Gelyn Dazo |
ang pamilya ko |
Noong ika -7 taong gulang ko ay ipanaghanda ako ng todo ng magulang ko . Imbitado ang mga kamag-anak , kaklase , kapit-bahay sa araw na iyon . Todo gown , invitation ako . Sobrang pasasalamat ko sa aking magulang dahil talagang napaka saya ng birthday ko noong araw na iyon .
Nag-aral ako ng elementarya sa Del Remedio Central School . Noong grade two ako sawakas umuwi na ang ina ko galing Hongkong . Namiss ko siya talaga ng sobra .Simula noon ay siya na ang nag-alaga sa akin . Siya na ang naghatid-sundo sa akin sa paaralan . Naging honor student ako noong grade two ako at ikinasaya ito ng aking mga magulang . Masayang masaya ako noon dahil unang Recognition Day ko na ang aking ina ang nag sabit ng medalya sa akin .
Noong grade three ako nagsimula na akong ipatutor ng aking ina . Gusto niyang mapataas ko pa lola ang aking mga marka kaya nag sikap akong mag-aral ng mabuti .
Grade four na ako
Lumipas ang isang taon at grade four na ako . Sa taong ito unang beses akong nakaranas na magkaroon ng 79 sa card . Labis ko itong ikinalungkot dahil pinagalitan ako ng sobra ng aking ama at ina . Kaya bumaba ang aking mga marka ay dahil sumali ako sa badminton team ng Del Remedio . Noong grade five na ako natuto na akong mag ayos ng aking sarili dahil nagkaroon na ak ng first crush . Hindi na ako yung tomboying maglakad . Ito ay si Francis na kaklase ko simula grade one hanggang grade six . Lihim na paghanga lamang ang nangyari dahil wala akong lakas ng loob upang ipagtapat ito sa kanya dahil alam o naman na wala siyang nararamdaman para sa akin. Patay na patay talaga ako sa kanya . Lumipas pa ang isang taon grade six na ako . Sawakas graduating na . Sa taong ito nakilala ko si Faye na naging brstfriend ko . Siya ang taga-kain ng binalot ko kapag tanghali dahil ayaw kong kumain kapag tanghalian . Nauto na din akong gumala at umuwi ng late sa hapon . Sa taong ito nagkaroon na din ako ng boyfriend . Siya ay si Shaquille Ivan A. Estacaan ang unang naging boyfriend ko . Hindi ko siya ganoong kamahal siguro ay pogi lang talaga kaya ko sinagot . Hindi din naman kami nagtagal . Dumating na ang araw na aming hinihintay ..Gagraduate na kami . Kanya-kanyang ayos . Kaming magbabarkada ay sama-samang gumala pagkatapos ng graduation . Ipinaghanda ako ng aking magulang . .
ako yan ! |
2nd year na ako
Lumipas ang isang taon 2nd year na ako . Kami-kami pa ding magkakaklase pero may napahiwalay dahil sa pagbaba ng marka .Adviser namin si Mrs. Carina Liay . Sa year na ito na expirience kong maging top one sa klase . Masayang masaya ako noon . Ngunit sa taong ito natuto kaming mag inom . Dahil dito naguidance kaming magbabarkada . Kanya -kanyang patawag sa mga magulang namin .Takot na takot kami kasi baka ma expelled kami . Sa pangyayaring ito pinag hiwa-hiwalay kami para daw maiwasan ang ganitong panyayari . Sa taong ding ito nakilala ko si Jhetz na naging boyfriend ko .
3rd year na ako
3rd year na kami sa pangangalaga ni Bb. Severina Reyes . Hirap na hirap akong intindihin ang bawat lesson sa geometry . Dahil dito tuloy-tuloy ang pagbaba ng grades ko . Kaya noong sumunod na pasukan ay napalipat ako sa 4-Blake . Natakot ako dahil alam ko sa sarili ko na madidisappoint ko ang mga magulang ko sa akin. Ngayon ay 4th year na ako . Dahil dito sinikap kong mapataas ng husto ang aking mga marka para makabawi ako sa aking mga magulang . Kabikabila ang mga sinalihan kong mga labang pang-akademiko upang makaroon ng mga plus points .Binago ko ang dati kong ugali ko na laging lae , absent at cutting classes . Ngayon ay masipag na akong mag-aral . Naging malaking tulong ang adviser ko na si Mr. Romualdo Vaquez na gawin akong isang disiplinadong estudyante .
4th year highschool ako
Ako at ang bestfriend kong si Cenneth na napalipat naman sa 4-Darwin ay parehong naging top 2 sa klase .
ako at si Jhetz
Ngayong taong ding ito nakilala na ng mga magulang ko si Jhetz . Matagal na kaming mag bf-gf . Masaya ako dahil tanggap siya at pinagkakatiwalaan kami ng mga magulang namin .Hindi ko inasahan na magiging ganito kami kaseryoso sa isa`t-isa . Dahil dito lalo kong pinagbuti ang pag-aaral ko . Dahil siya at ang mga magulang ko ang inspirasyon ko sa buhay ko .
Malapit na akong gumaraduate sana ay magandang bukas ang aking tahakin !
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento