![]() |
Noong ako ay dalawang taong gulang. |
Ako si Ma. Maurene Bañagale Bagayawa. Tubong Laguna sa lungsod ng San Pablo. Ipinanganak ako noong ika-walo ng setyembre taong isang libo’t siyam na raan siyam na pu’t lima sa Mahabang Parang, Barangay San Francisco, San Pablo City, Laguna. Ang aking ina ay si Marilou Bañagale Bagayawa na siya na ngayong saleslady sa Jojo and Myra’s Metal Craft. Ang aking ama naman ay si Ramon Ibarrientos Bagayawa na isang tricycle driver o kaya kung minsan ay isang karpintero. Dalawa lamang kaming magkapatid at may isa kaming kapatid na namatay noong naagasan si inay.
Bininyagan ako nong ika-apat ng oktubre taong isang libo’t siyam na raan siyam na pu’t lima. Ako ay isang katoliko. Ang aking mga ninong ay sina Ninong Butch at Ninong Ramil Bagayawa. Samantala, ang aking dalawang ninang ay sina Ninang Grace Villanueva at Ninang Elenita Bañagale Cestona. Ang aking Ninang Elenita ang tumayong ikalawa kong ina sapagkat dati ay madalas niya akong isama kung saan-saan.
![]() |
Ang aking mga kaibigan; Lyzel Atienza (kaliwa sa taas), Mel Joy Esporlas (kanan sa taas), ako (kaliwa sa baba) at si Camilli Villaflores (kanan sa baba). |
![]() |
Si Jonas Hila. Ang first dance ko noong Grade VI. |
At nakilala ko din doon si Jonas Hila. Madalas nila akong asarin sa kanya subalit tanging hinahangaan ko lang siya sa pagiging magaling niya sa larangan ng sayaw. Siya din ang dahilan kung bakit umiyak ang aking kaibigan na si Mel Joy noong Valentine’s Day noong Grade VI kami.
Noong nasa ikalimang baitang ako ay ginawaran ako bilang isang model pupil.Doon ko din sinimulan ang pagkahilig ko sa matematika. Pagdako ko naman sa ika-anim na baitang , masaya, puno ng kaba, at pananabik; masaya sa kadahilanang kahit puro aral ay puno naman ng kalokohan at gimikan; kaba dahil sa dami ng sauluhin at hindi ko din maikakaila na medyo may katarayan ang din aming adviser. Subalit sa sa lahat ng ito ay puno ng pananabik, pananabik sa bawat masasayang kaganapan tulad ng Christmas Party, Valentine’s day/par y na nagkaroon ng sabihan ng “I love you and happy valentine’s day” na siyang pinagmulan ng mga selosan subalit lahat ng iyon ay napawi ng saya dahil sa mga kantahan, sayawan at asaran noong kinahapunan , at Kids Prom. Siyempre hinding-hindi namin makakalimutan noong kami ay nagalitan dahil sa hindi naming natapos ang talaarawan namin. Sa araw ng aming pagtatapos ay nagalak ang bawat isa nang tawagin na ang kanya-kanyang pangalan subalit sa mga oras na iyon ay nag-iyakan na ang halos lahat. Talagang hinding-hindi naming malilimutan ang isa’t-isa.
![]() |
Si Paolo Marquices. |
Ngayon naman ay tatahakin na namin ang panibagong kabanata ng aming buhay. Ang High School.Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.Noong una ay kinakabahan pa ako sapagkat parang wala naman akong kakilala doon subalit laking pasasalamat ko at mabilis kong nakagaanan ng loob ang aking katabi na si Dianne Irish Ardinel. Unti-unti ay na ng aming pangkat ang isa’t isa. Bahay at paaralan lang ako noon hanggang sa makilala ko sina Jaslean Anne Escala at Shylla P. Cochesa na silang mahilig magcomputer noon. Nahirang din ako sa aming klase sa “Etika-Huwarang Mag-aaral 2009” subalit hindi ako nanalo.
![]() |
Class picture namin noong 3rd year high school. |
![]() |
Mga pocketbooks na aking nabasa. |
![]() |
Noong j-s prom namin (2010-2011). Ako (kaliwa), Shylla Cochesa (katabi ko), Angelu Jane Aquino (katabi ni Shylla) at si Hannah Carmela Nuevo (nasa kanan). |
Maraming hirap at pasakit sa organisasyong ito subalit sa huli laging disiplina at saya pa rin ang mananaig. Marami ding lihim sa likod ng organisasyong ito. Nahirang din ako bilang isa sa mga colours.
![]() |
Graduation ng batch 2010-2011 colours . |
![]() |
Noong nagka-activity kami sa C.A.T. |
![]() |
Graduation namin sa C.A.T. noong summer. |
![]() |
Activity sa Red Cross. |
![]() |
Si Jude Angelo Bayud Briñas (ang aking boyfriend). |
Maraming pagsubok bago maging kami. Sa katunayan ay hindi talaga pwedeng maging kami sapagkat pareho kaming officer sa C.A.T. Subalit lahat ng iyon ay aming kinaya. Pasalamat na lamang ako at pinayagan kami sa aming relasyon ng aming facilitator na si Mr. William E. Marfori. Sa totoo lang ay madalas kaming mag-away subalit lahat ng iyon ay hindi natapos ang aming relasyon.
![]() |
Si Ma'am Cristeta Uy (ang aming punong-guro) |
Sa kasamaang palad naman ay nasuspended naman kaming dalawa sa pagiging officer sa kadahilanang madalas daw kasi kaming makita ng ibang mga guro na sobra daw sa kasweetan sa isa’t-isa.
Subalit sa pagdako ng buwan ng disyembre ay isang karumaldumal na balita ang tumambad sa amin. Ang isa naming kamag-aral na si Mickee. Nagkaroon ng misa para gumaling na siya subalit makalipas ang ilang araw ay binawian na siya ng buhay. Maraming nalungkot at naluha sa araw ng kanyang libing.
Di naman naglaon ay muli kaming napabalik sa aming posisyon sa C.A.T.
![]() |
J-S Prom namin noong Feb. 14,2012. |
![]() |
Si Sr. Romel Bituin. |
![]() |
Sa HRM room sa S.T.I. |
Hindi ko din maikakaila na medyo madami o madami talaga ang may ayaw sa akin. Iyon ay sa kadahilanang mataray po talaga iyon. Subalit sa lahat po ng iyon ay nasa lugar maging ang pagtuturo ko ngayon sa mga kadete.
![]() |
Ako at ang aking mahal noong J-S Prom. |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento