![]() |
bininyagan ako |
![]() |
kinder graduation |
Wilfredo Lacap, siya ay apat napu’t limang taong gulang na at kasalukuyang nagtatarabaho sa Meralco. Siya ang nagtatarabaho para sa aming pamilya at hindi man siya perpekto ay alam kong ginagawa niya ang lahat upang kami ay suportahan. Ang aking ina na si Charito Bulajan Lacap, siya ay apat napu’t dalwang taong gulang at nasa bahay lamang at siya ang katulong ng aking ama sa pagsuporta sa amin. Ang aking panganay na kapatid na si Charmaine Bulajan Lacap, siya ay dalawampu’t dalwang taong gulang na, tapos na siya sa pag-aaral at unit-unti nang nakakatulong sa pinansyal nparaan sa aming pamilya ang aking pangalawang kaptid na si Wilbert Bulajan Lacap, na ngayon ay dalwampu’t isang taong gulang na, siya ay nagtatrabaho na at nakakatulong na rin sa amin.






Sisimulan ko naman ang pagkwento ng aking buhay sa eskwelahan
sa elementary kasi wala na akong masyadong natatandaan noong ako ay nasa
pre-school kundi simula’t sapul ay napaka kulit at napaka daldal ko n, noong
ako ay nasa unang baitang ng elementary. . Ang pinaka hindi ko malilimutan ay
noong nangaroling kami. Tatlo kami nun, ako tapos yung dalwa kong kaklase.
Napaka saya ko noon ehh! Nahabol na kami ng aso, tapos hindi pa ako nahatian
dun sa pera! Huhuhu. Isa dsin ako sa pinaka makulit sa amin noon, pero wow!
Natapos ko ang grade one na may sabit ako. haha! Noong nasa ikalawang baitang
naman ako, hindinh-hindi ko makakalimutan na doon ko naranasan ang unag beses
na na-zero sa test, ayun yung tungkol sa orasan eh. Yung nakaturo yung dalwang
kamay ng orasan tapos ikaw ang magsasabi kung anong oras na pero hindi ko pa
talaga alam yun noo. Kahit nga nagyon hindi pa rin ako magaling tumingin ng
orasan kaya ayun kabadi ako kasi katakot pa naman yung teacher ko noon. Grade
two din ako noong naabutan kami ng teacher naming na naglalaro sa room at ayun
tinakot kami na papasukin daw kami kahit sabado. Achiever din ata ako noong grade
two. Noong grade three, four, five ay pare parehas lang naman. Tapos dunating
ang grade six, para sa akin ayun ang unang graduation kasi wala pa naman akong
malay noong kinder. Praktis dito, praktis doon. Praktis ng graduation march, ng
kanta at ng kung anu-ano pa. Noong mismong araw ng graduation. Nakakakaba ang I
almost cry nung nakanta na kami ng graduation song. Totoo na nakakamiss ang
elementary pero binago ng highschool ang buhay ko.
Unang araw ng highschool? Gosh! Sobrang kabado ako, kasama ko
pa nga yung nanay ko noon eh! Buti na lang tatlo sa mga kaklase ko noon ayt
kaklase ko noong elementary, medyo nakahinga hinga ako ng maluwag. Noong first
year ako, umpisa pa lang nalaman ko na, na iba ang elementary sa highschool.
Mas mahirap nga ito pero mas masaya naman. Noong nagtagal tagal nagkaroon kami
ng kanya-kanyang barkadahan. Natatandaan ko nung first year, halos araw-araw
kaming nagba-bike sa lake. Kayusa naman tumunganga kami sa sobrang haba ng
bakante naming oras, yun nagbike na lang. Isa rin sa hindi ko malilimutan ay
noong pinaluhod nung baklang Nagtuturo sa amin ng Ibong Adarna yung iba kong
kaklase. Dumating yung tatay nung isang pinaluhod kaya ayun, halos suntukin na
nung tatay yung baklang nagtuturo sa amin. Buti nag! Haha!. Sa mismong laban,
ang saya, may part kasi sa play na papadyak kami lahat ng nasa backstage kasi
may scene duon na may kabayo. Tapos sabi noong teacher naming noong tapos na
yung laban, patay na daw yung kabayo ay napadyak parin kami. Noong second year
naman ay Florante at Laura naman ang
sinalihan naming o mas tamang sabihin na sinalihan nila dahil sa kasamaang
palad ay nag-monologue ako, lima ata kami noon. Sobrang nakakhiya yun pero
salamat at nakaraos kami. Isa pa sa hindi ko makaklimutan ay noong nagdesisyon
kaming ayaw naming mag-biology kaya bago dumating yung teacher naming ay
nagtago kami kung saan saan sa loob ng classroom. May dumapa sa sahig, may
nagtago sa banyo, sa likod ng pinto, kami ay sa ilalim ng teacher’s table
nagtago tapos sinarhan naming yung pint, saktong dating naman nung teacher
naming kaya ayun! Walang nangyari, palpak ang plano. Ngayon ko lang napag
isip-isip na puro pala talaga kami kalokohan. Kahit sa simula pa lang wala pala
kaming pinagbago. Noon namang third year ang natatandaan kong hilig o madalas
naming gawin ay ang tumambay sa oval, maglokohan, at mag gayahan ng mga
assignments bago o pagkatapos ng klase. Third year din ako nung maisipan ko na mag-aral tumugtog ng
gitara at ang masasabi ko lang ay hindi yun nagging madali. Pero sobrang saya
at nakakakuntento talaga once na natuto ka na. Kaliwete pa naman ako. Ayun,
feeling ko dun lang umikot ang third yea, walang masyadong Gawain, nakaktamad
at puro pasarap. Dumadating pa yung oras na pag tinamad kami pumasok ng buong
klase ay uuwi na lang kami ng maaga at hindi aatend sa ibang subject sa hapon.
Ganyan kami, sama-sama, parang yung palabas ng juan for all, all for jua. Tapos
ayan na, dumating na ang fourth year. Sobrang daming bagong experience, daming
nagbago. Noong una, nakakakaba yung mga pagbabago pero nakasanayan narin nman.
Napakaraming bagay, pangyayari at tao na hindi ko makaklimutan. Isa na ay noong
field trip. Una naming pinuntahan ay sa UPLB, doon sa museum. Grabe, dami
naming nakita pero ang hindi ko makaklimutan ay yung fetus! Gosh! May fetus ng
bagy, ng unggoy, at kung anu ano pa pero yung fetus ng tao, grabe! simula one
month na fetus hanggang 9 months. Sunod na pinuntahan naming ay Tagaytay,
sobrang ganda talaga ng Taal. Medyo maaga pa nung dumating kami kaya kita
naming yung hamog. Sobrang lamig! Mayroon din silang mini zoo doon! Grabe,
first time ko yata na makakita ng lion na super lapit eh. Naalala ko yung isang
babae, maapipicture sana ng unggoy kaso yung unggoy, hinablot yung cellphone
kaya ayun! Talsik sa loob tapos kinuha na lang nung isang care taker. Sunod
naman naming pinuntahan ay yung Nuvalli, noong una, akal naming ay mall yun,
tapos nung nandun na kami ay park pala siya! Sobrang lawak niya, ang ganda
tapos meron pang pond na may mga isda tapos pwede ka magpakain. Sumakay pa nga
kami noon sa may parang Bangka. Nabasa pa kami, ang lansa pa naman ng tubig
pero super syaya talaga. Tapos last na destination naming ang Enchanted
Kingdom. Una kaming sumakay sa Rio Grande. Hooh! Super basing-basa kami. Buti na lang sobrang
saya kasi naman, aba sobranmg tagal ng ipinila namin dun. Tapos sa Space
Shuttle naman. Wow! Parang nawala ako noon sa sarili ko eh! Grabe! Feeling ko
noon mamamatay na ako. Hahah. Pati nga pagsigaw mahirap. Ang saya talaga.

Tapos ngayon gagraduate nap ala kami, parang kalian lang eh! Sobrang bilis ng fourth year, feeling ko parang dumaan lang siya sakin. Nakabitin. Hindi pa ako ready pero walang magagawa. Gagraduate at gagraduate talaga ai! Hindi ko pa pala nababanggit, simula 1st year hanggang ngayon ay section B ako.
Sa pagtatapos ko sa kolehiyo, gusto ko sana maging guro. Gusto
ko makatulong sa aking mga magulang. Sa pagtatapos ng aking talambuhay, isa lang
ang masasabi ko. Habang sinusulat ko ito, hindi ko mapigilan ang ngumiti,
tumawa, humalakhak at medyo malungkot. Tapos!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento