Lunes, Marso 19, 2012



           Ang Talambuhay ni Ayleen Marie Ramos Lopez

     
Yshin Redling
ayleen marie lopez (ako)
Ako si Ayleen Marie Ramos Lopez. Nakatira sa Barangay San Juan San Pablo City, Laguna. Isinilang noong Disyembre 9,1994. Ang aking mga magulang ay sina Samie G. Lopez na isang Maintenancy at si Annie R. Lopez na isang Housewife.At ngayon ay nag-aaral ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.

       Ang aming pamilya ay galing sa di mahirap pero di mayamang pamilya. Kami ay masayang namumuhay kasama ang buong pamilya. Ang aking mga magulang ay nagsusumikap upang kami ay mapagtapos ng pag-aaral.At itong mga bagay na kinahinatnan ko ngayon ay di ko mararating kung wala sila.

       Dito ko sisimulan ang unti-unting pag-unlad ng pag-iisip ko at unti-unting pag-abot sa munting pangarap na inaasam ko.

       Pagkabata
    Noong bata, masaya sana ang pamumuhay  namin kung ang nag-alaga sakin ay ang magulang ko ngunit hindi, dahil noong mga 3-4 years old ako ay tita ko ang nag-alaga sa akin siya ay si Marissa Lopez. At simula nito di ko man lang maranasan ang makipaglaro sa labas ng bahay (ewan ko ba sa kanila). Noong 5 years old ako magulang ko na ang nag-alaga sakin kahit nga sila ayaw din akong payagang mag-laro sa labas. Nagagawa ko lang ang bagay na gust ko kapag umaalis sila. Tulad ng paglalaro kasama ang mga kaibigan. ko kapag pumupunta sila sa bayan.

       Grade 1-B

     Ang aming teacher ay si Ma'am Sanchez. Ito yung teacher na ayaw ko pero gusto ko kasi mabait na mataray. At sa baitang na ito naranasan ko pang tumigil. Sayang nga yung naipasok ko eh., at itong time na ito tinawag ako ng teacher ko na saling pusa.. Ano ba yun?

        GRADE 1 ,ulet>

        Yan dito ko naexperience ang makipag-away ewan ko ba.. sabi nila bata palang daw ako mataray na ako. Kasi dito ko nakuhang  makipag-away sa kaklase ko kasama ko pa ng sina Alvince Apita (kaklse ko since grade 1 hanggang 4th year at pinsan ko pa) si Jennelyn Ramos,at si Princess Betchaysing (pinsan ko din) kasi naman ang arte-arte eh tapos ang yabang-yabang.. (sina J John Bon at si Crezzalyn) pero salamat kasi naging part sila ng pagiging elem. ko..
     
         GRADE 2-B

        Ang aming teacher ay si Ma'am Denosta. Pinakapaboritong teacher ko noon elementary. Kasi di lang siya mabait magaling ding magturo. At dito ko naranasan ang aksidenteng di ko inaasahan. Habang naglalaro kami ng aking mga kaklase ng sikyo ay nagkabungguan kami ni Mark Angelo Martinez (isa sa pinakamagaling sa klase) at nagkasakitan ng di inaasahan dahi humantong pa ito sa pinakamsakit na part . Dahil pumunta ang nanay nya sa amin para humingi ng pampagamot pero bakit ganon di naman namin sinasadya yon bakit nasisi ako. Pero okay na yun kasi nagkaron ng leksyon ang buhay ko. At ngyon pinapoiritize ko nayon ang pag-aaral ko.

        GRADE 3-A

CLASS PICTURE
        Ang aming teacher ay sina Ma'am Dimaisip (na teacher namin noong umpisa) at si Sir. Gutierrez (sa kalagitnaan ng taon). masaya naman silang magturo at magagaling din.
       Noong nasa bahay ako,kasi ito yung time na gagraduate yung kapatid ko . mag-isa lang ako kasi lahat sila nasa school samantalang ako nasa bahay lang at ginagawa ko lahat ng dapat ginagawa nila..at itong time na ito paborito kog makinig ng mga love song (bata pa lang bitter na) at paborito ko ding manood ng lavender (super ganda kasi nakakatouch ,nakakaiyak nga eh..) . At ito yung time na kahit na gaano kaliit ng bagay na ginawa ko ay napapagalitan ako (simpleng bagay lang yon) pero kapag naman ang mga bagay na nagagawa ko para sa ikabubuti nila di nila mapansi...haixt...

        GRADE 4-A

         Ang aming teacher ay si Sir. Capili.Magaling syang magturo ,pala tawa at mabait. Pero may katangian siya na ayaw ko. Masyado kasi syang mayabang at napaka hangin. At sa baitang na ito ko nakilala si John Ellery S. Alcantara (naging crush ko since grade 4 hanggang 2nd year). Kasa mabait siya na mayabang, matalino, makulet, at masayang kasama.
        At sa pagiging grade 4 ko. . dito ko narealize na kailangan kong magtiyaga, magsikap at pagbutihin ang pag-aaral para sa magandang kinabukasan. Mga 11 years old na ako nito.naalala ko painabibili ako ng nanay ko ng tinapay  at pinadalhan ak ng Php. 20.00 para makabili.Nang makarating ako ng tindahan hinahanap ko ang perang ipinadala sa akin .. natakot ako ng sobra kasi feel ko nawawala na yung pera. Dahil sa sobrang takot ko di ako umuwi ng bahay. At  ipinahanap pa ako sa mga kapatid ko syempre  natakot ako ang sabi pa sa akin ay ate lagot ka.. (super natakot talaga ako ). pero wala akong nagawa kundi sundin sila (nakauwi na ako) pinagalitan ako ang sasakit nga ng mga salitang sinasabi nila sa akin pero pinabayaan ko nalang sila (mapapagod din sila

        GRADE 5

        Ang teacher namin ay si Sir. Gutierrez. Ito yung napakasakit kasi dito kamuntik na malaman ng crush ko na may gusto ako sa kanya buti nalang nakapagdeny agad ako. Naalalako pa noong naglalaro kami ng mga kaklase ko ng sipa .. at bigla akong nadapa kasi kasalanan ni Adams eh (napakulet at napakasalaw naming kaklase) tisudin ba naman ako ,, napahiya tuloy ako. At dito naranasan ko din ang makipag-away (trouble maker ba ito)  kasi naman kung di nya ako sinabunutan di sana di ko siya nilabanan. At di naman ako papayag ng minamaliit ako. At dahil sa paglaban kong ito nasaktan lang ako at sinabi pang kasalanan ko pa.. ang sakit naman ng binibintang nila sa akin..

     GRADE 6-A

         Ang teacher namin ay si Ma'am Tarzona. Ito yung teacher na nakakatakot pero challenging . Siya yung teacher na namamalo at sumasaway sa bawat mali mo para lang maitama ito. At atong baitang na ito ang pinakaayaw ko kasi super nakakaiyak,kasi dito mawawalay yung mga teacher ko na gumabay at nagturo sa amin,at mga kaibigan ko na maiiwan ko.Pero lahat ng ito ay dapat kong gawin upang maisakatuparan ko ang mag pangarap ko.
        Ngayon natapos na ako sa unang yugto ng buhay ko at may mga bagong landas na naman akong tatahakin. Salamat sa mga teacher ko at sa mag kaibigan ko sana matupad niyo ang mga pangarap nyo at pati narin ako. Masakit mang tanggapin per kailangang tiisin.
        Natapos ako sa pampubliko at maliit ngunit maraming napulot na aral at magandang adhikain sa Paaralan ng San Juan Elementery School.


     HIGH SCHOOL LIFE..

      Bagong yugto, bagong hamon ng buhay. Mga bagong kaibigan at mga guro. Matapos sana ito.

      1st YEAR-A

         
         Dito ko nakilala ang mga kaibigan ko na tumutulong sa akin. Napunta ako sa pangkat na ito para maranasan kung gaano kasaya ang high school life. Dito sa pangkat na ito ko naranasan ang magkaroon ng mga mapagkakatiwalaang kaibigan at isa na dito si Riza Joven (classmate ko siya noong  first year), si Precious Iloso. 

         Itong year na ito masasabi kong challenging pero di ko mkayanang sabayan ang lahat kahit sabihin pang madali ang topic at madaling unawain. di ko naman kailangan ng mataas na section para matupad ang mga pangarap ko, ang kailangan ko ay mga kaibigan na handang damayan ako. Kaya naman di ko na hiniling pang makasama sa pangkat na ito . Pero kahit na naging masaya parin ako. At dito nakilala ko ang mga kaibigan ko(bago sila ha) na sina Riza Joven, Christine Evangelista, at si Aimee Andal. Sabihin mang marami akong nakilala pero sila yung the best.

      2nd YEAR-B

At sa mga teacher wala naman problema chllenging nga eh .. lalong-lalo na si Ma'am Janice Nuevo (noon yun) na nagyon ay si Ma'am Janice Nuevo Laloon. Kasi ang galing galing nyang magturo at talagang mahirap kaya kaming lahat sa klase ay maayos at super bait na demanding (hahaha).At dito unti-unti ko siyang nalilimutan (si John Ellery Alcantara). Dito nabuo ang isang samahan, samahan ng mga magugulo at madadaldal (pero bakit ako kasama) ito nga pala yung bumuo ng tropang CHIXMOKERX. Maraming salamat nga pala sa kanila kasi naging part sila ng high school life ko.
        At sa pagiging ate ko naman sa bahay,lumaki ak ng may tiyaga, sikap at mabait at tumutulong ako sa aking pamilya kahit sa simpleng paraan pero bakit di nila mapansin yun ang laging pansin nila sa akin ay ang aking kamalian. At napansin ko din na kung bakit lalo akong tumatanda lalo naman akong tumatamad (ewan ko ba).

         3rd YEAR-B

 
 C.A.T volunteers
    Ganon parin katulad ng sa second year pero mas naging challenging naman ito ng sumali ako sa isang organisasyon. Ito yung organisasyon na maraming thrill. Ito yung C.A.T (citizenship advancement training). Dito ko natutunan kung paano tumulong sa kapaligiran sa pamamagitan ng paglilinis dito at natutunan ko ang bagay na di ginagawa ng ordinaryong hiigh school student. Dito din sa organisasyon na ito nakilala ko ang lalaking naging crush ko si August P.Baysa  august baysa
(mayabang na mabait at makulet). Naging crush ko siya noong October 14, 2010 (tagal na din pala ng nakalipas). Gayon pa man sa kabila ng pagkakaroon ko ng gust sa kanya nagawa kong pagsabayin ang study, C.A.T at siya pati narin ang pagiging ate ko sa bahay. Kahit na lagi akong napapagalitan okay lang yon kasi naging masaya ako eh..



          4th-YEAR-BLAKE

         Ito yung pangkat na mahirap kalimutan dahil sa dami ng pinagdaanan ko dito. Ito yung pinakamasaya ng pagiging high school life ko kasi halos llahat nandito na yung bagong hamon ng buhay high school ko. Ito ay dahil sa bagong kaibigan, bagong guro, at bagong Principal. Super challenging talaga ito grabe. Napakaraming mga bagay na nakakahamon dito. Yung mga bagay na ngkakapikunan kasi over-over kung magbarahan kaya yun umaabot sa inis pero masaya narin kasi kahit gaano pa kami magkasakitan dumarating parin sa oras na magkakaayos ang lahat dahil sa lakas ng bonding ng seksyon na ito. Dumagdag pa dito ang suportado at mabait naming adviser na si Tatay Wally kahit na minsan napapagalitan kami nyan (pero gaano kadalas ang minsan) pero  lagi yang mabait.
          Sa room nagyari yung mga bagay-bagay tulad ng mga: nagyari noong christmas party , ang saya nga ng activity eh kasi fair ang labanan kasi  bunutan at kahit si sir kasali sa palaro nakasali nga siya dun sa may kalamansi ang saya-saya nga eh kasi pati sya nag-enjoy, yun namang bawat activity sa room suportado talaga siya sa amin basta sa ikasisiya at akabubuti ng klase at lagi siyang nandiyan para sa amin. Masaya kasi nandyan yung mga bagay-bagay.

           BUHAY C.A.T  


    Masaya na malungkot ang dami-dami panagdaanan, pati nga ikasisira ng organisasyon namin eh dito na nasali pero bago pa man nagyari yun nasolusyonsn na agad. Kahit nakakalungkot isipin na parang ang lahat ay magtatapos lamang sa isang maliit na bagay na di inaasahan di kami nagpatalo sa mga paninira ng iba dito ayoko ng lumala pa ito pero mas okay na din yung maunawaan nila na di lahat ng bagay na sinasabi nila ay totoo ( bahala sila masaya silang manira eh .. bahala sila) .pero lahat ng ito ay aming nalagpasan.

          SA BAHAY
          Dito ko naunawaang lubos na kailangan ko ang magpakahirap para din sa kinabukasan ko. Ako yung tumutulong dati sa bahay na ngayon ay di ko na magawa ganito ba talaga ang graduating students nakakapagod eh.. Tapos napapagalitan pa ako kasi di na raw ako tumutulong ng bahay kasalanan ko bang di ko na mapagsabay ang lahat ng kailangan kong gampanan pero mas ok na ito atleast matatapos na ako. At masaya ako kasi matatapos na naman ang isa pang yugto ng buhay ko.

          Nakakalungkot isipin na aalis na kami sa paaralan na bumuo ng masasayang al-ala. Sa lahat ng classmate ko, teacher, kaibigan at ka-batch mate ko kasi pinasaya nyo to. MAMAMIISS ko kayo lagi kayong mag-iingt. Lalong lalo na sa 4-BLAKE guyz mamimiss ko yung kaingayan nyo, yung mga bangayan nyo, yung mga walei at havei nyung joke , yung magaganda nyong boses at yung gulo natin. PROUD TO BE BLAKIAN.. 
  

                      GRADUATION NA!!! 
                                          ( mag-iingat tayong lahat) 


           COL. LAURO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
                                         - maraming ala-alang naiwan jan



                                                  BLAKIAN 
                                     -WAKAS- 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento