Lunes, Marso 19, 2012

Ang Talambuhay Ni Wendy Ann Verano


Ang Talambuhay Ni Wendy Ann Verano 
                                         
  Ako ay si Wendy Ann Verano ay ipinanganak noong ika 13 ng Pebrero 1996 sa Brgy.StoAngel San Pablo City.Ako ay anak nina Philipides B. Dichoso at Wilma P. Verano.Panganay ako sa tatlong magkakapatid.Ang pangalawa naman ay kasalukuyang nagaaral ng sekondarya at nasa elementarya naman ang bunso.Limang taon ako ng tumuntong ako sa paaralan.Habang lumalaki ako ay marami ako natutunan at nakikilalang tao.Sa pagtuntong ko ng grade one ay sa Pangasinan ako napa enroll sa kadahilanang kinuha ako ng nanay ko at ang paalam ay magbabakasyon lang pero yun pala ay wala nang balak bumalik ang nanay ko kaya syempre hindi pumayag ang tatay ko at kinaon kame at kaya late enrollee kame dito sa Sto.Angel .May alitan kasi ang pamilya ng tatay at nanay ko kaya napilitang umalis at iniwan kame at pumunta sya na Pangasinan .
    
 Tumira kameng kasama ang unang pamilya ng tatay ko,pangalawa lang kaseng asawa ang nanay ko.Sa umpisa ay maganda pa yung pagsasama namen pero habang tumatagal ay hindi na ito maganda.Wala kameng balita tungkol sa nanay ko.Sa pagtuntong ko ng grade three ay nagpunta siya sa school namen parang iba yung naramdaman ko na imbes na matuwa ako o maging masaya ay nakaramdam ako ng galit pero konti lang naman kasi baket nya ba kame iniwan  eh ang babata pa namen saka kung mahal nya kame hinde nya kame maiiwan kahit nahihirapan siya kase kung nahihirapan sya eh mas mahihirapan kame lalaki kameng wala sya ,syempre hindi naman kame para intindihin ng mga kapatid sa ama kase siguro di pa rin nila kame matanggap.Pero inalagaan at inaruga naman kame ng mga kapatid ng tatay ko.Kaya maswerte pa rin kame.Hindi rin naman masisisi ng ibang tao kung kung nagalit akao sa nanay ko kasi bata pa ko syempre iisipin ko agad baket nya ba kame iniwan siguro hindi nya kame mahal o hindi kame mahalaga sa kanya  kaya nahirapan ako mag adjust nung nakita ko siya saka sobrang bata ko pa nun.Ang hirap pala magdesisyon kapag hindi mo alam kung ano ang pagdedesisyunan mo.Marami kaming naririnig  na balita tungkol sa nanay ko yun bang may iba na sysang asawa na daw at marami pang iba pero wala naman yung kasiguraduhan .

                          Habang lumalake kaming magkakapatid ay hindi ko alintana ang mga pasubok na dumarating kase lagi ko lang tinatandaan na mas malaki pa ang  pagmamahal  pagmamahal ngdiyos kesa sa problema ko.Konti nga lang yung naaalala kong kasama ko yung nanay ko nung bata ako.Tapos pag may meeting pa school since garde one walang umaatend saken ayoko rin  namang makaabala sa mga tao samen.Syempre hindi rin naman mawawala yung mga project lalo na yung FAMILY TREE kase tuwing magpapasa ako nun hinde kuympleto laging kulang ng picture ng nanay ko kaya ayokong ayoko nun .Kitams ang hirap diba pero minsan hindi ko na pinapansin yun.

                        



 Nang tumuntong ako ng grade fiive ay nagkaroon ako ng maraming mga kaibigan may dumaating at may mga umaalis din.Bumalik ang nanay ko sa pangalawang pagkakataon pero ganun pa rin  hindi talaga ako sumama sa kanya.Kase parang okay na ako  pero marami pa rin ang mga taong nagsasabi na bakit ba ayaw ko sumama eh kung di dahil sakanya wala ako,oo nga wala ako kung wala sya pero hindi naman madaling kalimutan ng basta basta yung nangyare mapapatawad mo sya pero hindi mo makakalimutan kung ano ang ginawa nya sayo basta yun yung nararamdaman ko kaya sana igalang na lang nila.Nasa bansang demokrasya naman  yung bansa naten  kaya hinde naman masama magsabe ng opinyon diba ?.

                        Pagdating ko ng grade six ay masaya yun bang tipong masaya  ka talaga tapos masasaya pa yung mga kasama mo talagang magiging masaya ka.Nagkamit ako ng apat na medalya.Syempre proud ako kase my achievements ako.Nakaranas akong sumali sa mga contest yun bang mga quiz bee.Masaya ang naging pakikitungo ko sa mga guro ko lalo na kay Ms.Alvarez grabe sya yung taong nakatuklas ng angking galing ko na pinatuunan ko rin ng pansin.Sa mga kaklase ko naman ay syempre ibat iba rin ang ugale pero masaya naman.

                     

  Pagkagraduate ko ng elementary ay sa dizon high ako nag enroll ng highschool.Kapatid ng tatay ko ang nagpaaral saken.Pagtuntong ko ng first year highschool  medyo naninibago ako syempre wala kang kakilala tapos ibat iba pa yung mga  ugali nila kaya dapat pumili ka ng tlagang kakaibiganin mo.Pero mayroon din naman pala akong  kakalase nung elementary na kaklase sina Rachel Banzuela at Keithleen Vitasa  parang ayaw maghiwalay diba kase  since grade one pa kame magkak;ase hanggang first year hihgschool.Dito na namen nakilala si Cindy Seda  na nakasama na rin namen.Masaya syang kasama  makulet at maaasahan naman.Ibat ibang ugale ang makikilala   mo na akala mo eh hindi mo iisipin na ganun ang pala talaga sila Isa na sa kanila si Michkee Dimayuga  na totoo may pagkapranka lang talaga pero napaka saya ring kasama  athindi nangiiwan kahit medyo may pagka flirt.

                      


 Kanya kanyang grupo nga eh katuwa.Saka di mo iispin na makakakilala ka ng ganung tao yun bang sobrang sama ng ugali may mabaet at syempre hindi rin mawawala ang plastik always present yan never been absent Sobrang init nga lang sa dizon yung tipong wala na bang may mas iinit pa.Pero dito ko naranasan lahat lahat maghabulan sa oval kahit katanghaliang tapat,akyat baba sa grandstand,umakyat sa dalawang goal bar syempre di mawawala ang paguwe na amoy pawis.Di rin kasi maiiwasan na  ibalik yung mga nakagawiang laro nung bata pa kasi kagragraduate pa lang.Dito mo mararanasan ang mga bagay na sianbe mo sa sarili na hindi mo to gagawin pero kung di mo ito gagawin baka bumagsak ka sa mga  subject.Tulad ng magpraktis ng Field Demo sa oval umulan man o sorang taas ng araw enjoy naman kase kame ang nanalo.misan nga may mga aksidente pang nangyayare sa mga kaklase ko tulad ng mabagsakan ng troso at mabalian sa grandstand.Pero lahat ng yun ay nalagpasan naman namen ng sama-sama .

                       Mabilis talaga ang panahon at second year na kame hinde na namen naging kaklase si keithleen marami rin yung napalipat ng section.masaya rin ang pagigigng second year ang naging adviser namen ay si Mrs.Liay at Mrs.Hitosis na talaga namang napaka responsable Araling Panlipunan ang tinuturo ni mam.Hitosis srikta sya talaga at talagang matatakot kang gumawa ng kasalawan at kalokohan.Parang madali lang yung subject namen kase dinadaan ito sa laro pero natututo ka.ang filipino naman ay patungkol sa florante at laura yung mga dating 2-a rin ang nagturo samen.Naranasan naman namen ang magtinda sa T.L.E masaya kase talagang makikipagunahan ka para lang maubos ang paninda mo kase dito nakasalalay ang magiging grade mo at marami ring mga patakaran para madisplina ka talaga yun bang tipo na hindi mo talaga gugustuhin ang mapalista sa maingay.Minsan rin ay muntik na kaming maguidance sa sobrang kaingayan at naranasan namen ang magklse sa grandstand.Yung teacher namen sa Values wala yatang tumatagal kase papalit palit.

                


 Mabilis din ang panahon at third year na kame si Bb.Reyes ang adviser namen at lagi pa rin akong late halos araw araw tanghali talaga ako gumising pero kahit anung gawin kong aga ng gising ko ay tanghali talaga ako nakakarating sa school.Dito ko naranasan ang mag volunteer sa c.a.t na parang medyo enjoy kaya sumali ako kaya lang ay masyado ng gabing gabi ang uwe.Kailangan sa c.a.t matutunan mo ang lahat magpakumbaba sa mga officer kahit minsan eh sobrang bigat na ng parusa.naranasan ko ang maipit ng pigtail sa umaga kahit basa pa ang buhok at mag tuck in kapag naka jogging pants.hanggang October lang ako nag volunteer kase masyadong gabi na kung umuwe kaya nanghihinayang ako kase sayang lang yung pinagpaguran ko pero wala talaga ako magagawa kase baka magalit na sa aken tatay ko.Requirements sa 3rd tear at 4th year ang mag audition sa Mardigras at sa di inaasahan ay isa ako sa mga napili upang lumahok dito.Hindi ko nga inaakala na mapasali dito kae alam ko naman na di ako magaling sumayaw pero kailangan ay matututo ka ring umintindi para mabilis mong matutunan yung sayaw.Sobrang saya ko kase parang achievements ko na rin ito.Madalas kaming magensayo sa library.Sobrang saya kase madami kang nakikilala mga magagaling talagang dancer ang kasama namen.Nagkaroon din kame ng overnight at masaya kase parang camping na rin ito at kasama ko pa ang iba kong mga kaibigan.Dumating na rin ang araw ng Mardigras na kung saan ay sasayaw sa plaza.Sa kasamaang palad ay second lang kame at ikinalungkot ito nhg aming dance instructor na si Sir.Jayson na talaga namang napakagaling din sa sayawan.Kinabukasan ay sumayaw rin kame sa SM at talagang nakakapagod pero enjoy naman.

                    


   Pagdating ko ng fourth year ay may di inaasahang pangyayari ang aking nalaman.Isang gabi ay pumunta sa aming bahay ang kapatid na aking nanay at sinabi na nag-aagaw buhay na daw ang aking nanay.Noong una ay di ako naniniwala kase baka paraan lang ito para makuha kame kaya di ako naniwala.Kinabukasan ay muli silang bumalik upang sabihin na sumama kame upang makita kami ng nanay ko bago sya mawala sa mundong ito. Nung araw ding iyon ay sumama kame sa kanila papuntang Pangasinan.Kaya lang ay pasukan na kaya medyo nagaalala rin ako kase graduating ako.Habang nasa biyahe kame ay nagkukuwento sya tungkol sa nanay namen yung mga panahon na hindi nya kame kasama.Ang haba ng biyahe namen umalis kame ng mga 12pm at nakarating kame ay 1am na grabe ang tagal diba.Pagkarating namen dun ay agad kaming sinalubong ng mga tao dun 72 years old na ang lolo ko at 71 yaers old naman ang lola ko.Masayadong liblib yung lugar malayo sa kabayanan tahimik panay taniman at palaisdaan.Nagpahinga lang kame ng kaunting oras at natulog na kame at nakakapagod talaga ang biyahe.Pagkagising namen ay makikita mo na liblib talaga ang lugar p[ero marami naamn silang nakatira dun tapos di mo pa maintindihan yung sinasabi nila kasi pangalatok yung ginagamit nila na wika sa paguusap.Pagkakain ng tanghalian ay agad kaming naghanda upang puntahan ang aking nanay sa nasabing ospital sa San Carlos.Habang paunta kame ay sobrang init talaga tapos napakalayo pa eh tricycle lang yung sasakyan dun.Pagkarating namen sa ospital sa may I.C.U ay nakita kong nakahiga ang aking nanay.Hindi ko alam kung anung gagawin ko kase makikita mo talaga na hirap na hirap n sya.Sobrang lungkot yung naramdaman ko kase parang malabo na yung iniisip ko na mabubuo ulet yung pamilya ko.Dumating din ang ibang kapatid ng nanay ko galing Dagupan.

                       Habang nasa loob kame ng ospital ay sinasabe ng tiya ko sa nanay ko na nandito na kame pero parang di na nya kame naririnig tapos hinang hina na sya kaya sobra talaga akong nalulungkot tapos makikita mo talaga na parang wala ng pagasa na maging maayos pa ang kalagayan nya.Pagsapit ng tanghali ay napagkasunduan na ng magkakapatid na ilabas na ng ospital ang aking nanay at tanggalin na ang tubo na nagdudugtong ng buhay nito.Lolo ko ang nagtanggal nito kase hindi rin kaya ng aking lola.Sa pagkakataong ito ay pumanaw na ang aking nanay.halos talagang nakakalungkot ang nangyari kase 39 years old pa lang ang nanay ko at bunso sya sa magkakapatid at nasira na ang aking pangarap na makasama sya.Sa bahay agad dinala ang labi ng aking nanay dahil hapon at malato rin ang bayan sa amin pero dinala rin naman ito agad sa morgue upang maiayos na ang burol nito .Tumawag ako sa amin sa Laguna upang ipaalam sa kanila na pumanaw na ang aking nanay at ipinasabi ko na rin na aabutin kame ng isang linggo at aantayin namin ang libing.Dito ko na nakilala ang panagalawang asawa ng aking nanay at ang naulilang 1 year old na anak nila.Maraming tao ang nakiramay sa unang lamay.Sa totoo lang ay hindi ko tinitingnan ang aking nanay sa loob ng kabaong dahil hindi ko matanggap na wala na sya.Nakilala ko rin yung mga taong malalpit na kaibigan ng aking nanay.At s paglipas ng araw  ay medyo nakikipagusap na ako sa mga tao dun kase nung una ayoko makipagusap.Hindi ako nagbantay sa unang lamay ng aking nanay dahil na rin sa sobrang pagod.Hindi ako gaano nakikihalubilo sa mga tao dun.Nang mailibing na ang aking nanay nung umaga ay nagbiyahe rin kame pauwe na sa San Pablo ng hapon.

                    


Ngayon ay kasalukuyang nasa 4th year higschool na ako at masaya ako at magtatapos na ako ng highschool.Kasama ko sa paggawa ng mga magaganda at di malilimutang alaala ang aking mga kaibigan na sina Bea,Lovely,shairalyn at jean sa highschool.16 years old na ako nag birthday ako nung nakaraang February 13 at masaya ako dahil kasama ko ag mga taong mahalaga sa aken.

                      Sa pagtatapos ko ng highschool ay di ko malilimutan ang mga taong naging parte ng buhay ko at inaasahan ko na magkaroon ako ng magandang buhay sa hinaharap.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento