ANG TALAMBUHAY NI SHAIRALYN MANALO
Ako si Shairalyn Torres Manalo naninirahan sa Cornista Street
City Subdivision San Pablo City, ang aking kaarawan ay may 23 1996, sa ngayon
ako ay labing limang taong gulang na ako’y isang Iglesia ni Cristo.Ang pangalan
ng aking ama ay si Julian manalo apat na pu’t siyam na taong gulang.Siya ay
nagtatrabaho bilang isang drayber ng pamilya sa Tanauan City Batangas .Mabait
siyang ama sa amin, matiyaga,at masipag.Wala na kong hahanapin pang iba sa
pagiging ama niya sa amin,yan ang tatay ko.Ang pangalan naman ng aking ina ay
si Erma Manalo apat na pu’t pitong taong gulang.siya naman ay isang self
employed, nag-aalaga siya ng apo sa ngayon. Siya ang inang aking maipagmamalaki
dahil sa sipag niya at taos pusong pag-aalaga sa aming magkakapatid at walang
sawang pag-gabay niya sa amin.Apat kaming mag kakapatid.Ang panganay naming ay
si Ryan,dalawampu’t anim na taong gulang,nag tatrabaho sa Taiwan bilang tagapag
gawa ng tela at may dalawang anak.sumunod naman si Ehjay,dalawampung taong
gulang,sumunod ay si Erwin, labing siyam na taong gulang, isang estudyante na
LSPU bilang information technology.At ako ang bunso at nag-iisang babae saming
magkakapatid.Masayang namumuhay ang aming pamilya,ayun nga lang kung minsan ay
nakakaranas ng mga suliranin ngunit agad naman namin itong nalalampasan at
tinuturing nalang naming itong isang malaking hamon sa aming buhay.

Dumako naman tayo sa
aking mga paborito.Sa pagakin ang paborito kong kaiinin ay spaghetti sa
Jollibee,sa prutas ay mansanas, sa inumin ay tubig, sa mga hayop ay pusa at
aso, sa lugar ay mall, sa kulay ay pula,itim at violet,sa larangan naman ng
showbiz, ang paborito kong singer ay si Taylor Swift ,simula pa nang ako ay
labing tatlong taong gulang pa lamang ay hilig ko na talagang pakinggan ang
kanyang mga kanta,maging mga picture niya ay aming pina-dedevelope ng aking mga
kaibigan.Sa artista naman, ang paborito kong actress ay si Kristen Stewart at
si Elisha Cuthbert , sa actor naman ay si Robert Pattinson . Taylor Lautner.ang
paborito kong pelikula ay house of wax, Titanic, mga horror movies at comedy
movies, paborito kong kanta ay thinking of you ni Katty Perry at mga love
songs. ayoko sa mga taong flirt, bitter, weird, plastic, magaling lang pag may
kailangan, non sense, traidor, walang paki-alam, laging nag mumura, at higit sa
lahat walang kinabukasan. gusto ko naman yung mga taong mapagkakatiwalaan,
totoo, laging nandyan pag kailangan, hindi nang iiwan, at higit sa lahat
totoong kaibigan.Ako yung tipo nang tao na kahit sobra sobra na ang effort ng
isang kaibigan ay para paring may kulang at ako din yung taong mabilis mag
sawa.

 |
|


Lumaki ako sa isang
simpleng pamiya,pamilyang may simpleng pangangailangan at namuhay sa simpleng
pangarap. kinukwento nga ng nanay ko sakin na noong nalaman daw nilang babae
ang magiging anak nila ay lubos na nagalak ang aking mga magulang dahil gusto
ng tatay ko na mag karoon ng anak na babae dahil tatlo na daw ang lalaki.
Natatandaan ko pa noong ako’y musmos pa lamang lagi akong hinihiram ng kapit
bahay naming dahil natutuwa sila sakin. Isang taon palamang ako ay lagi akong
pinapasyal ng aking nanay at tatay. Lagi kaming napunta sa Jollibee.Sobrang
saya ko pag ako ay nakakapunta doon.Kinder palamang ako noon ay nag karoon na
ko ng medalya bilang second honor sa klase. Hatid sundo ako ng nanay ko buhat
eskwelahan at bahay.Kunsabagay malapit lamang naman ang aking paaralan sa aming
tahanan. Jaojoco Daycare center ako nag kinder at San Roque elementary school
naman ako nag elementary. Unang baiting ako noon ay nag karoon din ako sa
parangal bilang second honor ulit. Napaka mahiyain ko noon, may sarili akong
paraan ng pagbabasa,binibilang ko ang bawat abakada na aking nababasa. Pag
tuntong ko naman ang ikalawa hanngang ika-apat na baiting ay nawalan ako ng
parangal, ngunit ng ika-apat na baytang ay nagkaroon ako ng award dahil nag
champion kami sa declamation. Ika-limang baitang ang masasabi kong
pinakamasayang parte ng aking elementary dahil pinapayagan kami ng guro naming
na mag laro ng maglaro.tuwing hapon umuuwi ako samin ng naka short nalang at naka
paa dahil lagging ang dumi na ng palda ko pag uuwi ng hapon kaya naman
napapagalitan ako ng nanay ko. Nag lalaro kami ng sipa bola, Chinese garter at
kung ano ano pang larong pinoy. Pag tuntong ko ng ika-anim na baytang, ang
pinaka nakakalungkot na parte noon ay nagkaroon ako ng 72 sa card sa larangan
ng English. Naghahanda na ako noon para sa akin pagtatapos. Habang nag aayos
ang guro naming ng mga medealya at ilang tropeyo para sa mga honor student ay
tinulungan ko siya at habang nag aayos ako ng mga iyon ay nasabi ko sa aking
sarili na sana ay mag karoon ako ng ganun baling araw. Isang araw bago ang
aking pagtatapos ay nag sagawa an gaming paaralan ng misa para sa mga
magtatapos. Bagama’t iba ang aking relihiyon ay nakiisa parin ako bilang
pasasalamat na rin sa panginoon. Kinabukasan ay araw na ng aking pagtatapos
magkahalong emosyon ang aking dala. Masaya dahil natapos ko ang isang bahagi ng
aking pag-aaral.malungkot dahil mag kakahiwalay kami ng aking mga kaibigan.
Dumalo pareho ang aking ama at ina na kasama ko sa aking pag lakad papunta sa
aking upuan. Ako nga lang ang bukod tangi na kasama ang ama at ina. Pagatapos
ng graduation ay medyo napaluha ang aking mga mata dahil sa nakikita ko ang
katabi ko na nag iiyak kaya napaiyak na din ako. Nag paalam ako sa aking
bestfriend hanggang ngayon na si Melody at nag paalam din siya sa akin. Inenrol
ako ng kapatid ko sa Dizon High. Kasama ko din siya noong unang pasukan. Medyo
nakakapanibago nga noong una dahil iba’t-iba ang aking mga kaklase. Napapunta
ako sa section J .kung saan pang apat sa pinaka mababa.naging muse nila ako
ngunit dahil nga sa mahiyain ako ay hindi ako pumayag na lumaban bilang
representative ng aming seksyon. Sa kabila noon lagi din akong napapa assign na
maging lider ng grupo sa loob ng paaralan. Naging maganda naman ang aking
grades noon kaya pag dating ko ng second teay ay medyo tumaas ang aking seksyon
,naging I naman ako.doon ko nakilala ang panibagong kaibigan at totoo na si May
Ann Dalisay. Siya ang lagi kong kasama.pinakilala lang siya ni Kathleen sa
akin,at simula noon ay naging mag kaibigan kami. Siya lang ang kaibigan kong
lagi akong naiintindihan, sinusuportahan niya ako sa ano mang bagay na gusto
ko.marami din kaming aktibidad na ginawa noong second year pa ako. Tulad ng nag
play kami ng Florante at Laura.gumanap ako doon bilang si Flerida, Ngunit sa
kasawiang palad,natalo kami. Nag drama din kami. Ang istorya Ng aming kwento ay
ang masamang epekto ng droga. Gumanap ako doon bilang babaeng
nagdodroga.naranasan ko din ang unang pagkakataon na may mamatayan sa amin at
iyon ay ang tiyuhin ko.habang gumaganap ako sa pagiging Flerida ay naiisip ko
ang Tiyo ko.second year din ako unang umibig, hanggang ngayon ay hindi ko pa
rin siya malimutan.3rd year…muling tumaas ang seksyon ko, naging G naman ako at iyon
ang unang pagkakataon na naging president ako ng klase.doon ko naramdaman na
ang hirap palang maging president lalo na kung ang mga kaklase mo ay matitigas
ang ulo tulad ng mga kaklase ko. Aksidente lang naman ang pagkakahalal ko bilang
president. Tagasulat ako noon ni mam at no choice na kaya ako ang nakita ng
aking mga kaklase kaya ako ang binoto nila.nahirapan ako sa mga Gawain bilang
isang president. Dumating panga ako sa puntong ako ang nag linis mag isa ng
class room. Pag dating ko ng fourth year ay madaming nabago sakin. Isa na jan
ang akin seksyon, mula sa I naging Blake, ang laki ng itinaas.masaya ako at
tumaas ang seksyon ko, lima kaming mag kaklase na naging section Blake.yun nga
lang hindi na pumasok ang isa dahil nabalian daw.ngunit ang karanasan ko noon
ay kabaligtaran ng karanasan ko noon.dati pasukan palang ay marami na akong
kakilala at nagiging kaibigan ngunit ngayong pasukan ay parang dayuhan kami at
nag sisimula ulit sa simula. Doon ko naisip na parang masyado silang mataas na
mahirap maabot naming mga mabababa. Matagal ding panahon bago kami nakatagpo ng
mga kaibigan at kakilala.totoo nga yung kasabihan na yung mga nakilala mong una
ay hindi mo magiging kaibigan sa bandang huli. Doon ko nakilala si bea, sa
tingin ko siya yung pinaka naging kaibigan ko sa Blake. Pero hindi din nagtagal
ay naging ka close ko din ang iba sa kanila.medyo nag enjoy din naman ako sa
pagiging Blake.pero mas Masaya ang mga nakaraang taon.siguro dahil kailangan ko
nang maging matured at maging handa sa kolehiyo o dahil na rin sa pag babago ng
principal. Madami dami din naming aktibidad ang aking na experience.malapit na
naman ang araw ng aking pag tatapos. Isang karanasan ang hindi ko malilimutan
sa buong buhay ko ang karanasan ko ngayong high school. Maaari kong maibahagi
ang aking mga karanasan sa mga susunod pang henerasyon. Isang karanasang
nagmulat sa akin sa realidad ng buhay. Ang paaralang Col. Lauro D. Dizon ang
eskwelahan na naging saksi sa aking kamusmusan, sa mga panahon ng aking kaligayahan,
sa panahon na nakakilala ako ng mga kaibigan, at sa panahong nakadanas ako ng
maraming pagbabago sa aking buhay. Eswelahan kung saan nabuo ang aking mga
pangarap, paaralang nagmulat sa akin sa katotohanan at nagbukas sa musmos kong
isipan. Sabi nga nila ang pagtatapos ay simula pa lamang ng pakikipagsapalaran
sa buhay. Nagpapasalamat din ako sa Diyos dahil kung hindi dahil sa tulong niya
ay hindi ko mararating kung nasaan ako ngayon, at kung hindi din dahil sa kanya
ay hindi ako makakatagpo ng mga kaibigang mapagkakatiwalaan at totoo. Nawa sa
susunod na yugto ng aking buhay ay mas lalo pa akong maging masipag at higit sa
lahat may malakas na pananampalataya sa poong may kapal. Paalam at salamat sa
Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento