
Good Day to the Readers! :) Hi. I’m Ashley V. Leonzon, 16 years old. Born on November 27, 1995 at San Pablo City Hospital. First, gusto ko muna i-describe ang sarili ko kung sino talaga ako, ano meron sa akin! Maarte ako! Oo, alam ko yun at aminado talaga ako. Lahat naman siguro ng tao maarte, ‘di ba? Pero nilulugar ko naman ang pagiging maarte ko. Isa pa sa pinaka-ayaw ko na ugali ko e ang pagiging MADIRIIN ko! Ako yung tipo ng taong sobrang madiriin kaya madami ang nagsasabi na maarte ako. Pero hindi ko talaga maalis yan ugali ko yan. Nakakahiya man sabihin. Katulad na lang sa pagkain, hindi mo ako basta basta mapapakaen. Unang tingin ko pa lang alam ko na kung kakain ako o hindi. Nagtitiis talaga ako kahit na gutom ako sasabihin ko busog ako kaya nga naiinis sa akin ang mga kamag-anak ko e kasi kapag sinasama nila ako sa isang handaan o pinapakain ako ‘pg minsan hindi ako nakain dahil nadidiri ako. Hindi ko alam kung bakit! Basta, nararamdaman ko na lang yun.Pati inaamoy ko muna ang isang bagay bago gamitin o pagkain bago kainin.Alam naman ng mga magulang ko at mga kaibigan ko na madiriin ako. Pero hindi ko talaga kaya na alisin ito, tinatry ko naman e. Aaminin ko din na payat ako! Pihikan kasi ako.Hindi ako nakain ng isda. Konting gulay lang ang kinakain ko. Puro karne at chicken ang ulam ko. Favorite ko ang Nilaga at Sinigang. Hindi ako nakain ng Dinuguan kapag hindi Daddy ko ang nagluluto. At SIOMAI ADDICTED ako! Sobrang favorite ko talaga ang Siomai. Mga 2 hanggang 3 beses lang ako hindi nakakain ng Siomai sa loob ng isang linggo. Pagkakatapos ng klase ko yun ang binibili ko. Alam yan ng mga kaibigan ko. Sabi ng mga kaibigan ko, sweet daw ako! Makulit, isip-bata pa daw, maingay, mahiyain, caring, friendly, masayahin at madami pa.Yung mga negative naman ay suplada daw ako at mataray. Well, I don’t think so naman! Hindi konaman kasi sila kilala e paano ko sila mapapansin. ‘di ba? Yun mataray. Hmm.. Medyo! Haha.. Mahilig din ako makinig sa mga Music pero ayaw sa akin ng kanta. Parang mas ayos pang sumayaw ako kaysa kumanta. Maalam din akong umarte. Noong 2nd year ako nakasali ako sa Dramatica Club. Mas hilig ko ang Computer kaysa sa T.V. Ayaw ng Dade ko na nanonood ako ng mga palabas sa ABS-CBN at GMA. Gusto niya na ang panuodin ko ay mga Movie na English. MYX ang lage kong pinapanuod. No choice e!
Let’s talk about naman sa Family ko,
Friends ko& Happenings in my Life.



Ako po yan! :)
Sa tingin ko, 3 years old ako dito. Si
B1 at si B2. Pero hindi ko sila favorite. Batman at Hello Kitty ang favorite ko!

Graduate ako ng Kinder Garten! Sa San
Pablo Central School at the age of 5
years old. Tanda ko pa din yun teacher ko. Si Mrs Santos.

Naalala ko noong Grade 2 ako pinalo ng
Teacher ko ang aking dalawang palad sa kadahilanan na hindi ako nagsusulat.
Noong Grade 3 naman ako nilipat ako ng Teacher ko sa likod dahil binato ko yun
lapis. Nagtanung naman ako kung kanino yun lapis kaso walang sumagot kaya
binato ko sa likod e nakita nung Teacher ko akala niya binabato ko yun kaklase
ko kaya nilipat niya ako sa likod.


Sa wakas! Graduate na ako ng Elementary.
Masaya na malungkot. Pero noong mga panahon yun hindi ko pa masyado iniisip na
maghihiwalay na kami ng mga kaibigan ko. Basta ang alam ko nun, graduate na
ako! Hindi ko din iniisip ang feeling ng pagiging HighSchool student. After ng
graduation, sa Folcon kami kumain. Nagkaroon din konting handa sa bahay.
This is it! HighSchool na ako.
Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National
Highschool ako pumasok.Noong unang pasukan, kasama ko yun Mame ko at yun
Bestfriend ko si Pauline Concepcion na kaklase ko. 1B kami kay Mrs Baylon. Noon
una halos lahat kami tahimikat nagkakahiyaan pero noong tumagal na nagging
close na kami.Sumasali din an gaming section sa mga labanan tulad ng tula at sa
Ibong Adarna.Nananalo kami, 1st place kami lagi.

Ayan ang PAICHALEYCLAMEIA Ft. JEHABIE
mula yan sa mga pangalan namin.
Tulad noong 1st year sumasali
ulit kami sa mga labanan. Isa sa sinalihan namin ay ang Florante at Laura. Ako
ang gumanap na Laura sa section namin. Nanalo ako! Pang-tatlo sa pinakamahusay
na gumanap na Laura. Masaya ako dahil kahit hindi nanalo ang aming section,
nanalo naman ako sa isa sa pinakamahusay na Laura.
Madami na naman napahiwalay sa section
namin noong naging 3rd year kami. 3B ako.Sina Mrs Umali at Ms Lee
ang adviser namin.Madaming masasayang memories noong 3rd year.
Dizon ang napili na sumayaw nang
magbubukas ang SM. At maswerte ang section namin na napili na sumayaw.

Lumaban kami ng Jazz Chants.

Ito ang pinakahinihintay ng mga Juniors.
Ang JS.
Hawaiian
Luan ang theme. Ginanap ito sa Central Gym noong Feb. 11-12, 2011. Naging
masaya ito para sa akin at sa amin. Hawaiian talaga ang dating ng makita naming
ito.
Ang
bilis talaga ng panahon. Dati binubuhat lang ako ng mga magulang ko samantala
ngayon dalaga na daw ako. 4th year na ako. At ito ang section na
kinabibilangan ko.

Intramurals.3th
year at 4th year lang ako sumayaw dahil hindi ako pinapayagan dahil
may asthma ako.
Nagkakaroon
din ng mga School Concert.
At
nagkaroon din kami ng Educational Fieldtrip. Kung saan nagpunta kami sa UPLB,
Nuvali, Tagaytay at Enchanted Kingdom. Sobrang naging masaya kami dito.


Nagkaroon ng mga kaibigan.
At syempre, sa stage na ito ka natuto
mainlove. Parang ayokong isipin na gragraduate na ako. Masaya na may halong
kaba at lungkot.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga
masasaya at malulungkot na pangyayari sa buhay ko.
Mahal na mahal ko ang mga magulang ko,
kaibigan at maging ang mga guro na nagmulat sa amin. GOD BLESS us! :)
Ashley
V. Leonzon
~
Asha <3
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento