Ako at ang pinsan ko na si Aaron. |
Ang Aking Talambuhay
Ako po si Mark Joseph C. Sinfuego. Isinilang noong ika-8 ng Pebrero, taong 1996. Ako po ay nakatira sa Brgy. Concepcion, San Pablo City, Laguna. Ang mga magulang ko po ay sina Anicia C. Sinfuego at si Benjamin C. Sinfuego. Ako po ang panganay sa aming magkakapatid. Malaki po ang aming pamilya dahil kasama po naming sa bahay ang aking pinsan na si Aaron o “daga”, ang kanyang ina na si Amy o “anay” , ang tita ko na sina Marina na mataba, si tita Fely na mataray pero minsan ay mabait din at si tito sosing na lasinggero at nagwawala pa. Ah muntik ko na nga palang makalimutan ang aking mga kapatid, si Jordan na makulit na bunso, at si Jerome na sunod sa akin. Sinanabi ko po sa inyo na ako ay tahimik at maraming sikreto na ako lang ang nakaka-alam.
It's me !!!! |
Ako ay pumasok ng Kinder sa St. Martin De Porres Day Care and Center. Pra sa akin ang pagpasok dito ay parang laro lamang dahil hindi ka pinapagalitan. Laro ng laro, mag-drawing, mag-sulat, mag-kwento, mag-sulat at iba pa. Dito ay lagging may party dahil ito ay isang ampunan. Maraming pagkain at mga palaro pero minsan ay umiiyak ako tulad nung una dahil umaalis ang nanay ko para umuwi sa bahay tapos babalik na lang kapag awasan na.Dito nagkaroon din ako ng mga kaibigan na lagi kong kasakasama.At sa pagtatapos ko dito ay lilipat na naman ang pahina ng buhay ko.
Akala ko ay grade 1 na ako pero pinagsummer ako ng aking ina sa New Era at masaya naman dito,nagkaroon din ako dito ng mga panibagong kaibigan na dati ay nawala sa akin,kaklase at iba pa na nagging parte ng buhay ko.Ayon nakapunta na din sa Elementary ng Guerilla upang doon mag-aral ng grade 1,akala ko kagaya lang ng kinder na puro laro pa rin pero hindi na pala seryosohan na pala ito, marami nang ginagawa na minsan ay mahihirapan ka.Umiiyak pa rin ako pag umaalis ang aking ina dahil nalulungkot ako bukod pa dito ay mataray at strikta ang aking guro sa section A.Kaya ngayon ako’y napalipat sa B,Masaya din naman dito dahil mabait ang aming guro na si Ma’am Borja,lagi siyang nagdadala ng mga laruan at pagkain.Binigyan pa niya ako ng laruan bilang ala-ala na hanggang ngayon ay iniingatan ko pa din.
Ako noong kinder .. |
Pagsapit ng grade 2 parang kagaya din ng teacher ko na masungit noong grade 1 ako bukod pa dito ay namamalo pa siya ng kamay si Ma’am Crudo na kinaasaran ko pero Masaya naman kapag walang pasok dahil ang tita Fely ko ay dinadala kami lagi kapag linggo sa Jollibee at kumakain kami.Naglalaro kami sa Lake pagkatapos naming kumain at nagbabike.Sumapit na ang camping na sinalihan ko,masayang activity ang ginawa namin,doon ako natulog kasama ang aking mga kaklase.Tapos noong umaga ay nagjogging kami.Pagsama ko sa ikalawang camping ay hindi na ako pinayagan matulog sa school sa halip ay nagihaw nalang kami.Pero bago magsimula ang program ay aksidente kong naitapon ang gas na nasa bote ng Coke dahil akala ko ay tubig lang.Napagalitan ako ng isang teacher na si Ma’am Contemplacion na nanay ng kaklase ko.Pagkatapos noon ay nag-iba na ang tingin ko sa teacher na iyon.Noong grade 4 naman ako ay nagfirst communion,una naming ginawa ay nangumpisal ng mga kasalanan tapos ay nagdasal ako ng mga binigay sa akin.Akala ko dati ay kung anong lasa ng Ostya pero ng matikman ko ay wala naman palang lasa.Doon kami lagi sumisimba sa Immaculate Concepcion at pagkatapos ay didiretso na sa bayan.
noong kami'y nagswimming .. |
Isa sa pinaka masaya na parte ng Elementary ko ay ang pagiging grade 6.Kapag may Flag Ceremony tuwing lunes at naglalaro pa kami ng ‘’anino’’.Isa pa dito ay ang pagkakaroon ng grupo-grupo.Isa pa nga ako sa pinaka maaga pumasok kaya nagbubukas pa kami ng t.v naming topakin na kailangan pang pukpukin para umayos :).Isa lang ang nakakalungkot,kung kalian kami nagkakamabutihan saka naman magtatapos nang dahil sa Graduation.Magsasara na naman ang pahina ng aking buhay at bubuklat ng panibagong pahina ng aking buhay na hindi ko alam kung saan patungo.
Sa wakas natapos na din ang Elementary,bago tayo pumunta sa High School,puntahan muna natin ang masayang bakasyon.Lagi kaming nagbabakasyon sa Resort ng aking tito sa Calamba.Lagi kamking nagsiswimming kung kalian naming gusto at natutulog din kami doon pero may isang karanasan na hindi ko malilimutan ito ay noong iniwan aki ni mama ng mahigit isang buwan pagkatapos naming magswimming.Lagi pa kaming nagvivideoke doon kaya umuulan :D.Bago pa kami matulog ay nagpapaltukan pa kami ng unan.
ako pa din .... xD |
Tungkol naman sa HIgh School ang isang pangyayari nah indo ko makakalimutan dahil dito ay mararanasan mo.Ang 1st ,parang wala ka pang kaalam-alam o kakilala.Nahihiya ka pa dahil ang mga kasama mo ay hindi mo pa alam ang ugali,pero unti-unting mo naman silang makikilala.Ako ay pinaka maaaga ding pumasok at ako pa ang nagbubukas ng room namin na di-password pa.Dito ilalaban ng Ibong Adrna pero hindi kami sumali at napagdisisyunan na maggawa nalang ng Big Book.Papalit-palit pa nga ang mga guro naming dahil sa mga pagbabagong nagaganap.May nangyari pa na hindi inaasahan na namatay ang ina ng isa kong kaklase si ate Ella kaya nagsipuntahan kami,naglakad nga lang kami pero Masaya.Ang saya pa nga noong nagbabike kami sa Lake at dumulas yung bike ko at nagtaob ako doon sa may tubig,dumiretso pa ako noon pauwe para magpalit.Pagkatapos pa nga ng test noon ay pumunta pa kami sa canteen para kumain ang malnourished,tapos pumunta pa kami sa City High lakad nga lang kami noon tapos pagdating naming doon ay umalis din agad kami.
Isa sa wingangerz .. si mary joy ! |
Ito na ang 2nd.year ko na Masaya na sana pero nagkahiwa-hiwalay kaming magkakaibigan noong 1st.year.Dito nabuo din ang grupo ng mga bago kong kaibigan na ‘’WINDANGERZ’’ ,meron pa nga noon mga hindi pagkakaintindihan pero naayos din namin dahil natural lang yon’ sapagkakaibigan.Nandito rin ang mga masayang pangyayari tulad noong napagalitan kami ni Ma’am Nuevo kasi nagtataguan kami noon,nagtago noon si Sherwin at si Arlyn sa C.R kaya kami napagalitan.Masaya pa ditto ang pagsali namin sa Florante at Laura,lagi kami9ng nagpapractice tapos minsan ay walang nangyayayri dahil ayaw nilang magseryoso.Kaya noong nagmamadali kami sa practice ay ginagabi na kami,noong araw na ng laban saka pa kami nag aayos ng mga props sa bahay ng kaklase namin,bago ang laban ay pumunta pa kami sa San Lucas at nagpractice kami tapos nagkaproblema pa kami dahil hindi dumating ng maaga ang isa sa mga bida si Florante.Kinakabahan na kami noon,pagbalik naming sa school ay naghanda na kami suot ang mga props tapos nagpunta na kami sa Library.Nagsimula na ang laban at pagkatapos naming magperform ay hinintay namin kung sini ang mananalo at hindi kami pinalad na manalo,ang nakuha lang naming award ay ang Best Adolfo.
mga nameplate namimng volunteer .. |
Ang 3rd year ay bumalik na naman ako sa sec.C,marami ditong bago dahil nagkahalo-halo ang mga section.Ditp ko rin naranasan ang mga pangyayaring nakakatawa.Sumali kami bilang Volunteer ng C.A.T at nabuo din ang tropang ‘’WASALAK-AMAZONA’’dahil minsan ay nagcucutting kami at napunta sa bahay ng isa naming kabarkada,doon ako natuto ng mga bagay na di kanais-nais na una kong nagawa.Lagi din kaming napapagalitan sa room dahil ang iingay namin.Ang saya nga ng Christmas Party namin noon pati ang gaganda ng mga palaro tulad ng palayuan ng talsik ng tansan sa harina,sa kainan ng apple at marami pang iba.Pagsapit naman ng march ay lagi kaming nagcucutting dahil wala na noong klase.Nagpupunta pa nga kami sa lake kahit gabi na para magpahulas ng kalasingan. Sa c.a.t naman noong 1st time kami maparusahan ay hindi kami noon makalakad pauwe pero kahit ganoon ay Masaya pa rin kami.
c.a.t volunteers .... |
Nagsummer training kami sa c.a.t nang mahigit dalawapong araw sa paaralan upang kami’y sanayin.Mahirap man ang training naming pero kinakaya namin ito dahil nalagpasan na namin ang mga pagsubok tulad ng wacking at healweek dahil kapag tumigil kami ay parang sinayang lamang namin ang hirap.M ahirap lalo na kapag ikaw ay nasa unahan dahil nawawala ang nasa isip mo tapos bigla ka pang mapapatawa.Nakilala din naming ditto si Sir.Vic Rivera na kinatakutan naming lahat kaya kapag nasa form ay hindi kami maka galaw kahit kaunti na kinaya naming para kami ay igalang ng mga susunod na Volunteer.Pagkatapos ng training naming noon ay nagswimming kami noon sa bahay ng aming Facilitator pero hindi ako nagswimming noon kasi may nakagat ng linta noon at takot ako sa linta.Pagkatapos ng swimming na iyon ay dumiretso na kami sa school para doon magpahinga.
Ayon ! 4th year na ako,C.A.T Officer na kami at nakuha ko ang posisyong 2nd battalion s1,masama na naman dahil nagkahiwa-hiwalay na naman kaming magkakabarkada,napapunta ako sa Blake na halos wala kaming kakilala,nagpalipat-lipat pa kami ng room at mga guro dahil sa bagong Principal.May nakaklase pa nga kami na ‘’batang ina’’ nakatabi ko pa.Naging bestfriend ko pa nga siya dahil mabait naman pala siya noong una pero noong magtatapos na ay nagiba ang ugali at nagiging bayolente at tinotopak na din :D.Nagkaroon din kami ng masayang Field Trip na sinalihan ko.Ang Christmas Party naming Masaya at masarap na pagkain.Ang bagong taon ko naman ay pinagdiwang ko sa aming bahay kasama ang aking pamilya.Ang bilis talaga ng mga araw,at araw na ito ng js prom namin na Masaya at masasarap ang pagkain at sumayaw pa kami sa kutilyon.Ito na ang test naming na sunod-sunod kaya purp aral na naman.Pagkatapos ng test ay wala nang klase at nag aasikaso nalang ng clearance dahil gagraduate na kami ng High School at mag kokolehiyo na ako upang matupad ang aking mga pangarap.Andito ako ngayon sa entablado upang gumaraduate.
officer .. |
ang ibang wasalak-amazona !!! |
.. WASALAK din yan ! |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento