Huwebes, Marso 22, 2012

ang talambuhay ni Charles Elrain C. Duran




Ako si Charles Elrain Catipon Duran, 18 years old. ipinanganak noong Sept. 19, 1993 sa Doctors hospital. Naka tira sa brgy. Concepcion San Pablo City.





Total nag pa kilala na din naman ako, hayaan nyong ilarawan ko kung sino ba si Charles Elrain catipon duran o si “cheloy”.


Maraming nag sasabing suplado ako, mayabang, walang pake alam sa mundo, trouble maker o kursunadahen, tamad, lagging tulog at maraming pang negative attitude. Ok lang saken ang sabihin saken ang mga bagay na un. Sabi ko nga noon sa mga nag sasabi saken ng mga bagay nay an. “you know my name but not my story.” Which is true.  Kaya bago mo ako husgahan mas maganda kung kilalanin mo ako. Inaamin ko suplado ako pero un ay kung hindi pa tayo close, friendly akong tao at kung sino man ang gusto akong maging kaibigan ay gusto ko din. “mayabang ako” tama yon. Pero lahat ng taong nabubuhay sa mudong ito kailangan ng yabang at tapang, dahil kung wala ka nito ay mamaliitin ka at aapak apakan ka ng mga taong nasa paligid mo. Kursunadahen ako dahil marami ngang nag sasabing mayabang ako. Inaamin ko din na gago ako pag dating sa pag aaral ngunit ito ay noong napapasok ako sa  
SPC ( San Pablo Colleges) at doon ay marami akong pag kakamaling nagawa. Natuto akong manloko ng mga tao lalung lalu na ang aking pamilya. Ngunit pinipilit kong itama ang  mga nagawa kong pag kakamali. Sa pamamagitan ng aking pag aaral muli sa aking bagong eskwelahan na Col. Lauro D. Dizon MNHS. Dito ay pinipilit kong makatapos ng 4th year high school kahit na marami akong pag kukulang tulad ng ndi pag pasok dahil nag karoon ako ng sakit na “insomnia” pero kahit na kulang ako sa pag tulog ay pinipilit ko pa ding makapasok para hindi ko na muling mabigo ang aking ama sa kanyang pangarap para sakin.

    
Hayaan nyong ipakilala ko ang myembro ng aking pamilya.ü


Ito ang aking mama! Ang pangalan nya ay Cecile Catipon duran. At syempre ako yung cute nacute na baby. hehehe.
Sya ay 45 years old at mag 46 na sa darating na aug. 16 2012. Sya ay 11 years ng wala sa aming piling dahil sya ay pumanaw noong January 21 2001. Sya ay namatay dahil sa aksidente. Nabunggo sya ng isang tricycle sa may tapat ng lianas. Mahirap man tanggapin ngunit kailangan naming tanggapin ang katotohanan at sakit na wala na ang aming mama.
        
Ganon pa man alam naming nandyan lamang sya sa tabi naming at alam kong hindi nya kame pababayaan.
 




Ito naman ang aking papa. Sya ay nasa ibang bansa. Medyo may katandaan na sa picture pero bagets padin ang ugali. Para syang hindi lang sya tatay kundi kapatid, barkada, at best friend naming mag kakapatid. Nag iisa syang nag tatagutod sa aming tatlong mag kakaparid. Tinitiis nya ang hirap sa ibang bansa. Mahirap man na wala sya sa aming tabi.




Eto nman ang kuya kong si Chester edrain catipon duran.sya ay mag dalwangput isa sa darating na April 4 1991
Sya ang nag sisilbing nanay at tatay samen 3ng mag kakapatid habang wala ang papa..









Eto naman ang pinaka mamahal naming bunsong kapatid. Sya ay si
Checile Enrain Catipon duran. Kameng 2 ang mag kaclose na mag kaclose sa lahat ng bagay. Sabi nila kaya daw ganun dahil pinag sama ang pusod naming 2 at isinabit sa may labas ng pinto ng bahay.





Eto kami noong mga bata pa kame. Kinunan ito noon sa bahay namin sa wawa. Tandang tanda ko ito. Dahil ito ay dispiras ng pasko. At hinihintay namen si SANTA CLOUS para sa mga rigalo naming 3 . 
Mag shashare lang ako sa aming mga nakaraang mag kakapatid noong bata pa kame.

Lagi kameng nag aaway ng kuya dahil sa mga laruan naming 2 dahil mag kakamuka ito. Lagi kameng nag aagawan dahil napapag kamalan naming ang laruang nilalaro ng kuya ko ay aken.
At pag nakita na ako ng bunso naming kapatid na umiiyak na at natatalo sa kuya ko ay tutulungan nya ako at makikisabay sa pag iyak saken. Dahil naawa daw sya saken. Noon nababaduyan ako pag ganun ang ginagawa ng bunso kong kapatid pero ngaun ko lang narealize na ganun pala talaga pag mahal nyo ang isat isa doon ay pinapatunayan nyang mahal na mahal nya talaga ang nya ako.
Noong mga bata pa kami ako ang napapag kamalang bunso sa aming mag kakapatid dahil napaka liit ko daw at tinatawag ako ng mga kabarkada ng tatay at nanay ko ng bantam.dahil napakaliit ko daw noon.


 


Eto ang mga litrato upang o pruweba kung gaano kame kadikit ng bunso kong kapatid

Ganyan ang trip namen lagi sa tuwing singga ang aming pahed. Naalala ko na tuwing may taupan sa aming brgy. Lagi kame ang mag kapartner pag sya ang kinukuwang reyna. Kaya ang ibang hindi nakakakilala samen ay napag kamalan kameng mag bf at mag gf. Dahil ang sweet namen sa isat isa. Maraming naainggit samen ng kapatid ko. Sinasabi nila na sana ako nalang ang kuya nila, na sana sya nalang daw kapatid nila, at madaming nag sasabi na sana ganan din kame ng kapatid ko. Ang masasabi ko lang sa kanila ganan talaga pag talagang solid kayong mag kakapatid. 

Close din naman kame ng kuya ko. Lalu na ngayong wala ang aming mga magulang. Nag simula ito nun pinaka malalang away namen ng kuya ko. Dun ko napatunayan na totoo pala ang mga sinasabi ng mga tropa ko na mas magiging solid at mas malalim ang inyong pag sasamahan pag nang yare sa inyo ung sitwasyon na talagang nag mamanomano na kayo ng kapatid nyo. Yung away na un ay noon pang 2010 at hindi na muling nasundan. Hindi ko sinasabing gayahin ang ginagawa naming ng kuya ko nais ko lang mai share ang mga nagging karanasan naming ng kuya ko.





eto ung pic namen ng mama ko nung grumaduate ako noong kinder. Naalala ko itong pic. Na to pag katatapos ng aming graduation excited na excited akong umuwi para ipakita sa mga lolo, lola, tito, tita, mga kapatid at sa aking papa dahil alam kong proud na proud sla sa aken. At syempre para maipakita ang aking medalyang natanggap bilang 1st  honor sa aming klase at para Makita na ang mga laruan na bagobilang rigalo saken ng mga kamag anak kong nag hihintay sa bahay naming.






Eto naman ang pic ko noong naka graduate ako ng elementarya, wala man akong sabit noon o award masayang masaya ako dahil unti unti kong na aabot ang pangarap ko at ang pangarap ng tatay ko para saakin.                                      Konting share ulit tungkol sa litratong ito! Hahah! Ito ay trip ng lang ng aking papa na mag shades ako pag akyat sa stage at ang nakakagulat don! Pag abot saken ng diploma ko akalin mong may mga sumigaw sa kaliwang parte ng gymnasium at yon ay ang aking mga nakasama sa track n’ field. At dahil nga sa mga sigaw ng mga yon ay nilakasan ko din ang trip ko at nag suot ako ng shades. J









At pag nung katapos ng elementary ay pumasok ako sa liceo de san Pablo. At doon ay naging masaya ang  una at pangalawa kong taon. At sa aking pag pasok ng 3rd year ay doon ako nasira sa aming mga guro dahil napasali ako sa FRATERNITY na SRB. Ndi koi to ginusto ngunit pinilit ako ng aking pinsan. Kayat napasali din ako at dahil sa pag Sali namen doon ay napaalis kame sa liceo








Kayat napapasok ako sa 4th year sa pinakang ayokong school at yon ay ang spc    o ang San Pablo Colleges. At dito ay talagang  napasama ang ugali ko dahil sa mga nakabarkada ko d2. Kayat hindi ako naka graduate ng dalwang taon. Dahil dito sa school na ito ay madami akong natutunang hindi magandang asal at gawa. Dito ay natuto akong manigarilyo. Mag inom at gumamit ng tinatawag nilang marijuana.




At noong na drop muli ako sa pangalawang pag kakataon sa SPC ay may nakilala akong pani bagong grupo at yon ay ang Bond Of Love na kinabibilangan ng aking papa. Dito sa grupong ito ay muli nilang ipinakilala kung sino ba ang dyos. at dahil dito ay nabuksan ang aking isip na at muling mag balik sa panginoon.at hindi nag tagal ay naibalik ko ang tiwala ng aking ama at dahil doon ay pinapasok nya akong muli.





Pinilit kong maka pasok sa Col. Lauro D. dizon memorial national high school kahit ayaw ng tatay kong pumasok ako sa public na tulad ng school na ito. Ngunit kahit ayaw nila ay wala silang nagawa dahil nakapag enroll na ko sa tulong ng aking kaibigan.

Dito sa school na ito ay nakamit ko ang aking pangarap na maka pag tanghal sa harap ng mga school mates ko.
Napasali ako sa TIKLAD masaya ako dahil kahit papaano ay nakasayaw ako kahit 2ng beses lamang sa grupong ito. At dahil sa grupong ito ay nag karoon ako ng pani bagong mga kabarkada sa dizon.




 Hindi nag tagal ay umalis ako sa tiklad dahil naging busy at napasali ako sa  mr. and ms. Intrams at doon ay nanalo ako ng 1st runner up at ang aking mga kabrada naming si bea ang naka sungkit ng best in sports wear at si joe naman ay nakasungkit din ng 2nd runner up.






At hindi pa don nag tatapos ang mgagandang araw ko sa dizon dahil napasali din ako sa mr. and ms. Dizon. Hindi ko lubos na maisip na nakasali ako sa mga ganitong bigating pageant na hinalintulad ng sa mga pageant na katulad ng mga lakan at mutya. Masayang masaya ako dahil naka pagmodel ako at naka kanta sa SM San Pablo na kahit medyo naging palpak ang aking talent doon ay masaya ako dahil hindi lahat ay nabibiyaan na makapag tanghal doon.




At para sa huling parte ng aking talambuhay ipapakilala ko muna ang mga taong mahahalaga sa buhay ko dahil sia ay napakaaking parte ng aking buhay.




Eto ang pasaya kong mga kabarkada. Hindi ko sila tinuturing na barkada dahil sila ay aking pamilya maraming naiingit sa aming samahan dahil ang barkadahan sa mga panahon ngayon ay puro inuman. Pero sa amin gumigimik kame ng walang usapang alak. Dahil doon ay tinawag naming ang aming samahan na enjoii family.



Sya si ate nida pero ang tawag naming ay aya. Sya ang aming katulong katulong na mahilig mag utos. Hahaha.. Mahal na mahal naming tatlong mag kakapatid si aya. Sya ay tinuturing na naming myembro n gaming pamilya dahil bata palang kami ay sya na ang kasa kasama naming noon. Masasabi kong mabait syang tao dahil hindi sya nang iiwansa ere. Tuwing lumalayas ako sa aming bahay ay sa kanya ako tumatakbo. Sabi ng kuya ko ako daw ang paborito ni aya kase tuwing humihingi ako ng pera o tulong ay hindi sya humihindi saakin. Kahit wala syang pera gumagawa sya ng paraan para mabigyan ako. Dahil ganun nya ako kamahal.




Eto naman si ang pinsan kong si ate mea but I used to call her MACAPUNO. Nauso ang macapuno dahil sa sobrang ka sweetan naming ay napapagkamalan ng ibang taong GF ko sya. Naalala ko noong bata pa ako at sa wawa pa kami nakatira sya lang ang lagi kong kausap. Kapag sumpong ako sya lang kinakausap ko. Noong bata ako hindi ako pala imik wala akong iniimikan dahil mahiyain ako noon pero pag sya ang kumakausap saken walang humpay ang tawanan namin. Hindi din ako kumakaen ng hindi sya ang kasabay ko. At wala hindi kami nahihiyang mag sabihan ng I LOVE YOU sa harap ng madaming tao. Lagi kaming holding hands pag kami ay nag lalakad lalu na pag may nakaka salubong kaming magaganda at gwapo dahil ayaw naming may lumalapit na iba samin. Ganyan kaming ka solid ng aking pinsan.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento