Ang Talambuhay Ni Pauline Shane Concepcion
 |
Ako ay sanggol pa lamang. |
Ako
si Pauline Shane Uri Concepcion. Nakatira ako sa Mabini Ext. San Pablo City.
Ako ay ipinanganak noong Agosto 29, 1995 sa kasalukuyan ako ay labing anim na
taong gulang na. Ipinganak ako dito sa Lungsod ng San Pablo. Ang aking ama ay
si Augosto Concepcion at ang aking ina ay si Emma Uri. Ako ay may isang kapatid
siya ay panganay sa akin. Siya ay si Paulo Concepcion na sa kasalukuyan ay nasa
unang lebel sa kolehiyo. Ako naman ay nasa ika-apat na lebel na sa sekondarya.Hindi
ko matatawag na buo ang aking pamilya dahil simula pagkabata ay hindi ko pa
nakikilala ang aking ama. Ngunit hindi iyon naging hadlang upang ako ay maging
mabuting anak sa aking ina. Kahit na hindi kami kumpleto mayroon kaming
masayang pamilya. Ako simpleng babae lang, may dimple, hindi naman masyadong
katangusan ang ilong,at kayumanggi ang balat. Mayroon din akong salamin dahil
namana ko sa tatay ko ang pagiging nearsighted. Pero kahit na ganyan proud ako
kung sino ako. Mahilig din ako sa kulay violet at favorite ko ang mga pasta.
 |
Ako at ang aking ina. |
 |
I.D. ko nung kinder :) |
Nang ako ay magsimula ng mag-aral
ako ay pumasok sa kindergarten sa paaralan sa P. Alcantara. Ang pangalan ng
aking guro ay si Mrs. Sandra Bondad. Katulad ng mga natural na bata wala pa
masyado sa isip ko ang pag-aaral mas gusto ko mag-laro hehe. Sa kindergarten
ako unang natutong makisalamuha sa iba’t-ibang uri ng tao. Mayroon akong
nakakasundo,mayroon din naman hindi masyado. Dito syempre ako unang natutong
magsulat,magbilang at magbasa. May pangyayari na hindi ko makakalimutan nung
kinder ako. May isa akong kaklase na tinusok ako ng ballpen dahil nahawakan ko
yung pencil case niya haha bata nga naman. Napili rin ako noon ng titser ko na
lumaban sa tula, sa bawat araw na pagsasaulo ko nung tula naiisip ko na hindi
ko kaya kasi madaming tao ang manonood kaya ayun umayaw ako sa bandang huli ako
din ang nanghinayang hehe. Nagkaroon di kami ng fieldtrip noon. Wow first time
syempre excited ako, ang aga gumising, tulong sa nanay ko sa paglalagay nung
mga pagkain at magmamadaling niyaya ang nanay ko na magpunta sa kitaan ng bus.
Ang natatandaan ko lang na pinuntahan naming noon ay Manila Zoo at Enchanted
Kingdom. Sa Manila Zoo aliw na aliw kami
sa mga hayop na nakikita namin. Nagkachance pa kme magpapicture sa may giraffe
habang nakain siya pero hanggang ngayon hindi pa rin napapadevelop yung picture
haha. Sa Enchanted Kingdom naman isa
lang ang rides na pwede naming sakyan yung mga kabayong umiikot (haha syempre bata pa yun
pa tawag namin ).Dahil nga isang rides lang ang pwedeng sakyan wala kaming
ginawa kundi mag-ikot at magpicture na lang na hanggang ngayon ay hindi pa rin
napapadevelop ang picture haha. Natatandaan ko nagkaroon din kami ng program
noon sa plaza sponsored by McDonalds. Libre ang food tapos ang dami din nilang
pinamigay na laruan tuwang-tuwa naman kaming mga bata. Dumating din ang araw na
kailangan ko na magpaalam sa kinder pati na din sa aking mga naging kaibigan
dito na naging parte ng aking pagkatao at naging bahagi ng aking pagkabata.
 |
Nung ako ay magtatapos ng elementarya. |
Pumasok ako ng elementarya sa
paaralan ng San Pablo Central School. Grade 1, wow bagong eskwelahan,bagong mga
tao, bagong pakikisama. Masaya ang simula ng pagpasok ko naging kaklase ko yung
kapitbahay namin na crush ko ( haha oo, grade 1 pa lang may crush na agad ako
haha.Kahiya man pong aminin :D ). Naging madali naman sa akin ang makisama sa
mga bagong kaklase nagkaroon pa nga ako ng bestfriend eh Joanne Aizel Almeda
ang pangalan niya. Puro pa ko kakulitan at kalokohan noon. Dahil bata pa ako
syempre mahilig ako maglaro nagdadala kami ni Aizel ng clay at Barbie haha
mayroon kasing ilalim yung mesa naming na lagayan ng mga gamit yun dun kame
naglalaro. Isang beses inatake ako ng kamalditahan ko yun pencil ng kaklase ko
nilubog ko sa isang buong paste at ipinatong sa test paper niya pero nagsorry
naman ako sa ginawa ko at napatawd niya ko ( naks hindi na ko naguguilty haha )
. Grade 2, diyan sa grade na yan ako 1st time napalo sa palad dahil maingay ako. Grabe
hindi ko makalimutan yun kasi ang sakit talaga. Wala naman masyadong happenings
nung grade 2 ako eh. Grade 3 yan may naranasan din akong 1st dito
haha . 1st time kong makabasag ng bintana,nagpupunas kasi ako nun ng
bintana eh hindi ko siya maabot yun nabasag pero buti na lang hindi ako napagalitan
ng titser ko. Dito din ako 1st time nakaranas na maging cleaner
bigla dahil nakalista ka sa NOISY haha.
Grade 4 ako wala masyadong nangyari. Nagkaroon kami ng pagluluto ang
pinili naming gawin yug favorite ko MACARONI SALAD kaya enjoy na enjoy ako.
Grade 5, natuto akong mag-gawa ng mosaic. Dito ko din nakilala si Fatima Bongon
ang talagang naging tunay na kaibigan sa akin. Natatandaan ko noon valentines
pinag-ribbon kami na red ng titser ko at hindi lang ribbon lahat kami may clip
na HEART SHAPE sa may dibdib haha,anong say niyo ! haha. Tuwing hapon din noon
ay pinapayagan kami maglaro ng titser ko dun sa labas ng room tuwan-tuwa tuloy
kami.Grade 6, dito ko nafeel yung kasiyahan ng elementarya. Dito bawat araw ko
masaya, parang wala akong naging problema sa grade na ito. Yung feeling na
bawat araw parang ayaw niyo na matapos. Naging masaya din ako dito dahil sa mga
crush ko haha oo “mga” dalawa sila eh haha. Dito din yung pinaka unforgettable
na field demo naka-malong ba naman kami tapos may parang korona at mga kulay
gold sa daliri kahiya ng sobra eh.Naging “ Model Pupil ” pa ako noon diba ang
bait ko haha. Ay! Mayroon pa akong naalala periodical test namin noon eh
nautusan ako nung titser ko na ako na ang bumili sa canteen ng mga pagkain ng
mga kaklase ko gaun kasi sa amin oorder na lang kasi bawal lumabas eh ang
oorderin noon ay TURON alam niyo naman siguro yun eh yun tindera dun sa canteen
namin pinakiusapan akong magbalat nun saging edi di agad ako nakakuha ng test
tapos pagbalik ko tinanong ako ng titser ko edi sinabi ko yung dahilan kinausap
yung tinder sa canteen ang sinabi naman nung tinder ngakusa daw ako hay nako!
Tuwing naaalala ko yan ngayon natatawa na lang ako hehe. Basta naging sobrang masaya
ako sa grade na ito at hinding-hindi ko ito makakalimutan. Dumating yung araw
ng pagtatapos ko pigil na pigil ko yung pag-iyak kasi kasama ko nanay ko eh
nahihiya akong makita niyang naiyak ako.
 |
Nung school concert . |
Thank you Paichaleyclameia Ft.
Jehan, F’Family at syempre ang OMG ! I love you guys J.
Thank you sa lahat ng naging titser ko.
 |
SHANE PO iTO :)
LOVE PO KAYO NiTO ! |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento