ako nung unang taon... (cute ba? xD) |
kinder days.. |
..me and kuya.. |
first communion.. |
Nag-aral ako ng Elementarya sa Paaralan ng San Juan,sa una ay naninibago ako sapagkathindi ko na kasama ang aking ina sa paaralan ngunit kinalaunan ay nasanay na rin ako dahil madami akong naging kaibigan.Naaalala ko noon,nang nagtatrabaho ang aking ama't ina ay binabantayan kami ng tiyuhin kong si tito ding,siya ang nagturo saakin kung paanong maghugas ng pinggan,maglaba at maging ang iba pang gawaing bahay.Pitong taong gulang ako noon nang mapansin ng mga magualng ko ang pagbabago ng aking kilos,naglalaro ako ng larong panlalaki maging ang mga kaibigan ko ay mga lalaki rin,marahil na rin siguroy nasanay akong sai tatay at si kuya ang aking kasama.napaka sweet at close naminn mag-aama noon,si tatay ang kalaro namin siya din ang pinakang maunawain sa amin,ni minsan ay hindi niya kame sinaktan kahit na makukulit kamini kuya.Nasa ikatlong baitang ako noon nang pumunta kame sa probinsya ng aking ina sa bicol.buhat doon ay nakita ko ang magagandang tanawin,ang dagat aqt mga kagubatan,masaya kame doon ngunit nang isang araw ay nagkasamaan ng loob ang aking ama at si titi meo,hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pagsuntok kay tatay,buhat noon ay nagkaroon ng galit aking puso para sa tiyuhin ko.ang taong ding ito nang nagkaroon ako ng kaaway sa paaralan dahil sa aking katarayan at malimit na patawagin ang aking mga magualang,ngunit kahit na ganoon ay mahal pa din nila ko't hindi pinababayaan kahit na minsan ay ako'y kanilang pinagsasabihan,ngunit ni minsan ay hindi sumama ang loob ko sa kanila sapagkat alam kong para ito sa aking ikabubuti.Matrapos noon ay akoy nagkomunyon.Sumunod ang isang taon at ako'y nasa ikaapat na baitang nang makilala ko si alicia guttierrez na aking naging guro,naging malapit ako sa kanya at naging seryoso ako't ganadong mag-aral,para ko na din siyang lola dahil hindi lang niya kame basta tinituruan at binabantayan kundi inaasikaso din niya kami na parang tunay na niyang apo,andami kong natutunan sa kanya,ang paggalang at pagsisikap,walang araw na hindi niya ako pinagbabasa dahil ang nais niya'y maging mahusay akong mag-aral at nang natapos ang taon ay nakatanggap ako ng parangal bilang kauna-unahan sa aming pangkat ngunit ang pagtatapos ng taong iyon ay labis kong ikinalungkot,dahil sa matanda na siya ay nagritiro na ito at hindi ko na siya makikita pa,labis kong iinagpasalamat at nakatagpo ako ng mahusay na guro at napakabaet at kailan ma'y hindi ko siya makakalimutan.
Mga pinsan ko at si kuya |
Ito na ang simula ng High School life.Nabilang ako sa pangkat I-C,sa una ay medyo kinakabahan ako dahil hindi ko kilala ang mga magiging kaklase ko pero syempre nakisama ako at di' nagtagal ay nakakita din ako ng mga kaibigan pero syempre hindi pa din mawawala sa sarili ko ang ugali na meron ako noong elementary,inenjoy ko lang ang pagiging 1st.year,masaya,hindi pa naman kasi ito ang oras para magseryoso ako ng sobra.Nang nagsecond year ako ay,hindi na tulad ng dati,nagsipag ako sa pag-aral,section C pa din naman ako at dahil iba-iba na din ang mga kaklase ko ay pinakisamahan ko sila at nadagdagan ang aking mga kaibigan.Nakipagkompitensya di ako sa mga kaklase kodahil mahuhusay sila kaya't hinusayan ko din,sobrang dami ng nangyari noong taong ito sakin,natuto din akong makipagbonding,makisama at kung ano-ano pa.
VOLUNTEER !!! :) |
SOCLEA(batch 41) |
Nang mag christmas party na kami sa c.a.t ay super saya,ngunit nang sumapit ang panibagong taon,ang 2011 na ikaapat at ikatlong markahan ay napabarkada ako,masaya namang kaibigan ang mga naging tropa ko ang tropang wazalak-amazona,totoo silang kaibigan at hindi nangiiwan pero syempre hindi pa din mawawala ang pagkakaroon ng masamang impluwensya.Lage kami noong nagcucutting halos half day na nga lang kami noon dahil hindi na kami pumapasok sa hapon at naglalakwatsa lang kami,pumupunta kami sa bahay ng mga katropa namin at doon kami nagiistay.Halos napabayan ko noon ang aking pag-aaral maging ang pag c-c.a.t ko ay medyo napabayaan ko din.Naging pabaya at bulakbol din ako noon,naimpluwensyahan ng masama at natuto ng kung anu-ano,pero dahil na din sa c.a.t,kay sir.marfori ay nagbago ako.
Nagsummer training kami noon at nageenjoy ako dahil sa sobrang saya,sobrang daming expirience at matututunan,naisip ko din noon ang mga magulang kong nagpaakahirap sa pagtatrabaho kaya inisip kong umiwas sa mga ganoong gawain.Pinayuhan ako ni sir.marfori at hinikayat na magbago,ipinaalam niya sakin ang kahalagahan ng kinabukasan,mula noon ay umiwas na ako sa mga dati kong kabarkada at nakatagpo ako ng mga bagong kaibigan sina recy,diana,misty,kayee,ethel,aerol at kaicel,nong summer training ay hindi pa kami gaanong m ga close medyo may mga ayaw nga kami sa isat-isa,noong summer training nga ay si diane lang ang lagi kong kasama.Matapos ang 4weeks naming pagsasanay sa school ay sobrang nabitin kami,parang gusto naming iextend kasi super saya,hinubog dito ang aming pagkatao at natutunan kong makisama at magkaroon ng pakikiiisa,natuto din akong akong magsipag dahil hindi lang basta npagsasanay ang ginagawa dito matututo ka din ng mga gawaing bahay,nakilala din namin si sir.Vic Rivera na minsang nagturo saamin upang lalong mahubog ang aming pagkatao at magkaroon ng tiwala sa sarili,hindi lang physical ang mahuhubog sayo dito kundi pati na rin ang mental at emotional.Kinaya naming lahat ang pagbibilad sa araw at lahat ng pagsubok,wala kaming arte sa isat-isa at pantay-pantay lkang kami dito,lahat ng problema kinaya namin pero kahit na nahihirapoan kami ay hindi na namin iyon alintana dahil sama-sama kami't masasaya.
May 7 noon,huling araw ng aming summer training at huling araw din ng aming pagiging volunteer dahil bibigyan na kami ng aming designation,ako ay naging 2nd.battalion.commander at sobrang saya ko dahil hindi ko inaasahan na mapupunta saakin iyon at lahat kami'y masasaya sa aming designation.Kahit natapos na ang summer training ay pumupunta pa din kami sa schoolupang tulungan ang mga guro at nang magpasukan na ay ginampanan na namin ang aming tungkulin sa paaralan.June 10,2011 nang mabuo ang tropa ko ang,ang tropang THALALHUBXS kabilang na nga dito sina recy at nabuo ang samahang ito sa organisasyon namin.Sila ang mga naging kaibigan ko hanggang ngayon,lagi kaming sama-sama at hindi nag-iiwana kung minsan ay may problema ding dumarating pero agad naman namin itong nareresolba,sa tagal ng aming mga pinagsamahan ay naging isang pamilya kami at si mami ethel ang aming mami.Sa panibagong taon ulit ng pasukan ay napaka dami ulit ng nangyari.Naging 4blake ako kahit na nagbulakbol ako noon ay tumaas pa din ang aking section.Kasama ng aking masasayangf nakaraan ang c.a.t organization,tropang thalalhubxsz,wazalak-amazona,mga naging classmate ko at ang 4blake.Para ngang ambilis ng panahon,parang kelan lang eh' summer training lang tapos ngayon gagraduate na.Minsan nga naaalala ko lang na noong bata ako eh' linggo-linggo lagi kaming sumisimba kasama ang pamilya ko at nagbobonding pero ngayon madalas na lang kaming sumimba nang kumpleto kase kadalasan mga kaibigan ko na ang kasama ko,pero kung ano man yung mga nangyari sa nakaraan ko,mabuti man o masama,hindi o pinagsisisihan iyon dahil natuto ako sa mga iyon,kung ano man iyong mga masamang nangyari saakin ayos lang saakin kasi atleast nagbago ako at expirience na din para sa susunod alam ko na ang dapat kong gawin,saka ang mga naranasan ko ay ang naging daan para magtiwala ako sa sarili ko upang mahubog ko ang aking pagkatao para maging matatag at lumakas ang loob.
tropang thalalhubxsz |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento