Ang Talambuhay ni Charlene
L. Banzuela
Sa isang may kayang pamilya nagmula si Calixto
Banzuela, anak ng mag-asawang Rosita Masongsong at Lucas Banzuela. Nagmamay-ari
sila ng lupa, bahay, mga sasakyan at mayroon ding pinagkakakitaang negosyo.
Nagkaroon sila ng labingtatlong anak at ito ay sina Emelia, Honorato, Alipio,
Calixto, Agrifino, Apolonia, Librada, Lucia, Marites, Melchor, Celerina,
Valentino ngunit namatay ilang oras ang kapanganakan dahil mayroon itong sakit
at Arcenio na namatay ilang araw pagkatapos ipanganak. Makalipas ang ilang
taon, pumanaw ang kanilang ama dahil sa
sakit sa baga. At dahil narin doon ay nakapag-asawang muli ang kanilang
ina. Napangasawa niya si Castro Escueta, ngunit makalipas ang pitong taon ay
pumanaw din ito sa kadahilanang inatake ito sa puso.
Samantala, nagmula naman sa isang simple at payak na
pamilya si Emelita Laparan, anak ng mag-asawang Natalia Ramos at Joaquin
Laparan. Ilang taon din silang nagsama ngunit matapos ipanganak ang bunsong
anak ay bigla nalang iniwan at nilisan ni Joaquin ang kanyang pamilya. Tanging
si Natalia ang nag-alaga, nag-aruga, at bumuhay sa kanyang limang anak na sina
Bernardo, Gloria, Emelita, Jose at Napo. Pinasok niya ang iba’t-ibang trabaho,
upang mairos ang bawat araw ng kanilang buhay.
Sa bayan ng Alaminos, unang nagkakilala sina Emelita
at Calixto at dito ay nabuo ang kanilang pagkakaibigan. Makalipas ang isang
taon nabuo ang kanilang relasyon bilang
magkasintahan. At nagpakasal makaraan ang walong buwan. Taong 1984, ika-5 ng
Hunyo ay naideklara na ang dalwa bilang
mag-asawa sa Nuestra Seniora Del Pillar Parish sa Alaminos, Laguna. Noong una
ay nanirahan muna sila sa isang dampa o kubo habang inaantay ang pagkakatapos
ng kaniilang pinagagawang bahay sa San Agustin Alaminos, Laguna upang matutuhan
ang pamumuhay bilang mag-asawa at matutuhan kung paano humawak ng pera at
magtrabaho para sa mga magiging anak.
Isang taon makalipas ang kanilang kasal ay isinilang
si Julius, ang kanilang paganay. Nakapagtapos siya ng kolehiyo sa Laguna State
Polytechnic College sa kursong
Automotive Technology o mas
kilala bilang AT. Siya ay kasalukuyang kasalukuyang may tatlong anak kay Rowena
Reyes na sina Jhawen Danne apat na taong gulang, Jake Ryan tatlong taong
gulang, at Jaera Aaliyah na kakadiwang lang ng ika-isang taong gulang noong
ika-1 ng Marso. Si Cherry Lyn na isinilang makalipas ang isang taon noong
ika-17 ng Disyembre taong 1986 sa San Agustin Alaminos, Laguna ang pangalawang
anak na kasalukuyang nagtuturo sa Mabababang Paaralan ng San Miguel sa
Alaminos, Laguna. Ang ikatlo na si Jerwin na kasalukuyang nag-aaral sa Laguna
State Polytechnic University sa kursong Edukasyon ay isinilang noong Setyembre, 29 1988.
![]() |
Si Charlene noong apat na buwang gulang |
Makalipas ang pitong taon ay ipinanganak naman ang
kasalukuyang bunso sa apat na magkakapatid na si Charlene. Isinilang siya noong
ika-20 ng Disyembre taong 1995 sa Barangay San Agustin Alaminos, Laguna. Walong
buwan matapos ang kanyang kapanganakan ay bininyagan siya sa Nuestra Seniora Del Pillar Parish kasama
ang nag-iisang ninong na si Abner Malabanan at nag-iisa ding ninang na si
Mercedes Dimaano na kasalukuyang naninirahan sa Canada kasama ang kanyang
pamilya.
![]() |
Larawan ng siya ay makapagtaposng kinder |
Dumaan ang mga panahon na dapat na siyang mag-aral.
Taong 2000 nag-aral siya ng kinder sa ilallim ng tagapayong si Gng. Rose
Villar. At pagkatapos nito ay nagtuloy na siya patungong Elementarya sa
paaralan ng kanilang barangay na mas kilala bilang “San Agustin Elementary School”.
![]() |
Larawan noong sumali si Charlene sa Mardigra noong Elementarya |
Naging malabo sa kanya ang aralin
sa Elementarya dahil sa madalas na pagliban sa klase. Naging tagapayo niya sa
ika-unang baitang si Gng. Milagros D.
Fandialan, na nagturo sa kanyang bumasa at sumulat.Si Gng. Leonila Padua
nagturo sa kanyang mas hubugin lalo ang kanyang pagbasa at pagsulat. Naging
tagapayo niya si Gng. Jovita Tolentino
nang tahakin niya ang ikatlong baitang. Nang mga panahong ito ay naging aktibo
siya sa mga aktibidad sa paaralan sa larangan ng pagsayaw.
![]() |
Larawan noong nakilahok sa DepEd Night |
Lumalahok siya sa
iba’t-ibang uri ng sayaw tulad ng Mardigra
at DepEd Night hanggang ika-anim na
baitang, ito ang nagtulak sa kanya upang mas pag-ibayuhin ang kanyang
pag-aaral. Si Gng. Ruby C. Monzones naman ang kanyang naging tagapayo noog siya
ay nasa ikaapat na baitang, si Gng. Cristina R. Sumadsad sa ikalimang baitang. Ang
lahat sa kanya ay nag-iba matapos ang ikalimang baitang. Dahil sa gurong si Bb.
Cherry F. Castillo,ang naging tagapayo niya noong siya ay nasa ika-anim na
baitang. Siya ang nagturo sa kanya upang
mas lalong pag-ibayuhin ang kaniyang pag-aaral. Nagkaroon siya ng hilig
sa larangan ng sports. Sumali siya sa labanan sa pagtakbo at nagkamit din ng
ilang medalya.
![]() |
Kuha noong nakapagtapos si Charlene ng Elementarya |
Ang ilang samahan at pagkakaibigan ay nabuo sa mga
araw ng Elementarya. Ang mga oras na nagpadaloy sa kanilang mga luha ay ang
araw na kanilang pagtatapos ng elementarya upang tahakin ang ikalawang yugto ng
kanilang pag-aaral-- ang landas patungong sekondarya. Ika-28 ng Marso taong
2008 hindi man naideklara bilang first
honor ay nagkamit naman siya ng iba’t-ibang karangalan tulad ng Special Awards na Most Responsible, medalya sa mga sinalihang aktibidad o mga
pampalakasan at medalya mula sa mga napasahang pag-susulit para sa Scholarship ng Sekondarya. Ang pamilya
niya ang naging inspirasyon niya upang pagbutihin at pagsikapan pa kanyang
pag-aaral.
![]() |
Larawan mula sa Kamay ni Hesus sa Lucban Quezon |
At tinahak na nga niya ang buhay bilang hayskul. Nagbakasakali
siya sa Mataas na paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School
kasama ang kanyang kaibigan at pinsan na si Mary Joy Laparan dahil ayon sa
kanyang ina ay maganda ang aral dito at sa kadahilanan narin na dito
nagtapos ang kanyang dalawang kapatid na
sina Cherry Lyn at Jerwin ng sekondarya na noon ay tinatawag pang Annex five(5)
. At sa mabuting kapalaran ay nakapasok sila dito dahil narin sa tulong ng mga
guro na nagtuturo doon na sina Gng. Hitosis at Gng. Rosita Banzuela. Umasa ang
magpinsan na sila’y magiging magkakalase dahil magkalapit ang kanilang kabuuang
marka o Average Grade ngunit hindi ito nangyari. Kabilang sa unang antas
seksyon E si Mary Joy, samantalang napunta naman sa seksyon D si Charlene.
Ngunit ganoon pa man ay hindi naging hadlang ito upang lumayo at maputol ang
kanilang pagkakakabigan. Naging madali para sa kanila ang makisama sa iba.
Unang araw pa lamang ay Kahit na
ika-lima na ng hapon umaawas si Charlene ay matiyaga parin siyang inaantay ni
Mary Joy. Nagkaroon din sila ng mga kaibigan. Nakilala ni Charlene ang dati
niyang kamag-aaral na si Maila Aquino na nagkataong naging kanyang kakalase. Di
tulad noon, mas naging malapit ang dalawa sa isa’t-isa. Nakilala at naging
malapit din niyang kaibigan sina Daimy Jane Agbayani, Angelu Jane Aquino at
marami pang iba. Naging masaya ang mga araw para sa kanya ng unang antas. At
bilang pasasalamat na rin, nagpunta siya kasama ang kanyang mga kapamilya at
kamag-anak sa “Kamay ni Jesus” sa
Lucban Quezon.
Pagdating ng bakasyon nagkaroon siya ng konting
pagkakakitaan kasama ang kanyang mga pinsan. Sinubukan nila ang magtinda ng mga
mirienda tulad ng banana Q, ice candy, palamig at marami pang iba kasama ang
kanyang mga pinsan upang kumita na rin ng pera na maaari nilang maibigay sa
kanilang mga magulang at maging kapaki-pakinabang ang kaniyang bakasyon.
![]() |
Larawan ng mga estudyante mula sa II-C Batch 2009-2010 |
Ikalawang taon na. At sa magandang kapalaran ay tumaas
ang antas niya. Napunta siya sa seksyon C.
Naging kamag-aaral niyang muli si Maila. Naging tagapayo nila si Gng.
Viola Lingad na guro nila sa asignaturang Filipino. Nang mga panahon din ito ay
nakikilahok din siya sa mga quiz bee
sa Filipino o tinatawag ding “Pingkian”. Ngunit sa kabila nito ay maraming siyang
naging pagsubok at naging problema sa ikalawang antas. Isa na rito ang
pagkakabagsak niya sa Science noong ikalawang markahan. Ayon sa kanyang guro ng
Science hindi siya nagpasa ng kanyang listahan ng mga marka sa kanyang mga
aktibidad at mga pagsusulit kaya siya ay hindi nakapasa. Ngunit alam ni
Charlene sa sarili na nagsumite siya, ngunit nanatili siyang tahimik at
hinayaan na lang ang nangyari na naging dahilan ng kanyang pagsisisi. Nalaman
ito ng kanyang ina na naging dahilan upang ito ay magkaroon ng sama ng loob sa
anak. Ngunit ang pangyayaring ito ang nagtulak sa kanya upang pagbutihin at
pag-ibayuhin pa niya ang kanyang
pag-aaral lalung-lalo na sa Science. At
hindi naman sila nabigo kay Charlene at sa katunayan naging isa pa siya sa mga
mahuhusay na mag-aaral sa kanilang seksyon bilang Top 4 sa klase. Ito rin ang naging panahon ng pagsali nila sa
dulaan ng Florante at Laura na
humakot ng maraming parangal. Itinanghal ang kanilang seksyon na 2nd
runner-up o ikatlo sa pinakamagaling na nagpakita ng pagtatanghal. Kabilang
siya sa grupo ng mga Mambibigkas na naging 2nd runner-up. Samantalng
ang nag-wagi naman ay ang Seksyon A. Naging
mas masaya at makulay para sa kanya ang ikalawanng taon ng hayskul kaysa noon kahit
na nagkaroon siya ng mga pagsubok na sumubok sa kanyang pag-asa,pangarap at
tiwala sa sarili.
Isang taon na naman ang lumipas at
nasa ikatlong antas na siya. Isang magandang balita para sa kanya ang mapataas
ang seksyon na kinalalagyan mula C at napunta sa seksyon B, ngunit naging
malungkot ito para sa kanya dahil nawalay sa kanya ang mga malalapit niyang
kaibigan ngunit naging daan upang magkaroon siya ng mas maraming kaibigan, ilan
na nga sa mga ito ay sina Joan, Joy, Fatima, at Ferlyn na tunay na naging
malapit sa kanya. Samantala naging tagapayo naman nila si Gng. Lorna Umali na
guro nila sa T.L.E. at Bb. Anna Lee bilang Co-adviser.
![]() |
Larawan ni Charlene kasama ang kanyang damit pang-J.S. |
Buwan ng Pebrero, at kaakibat nito
ang pagkakaroon ng Junior Senior
Promenade o mas kilala sa simpleng katawagan ng mga estudyante ng Dizon
High bilang J.S. na nilalahukan ng
mga estudyante mula ikatlong antas hanggang ikaapat na antas. Nakilahok siya sa
J.S. kasama ang ibang mga kamag-aaral. Ang nasabing Promenade ay may temang Hawaiian Party. Nagsimula ang nasabing
kasiyahan ng ika-anim ng gabi at natapos ng ikaapat ng umaga. Naging masaya,
makulay, simple ngunit lubhang maganda ang Promenade na naganap.
![]() |
Larawan ng mga III-B na nakilahok sa J.S. noong 2010-2011 |
At ngayong taong ito ay magsisimula
na ang kanyang buhay bilang kolehiyo. Alam niya na ang lahat ng ito ay hindi
niya makakamit kung hindi dahil sa mga guro walang sawang nagtuturo at
nagpapaalala sa kanya na kailangan tayong
magkaroon ng pangarap sa buhay upang magkaroon ng patutunguhanan ang ating
kinabukasan at sa kanyang di malilimutang pinanggalingang paaralan ng Col.
Lauro D. Dizon Memorial National High School. “Maraming Salamat!”
At sa nalalapit niyang pagtatapos
maging malungkot man ito at mapuno ng iyakan, ay babaunin niya ang lahat ng
natutunan at masasayang sandali ng kanyang buhay patungo sa ikatlong bahagi ng
kanyang pag-aaral. Ang mga masasayang pangyayari na hindi matutumbasan ng
anumang materyal na bagay sa mundo.
![]() |
Larawan ni Charlene |
Ako, si Charlene L. Banzuela na labing anim na taong gulang na (16) ngayong taong kasalukuyan. Ako ay isang mag-aaral
na produkto ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School San Pablo City
ay may buong pagmamalaking sasabihin at isisigaw sa lahat na “PROUD TO BE
DIZONIAN AKO!”
"Maraming Salamat po sa inyong
lahat!"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento