Huwebes, Marso 8, 2012

Ang talambuhay ni Grace V. Estrellado


   Taong 1996 ikalabing-isa ng buwan ng Marso ng dumating ang araw ng aking kapanganakan. Isinilang ako sa bayan ng San Pablo City,Laguna. Ang nangyaring ito ay ang masasabi kong pinakamasayang parte ng aking buhay, ang masilayan ko ang mundo, makilala at makasama ang aking mga mahal sa buhay. Grace V. Estrellado ang napili nilang ibigay na pangalan sa akin.
   Pagkatapos ng halos pitong buwan ng aking pagkasilang ako'y nabinyagan at naganap ito sa Chapel ng San Lucas 1 na aming barangay. Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng mga piling ninong at ninang ko. Matapos ito, ayon sa sinabi sa akin nang aking mga magulang kami'y umuwi at nagkaroon ng kaunting salu-salo sa aming bahay.
   Sa paglipas ng maraming araw, oras, buwan, taon, at panahon ang mag taong nagmulat sa akin ng mga magagandang karanasan at ang naging mga kasakasama ko, sumusuporta, tumutulong at gumagabay sa akin sa bawat disesyon na aking ginagawa sa buhay ay walang iba kundi ang aking mga mahal na magulang. Sila ay sina Cheryl V. Estrellado at Moises R. Estrellado. Ang aking ina ay nagtatrabaho sa isang maliit na kompanya bilang isang "Sales Consultant". Bagama't siya'y nagtatrabaho, nagagampanan pa rin niya ang pagiging ina niya sa amin at responsibilidad niya bilang isang ilaw ng tahanan. Ang akin ama naman ay kinakailangan nga lamang na lumuwas ng Maynila upang doon maghanap-buhay. Kahit na siya'y hindi namin nakakasama dahil kinsenas at katapusan siya umuwi, alam kong hindi niya kinakalimutan ang pagiging ama niya sa amin. Ang aking ama't ina ay parehong nagtatrabaho at nagtutulungang kumita ng pera upang mapagtapos lang kaming dalawa ng aking nakakatandang kapatid sa pag-aaral. Istrikto man sila sa lahat ng bagay alam kong kabutihan lamang namin ang kanilang iniisip.Michelle V. Esrellado ang pangalan ng aking nakatatandang kapatid at dalawang taon ang agwat ng edad namin sa isa't isa. Magtatapos na siya sa ngayon ng Colegio sa Pampublikong paaralan ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo sa kursong kanyang kinuha na "Information Technology".
   Sa edad kong limang taong gulang ako'y nagsimula nang pumasok sa paaralan bilang estudyante sa Day Care Center na aming Barangay. At natapos ko ito noong ika-dalawa ng buwan ng Abril,taong 2002. Natanggap ko na ang kauna-unahang Diploma ko. Matapos ang seremonya ng aking pagtatapos kumain kami sa Jollibee ng aking mga magulang kasama ang aking kapatid.
   Nang dumating na ang aking ika-pitong taong kaarawan, nagkaroon ako nang maraming handang pagkain at maraming bisita ang pumunta. Kanya-kanyang abot sakin ng dala nilang regalo na lubos ko namang ikinasiya.
   Nagtuloy-tuloy ang aking pag-aaral at pumasok na ako ng elementarya. Sa San Lucas 1 Elementary School na ako bumuo ng mga masasayang alaala sa aking pagkabata sa loob ng halos anim na taon na pamamalagi ko dito. Nasa baitang ikaapat na ako nang makatanggap ako ng sertipiko at medalya ng dahil sa partisipasyon ko sa banda ng aming paaralan. Ako ang humahawak ng instrumentong Lyre, kaya naman sa husay kong tumugtog na biyayaan ako ng gantimpala. At ng ako'y nasa ikaanim na baitang na dumating na ang araw ng aking pagtatapos sa elementarya at noong taong 2008, ika-dalawapu't anim nang buwan ng Marso, muli ako nakatanggap ng pangalawa kong Diploma. Masasabi kong ang pagtatapos kong ito ay ang pagtatapos ko na rin sa unag yugto ng aking buhay, iiwan ko na ang aking pagkabata at dadalhin na sa kasalukuyan ang mga natutunan kong bagay sa bawat karanasan na aking napagdaanan.
   Pumasok ako at nagtuloy muli ng aking pag-aaral ng secondarya sa pampublikong paaralan ng Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School. Sa unang taon ko pa lamang nang high school nakatanggap na kaagad ako ng dalawang medalya, medalyang bunga ng aking paghihirap at pagsisikap. Ako ang gumanap na Ibong Adarna sa dulaan naming pinamagatang Ibong Adarna at ako ang nanalo at nakakuha ng unang puwesto. Napanalunan ko rin ang unang puwesto sa bigkasan ng ako rin ang ipanglaban muli ng aming seksyon sa tula. Ito ang isa sa mga hindi ko makakalimutang pangyayari sa aking buhay ang ibigay sa akin at isabit ang medalya sa harap ng maraming estudyanteng na nunuod nito.Malakas na palakpakan at sigaw na mula sa kanila ay sapat na upang maramdaman kong ako ang pinakamaswerteng mag-aaral dahil nakamit ko ang ganitong parangal.
   Noong ako ay nasa ikatlong taon na ng high school, naranasan ko na ang sinasabi ng marami, ang pinakamasayang parte ng "high school life"...ang junior at senior prom nagkaroon ng tema ang aming paaralan at ang naging tema noon ay "Hawaiian Party".
   At ngayon sa patuloy ko pang pagsisikap sa aking pag-aaral ako ngayon ay magtatapos na nang high school, nakaranas muli ako ng junior at senior prom, naging "Victorian Party" naman sa ngayon ang tema at ngayon sa edad kong labing anim na taong gulang naging kumpleto at buo ang aking pagkatao dahil sa mga karanasang aking napagdaanan at sa lahat ng taong nakasama ko sa lungkot at saya ng aking buhay.
   Ako ang taong may simple lamang pangarap sa buhay na nais marating at makamit pagdating ng tamang oras at  panahon. Gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang aking pamilya dahil aaminin ko, ako ay nag mula sa di kayamanang pamilya kaya ako ay patuloy na nagsisikap na makatapos ng pag-aaral dahil alam ko ang hirap na napagdadaanan ng aking mga magulang at palagi nilang sinasabi sa amin ng aking nakakatandang kapatid na tanging edukasyon lamang ang maipapamana nila sa amin at ang eduksyon ay ang kayamanang hindi maagaw ng kahit sino pa man. Salat man kami sa yaman alam kong mayaman at busog naman kami sa mga pangaral na galing sa aking mga mahal na magulang na palagi kong nadadala saan man ako mapunta o mapadpad na lugar.
   Ang mga kinahihiligan, naisin at paborito kong gawin palagi ay ang kumanta, mag-sulat at bumuo ng tula o kanta, makinig ng musika at maggitara. Nasa edad labing limang taon na ako ng matuto akong tumugtog ng istrumentong gitara. Ang paborito kong mangaganta sa ibang bansa ay si Taylor Swift at Avril Lavigne at dito naman sa Pililinas ay si Angeline Quinto at Sarah Geronimo. Ang mga pinakagusto ko sa mga kanta ni Taylor Swift ay "Crazier" at Avril Lavigne naman ay "Wish you were here", kay Angeline Quinto naman ay patuloy ang pangarap at ang kay Sarah Geronimo ay lahat ng kanta niya. Ang pinakapaborito ko ring artista ay si Anne Curtis.
   Mas mahilig din ako sa mga pagkaing luto ng aking ama na adobong manok at sinigang. Kaya naman palagi ko itong hinahanap sa aming hapag kainan sa tuwing oras na ng pagkain.
   Marami na ako ngayong natutunan ngunit alam kong hindi pa ito sapat na sabihin kong alam ko na ang lahat                . Kaya naman kahit na ako'y nasa edad labing anim na taon na ay palagi pa ring humihingi ng patnubay at gabay sa aking mga mahal na magulang at siyempre sa ating mahal na panginoon. Kapag ako'y may problema palagi ko lamang sinasabi sa aking sarili ang salitang "God's love is bigger than my problem", na natutunan ko sa aking guro na si Mr. Elmer C. Escala. Ngayong ako ay nasa ikaapat na taon na sa high school at hanggang ngayon ako ay naniniwala sa kasabihan lahat tayo ay nasa ilalim ng iisang langit, ke mayaman o mahirap man lahat tayo ay pantay-pantay.
   Simple lamang akong tao, masayahin, maingay at kung anu-anu pa, ngunit minsan sa kabila ng pagiging masayahin at maingay kong tao ako pa yung masasabi kong mayroong problema at sama ng loob na tinatago dahil minsan pakiramdam ko mag-isa lang ako at walang kakampi, dahil minsan nararamdaman ko ang hindi pantay na pagtingin ng aking pamilya sa aming dalawa ng aking nakakatandang kapatid pero alam ko namang mahal nila ako kaya mahal na mahal ko rin sila, alam ko rin naman na hindi mawawala ang ganoong pagkukumpara. At isa pa ay ang mga taong patuloy humuhusga sa aking kakayanan kaya naman ipinakita ko sa kanila na mali silang lahat at pinatutunayn ko ito hanggang sa ngayon.
   Marami rin akong mga bagay na kinatatakutan. Nakakahiya man sabihin ngunit takot akong tumanda at mamatay ng hindi pa ako handa. Takot rin ako sa aso dahil minsan na akong nakagat nito. Isa pa rin sa mga nakakatawang katutuhanan na kinatatakutan ko ay ang mag mahal dahil natatakot akong masaktan kay naman hanggang ngayon hindi pa ako nakakaranas na makipagrelasyon, isa pa hindi rin naman ako nagmamadali sa ganitong mga bagay dahil alam kong kusa itong darating sa buhay ng bawat isa.
   Sa mabilis na pag-usad ng panahon sa ngayon, nakikita ko ang maraming pagbabago sa buhay ng bawat isang taong namamalagi rito sa mundo. Marami ng makabagong teknolohiya ang na-iimbento ng mga matatalinong tao dahil sa maunlad nilang kaalaman. Computer at cellphone ay ang ilan lamang na mga bagay na kinahihiligan ng mga kabataang katulad ko na nagbibigay naman mabuting epekto dahil nagagamit namin ito sa pag-aaral at sa pakikipagkominikasyon.
   Hanggang sa ngayon masaya, kumpleto at buong-buo pa rin ang aming pamilya. Marami mang problema at pagsubok na dumadating sa amin, sama-sama at tulong-tulong namin itong hinaharap at patuloy na lumalaban sa bawat hamon sa buhay na may pananalig sa poong maykapal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento