Linggo, Marso 11, 2012

Ang Talambuhay ni Zaira Bernadette Casabal

     Ako si Zaira Bernadette Casabal. Ipinanganak noong ika-19 ng Nobyembre, 1995 sa Culo, Molave, Zamboanga del Sur. Ang aking ina ay si Brenda V. Casabal at ang aking ama ay si Zacharias Natividad. Ngayon, simulan nating alalahanin ang aking buhay.
     Ang ina ko ay umibig sa isang lalaking kapatid ng isang tumatakbong mayor sa bayan ng Mahayag sa probinsya ng Zamboanga del Sur. Nagkaroon sila ng anak na lalaki at ito pinangalanang Paulino Fanilag Jr. Ngunit sa kasamaang palad  ay nagkahiwalay sila ng kanyang nobyo at ang kanilang anak ay inampon ng tumatakbong mayor na kapatid ng kanyang nobyo. Masakit man sa kalooban ay pumayag ang aking ina na mawalay sa kanya ang kanyang anak.
     Makalipas ang ilang taon, muling umibig ang aking ina sa aking ama. Dito na nagsisimula ang aking buhay. Ang ama at ina ko ay masasabi kong naging masaya dahil  nalaman nila na ang aking ina ay nagdadalang-tao. Agad na nag-isip ang ama ko ng trabaho para may ipantustos sa aking kinabukasan. Pumunta siya ng Cebu para mamasukan bilang isang company driver ng isang kompanya. Naging masagana ang buhay ng aking ama at ina. Ngunit isang araw nasibak sa trabaho ang aking ama. Nagpunta siya sa isang bar upang mag-inom nang may lumapit sa kanyang isang babae. Ang babaeng ito ang dahilan kung bakit nagkahiwaly ang aking ina at ama ko. Nang malaman ito ng aking lolo, hindi na nakalapit pa ang aking ama sa aking ina.
Ako nung bata pa
     Makalipas ang labindalawang minuto pagkatapos ng ala-una, ika 19 ng Nobyembre taong 1995 ng ako ay ipinanganak sa aming bahay sa barangay Culo sa bayan ng Molave sa probinsya ng Zamboanga del Sur. Nagpipilit ang ama ko na masilayan man lang ako. Ngunit nagbanta ang aking lolo na kung sakaling magpumilit pa aking ama na makita kami ng aking ina , papatayin niya ang aking ama .Tahimik lamang na umiiyak ang aking ina.
     Lumipas ang isang taon at sumapit ang aking unang kaarawan. Sinabay na din ang aking  binyag. Sa maliit na chapel ng aming barangay ako bininyagan. Madami ang dumalong kamag-anak namin. Ang mga ninong ay sina ninong Arnold, ninong James, at ninong Danny. Ang mga ninang ko ay sina ninang Rose Marie at ninang Nelly. Pagkatapos ng seremonya, umuwi na kami sa bahay kung saan ginanap ang handaan. Sari-sari ang makikitang pagkain ngunit ang pinaka-sentro ay ang cake na niregalo pa sakin ng ninang ko na si ninang Rose Marie. Kanya-kanyang papicture ang mga nakisalo sa aking kaarawan at binyag. Nang matapos ang kainan, nagsi-uwian na ang aming mga bisita. Ang aking lolo ang gumastos ng aking kaarawan pati na rin ang aking lola at ina.
     Nang ako ay unang nag-aral sa kinder, naging teacher ko si Ma'am Lister Daya. Tinuruan niya ako kung paano magsulat ng bilog, guhit at iba pa. Tinuruan din niya kami kung paano magbilang at magbasa. Natuto din akong makihalubilo sa aking mga kaklase. Bago pa man ako magtapos ng kinder, pumanaw ang aking lolo dahil sa sakit na diabetes. Inilibing siya sa San Vicente. Nalungkot ako dahil siya na ang tumayong tatay ko. Nagtapos ako ng kinder ng hindi siya kapiling. Si lola ang naghatid sa akin sa entablado dahil ang ina ko ay nasa Maynila.
     Nang ako ay mag-grade one, sa paaralan ng Molave Regional Pilot School -Regular ako pumasok. Ang teacher ko ay si Ma'am Albie S. Uy. May naging kakumpetensya ako sa pwesto bilang first honor sa klase namin. Pero sa huli ako pa rin ang tinanghal na first honor. Inilaban ako sa iba't ibang aktibidades ng paaralan namin. Panalo pa rin ako dahil sumusupota sa akin ang aking ina at lola. Naka-uwi na ang ina ko bago pa man ako mag-grade one. Noong ika-pitong kaarawan ko, naghanda kami ng kaunting salu-salo sa paaralan. Imbitado ang mga teacher sa karatig silid aralan.
ako at mga pinsan ko 
ako at mga kaibigan ko sa calauan
     Nang magbakasyon, pumunta ako at ang lola ko dito sa Laguna. Doon kami tumira sa Calauan, sa bahay ng uncle Danny ko. Doon na din ako nag-patuloy mag-aral sa paaralan ng Calauan. Dahil teacher doon ang auntie ko na asawa ng uncle ko, ang  auntie ko na rin ang nagsisilbi kong tutor. Kasabay ko ang mga nagpapatutor din sa auntie ko. Grade two ako nang unang pumasok doon at unang araw pa lang ay parang naninibago pa ako kasi umiyak ako ng walang dahilan.Umuwi ako kahit hindi pa natatapos ang klase namin. Kinabukasan, okay na ako. Hanggang sa magtapos ang taon at naging honor na naman ako.
b-day ng pinsan ko
     Isang taon ang matuling lumipas. Grade three na ako. Nakasanayan ko na ang buhay dito. Na tulad ng kung ano ang ginagawa ng isang bata. Marami akong naging kaibigan. Tuwing Sabado at Linggo ay pumupunta kami sa San Gabriel. Malapit ng magbakasyon nang mapag-desisyonan ng lola ko na umuwi sa Molave para magbakasyon. Gusto kong sumama pero may kondisyon. Isasama niya ako pero hindi na ako makakasama pabalik. At dahil bata pa ako noon, hindi ko alam ang magdesisyos. Pumayag ako at umuwi na kami. Sa una, masaya dahil makikita ko na naman ang ina ko. May anak na ang ina ko at may kinakasama sa bahay. Babae ang kanilang anak. Doon ko naramdaman na dapat pala hindi na ako umuwi dahil hindi na ako maasikaso ng ina ko. Pero huli na kasi aalis na ang aking lola pabalik dito.
     Doon na ako nag-grade four. May naging kaklase ako na kamag-anak pala namin. Pumupunta kami sa kanila tuwing tanghali para doon mananghalian. Natuto akong mag-cutting classes dahil sa kakalaro namin ng bike at dahil tinatamad kami magpraktis ng field demo. Siya ang madalas kasama ko sa mga kalukuhan at kasiyahan.
     Nang mag-grade five na ako, nahilig ako sa pagkanta. Lumahok ako sa choir ng aming paaralan. Nanalo pa kami sa paligsahan noong United Nations Day. Kinanta namin ang ''We are the World''. Ako din ang muse ng aming klase na kinaaayawan ko. Naging honor din ako nang taong iyon.
Nang ako ay mag-grade six, sayaw at kanta na ang aking hilig. Natuto din akong magsulat ng mga journals at essays tungkol sa aming paaralan. Sumali ako sampu ng aking mga piling kaklase sa pagsusulat. Iba't ibang paaralan ang nagsilahok sa naturang patimpalak. Ako ay pang-apat sa nagwagi sa patimpalak. Nang ako ay magtapos, umakyat ako sa entablado ng may maraming natanggap na parangal. Ang ina ko ang naghatid sa akin sa entablado.
Dahil tapos na ang elementary years ko, magsisimula na ang highschool days ko. Excited na ako pumasok noon. Namili na kami ng mga gamit na gagamitin sa pasukan. Mga bagong bag, sapatos, notebooks, pens, at iba pa. Nang kami ay magpapa-enroll na, kinakabahan ako dahil iba na ang mga magiging kaklase at guro ko.
Unang araw ng klase sa paaralan ng MVTS o Molave Vocational Technical Highschool. Maaga akong pumasok dahil maghahanap pa ako ng silid na gagamitin namin. Kasaa ko ang kapit-bahay ko na ka-batch ko rin. Nang mahanap niya ang silid niya ay nahanap na din ang akin dahil magkaklase pala kami. Nabawasan ang kaba ko dahil meron na akong kasama. Iba na nga ang mga kaklase ko dahil hindi ordinaryong section ang napabilangan ko. Sa section na yon, nandoon ang mga matatalino. Cattleya ang pangalan ng section namin na para sa fast learners. Sa paaralang MVTS, nalilinang ng bawat estudyante ang kanilang mga talento. Araw-araw kasi merong programa ang paaralan na tinatanghal ng bawat section simula ika-apat na baitang ng sekundarya hanggang ika-una. Nang kami na ang magtatanghal, isang linggo kaming sumayaw at kumanta. Meron din kaming acting at lahat kami ay kasali. Natapos ang taon ko bilang first year. Magsisimula na naman ang pasukan para sa second year.
Nang second year na ako , sa first section pa rin ako napabilang. Ruby naman ang pangalan ng section namin. Guro ko si Ma'am Josielyn A. Abamongga. Mabait ang teacher naming iyon dahil para siya bagets sa mga kinikilos niya. Mahilig siyang magpa-roleplay sa kanyang subject sa English kaya mas lalong gumagaling ang mga estudyante niya sa pag-aacting. Unique din ang mga ideas niya. Kaya nang mag-christmas party kami, unique din ang theme ng susuotin namin. Ang theme ng damit namin ay formal attire. Madami ding mga games na pang-outdoor. Matapos ang christmas party, meron pang sumunod na mga programa tulad ng Foundations Day na pinangungunahan ng Supreme Student Government officers.
Nang magbakasyon, umuwi ang lola ko at tita ko kasama ang mga anak niya. Magpipista noon sa bayan ng Molave kaya madami kaming napasyalan. Sumakay kami ng iba't ibang rides. Nang uuwi na ang tita ko at mga anak niya, sumama ako pabalik dito sa San Pablo.
3rd year ako
Dito na ulit ako pumasok. Madami akong pinuntahang paaralan para mag-enroll ngunit wala sila lahat ng vocational courses maliban sa paaralan ng Dizon High. Dito na ako nag-aral ng third year. Dapat ay sa section A ako mapapapunta kaso puno na ang section nila kaya sa B na ako pinasok. Guro ko si Ma'am Anabel Lee at si Ma'am Lorenza Umali. Noong una, hindi pa ako masyadong masalita kasi wala pa akong kakilala. Pero sa mga sumunod na araw, nakasanayan ko na din ang schedule na 8:30 ng umaga ang pasok. Nagkaroon na ako ng mga kaibigan. Sila ang JEGKZ na kinabibilangan nina Jamie(president ng klase), Edeliza, Grace, Krishia(kasabay ko sa pag-uwi), at Zaira(ako). Dito ko na din ulit na-experience ang mag-field demo sa oval na sobrang kainitan. Nasaksihan ko din kung paano talaga pinaghahandaan ng mga MAPEH teachers lalo na si Sir Victorio ang sayaw na ito. Magkakampi ang 1st year at 2nd year laban sa 3rd year at 4th year. Panalo ang 1st year at 2nd year dahil maganda ang kanilang sayaw at props.
Intrams na at marami na ang mga naglalaro. Kami na hindi players ang mga taga cheer ng gusto naming teams ng Juniors. Masaya talaga dito sa Dizon dahil hindi mahigpit ang mga patakaran.
JS Prom nung 3rd year
Nang malapit na ang buwan ng Febuary, excited na kami ng mga kaklase ko dahil malapit na ang kauna-unahang JS Prom namin. Hawaiian ang theme ng Prom. Kaya dapat pang beach ang damit na susuotin. Pula ang kulay ng damit ko na may mga bulaklak na design. May mga give aways pa na mga Hawaiian necklace.
At nang mag-fourth year na ako ngayon, si Sir Romualdo Vasquez ang guro ko. Bago na din ang principal kaya naging mahigpit na ang mga patakaran. Madami ang nahirapan sa madaming pagbabago kasama na ako na nakasanayan ko nang bumangon ng tanghali. Nang magtagal, naunawaan na din namin na ang mga patakaran ay para di sa amin. It turn out to be an awesome principal pala si Mrs. Cristeta S. Uy. Lagi siyang active sa mga activities ng school. Sumasali din siya sa mga laro ng teachers nung intramurals.
sa UPLB w/ JEGKZ
sa Tagaytay
December nang magfield trip kami. Marami kaming pinuntahan tulad ng UPLB, Tagaytay, Nuvali, at ang huli ay sa Enchanted Kingdom. Ang una naming sinakyan ay ang Rio Grande. Di ko akalaing mababasa ako kasi todo ang iwas ko na mabasa kaso basa pa din ako. Kaya pala dapat huling sakyan ang Rio Grande kasi mababasa ka talaga ng todo. Sumunod iyong parang duyan na nagswi-swing sa ere. Huling stop sa the famous SPACE SHUTTLE kaso di ako sumakay dahil parang nakalula at nakakahilo. Ang mga kaklase ko nalang ang sumakay. Tama ako ng desisyon na huwag ng sumakay dahil pagbaba ng mga kaklase ko, nag-iiyakan sila ng todo. As in iyak na iyak. Nagtatawa nga ako dahil buti nalang di ako sumakay kundi mas grabe pa ang iyak ko sa kanila. Nang umuwi kami, gabi na. Enjoy na enjoy talaga ako sa trip namin at di ko iyon makakalimutan.
Febuary, last JS Prom na namin. Victorian party ang theme ng prom . Katulad nang dati, sabay kami ni Krishia papunta sa venue namin. Sakay kami sa tricycle. Nang pumasok kami, nakita namin na naka-cater ang mga pagkain. Sinimulan na ang party. Maya-maya sinimulan na din ang sayawan ng kanya-kanyang magpartner. Nang matapos ang party, umalis kami na ang naka-paa dahil nanakit na ang aming mga paa. Pumunta kami sa lugaw queen at doon kami kumain ng lugaw para mainitan ang mga tiyan namin. 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento