Linggo, Marso 11, 2012

talambuhay ni Krishia L. Chozas



 Ako po si Krishia L. Chozas, sa ngayon labing anim na taong gulang na nasa ikaapat na antas sa sekondarya. Isinilang ako sa lungsoc ng San Pablo, Brgy San Cristobal noong taong 1995 ika-21 ng Setyembre. Anak ako nina G. Melchor at Gng. Erlina Chozas at ang mga kapatid ko ay sina Bianca L chozas, siya ay nagtatarabaho sa innovative corp. at si Mary Angela L. Chozas na nasa ika limag antas.
8 years old
            Noong unang kaarawan ko, ipinaghanda ako ng aking pamilya bilang pasasalamt sa unang taon kong pamamlagi ditto sa mundo. Habang ako ay luamalaki, lalong dumadami ang gumagabay, nag-aaruga at nagmamamhal sa akin.
             Nang mag-anim na taong gulang na ako ay nag-aral ako sa day care sa San Cristobal. Nagging guro ko si Gng. Lilian Baet. Lumahok ako sa mga pampaaralng patimpalak sa Ntional Children’s Month. Nagsayaw kami rito
             Sumapit na ako sa ika pitong kaarawan, ipinaghanda ako ng pamilya ko ng, bilang pasaslamat at nakapitong taon na ako na ligtas sa mga sakit dahil malaki na ako.
kinder
            At sa edad ring pitong taon ay pumasok ako sa ikaunang baiting. Nagging guro ko si Gng. Lina Alip. Naging aktibo rin ako sa mga aktibidades. Habang natagal, nagging marami ang kaibigan ko.
            Sa paglipas nh mahabang panahon ay nagging labing isang taon na ako. Sumapit na ako sa ikalimang baiting kung saan, naanyayahan ako sa isang patimpalak ng San Pablo, ito ay ang coco fest street dancing competition. Masayang Masaya ako dahil mabait ang nagtueo sa amin, ito ay si Sir John Garcia. Sa mahabang panahon n gaming pag eensayo, kami ang nagkamit ng ikatlong pwesto.
            Labing dalwang taon ako noong ako ay magi ka anim na baiting. Ang guro ko rito sa ay si Gng. Melyan Sombilla.Naging Masaya ako ngunit malungkot malapit na kaming magtapos. Magkakahiwalay na kami ng mga kaibigan at kakalase ko. Inayos ko ang pag-aaral kaya napasali ako sa top7.
graduation
           Dumating ang araw n gaming pagtatapos, marami ang aking school awards kaya ako ay nagging Masaya pero umiyak din ako dahil magkakahiwalay na kaming magkakaklase at ang matatalik kong kaibigan. Aalis na ako sa Paaralang elementary ng San Cristobal. Dahil magha-high school na ako.
            Nagdesisyon ang aking mga magulanbg na sa CLDDMNHS ako papasukin dahil dito rin pumasok ang aking kapatid.
            Unanag araw ng pasukan, nagkaroon ako ng unang kakilala. Siya ay si Grace, mabait siya. Habang dumadaan ang mga araw ay dumadami ang mga kaibigan ko. Isa na rito si Annabelle. Maayos ang marka ko sa lahat ng subject. Hindi ko rin malilimutan yung pangyayaring pinaluhod kami sa semento nung nagtuturo sa amin ng play na Ibong Adarna. Noong rawa naman na ng laban ay kami ang nakakuha ng 2nd place. Masay kami, napawi ang pagod at hirap naming magkakalase. Nagbalaik din kaming magswimming ngunit hindi kami pinayagan ng guro namin. Maraming pinagdaanan ang pangkat naming, lagi kaming napapgalitan at palaging una sa kaguluhan pero lahat naman ay nagmamahalan at nagtuturingang magkakapatid. Sumali din kami sa Girl Scout investiture ng aking mga kaklase para kami ay mabinyagan at maging ganap na senior. Signing of clearance na, pahirapan na! nahirapan kami sa pagpapapirma kay maa Tadena kasi lagi siyang wala. Pero buti na lang at sa huli ay nakapirma rin siya.  Pinuntahan pa naming yun sa bahay niya eh para magpapirma. Pagkatapos noon ay nabalak kaming pumunta sa Sampaloc Lake. At nagn nadun na kami nagsulat kami sa dahon tapos tinatapon naming sa dagat at iba’t iba ang hiling naming at nang pagsapit ng 4: 00 ng hapon ay nakayayaan kami na umuwi na pero bago ang lahat ay nagyapusan muna kami at hindi nawala ang iyakan dahil bka hindi na kami magkakaklase sa susunod. Katulad n gaming kaklase na si michelle C. na pupunta na ng Maynila at ni Genesis din.
            Pagkatapos noon ay nagkayayaan kami kina Pauline na maglaro ng bingo. Ang saya! Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi narin kami at nagpaalam na sa bawat isa. Pagsapit ng April ay mahal na araw na at nagpunta kami sa kamay ni Hesus sa Lucban Quezon. Inakyat naming ang hagdan at meron itong station, may wishing well pa! pagsapit ng hapon ay umuwi na kami at makailang araw ay nagbakasyon ako sa bahay ng aking lola ko upang siya ay samahan at tulungan. Pagsapit ng Mayo ay nanood kami ng liga sa court kasama ang aking mga pinsan at nakuha din akong reyna para sa santacruzan at ang partner ko ay ang pinsan kong si Renzon masayang Masaya ako dahil mahilig akong sumali sa ganitong okasyon at nalalpit na naman ang pasukan. Second year na ako. Kinakabahan parin ako. Kasi baka iba na ang maging section ko at baka hindi ko na sila maging kaklase. Pero noong nakita ko ang pangalan ko sa listahan ay B pa rin ang aking pangkat at sila pa rin ang aking mga kaklase. Pero medyo malungkot din ako kasi ang iba kong kaklase  ay bumaba ang section, pero ganun talaga.
 Unang araw na ng pasukan. Si maam Sotalbo an gaming guro. Mukang seryoso an gaming guro kaya kami ay tahimik lang. medyo natakot kami sa kanya kasi mukang mataray siya. Pagkatapos niyang magpakilala ay kami naman ang sumunod na pumunta sa unahan. Kinakabahan ako kasi madami daw kaming kakalseng bago. Pero dumaan ang mg araw at buwan ay nakilala na naming ang isa’t isa  at nagging close din ang lahat. Ganoon din ang aming adviser. Mas nakilala pa naming siya, mabait naman pala. Dumaan ang ilang buwan, pirmahan na naman ng clearance. Tapos, ayun! 3rd year na ako. Si maam lee at maam Umali ang aming adviser. Unang kita ko pa lang kay maam Lee ay mukang istrikta pero mabait naman din pala siya. Madami din kaming activities noong 3rd year, gaya ng field trip. Excited ang lahat, pati rin ako, maaga ko itong pinaghandaan. At tiyak naman na magiging Masaya ito. Dumating na nga ang araw nay un, Nagpunta kami sa lights and sounds, fort Santiago at sa MOA. Masaya! Madami akong naransan na hindi ko malilimutan.
field trip
 Siya nga pala, nagkaroon nga pala ako ng boyfriend, siya ay si Gesmundo. Siya ang 1st bf ko. Umabot kami ng dalwang buwan. Nagging seryoso nman kami sa isa’t isa.
            Balik na ulit sa activities sa school, sumali nga pal ang mga kaklase ko sa mardigras, kami ang gumawa ng kanilang props at nag ayos ng mga costume. Ibinuhos naming an gaming hirap at pago para dun. Maganda ang kanilang ipinakitang sayaw. Nakuha nila ang second place at best in choreography. Natutuwa naman ako dahil dun.
            Js prom na, Hawaiian-luan party ang tema. Masaya ako kasi first js ko yun. Masaya sdin, nagpicturan kami. At nagsayawan.
            Hay.. pirmahan na naman ng clearance. At sa ilang buwan na lang ay 4th year na ako.
Siyempre bakasyon  muna, nagbakasyon ako sa tita ko sa Sta. Cruz. Tumulong ako sakanya. Tuwing gabi ay nanonood kami ng palabas sa plaza.
             Natapos ang bakasyon, 4th year na ako. Unag araw ng pasukan ay marami akong nagging kaklase at mabilis ko din silang nagging ka-close. Nakilala ko ang adviser naming na si Mr. Vasquez. At ang bagong teacher naming sa A.P na galing sa S.P.C. nagging crush ko siya kasi magaling siyang magturo at magaling din pumorma.
            Maraming party din ang ginanap sa dizon high. Anging Masaya naman ito. Nagbonding kami ng BLAKIANS. At hindi din mawawla sa eksena ang ex bf ko na si John Rico Ramirez. Umabot din kami ng two months.
js with sir ec
            Ilang buwan ang lumipas. Ayun! Pebreo na naman! Js na naman. Victorian ang tema ng Js nagyon, ibang iba ito sa nakaraang js kasi catering kami. Iro ang pinaka masay sa lahat. Isa pa sa hindi ko malilimutan ay noong isinayaw ako ng aking crush ng tatlong beses. At siya pa ang last dance ko. Madami din nagsayaw sa aking ibang section.

            Ilang araw na lang ang pagsasamahan naming magkakalase. Dahil malapit na magwakas ang pagiging highschool namin. Ganun pa man Masaya pa rin ako dahil malapit na akong tumuntong sa kolehiyo. Masasbi ko nga talagang napaka sya maging highschoo. Kahit na amdaming problemang dumaan. Hindi ko malilimutan ang lahat ng mga nagging bhagi ng nbuhay ko. Ang mga memories, tawanan, lokohan, asaran at kahit iyakan ay iingatan at itatago ko sa aking puso at isipan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento