil dito mas naging malapit kami sa isa’t-isa.
Noon namang ako ay nasa 3rd year haiskul na, nakilala ko ng lubusan ang mga naging kabarkada ko. Noon din nangyari ang ilan sa mga masayang karanasan na nangyari sa buhay ko. Naranasan ko ang buong pangkat naming ay hindi pumasok sa isang subject , alam naming mali iyon pero noong araw na iyon pala ang guro naming sa subject na iyon ay wala dahil may sakit kaya tama lang pala ang naging desisyon namin noon. May naging pag kakataon ding kami ay medyo natakot dahil halos araw-araw kaming napapansin ng ilan naming mga guro na ang pangkat daw naming ang pinaka maingay pero kahit ganun na ang nangyari wala paring pagbabago sa aming pangkat . Ang naging guro naman naming tagapayo ya sina Gng. Umali at Gng. Lee. Ang hindi malilimutang karanasan naming noong ako ay nasa 3rd year ay noong kami ang naggawa ng isusuot ng mga mag mamardigra sa aming paaralan. Halos 3 linggo ding hindi kami nag klase ng dahil doon. Naging masaya naman kami noon dahil naging maayos naman ang kinalabasan ng aming mga ginawa. At natapos naman ang taon naming na masaya .
At ito na nga taon ng aming pagtatapos sa aming haiskul life. Malungkot kami noong unang pasukan dahil marami sa aming mga kaklase ang napalipat sa ibang pangkat at medyo kakaunti na ang mga natitira . Ang mga bagong
![]() |
Isang pag tatanghal para kay Mikee |
![]() |
Ang aking mga kabarkada OMG.o3 :) |

Kzee _ 24 ; P
haha... kakatawa naman to kzee
TumugonBurahin