Ang
Talambuhay ni Shylla Pastidio Cochesa
Taong
1996, ika labing isa ng buwan ng Enero ,isinilang ako sa The Medical City ,
isang ospital sa lungsod ng Mandaluyong sa kalakhang Maynila at lugar kung saan nagkakilala ang aking butihing mga magulang na sina Rodolfo Cabanganan Cochesa – tubong
Leyte , at Estrella Tiquil Pastidio – na mula naman sa Zamboanga . Ako si
Shylla Pastidio Cochesa , labing anim na taong gulang na sa kasalukuyan . Isa
pa lamang simpleng empleyado noon ang
aking ama sa isang kompanya at saleslady naman ang aking ina . Nagsisimula pa
lamang sila noon na bumuo ng isang pamilya . Taong 1997, nadestino ang aking
ama sa Laguna mula sa kompanyang pinagtrabahuhan sa Maynila.
Dahil sa nakitang sigla ng kabuhayan , napag isipan nila na dito sa Laguna ay pumirme na kaming
manirahan . Dito na rin kami nakapag-patayo ng bahay. Dito ay unti unti nang
umunlad ang aming buhay gayundin ang aming pamilya . Nagkaron’ ako ng dalawang
kapatid . Wala ni isa man sa amin ang isinilang na may kapansanan sa anumang
bahagi ng katawan o isipan . Si Steven
John - siya ang sumunod sa akin at ang nag-iisang lalaki sa aming tatlo, sa
kasalukuyan siya ay labing tatlong taong gulang na , sinundan naman siya ng
bunsong si Shancai – na walong taong gulang naman . Sila ang bumubuo ng aking pagkatao
.
Sa
ngayon , isa nang tricycle driver si papa at mayron’ na kaming isang maliit na
tindahan na pimamahalaan ni mama – naipundar namin ang lahat ng ito bago pa man
magsara ang kompanyang pinagtrabahuhan
ni papa . Isang tahimik ngunit malambing na bata , yan ang pagkaka-kilala sa
akin ng aking mga magulang . Mula sa matyagang pagtuturo sa amin ng aming ina ,
natuto kaming sumulat , bumilang , at bumasa , tinuruan din niya kaming kumilos ng naaayon , may pagpapahalagang moral at may takot sa Diyos .Sa edad na
tatlo’t kalahati ay nagsimula na akong
pumasok sa paaralan sa ilalim ng aking gurong si Marissa Escueta .
Nagtagal
lamang ako ng dalawang taon pagdating sa kinder dahil sa aking batang edad na
hindi pa agad tinatanggap sa paaralang elementarya.Masaya naman , dahil
nakapag-uuwi ako ng medalya tuwing araw ng rekognisyon , mabuti na lang at
nandiyan ang aking ina upang gumabay sa akin at sa aking mga kapatid .
Noong
2002 nang akoy tuluyang nakapag-aral ng
elementarya sa paaralang sentral ng San Pablo hanggang taong 2008 ng matagumpay
akong naka-graduate, maramo akong
natutunan sa paaralang ito ngunit masasabi kong ang pinakamasaya at pinakamakabuluhan
ay nang makatungtong ako ng hayskul, tulad nga ng sabi nila isa ito sa mga
pinakamasayang parte ng pag-aaral ,nakapasok ako sa paaralang pang alaala kay
koronel Lauro D. Dizon at ditto nahubog pa nang husto ang aking personalidad,
pakikisama ,pakikipagkumpitensya at higit sa lahat ang makipag-kainigan .

Sa paaralang ito marami akong nakasalamuhang tao,
may mabait, may mayabang ,may maarte at meron ding mapag-panggap. Dito ay
nakilala ko ang aking mga hinahangaang mga guro na nagbibigay at patuloy na
nagbibigay ng inspirasyon sa akin upang magpatuloy sa pag-aaral maliban pa
sa aking pamilya naaalala ko pa , noong unang araw ko ng hayskul, medyo alangan
pa ako at sobrang mahiyain ngunit di nag-tagal ay nagging palagay at nag-karoon
ng ilang kaibigan . Dahl na rin sa pag-pupursige ay tumaas ang aking seksyon
sa sumunod na taon napakasaya ng seksyon
na aking kinabibilangan ang seksyong B
kahit na noong simula aya wala akong imik
sa kanilang kaingayan ay nadala na rin ako at natutong
makipag-sabayan dahil marami rin akong
nagging mga kaibigan , taong 2010 , nasa ikatlong taon na rin ako ng hayskul
,ito na siguro ang pinakamasaya at puno
ng kulay na pananatili ko sa seksyong B , sabik na sabik akong pumasok noon
,panibagong saya , panibagong kulitan , panibagong drama nanaman bilang
mag-aaral ,lubhang napakasaya mg bawat araw
ngunit hindi maiiwasan na sa
buhay estudyante na makaramdam ng
pag-kabagot kung kayat natagpuan ko
lamang ang aking sarili na sumali sa
C.A.T – isang organisasyon sa aming paaralan , noong una akala ko basta-basta
alng ang mga gawain ,hindi pala , hindi naman lahat ng aking mga kaklase ay
sumali ,iilan lang sa kanila ang nakasama ko , sa unang araw pa lang ng training
ng training may ilan sa kanila ang kilala ko dahil sa nagging kaklase ko sila
ng mga una kong taon sa Dizon High.
Training
sa umaga, linis sa hapon ,kaunting daldalan at tsismisan sa mga ka-volunteer ,kakatwa ang tawag saming mga
“PROBI” asul na laso , kaunting pulbo, report na tatlong beses kada-araw , diyan umiikot ang araw ko lumipas
ang mga araw at nagdaan ang mga buwan , natutunan at natuklasaan ko na hindi
lamang sa ibang tao ngunit higit sa aking sarili , hindi ko alam na darating
ako sa puntong mag-kakagusto ako sa isa
sa mga officers naming ,akala ko pa
noong una kayak o na walang lalaki sa
buhay ko , hindi pala . pero syempre
alam ko parin na panandalian
lamang iyon kung kayat maaga palang ay kinalimutan ko na ang aking nadarama
(tamang inspirasyon na lamang sya) , nanunbalik ako sa dati kong Gawain ,
habang tumatagal pahirap ng pahirap ang training at dahil gusto ko ang aking
ginagawa hindi ko iniinda ang bawat parusa sa amin kung meron kung meron man gayun din sa mga aktibidad
ng eskwelahan na kasama ang organisaysyon katulad ng sci-camp
. lumipas ang mga Segundo ,minute,oras araw at ang mga buwan unti-unti ay nabawasan kami ,
ibat-iba ang dahilan ng pag-alis nila .
Naisip
ko na tuloy na pag-nahirapan ako ay may posibilidad na umalis din ako . ngunit
naisip ko rin na sayng naman ang pinag-hirapan ko kung basta na lang akong
susuko mag-tatapos din ang taon ,tumagal ako ngunit di parin tapos ang training ,naidaos ang graduation ng 4rth yr at kasama doon ang mga officers ng
organisasyon, malungkot dahil nagging malapit na din kami sa kanila, ngunit sa
kabilang banda ay masaya din kami, dahil panibagong kabanata na naman na naman
ng kanilang buhay ang magbubukas gayundin sa aming ma volunteers nagsilbi iyong
hudyat namagsisimula na ang summer training. Bakasyon … ngunit hindi para sa
amin, alangan pa rin ako, hinpa rin pa din ako sanay at bumabalik ang na naman
ang kaba sa aking dibdib ko, ngunit dagli ding nawala iyon na mga Sumunod na
araw, bakit hindi, eh masaya naman. Parang katulad lang ng dati pero mas naging
masaya na, dahil maghapon iyon, nagsimula sa ehersisyo sa umaga, training ng
kaunti, aktibidad sa hapon, at nagturo din sa amin si Sir. Vic Rivera, isa siya
sa mga taong nagbigay inspirasyon sa akin. Dalawampung araw ang mabilis at
matuling lumipas. Pasukan na naman, huling yugto na ito na hayskul, nararapat
lang na magpakasaya na ang bawat isa at gawin ng makabuluhan ang natitirang
taon sa Dizon High, yan ang una kong ipresyon sa unang araw na pasukan. Nasa
fourth year na ako, isang ganap na officer, masaya ako, hindi lang ako kundi
kameng apatnaput walang officer nung matanggap naming ang aming nameplate,
dahil para sa amin ito ay sumisimbulo sa lahat ng hirapna aming pinagdaanan
makarating lamang sa posisyong iyon ng aming buhay. Mas lalo na pa rin akong
nakadama ng pananabik sa pag-pasok. Tulad nang mga nakaraang mga taon maya pa
din kami nagkikita-kita ng aking mga kamag-aaral ang pinag kaiba nga lang
ngayong taon, maraming pagbabagong tulad ng, bagong punong guro,bagong mga
guro, at may pangalan na ang aming seksyon ngayon na . Blake na ang tawag sa
amin ngayon. Sa kasalukuyang panahon, nalalapit na ang aming graduation at sana
lahat kami ay maaayos na makapagtapos na pag-aaral.
Habang sinunsulat ko ang talambuhay kong ito
ay wala pa akong maisip na isulat, ngunit sa pag-babalik tanaw ay naunawaan ko
sin ang halaga nang talambuhay kong ito.
At ito ay upang alalahanin ang nakaraan. Ito ang talambuhay ko bilang isang
mabuting mag-aaral. At sana sa mga susunod ko pang pakikibaka bilang mag-aaral
ay maging matagumpay ako sa aking gusting marating baling araw. J
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento