TALAMBUHAY NI ROMALYN I. VALENCIA
 |
THIS IS ME |
 |
Baby pa me |
Ako si
Romalyn I. Valencia bunsong anak nina Romeo Valencia at Erlita Ibe. Ako ay
ipinanganak sa lungsod ng San Pablo. Ako ay mat tatlo pang kapatid na sina
Medelyn ang panganay namin na maagang nag-asawa na may tatlo ng anak at hindi
na pinahalagahan ang pag-aaral susunod ay si Catherine, Mary Rose at ang huli
ay ako.Ipinanganak ako sa taong
1995,buwan Disyembre araw ng ika-21 sa
Brgy.Sta.Monica,SanPablo City.
 |
Playing:Hampas Palayok |
 |
Elementary Life |
Noong bata pa ako hilig ko nang talagang maglaro sa kalye. Kalaro ko ang
mga pinsan ko at mayroon din mga kapitbahay. Pero simula nang ako'y nagsimula
nang mag-aral at pumasok bilang kinder sa paaralan ng Bagong Lipunan Elementary
School nabawasan na ang oras ko sa paglalaro dahil hindi pwedeng lumipas ang
isang araw na wala akong natututunan at kung hindi lagot ako sa nanay ko, kaya
pinagbubutihan ko ang aking pag-aaral dahil kahit bata palang ako noon
importante na sa akin ang ambisyon ko sa buhay. Noong ako ay Grade 1 na ako'y
napakasaya dahil guro namin ay ang lola ko pero kahit ganun hindi ko iniisip na
magpabaya sa pag-aaral bagkus hinuhusayan ko pa para hindi ako mapahiya sa lola
ko.Pero kahit bawal na maglaro lalo nakung hindi oras na ng gabi tumatakas pa
kami ng mga pinsan ko pro hindi kami nagpapahuli sa lola kong napaka protective
sa amib.Kung darating ng aang kapaskuhan tanda na ng pagkabata ang
pangangarolling.Pero kaming magpipinsanhindi namin naranasan yun, inggit na
inggit nga kami sa mga bata dahil ang saya-saya nila habang kumakanta .Kahit
nga sa libot hindi kami pinapasama at pinagsisindi na lang kami ng kandila ng
aming lola, na hinahawakan sa tapat ng aming bahay pero kahit gaun si lola,
masaya pa rin ako na naging lola ko siya.
 |
Graduate na qoe ng elem. |
Noong ako'y Grade 6 na napakasaya
ko dahil magiging High School na ako at matatapos ko na ang isang kabanata ng
buhay ko. Pero kabaligtaran pala ang
mangyayari dahil may kalungkutan rin palang mangyayari at ayun ay ang
pagkakahiwa-hiwalay ng nga naging parte na ng buhay ko nung ako'y bata pa. Pero
kahit na gnaun hindi ko parin makakalimutan ang mga sandaling nakasama ko at
naging masaya ako. Dumating na nga ang pinakahihintay naming lahat ang
Graduation naging napaka lungkot ng aral na ito. Halos lahat ng graduating
students ay naging para bang may namatayan dahil talagang iyak ng iyak kami
noon at natapos din ang graduation day na ayun at nag promise kaim sa bawat isa
na walang iwanan at walang kalimutan. Para sa akin kase nanging parte na sila
ng buhay ko.
 |
me w/ my teddy bear |
Noong dumating na ang bakasyon naisipan kong tumulong sa aking mga
magulang , sinubukan kong magtrabaho sa maliit na pagawan ng candy at kahit
papaano naman ay nakaipon at nagamit sa pagbili ko ng mga gagamitin ko sa
pasukan . Napakahirap pa lang magtrabaho masyado pa akong bata pero naging
maayos naman ako sa pinagtatrabahuhan ko. Nakakilala ako ng iba pang tao na
naging mabuti naman sa akin at tinuring akong parang pamilya at hindi din sa
aking pagtatrabaho nasubukan ko na ang hirap na nagpatatag ng aking pakatao.
 |
1st year I.D ko |
Dumating na nga ang pagiging
High School na simula na naman ng kabanata ng buhay ko.Natutuwa ako na nakaya
ko ang pagiging elementarya at ngayong High School na ko lalo ko pang tatatagan
para sa pagdating ng panahon maging handa na ako sa nalalapit kong pagtupad sa
aking pangarap ang college. Nung una talagang kabado ako kasi una pa lang nang
klase at wala pa akong kilala. Tahimiklang ako sa upuan ko pero nung may
kumausap sa akin parangnaging magaan na ang loob ko sapagkat hindi na ako nag-iisa
at pag may kailangan akong itanong ay may mapagtatanungan na ako simula nga nun
naging masigla na akosa klase at laolng dumarai ang aking kaibigan mayroon na
akong mga babaeng makulit, maingay at syempre mabait at at mga lalaking magagn
kasama kahit na kami ay babae. Sa mga kabarkada kong lalaki may nagustuhan na
agad ako nung una ko palang siya makita
at dahil dun naging close kami na parang higit pa sa pagkakaibigan kasi hindi
lang pala ako ang may crush sa kanya kundi crush niya din pala ako .Nanligaw
siya sa akin ng ilang linggo lang at dahil nga gusto ko rin siya hindi na rin
ako napatumpik-tumpik pa sinagot ko rin siya at pumayag akong maging girlfriend
niya. Naging masaya naman ako sa aming
relasyon pero talagang dumadating ang mga problema at naging dahilan ng aming
paghihiwalay at isang buwan lang naging kami pero wala naman akong
pinagsisisihan dahil gusto ko rin naman yunkahit lam kong pwede akong masaktan
sa bandang huli. Para as akin Puppy Love lang yun dahil mga bata pa lang naman
kami.
Ngayong 2nd year high school na ako mas
pagiigihan ko pa ang pag-aaral ko , pahahalagahan ko ang pagtaas ng section na
dating section 2-G at ngayon ay 3-E na ako. Napakasaya ko at proud ako sa
sarili ko dahil kundi ako nagsikap at nagsipag ay hindi tataas ang section ko
at baka bumababa. Ang adviser namin ay si Mrs. Bidula na talaga namang
kinatatakutan ng mga estudtante at ayaw na maging teacher pero ganun din ako
dahil iniisip ko mataray nga siya pero hindi pala, masarap pala siya magturo,
laging nagpapatawa.
Dahil ako ay president ng klase lalo akong napalapit kay Ma’am Bidula at
lalo ko pasyang napatunayan na hindisiya a terror teacher.Naging Masaya ako sa
pagiging president,nagging responsible akosa mga tungkulin ko at dahildun
ginalang ako ng mga kaklase ko. Napakasaya ko at nabigyan ako ng pagkakataon na
ipakita ang aking kakayahan sa pamumuno kahit minsan may hindi pagkakaunawaan
sa klase pero kahit ganun kinakaya ko pa rin.Nakakilala muli ako ng bago kong
kaibigan na maasahan sa lahat ng oras pay may problema akong
pinagdadaanan.Nagin matatag an gaming barkada siguro dahil narin na
magkakapareho kami ng ugali.Katulad ulit ng dati nagkachush ako sa kabarkada
namin pero hindi ko naman pwedeng sabihin dahil chush dun siyang matalik kong
kaibigan at alam kong magagalit siya kapag nalaman niyang may gusto rin ako sac
hush niya.pero nanghihinayang ako dahil hindi ko man lang naipakita o
naiparamdam sa kanya na mahal ko siya,hindi rin naman nagging sila ng kaibigan
ko dahil may iba daw siyang gusto at medyo silahis din naman siya.
Ngayong 3rd year na ko panibagong pakikisama na
naman ako dahil na iba na naman ang aking section lalo pang tumaas naging
section C na ako.Ang adviser namin ay si Mrs.Joaqiun na ang itinuturo ay Araling
panlipunan katulad ni Ma’am Bidula mabait din siya.Dahil dun hindi ako nahihiya
at natatakot sa kanya kaya pati ang pag-aaral ko at grades ko ay naging maganda
at maayos.Naging top 1 na naman ako sa klase kasi simula first year ako palagi
ako ang nangunguna sa klase.Hindi ako nagpapabaya para manatili akong top 1 sa
klase pero sa tutuusin hindi naman talaga ako magaling at sobrang talino talaga
lang na nageexcell ako sa lahat ng mga subject.Napakasaya ko nga nung ako ang
binigyan ng regalo/award nung chistmas party namin talagang ang saya-saya ko
nung araw nay yun.
 |
BLAKIANS |
 |
adviser ng Blakians |
 |
me & my friends |
Sawakas 4th year na ako malapit na naman akong magtapus at malapit na
akong mag college na dun ko talaga masusubukan ang aking kakayahan.Itong year
nato ang pinaka naenjoy ko dahil dito ko lang talaga naranasan at naramdaman
ang maging masaya sa piling ng aking mga totoong kaibigan ang talagang
natatangi sa lahat sina Angelica at si Stella na napaka bait,maasahan sa lahat
nang oras,iintindihin ako kahit ako ang may kasalanan, makulit,masarap
kasama,tapat na kaibigan at higit sa lahat napapasaya ako araw-araw.Paminsan
minsan may hindi pagkakaunawaan,hindi nagpapansinan,lumilipas ang isang araw na
hindi nagiimikan pero kahit ganun kinakaya parin namin,pilit inaayos kahit
mahirap,iniiyakan pa nga namin ang isat’isa para lang maayos taos yun mayamaya
ok na ulit,Masaya na naman,tumatawa ng sobra,nag-aasaran kahit na ang isa ay
nasasaktan na pero indi pa rin nagagalit,yan ang mga kaibigan ko,masarap
kasama.Ito rin section ang pinaka nagustuhan kahit ako ay nahirapan nung unang
araw dahil para kasing iba-iba ang ugali pero nung tumagal masarap din pala
silang kaklase,makulit din at talaga namang napakaiingay katulad naming tatlo
na walang tigil ang bibig sa kakadaldal.Basta pagwala kaming ginagawa at
teacher dun namin inuubos ang oras namin sa kakadaldal para ngang hindi kami
napapagod kakasalita.Pagminsan napapagalitan na kami ng ibang teacher sa
kaingayan namin,dahil dun napagalitan ang president namin si Jamie na
nakaresponsable sa kanyang tungkulin.Napaka bless din namin dahil ang naging
adviser namin ay si Mr.vasquez na napaka bait at para na talaga naming tunay na
magulang ang tawag nga namin sa kanya ay” Tatay”dahil para samin pagiging tatay
ang ipinakikita niya samin.Crush nga namin si Sir kasi ang bangobango niya
napakalinis sa katawan na gusting gusto naming mga babae.Gustung gusto rin
namin ang pagtawa ni Sir paligi kasing pinipigil ang tawa,ang cute.Tungkol
naman sa lovelife ko,ito may bago na naman akong nagugustuhan na itatago ko sa
name na Mr.R,una palang na pagkakita ko sa kanya nagustuhan ko na siya,hindi
naman siya gwapo cute lang siya,payat maitim at matangkad.Kaso natotorpe na
naman ako hindi ko kayang sabihin sa kanya kasi natatakot ako nab aka iwasan
niya ako apagnalaman niyang gusto ko siya pati ang alam ko maraming babae ang
nagkakagusto sa kanya,baka maitsapwera lang ako,kaya itatago ko nalang ang
nararamdaman ko sa kanya.Ilang araw na lang at graduation na namin at sobrang
excited na ako.Pero nalulungkot ako dahil magkakahiwalay hiwalay na kami ng mga
kaklase ko at mga matatalik kong kaibigan,pero kailangan talaga kaya dapat
kayanin siguro naman magkikita pa kami baling araw at may maayos ng trabaho at
buhay.
 |
Phab'zter koh |
Ang pangarap ko ay maging isang business woman balang araw kaya ang
balak kong kunin sa college ay Bachelor of Science and Business Administration
na apat na taon ang kailangan para matapos ko kahit ganun katagal magsisikap
talaga ako para makatapos ako at dahil gusto ko rin na masuklian ko ang mga
paghihirap na tiniis ng aking mga magulang para ako ay makapag-aral,hindi ko
sasayangin an ang oras at pagbubutihan ko talaga ang aking pag-aaral para
matupad ko ang aking mga pangarap sa buhay.
Dito na muna nagtatapos ang aking talambuhay dahil pinaghahandaan ko pa
ang susunod na kabanata ng aking buhay…
RhomaJ
 |
SIMPLY ME |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento