Miyerkules, Marso 14, 2012

talambuhay ni jk maralit





Una po sa lahat ako po si john king m. maralit na ipinanganak noong ika 24 ng nobyembre taong 1995 sa ospital ng san Pablo. Ang aking mga magulang ay sina kennelyn m. maralit at teddy m. maralit na parehas nakapagtapos ng pag-aaral pamula elementarya hangang kolehiyo at nakapagtrabaho sa bansang japans a loob ng ilang taon dito rin sila unang nagkakilala ,nagkaligawan, nagkamabutihan at naging mag nobyo. Na di kalaunay humantong sa kasalan at nagging mag-asawa, nang sila’y nagpasyang umuwi sa pilipinas at napag desisyunang magpakasal ditto hindi na sila miuling bumalik sa japan sapagkat biniyayaan na sila ng tatlong supling at isa na ako doon kung saa’y ako po ay pangalwa sa panganay. Ang akin’ naman pong dalawa pang kapatid ay sina adamz m. maralit panganay sa aming magkakapatod at si kerlyn mea m. maralit ang nag iisang babae at bunso sa aming magkakapatid kami po ay nakatira sa 898 mariflor subd. Brgy. Del remedio san Pablo city laguna. Ako po ay may palayaw na “jakes “a bahay at “jk” sa school masasabi ko pong napaka lusog kopo nung ako ay bata pa madalas po akong kinukurot sa pisnge, ang palayaw naman po ng aking kuya ay “damz” at ang aking bunsong kapatid ay “nene”. tandang tanda ko po noon ang bonding moment po naming pamilya aykapag tuwing linggo kami po ay sama-samang nagsisimba at pagkatapos ay maggagala sa bayan at bago umuwi ay kakain sa Jollibee plaza. Masasabi ko pong napasimple  ngunit napaka memorable at Masaya ang mga sandaling iyon at talga namang  nakakamis nang pinakakaabalahan ang bawat isa sa amin, nagagawa na lang po naming ito kapag may mga reunion na nagaganap sa bawat kamag-anak nila.
Samantala may kanya-kanyang trabaho ang aking mga butihing magulang angaking ama ay isang tricycle driver at ang aking ina namay isang food vendor,di kop o masasabing mayaman an gaming pamilaya ,hindi rin pomahirap ang aming pamilya kundi isang may kayang pamilya sapagkat di man kalakihan ang kinikita ng aking magulang ay napag-aaral nila kaming tatlo sa abot ng kanilang makakaya ganuman daw kahirap mag trabaho sa kakayanin nila makapagtapos lang kami sapagkat para sa kanila ang tangi nilang maipamamana ay ang edukasyon na makakatulong sa pagunlad n gaming buhay.
Ako po ay nag tapos ng elementary sa paaralang central dito po ako nagkinder garthen kung saan una kong natutunang magsulat lalo n gang pagsulat ng aking buong pangalan at magbasa ng mga magagandang libro at babasahin samantala pamula grade 1 hangang grade 6 ay mas lalo kong nalinang ang aking mga kakayahan di man mataas ang seksyon kong kinabibilangan ditto ko unang nakuha ang mga star kapag very good ang ginagawa ko makaperfect kahit papaano sa ilang quizzes lalong-lalo na sa spelling na talaga naming nahihirapan ako dito rin ako lalong nagging mas flexible pagdating sa P.E. namin na isa sa favorite subject ko lalo na ang science dahil all about animals at kung anu-ano pa. dito rin ako nakakuha ng mga line of seven sa card tamad pa kasi akong mag-aaral noon,dtto ko rin natutunang mag-alaga ng mga halaman at mag tanim nito tuwing nasa garden kami pati pa ang pananahi natutunan ko. Galit ang titser ko nung grade 4 kasi yun yung unang nakapag-cutting class kame pinayagan kasi ng isang classmate ko eh nag nagkayakad sumama ako kala ko kasi pinayagan sila ng titser namin bute nalang di ipinatawag ang aming mga magulang  kundi lagot sana kami.isa rin sa mga nagging paborito kong sandal elementary ay kapag mag christmas party kami dito ko nagkakaroon ng mga bagong damit lalo na ang bagong sapatos syempre Masaya din ang dahil sa mga prices na matatanggap sa mga pa-games lalo nasa stop dance at trip to jerussalem na mag-eenjoy ka talaga. Siyempre dito ko unang naranasan magkaroon ng puppy love o mga crushes na talagang mamumula ka kapag makikita mo o makakasalubong mo, kaso ngayon, limot ko na yung mga yun. Hindi ko na tanda ang mga pangalan. Sayang tuloy at ang magkaroon ng mga madaming kakilala lalo na ang magkaroon ng kaibigan na lagi mong kasam, kalaro at kasalawan sa araw-araw na ginawa ng Diyos at sino ba naming hindi makakaalala sa unag graduation na naganap sa buhay ko kung saan tutungtong kana sa panibagong antas ng pag-aaral. Dito ko rin nakita ang mga iyakan ng aking mga kaklase at pati ang kanilang mga magulang na todoiyak din at matutuwa ka talag. Malungkot pero Masaya dahil tutungtong kana sa panibagong yugto ng iyong buhay. Dito rin nga pala nagtapos ang aking dalwang kapatid. Ang aking kuya na ngayo’y nasa kolehiyo na at napipintong makagraduate na rin at ang bunso kong kapatid na nsa kasalukuyang nasa grade 5 na, gagraduweyt na siya sa isang taon. At dahil dito ay masaya ako sapagkatnaging bahagi ang paaralang central sa buhay naming tatlo at tinuruan kaming hubugin an gaming kakayahan.
          Samantala, ako po ngayon ay nasa highschool na at isang 4th year student at masasabi ko pong maswerte dahil awa po ng diyos ay kasama po ako sa mg gagradweyt sa darating na Marso 30 taong 2012 sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool.  Masasabi ko po na ang highschool ang isa sa pinaka magandang parte ng buhay ko at talagang hindi ko malilimutan dahil dito mas lalong nakilala ko ang aking sarili dahil simula noong 1st year ako na batang-bata pa at medyo kulang pa ang nalalaman at hanggang sa maging secondyear na unti-unti nang natututo sa mga pangyayari sa aking paligid at ng mag-third year na mas lalong nagging matured mag-isip wsa mga bagay-bagay cat nagyon na isa ng 4th year na masasbi kong buo na ang aking personalidad at mas nagkaroon ng tiwala sa sarili upang harapin ang mga problemang nakaakibatsa pagiging estudyante. Siyempre naman, sa highschool ako natutong magmura ng kauntian, manggaya sa mga assignment lalong lalo na sa mga quizzes at exas, ditto ako natutong mag-inom kasama ang mga kaklase, manigarilyo pero agad ko rin naman itong itinigil sapagkat malaki ang magiging epekto nito sa aking kalusugan. Siyempre nag-eenjoy din po ako sa field demo na nagaganap sa school kahit na mainit at talagang nakakapangitim eh enjoy pa rin naman, apti narin ang madaming school concerts na ginaganap sa school. Ditto kmo mas lalong nakilala ang mga kaklase ko apti na rin ang aking mga matatlik na kaibigan na lagi mong kasama sa kasalawan, kasiyahan at kahit kalungkutan man masasabi mong tunay na totoo sa iyo, di ko rin makaklimutan ang ilang film showing na pinanuod naming sa SM na mag-eenjoy ka, yung iba pa nga napaiyak dahil sa ganda ng istirya at siyempre kapupulutan ng mga ral, siyempre sino ba nga naman ang makaklimot sa dalwang JS prom na naganap sa school. Ito ay ang “Hawaiian Party” nung third year at “Victorian Party” na naganap nito lamag February 14 sa Central Gymna masasabi kong napak memorable sa akin kahit puyatan ay di ka mag-sasawang magsayaw ng napakagaganda mong kakalse, siyempre kasama na din doon ang aking iniirog at mga crushes. Pati na rin ang nagging 1st dance at last dance na di ko rin malilimutan, hindi ko rin malilimutan ang naging teacher at adviser ko pamula 1st year hanggang ngayong 4thyear sapagkat sila ang nagging pangalwa kong mga magulang, na siyang humubog sa aming mga kakayahan bilang isang estudyante, sila rin ang gumabay at gumagabay sa amin patungo sa tamang landas sa buhay upang makamit ang aming mga pangarap sa buhay upang mapagbuti ang aming pag-aaralat magkaroon pa ng mabuting sa aming kapwa lalo na sa mga nakatatanda sa amin at dahil po doon, lubos kop o silang papasalamatan.
          Isa rin pos a mga di ko malilimutan ay ang dalwa naming punong guro na si Mrs. Malabag at Mrs. Uy na nagbigay sa amin ng mga facilities o pasilidad upang mas maging kumportable kami sa aming pag-aaral. Pinapasalamtan ko ng husto si Mrs. Uy na mas lalo pang pinaganda ang paaralang Dizon na mas nagging presentableng paaralan at organisadong paaralan kung saan nakatulong sa aming mga estudyante na mas maging disiplinado particular na sa pagsunod sa mga batas at alituntunin ng paaralan. Ikinararangal ko din po an gaming paaralang Dizon dahil sa mga tropeyong nakamit at naiuwi nito sa iba’t ibang larangan ng kumpetisyon lalo na sa mga naganap na Division meet pati na rin sa mardigras at ngayo’y nanalo sa isang oriented show na “Its Showtime”, nakatuwa dahil pumasok ang TIKLAD sa grand finals. Dahil ditto, isa na naming karangalan ito sa aming paaralang Dizon at kami bilang mga mag-aaral nito, kaya npara sa akin “I’m proud to be DIZONIAN.”
           Marahil malapit ko nang iwan ang aking buhay bilkang isang highschool student sapagkat papasukin ko naman ang mundo bilang isang college student na siguradong  magbibigay sa akin ng isa na namang panibagong yugto ng aking life kung saan masasbi kong hhubog pa sa tunay kong personalidad at mga pangarap ko sa aking buhay at ditto ko tinatapos ang aking talambuhay, Maraming salamat!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento