Ang Talambuhay Ni Angelu Jane Labitag Aquino
|
ako noong baby pa |
Ako si Angelu Jane Labitag Aquino at ngayon ay nasa ikaapat na antas ng sekundarya at kasalukuyang nag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ipinanganakako ako noong ika-18 ng enero, 1996 sa ganap na 9:00 ng umaga sa San Francisco Calihan, San Pablo City. Ang aking ina ay si Conchita Labitag Aquino at ang aking ama ay si Felizardo Aguy Aquino. Apat kaming magkakapatid, tatlong babae at isang lalaki. Si Ate Angelie ang panganay , sumunod ang Kuya Jerome ko at si Ate Anjanette at ako ang bunso.
|
ang ninong ko |
Noong bata ako magkakasabay kaming lumaki ng aking Ate Anja at ang pinsan kong si Jesyca at Krystel. Bata pa lang ako pilit ko nang kinukumbinsi ko aking mama na ipasok akong prep., kaya sa murang edad na apat ay nakapag-aral na agad ako . Dahil nagtatrabaho anga aking ama at ina kaya nasanay ako na hinahabilin nila sa aming kapitbbahay at kaibigan nilang mag-asawa na si Ben at Lily. Marami akong naging kaibigan noon hanggang makatapos akong prep ay ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa kinder dahil daw hindi pwede ang 5 taong gulang sa grade 1. Kaya isang taon pa ulit ako nag-aralsa Brgy. II-B Day Care Center, medyo madali para sa akin kasi nasa likod lang ng bahay namin yun at sanay naman akong pumasok ng mag-isa at tsaka magkakasabay kame lagi na aking kababatang sina Renz at Marimar
.
|
kaming magkakapatid |
Pagkatapos makagraduate ng kinder nag-aral naman ako ng grade 1 sa Ambray Elementary School. seksyon A ako at ang aking guro noon ay si Gng. Glorioso. Medyo istrikto syang guro npero mabaet naman sya at madami kang matututunan sa oras ng klase , tuwing hapon lagi kameng nagdadasal gamit ang rosaryo kaya noon palang nasaulo ko na ang lahat ng dasal. Minsan pagkatapos magdasal lagi akong nakakatulog sa kanyang klase pero hindi naman ako napapagalitan .
|
Si Anthony |
Nang maging grade 2 ako, seksyon A pa din akomedyo mahirap makibagay nang mga panahong iyon sapagkat ang aking mga kaibigan noon ay bumaba ng seksyon . Simula ng mag-grade 3 na ako, noon ko lang lubusang na-enjoy ang pagiging elementary ko.Naging malapit ako sa mga kaklase ko at sa aking mga guro .Dito ko unang naranasang magkacrush, simula noon hindi ko na siya nakalimutan at minsan nalaman ko na kaibigan pala siya ng kuya ko, naging inspirasyon ko sya mula noon.
|
ako at si ate anja |
Nang maggrade 4 naman ako nang mag-aral akong magcomputer, ito ang naging daan ko para malaman ang mga bagay na gusto kong matutunan lalo na sa mga bagay na nagsisimula akong ma-curious.Pero hanggang matapos ako nang grade 4, hindi pa din tapos ang aming computer lesson at puro basic lang din ang nalaman namin. nang mga panahong ito graduating n ang aking ate anja at jesyca at syempre ang aking crush. Malungkot ako noon kasi hindi ko na sya makikita kaya simula noon sinpagan kong mag-aral para maging highschool na din ako, kaso napag-isip-isip ko medyo matagal pa din pala kasi dapat sumusunod ako sa tamang hakbang patungo doon.
|
ang aking mama at kuya |
Noong maggrade 5 ako, biglang bumaba ang seksyon ko mula A napunta ako sa B, pero sa halip na magalit ako tinanggap ko ng maluwag sa dibdib at sa halip lalo ako nagsumikap. Madami akong naranasan noon, at isa na dito ay ang pagsali ko sa kids prom namin. doon ko na experience ang first dance ko.
Noong maggrade 6 ako puro naman kame kalokohan kaya nasangkot ang seksyon namin sa ibat-ibang kaso. Bago kame grumaduate noon ay puro kame requirements na dapat i-submit at dahil doon naghapit kame sa paggawa lalo na sa diary at sa H.E. Nakatapos naman lahat kame at naka graduate. Masayang masaya ang aking mama noon dahil sa lahat ng pagkakataon ay katulong ko sya sa mga gawain na may kinalaman sa aking pag-aaral kaya siguro mas naging emosyonal pa sya kaysa sa akin.
Pagkatapos noon isang emosyonal na graduation ball ang naganap kasama ang mga mahal naming guro na gumabay sa amin simula sa umpisa ng aking pag-aaral.
Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool, dito ako pumasok ng first year , isang bagong simula, bagong lugar at mga bagong kaibigan. Siguro lahat talaga ay bago kaya kailangan mo talagang makibagay at sumunod sa agos ng buhay.Hindi naman ako masyadong nahirapan kasi kahit papaano nandun yung mga dating kong schoolmate.Naging kaklase ko noon sina Francesca, xylene at michelle. Seksyon D kame noon at isa sa hindi ko malilimutan ay ng malaman ko na aking crush noong elementary ay isang 3-Science pala sa paaralang iyon at katabi namin sila ng silid-aralan. Isang linggo matapos noon naging kabarkada ko sina Daimy,Shella at Maila. At minsan ng magkaaway ang barkada namin pinahirapan kame ng guro namin sa math sapagkat kung hindi daw kame magkakaayos ay bababaan nya ang grade namin sa math. Syempre, sayang naman yung mga pinaghirapan namin kaya ang ginawa ko nakipagayos na lang ako sa kanila .
|
2-B |
Pagpasok ko ng 2nd year naging B naman ako. Dito ko nalaman na ang seksyong aking kinabibilangan ay kaya din palang magcutting at magtago sa mga titser upang hindi makapagklase pero sa kabila ng ilang pagtatangka nauwi lang lahat sa wala at sa ayaw at sa gusto namin ay mag-aaral pa rin kame. Si ate anja ko noong mga panahong ito ay kabilang sa C.A.T, kaya talaga namang hinangaan ko siya kasi kahit babae siya nakuha pa din niya ang isa sa mga mataas na designation o rango at isa sa mga pangarap ko ay mapabilang din sa organisasyong iyon. Dahil 4th yr si ate anja kaya umatend ako ng graduation nila. Medyo masaya ako para kay ate kasi college na siya pero malungkot din ako kasi yung mga kaibigan niya ay malapit din saken.
|
Mendoza Family ng C.A.T |
Third year ng ako ay mag-volunteer, medyo mahirap pero kayang kaya basta konting tiyaga ang kailangan. Madaming pagsubok n ahinarap ang bawat isa upang matanggal ang hiyang meron kame, puro parusa na lang ata ang aming naranasan kaya tumatag ang aming loob para harapin lahat ng pagsubok. Nang magtagal naman naging mabaet na rin ang mga kaaway naming officers.
|
si king |
Tsaka nakilala ko dito ang aking bagong crush, siguro masyado ko lang talaga siyang hinangaan sa pagiging mabait na officer at pala biro pa. Sumali ako sa J.S prom at isa siya sa mga nagsayaw sa akin, di ko malilimutan un kasi yun ung pinakamasaya para sa akin. Siguro simula noong magvolunteer ako madami na akong naisakripisyo tulad ng oras sa pag-aaral at sa ibang mga kaibigan ko. Pero ang kapalit naman ng mga yun ay nakita at nakilala ko ang mga bagong kaibigan na pwede kong maging sandalan pag may problema ako at naging pamilya ko na din sila kasi dito nabuo ang mga bagong tawagan na naging dahilan upang ang mga bagong grupo ay mabuo. Isang mahirap na pangyayari ang kailangan mong magpaalam sa mga naging kaibigan mong 4th yr. lalo na ang paglimot sa mga samahan ninyo.
|
angels ng C.A.T |
Nagsummer training ako sa loob ng 20 araw sinubok kame para lang makuha ang pinapangarap na designation. Dahil dito nakilala namin kung anong tunay naming mga pagkatao . Isa sa mga matiyagang nagturo sa amin ay si Sir Vic Rivera . Naging masaya ang training ng turuan kami ng ilang exercise para maging malakas kame araw araw. Nakilala kame bilang "angels" : ako, si shy, mau,xylene at aylene . Lahat kame magkakaiba pero pagkatapos ng summer naging close ang lahat at nakuha ko din ang gusto kong designation "Corps. Ex-o".
|
ang RCY |
Sumali naman ako ng Basic Leadership Training ng Red Cross Youth. Ito ay upang mahasa ang aming galing sa pagharap ng ibat- ibang sitwasyon at upang kami ay masanay sa pakikisalamuha sa mga kabataan na iba-iba ang edad. Sa loob ng dalawang araw madami akong nalaman at naranasan. Naging malapit agad ako sa aaking mga bagong kaibigan.
|
4 blake |
Nang magpasukan namang muli doon ko lang nakasama muli ang aking mga ka-eskwela noon dahil dito nagsimula na ulit ang mga kalokohan ng aming seksyon. Dumalo ako ng Junior Senior Prom namin naging masaya ito sapagkat hanggang doon naging makulit pa din ang seksyon namin , siguro ito ang masasabing kong pinakamasaya kasi hindi ko malilimutan ang mga kapilyahan namin bilang isang batch.
|
ako ito sa ngayon |
Sa kasalukuyan bilang estudyante at officer pinagbubuti ko ang aking pag-aaral para makabawi ako sa kabutihan ng aking mga magulang.Ang mga karanasan kong ito ang gagamitin kong gabay sa ngayon at sa mga susunod pangtaon at karanasan.Pag naka-graduate ako, isang bagong karanasan ang aking uumpisahan at ang mga karanasang ito ay hindi ko malilimutan kailanman. Salamat po sa pagbabasa at sana na-enjoy niyo ang kwento ng aking buhay. Salamat po ulit...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento