Ang aking Talambuhay(Alvince Apita)
![]() |
ako ay 6 months |
![]() |
ako noong 3 taong gulang (ako ung nasa side car) |
Ang aking ama’t ina ay masayang nagsasama, ang aking ina ay nagngangalang Cristina R. Betchaysing, siya ay isang butihing maybahay bagamat siya’y walang trabaho sya naman ang mga gumagawa ng mga gawaing pambahay at nagsisilbing ilaw ng aming tahanan. Ang aking ama naman ay si Alexander T. Apita siya naman ang tumatayong haligi ng aming tahanan at nagtratrabaho sa munisipyo ng San Pablo City bilang isang librarian.
Kami ay apat na magkakapatid, ang aking nakatatandang kapatid ay si Dynalyn Apita Mallari, siya ay nasa edad na dalawamput siyam na taong gulang, at mayroon na sariling pamilya, at kasalukuyang naghahanapbuhay sa ibang bansa upang kumita ng pera at matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya at sa kabila nito sya pa rin ay patuloy na tumutulong sa amin sa loob ng pitong taon. Nagtapos sa ng kolehiyo sa paaralan ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo sa kursong kanyang kinuha Bachelor of Science in Business Administration siyam na taon na ang nakararaan.
Ang pangalawa ko naming kapatid ay si Alcris Betchaysing Apita, hidi man sya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo nabigyan at nagkaroon naman siya ng magandang oportunidad sa ibang bansa at ngayon ay nagtratrabaho bilang Waiter sa isang hotel sa bansa ng Dubai. Maaga rin siyang bumuo ng kanyang sariling pamilya meron na syang dalawang anak at siya ay nasa edad dalawamput dalawang taong gulang na ngayon. Ang dalawa kong kapatid ay kinaylangang lumayo sa amin upang kumita ng malaking pera para sa kani-kanilang sariling pamilya at para sa amin na din. At ang pangatlo naman ay ako, ako ay nasa edad labing lima sa ngayon at kasalukuyang nag-aaral sa pampublikong paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National HighScchool, at nasa ika- apat na taon na ng highschool at malapit ng magtapos ng sekondarya. At ang panghuli at ang bunso kong kapatid ay si Aliana Yshin Apita Betchaysing Apita, siya ay walong taong gulang nasa ngayon ay nag-aaral din sa pampublikong paaralan ng Elementarya sa San Juan.
![]() |
ako noong kinder |
Ang aking nakaraan ay palaging bumabalik at palaging nagugunita sa aking ala-ala, natatandaan ko pa ang aking mga masasaya at malulungkot na nagyarai sa aking buhay. Ang mga taong naging parte ng aking mga karanasang ito ay ang bumuo ng aking pagkato, sa edad kona apat na taon ay nagsimula na akong pumasok at mag-aral sa kinder sa paaralang Day Care ng San Juan, San Pablo City. Laguna, ditto ko natutunang magsulat, magbasa at making sa leksyong tinuturo ng aking guro na si Gng. Yarte, isa siyang masipag at mapagmahal na guro, ditto rin ako unang nakilala ng aking mga bagong kaibigan. At lumipas ang dalawang taon ay sumapit ang aking pagtatapos bilang kinder, masayang Masaya ako at aking buong pamilya sa aking pagtatapos.
![]() |
ako noong grade 1 |
At sumapit ang isa pang yugto sa aking buhay ito ay ang aking pagtungtong bilang elementarya, dito ako nakakila ng maraming kaibigan nung ako ay nasa unang baitang ng elementarya marami akong ala-ala na hindi malilimutan katulad ng larong ”Shiwaparu” kasama ko sa larong ito ay aking mga kaklase na babae tuwing bandang tanhali naming ito nilalaro. Masayang Masaya kami sa pangangalaga ng aming butihing tagapayo na si Gng. Maricon Angeles Caseres at naalala ko pa ng panahong iyon noong na paltok ako ng pambura sa pisara ng aking titser sa kadahilanang ako ay maingay at ng nasira ko ang isa naming upuan sa loob ng aming silid aralan. At sa kabila ng lahat ng ito ay dumating na ang araw ng pagbibigay ng karangalan at sa hindi inaasahang pagkakataon isa ako sa nabigyan ng karangalan sa ikatlong puwesto o 3rd honorable mention.
Masayang Masaya ang aking mga magulang at ang nagsabit sa akin ay ang aking butihing ama at lalo akong naging masaya ng sabihin sakin ng aking ama bilang kanyang regalo ay kakain kami sa labas, at sa sikat paborito ko pa na kainan noon sa Jollibee. Lumipas na ang mga buwan ako ay tumuntong nasa ikalawang baiting, ang aking tagapayo ay si Gng. Anselma T. Denosta, at sa aking paggunita kami ay inanyayahan ng aking tagapayo sa kanilang bahay sa Sta. Maria Magdalena sa Lunsod ng San Pablo, at ditto kami naglaro at kumain ng tinapay na may palamang “Cheeze Whiz” . At lumipas pa ang mga buwan ay dumating na naman ang pagbibigayan ng karangalan at muli masayang masaya na naman ang aking mga magulang nasa ikalimang puwesto ako na nabigyan ng karangalan o 5th honor, at muli ang nagsabit ng aking medalya ay ang aking ama masaya ako at muli akong nakatuntong ng entablado.
![]() |
ako noong grade 3 |

![]() |
ako noong 2nd yr section B |
Sa pangalawang yugto ng aking buhay muli na naman akong nagpatuloy sa pag aaral bilang sekondarya ang napili kong pasukan ay isa mga pampublikong paaraalan sa san Pablo paaralang col lauro d. dizon memorial national high school,unang araw ko palang sa sekondarya marami na agad akong naging kaibigan palagi kaming magkakasama sa lungkot man o saya ng aming buhay, dito naging matured ang aking isipan ang matutong umibig, umiyak, tumawa kahit nasasaktan yan ay ilan lang sa aking mga nararamdaman sa aking buhay.Noong ako ay nasa unang taon ng sekondarya nasa section A, ditto nabansagan nila akong “Dyesabel”, dahil ako ay madaldal, masayahin ang aking guro ay si Gng. Aleli Juliano. At lumipas ang ilang buwan ay sumapit ang labanan ng ibong adarna at ang aking ganap ay isang negrito ngunit kami ay nagkamit lamang ng ikatlong pwesto . Noong ako ay nasa ikalawang taon sa sekondarya ditto ko muling nakilala ang aking mga bagong kaibigan na sina Ron Daniel Dequito, Jerico O. Doce at Jhuncel Mendoza Deriquito, kaming tatlo ay lagging magkakasama ngunit nalungkot ako ng ako ay naiba ng section napunta ako sa section B sa pangagalaga ng aming butihing guro na si Gng. Vinia Sotalbo, at hindi naglaon sumapit na naman ang buwan ng Wika at ditto ay labanan ng Florante at Laura ang aking ganap ay si Adolfo ngunit sa kasamaamg palad ako ay tinanggal ng nagtuturo sa amin na si Angelica tayobang sa kadahilanang ako daw ay maingay kasama kong natanggal sa tanghalan ay si Jerico Doce. At hindi kami nagkamit nang unang puwesto sa patimpalak at makalipas ang araw ding iyon ay pina monolog na ang mga hindi kasali sa tanghalan at nagmonolog kami ni Jerico at sa kabutihang palad ay nakapasa naman kaming dalawa at patapos na naman ang taon at muli na naman sasapit ang buwan ng hunyo magsisimula na naming mag aral at ngayon ay nasa ikatlo na ako sa sekondarya, ditto naramdaman ko ang maging malungkot dahil nagkahiwa-hiwalay kami ng dati kong mga kaklase yung iba ay bumaba ng section yung iba naman ay tumaas at nananatili parin akong nasa section B. ang aking guro ay napakabuti sig ng. Anabelle Lee at Gng. Lorna Umali, at naranasan kung muli ang maging malungkot dahil di ko na makakasama ang



umaro sa Palarong Panlunsod.At lumipas muli ang buwan abalang abala ako sa pag aayos ko ng aking mga gamit dahil huling taon ko na sa sekondarya at masayang masaya ako… lumipas ang apat na buwan dumating ang “School Intramurals”, dito nabigyan ako ng pagkakataon maging manlalaro ng seniors at may numerong 1.At ako ay napili bilang isang manlalaro ng Dizon High sa volleyball upang l
![]() |
noong ako ay manlalaro ng dizon |
Ika-30 ng Marso 2012 ganap ng 1 PM ay magaganap ang aming pagtatapos. Gusto ko sulitin ang mga natitrang panahon sa aking mga kaibigan at mga guro. Magaganap doon ang aming pagtatapos. Kami ay aakyat sa entablado upang kuhanin ang aming diploma at magpaalam sa aming paaralan.
Gusto ko sana maging isang mahusay na CHEF.
At alam kong magagawa ko yun kung ako’y magtitiwala sa aking sarili.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento