nung mga bata pa kami |
ako, si mama mga kapatid ko at ung isa ay pinsan ko |
si ate almie at ate angie |
Highway lungsod ng San Pablo. 4th year high school na ako na nagaaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ang aking ama ay si Estanislao P. Bautista at ang aking ina naman ay si Remedios S. Obiasca. Ang aking ama ay isang tricycle driver at ang ina ko ay sa bahay lang. Nagaasikaso sa 4 kong kapatid kasama narin ako. Ako ang panganay sa aming 5 magkakapatid, 3 lalaki at 2 naman kaming babae. Mayroon din kaming kapatid sa una, sa side ng aking ama ay 2 at sa side ng aking ina ay 4, kahit alam ko na hindi kami ang unang pamilya ng aking magulang Masaya naman kami, at tanggap ko lahat, ganun naman sila. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay, pag may selebrasyon na gaganapin ay nagkakaisa kami. Pero may oras din na may tampuhan pero kahit na ganun, hindi ko parin inaalis ang pagrespeto sa kanila. Nalulungkot nga ako pag minsan dahil hindi sila masyado inaasikaso ng ina naming nung sila ay mga bata pa lamang, kaya nga naiisip ko na napakapalad pala naming na naalagaan kami at nasusubaybayan kami ng aking magulang.
nung kami ay Grade 3 |
Noong Grade 6 naman mayroon nangyari sa aming pamilya na nangyari sa
aking buhay, yun ay nung medyo naghirap kami. Pag minsan nga absent ako dahil
walang sapat na pera, pero maswerte parin kami at nariyan ang lolo ko na
sumusuporta sa amin noon. Kaya nga mahal na mahal ko ang aking lolo, dahil
nalaman ko na doon mo makikita kung sino talaga ang tutulong sayo kapag gipit
ka. May mga kamag anak din kaming may kaya, pero hindi man lang kami nagawang
tulungan. Kaya nagpapasalamat ako sa aking lolo. Ito yung pinaka hindi ko
malilimutan na grade sa elementary, mas madami akong naranasan na kahit
malungkot ay naging masaya pa rin naman. Tapos nagkaroon din nun ng program ang
Ambray katulad ng Kids Prom. Kaso umga nun ginanap kasi bawal pa daw ganapin ng
gabi masya ako nun kasi sinayaw ako ng aking crush at sinulit ko talaga yun at
nagpasalamat ako sa kanya kasi hindi naman siya naging suplado sa akin.Sobrang
kilig ko talaga nun, hanggang sa dumating na ang graduation day magtatapos na
kami at laking pasasalamat ko at nakaya ko ang isang pagsubok na ito, naging
malungkot rin ako pero naging masaya kasi nagtiis ang aming guro na turuan kami
kahit na sobrang ingay namin at ito'y palaging nasa puso't isipan ko.
Noong ako ay first year pa lang sobrang kinakabahan ako nun, nalulungkot
pero masaya, malungkot kasi mamimiss mo yung mga kamag-aral ko nung elementary,
Masaya kasi isa na naman itong pagsubok sa buhay at marami kang matututunan,
marami ka rin makikilalang bagong kamag-aral at mga guro. Nung unang araw pa
lamang nun. Mayroon agad akong nagustuhan at nagulat ako nalaman ko na kaklase
ko pala siya hanggang sa nakilala ko na siya at panay naman ang tukso ng aking
mga kaklase hanggang sa gusto na niya ako ligawan pero hindi ako pumayag kasi
hindi pa ako handa sa ganoong sitwasyon. Siya nga yung first love ko e, siya
rin yung una kong naiyakang lalaki.
Hanggang sa mag second year highschool na ako. Natutuwa naman ako at
kahit papaano nagging Masaya ang first year life ko. Nung second year ako nun
syempre yung mga classmate mo nung 1st year eh hindi lahat classmate ko nung
second year. Meron kaming transfer na classmate sa “MSC” siya pumasok
pangalanan nalang natin siya ng “Mr.Pahed”. Syempre cute siya, tsaka mapute
kaya naman nagkagusto agad kami sa kanya. Pero nalaman ko may gusto na rin pala
siya sa akin, kaya lagi tuloy kami tinutukso tapos nagging malapit na rin kami
sa isat’ isa at kinuha niya cellphone number ko at nagkatext naman kami.
Niligawa niya ako siguro mga 2months ata yun. Tapossinagot ko naman siyang
January , nagging maganda ang takbo n gaming relasyon pero nung nakakarandam na
ako na parang wala na akong oras sa kanya unti-unti na akong nasasaktan kasi
nagkakalabuan na kami nun. Hanggang sa tapos na ang 2nd year kami parin
hanngang bakasyon pero bihira na siya magtext. Nakikitext lang siya sa nanay
niya, pero ako iniintindi ko parin siya kahit ganun, syempre mahal mo.
Si BIEBER idol ko |
kaming "fyhukee'z" |
Hanggang sa 4th year na ako ngayon, mga 1 year bago ako makapagmove-on
sa kanya , kasi nakikita ko na masaya na siya kasi may girlfriend na siya ngayon.
Kaya dapat maging masaya din ako. Ngayong 4th year na ako eto na yung last year
ko sa highschool kaya dapat pagbutihan ko. Masaya ako na may kasamang lungkot,
gagraduate na kasi kami. Mamimiss mu yung asaran, kulitan, biruan, tuksuhan at
syempre yung mga guro na nagsilbing inspirasyon rin sa atin at nagtiis sa mga
kaingayan at kakulitan ng mga estudyante dahil sila yung naging pangalawa
nating magulang sa paaralan. Malungkot ako nung una kasi nag-iba na aking
serction simula kasi nung ako'y 1st year ay section-C ngayong 4th year ay
naging B na ako, kasi namimiss ko na yung mga lagi kong kasama pero kahit na
ganun may nakilala naman ako at naging mabait naman sila sa akin. Lagi kaming
tatlo ang magkakasama kahit sa recess, lunch at awasan. Ang tawagan naming ay “Phab’z”
pag minsan dumadating din yung time na tampuhan
lalo na nung December kasi may bago akong nakilala at gusto niyang
manligaw sa akin pagkatapos lagi ko na siyang nakakasama at hindi ko na
nabibigyan ng oras yung dalawa hanggang sa kinausap nila ako at doon bumuhos
ang aking luha, dahil pansin ko naman na hindi na nila ako pinapansin at hindi
na katulad nung dat na palagi kaming nag-aasaran, pero naging maayos naman
dahil pinilit nilang tanggapin na makasama yung nanliligaw sa akin at natutunan
din nila itong pakisamahan kaya naman masaya ako at naging maayos kasi alam
narin nila na gusto ko ito, palagi na kaming apat magkakasabay kahit na may
program sa school at activity, kasi sinusulit na namin ang mga nalalabing oras
at malapit na kaming gumaraduate.
Hanggang sa nalaman na ng aking magulang na may nanliligaw sa akin at
sinasabi pa nilang Boyfriend ko na nga daw ito. Gawa kasi nung aking kuya dahil
siya mismo nakakita na magkasabay kami , napagalitan ako ng aking Ama at sabi
pa'y hindi na daw niya ako pagaaralin ng college kaya napaluha na lang ako kaya
naman umiiwas na lang ako sa kanya kasi importante muna sa akin ang pag-aaral
pero nagpapansinan naman kami sa school at nagkakatext pa naman kami pero
malungkot parin ako kasi kung kailan naman gagraduate na ay naging ganun pa. At
sobrang namiss ko rin yung time na palagi kaming magkasabay at kasama ko siya
pag ako’ymay lakad. Ganun pa man naiintindihan naman niya at talaga ngang
napakasaya ng High School Life.
Ngayong
darating na sa puntong magkakahiwa-hiwalay na kami sana maging maayos pa lalo
ang mga pag-subok sa aming buhay . Nawa’y tumatak sa aming puso’t isipan ang
mga tinuro at natutunan naming sa aming mga guro na magsisilbing gabay sa
pagtahak sa aming buhay. Kaya nagpapasalamat ako at nagging parte kayo ng aking
buhay. Kaya naman ni nanais ko lamang na sana sa darating pang panahon maging
matagumpay tayo sa ating mga mithiin.
At
diyan muna nagtatapos ang aking talambuhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento