Ang Talambuhay ni Aimee Marie M. Andal
![]() |
Ako noong apat araw na pagkatapos akong ipangan |

Ako si Aimee
Marie Andal ay isinilang noong Hulyo 16, 1996. Ako ay labinglimang taong gulang
na. Ako anak nina Ginoong Bert C. Andal at Ginang Liezl M. Andal. Bunso ako sa
aming dalawang magkapatid. Ang aking kapatid ay si Aljon M. Andal. Siya ay
labingpitong taong gulang na. Siya ay isinilang noong Hunyo 5,1994. Sa
kasalukuyan siya ay nag-aaral sa Dalubhasan ng Lungsod ng San Pablo sa kursong
Bachelor of Science in Business Administration. Ako naman ay nag-aaral sa Col.
Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ako ay nasa ikaapat na
antas, samakatwid ay nasa pagtatapos na ako sa sekondarya.
Ang aming
pamilya ay nakatira ngayon sa Brgy. San Ignacio San Pablo City. Namumuhay kami
ng may sapat na pangangailangan ngunit di ko maitatanggi na kung minsan ay
kinakapus din. Ang aking ina ay nagtatrabaho sa isang pabrika ng niyog, at ang
aking namang ama ay gumagamit ng kariton na may kalabaw para ipanghakot ng
ibat-ibang bagay na maaaring mahakot. Ako at ang pamilya ay kaanib sa Iglesia
ni Cristo kayat gaano man kahirap ang buhay ay itinitiwala naming ito sa
Panginoong Diyos.
![]() |
Larawan ko noong ako'y Grade 2 |

![]() |
Ako noong sumali ako sa sayaw |
![]() |
Ako kasama ang aking mga kamag-aaral sa kinder |
Taong 2008
nang ako ay tumuntong sa isang taon ng aking pag-aaral ko sa sekondarya. Ako ay
napabilang sa pangalawa sa pinakamataas na seksyon sa paaralna ng Col. Lauro D.
Dizon Memorial National High School. Doon ko nalaman na malaki ang pagkakaiba
sa pag-aaral sa kabayanan at sa pag-aaral sa kabukiran. Nalaman ko na marami pa
akong bagay na dapat matutunan. Doon ko nakilala ang aking mga kaibigan at ang
akig mga kamag-aaral. Marami akong nakita at natuklasan. Natapos ko ang unag
antas ng sekondarya at tulad ng inaasahan ay marami naman akong natutunan.
Pagkatapos noon ay nasa ikalawang taon na ako sa sekondarya at masasabi kong
isa iyon sa pinakamasayang bahagi ng aking pag-aaral.
![]() |
Ako kasama ang aking mga kaibigan |
![]() |
Ipinagdiwang ko ang aking pagtatapos sa Elementarya |
Nang ako’y
tumuntong san a sa ikalawang antas sa sekondarya ay naging isaito sa
pinakamasayang bahagi ng aking buhay estudyante. Dito ko nakilala ang aking mga
kabarkada. Maraming masasayang alaala ang inwan sa akin ng taong ito. Noong ako
ay nasa sekondarya, ay palaging may ginaganap na pagtatanghal na
paglalaban-labanan ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang seksyon. Lumahok an
gaming seksyon noon. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil sa gastos na
ginugol pero sa huli ay naayos din naman. Dumating na ang araw ng pagtatanghal
ay halos hindi magkandaugaga ang aking mga kamag-aaral dahil sa kinakabahan
kami. Iba’-iabang panlagay sa mukha an gaming inilagay para maging makulay an
gaming pagtatanghal. Ang mga mang-aaawait ay nakasuot ng ng putting palda na
lampas sa hita at pantaas na kita an gang mga pusod. Samantalang sa mga
mambibigkas naman ay itim na pambaba at may kulay berdeng damit sa pantaas. Ako ay nasa bahagi ng mga mangaawit at maayos
ko naming ginawa ang aking tungkulin. Dumating na ang oras ng aking
pagtatanghal at wala halos ang hindi kinakabahan. Naging maayos naman an gaming
pagtatanghal simula sa umpisa hanggang matapos ito. Pagkatapos magtanghal ng
mga kalahok ay dumating narin ang oras ng paghatol. Isa-isang tinawag ang mga
nagwagi at lahat kami ay nagulat dahil
kami ang itinanghal na nagwagi sa pagtatanghal.
![]() |
Ako kasama ang aking kakalaseng gumanap bilang Florante |
Pagkatapos
naming magwagi ay tuluy-tuloy na lumipas ang mga araw hanggang sa magpirmahan
na kami ng clearance at sabihin kung
sinu-sino ang mga mananatil sa aming seksyon. Masayang-masaya ako noon
dahil muli ay napabilang ako sa ikalawa
sa pinakamataas na seksyon sa aming paaralan. Bilang pabuya sa aking sarili, ay
isinama ako ng aking ina sa night
swimming ng kanyang mga kaibigan sa Suncity
sa Calamba, Laguna. Lalo
pangtumingkad ang aking kasiyahan dahil isa ang gabing iyon sa napakaligayang
sandal ng aking buhay.
Buwan ng
Abril taong 2010, ito ay paghahanda para sa pagtungtong ko sa ikatlong bahagi
ng aking pag-aaral sa sekondarya. Sa buwan na ito ay nakilala ko an gang taong
aking hinangaan dahil sa alam kong mabuti siyang tao. Unti-unti ko siyang
nakilala at nalaman kong siya ay nagmula pa sa Maynila. Nalaman ko rin na noong
una ko siyang nakita ay ang unang araw ng kanyang paglipat sa San Pablo. Noong
una ay nakakausap ko pa siya ngunit ng magtagal ay hinfdi ko na magawang
kausapin pa siya dahil natuklasan kong nahuhulog na ang loob ko sa kanya.
Unti-unting lumalim ang pagtingin ko sa kanya, kaya wala akong nagawa kundi ang
lumayo at umiwas sa kanya dahil alam ko na hindi niya ako magugustuhan bukod pa
sa agwat n gaming edad dahil mas matanda siya sa akin ng limang taon. Lumipas
pa ang maraming araw, linggo at buwan patuloy ko siyang nakikita pero katulad
ng madalas kong ginagawa ay ang pag-iwas.
Dumating na
ang araw ng pasukan, buwan ng Hunyo para sa ikatlong taon ko sa sekondarya.
Katulad ng dati, madami na naman akong bagong kamag-aarl na mula sa iba’t-ibang
seksyon. Ang ilan sa aking mga bagong kamag-aaral ay mula sa matataas at
mababang seksyon. Humahanga ako sa mga bago kong kamag-aaral na mula sa
mababang seksyon dahil sa totoo lang ay napakahirap pataasin ng mga marka lalo
na kung galling sa mababang seksyon. Sa totoo lang ay lubha akong nahirapan sa
sa ikatlong taon ko dito sa Dizon High, dahil alam kong maari akong bumaba ng
seksyon kung hindi ako mag-aaral ng mabuti. Sa unang araw pa lamang n gaming
klase ay hirap na hirap na akong makipagsabayan sa aking mga kamag-aaral.
Naging matindi ang pressure na
naramdaman ko dahil naramdaman kong hindi ko kayang pantayan lahat ng kaalaman
na mayroong taglay ang iba ko pang kamag-aaral. Dumagdag pa sa hirap na
nararamdaman ko ang pagiging infatuated
ko sa isang taong halos nakilala ko lamang noong bakasyon. Talagang nahirapan
ako ng sobra at hindi ko talaga magawang makipagsabayan dahil alam napakarami
kong iniisip na iba’t-ibang mga bagay. Sa unag markahan ay mataas naman ang
nakuha kong marka, maliban sa nga lamang sa Mathematics dahil nakakuha ako ng
seventy nine (79). Pinilit kong mapataas ang marka ko dahil sinabi ko sa sarili
ko na unang markahan pa lamag ito at kaya ko pang bumawi pero hindi ko talaga
nagawa. Nang makuha ko ang aking marka sa ikalawang markahan ay nagulat ako
dahil lalong bumaba ang aking mga marka. Nawalan na ako ng pag-asa na makabawi
sa ikatlong markahan, ginawa ko na lamang ang sa kung ano ang makakaya ko pang
gawin. Hanggang sa ikaapat na markahan ay ganoon ang aking ginawa.
Nang matapos
ang ikalawang taon ay dumating na ang panahon para papirmahan ang ng clearance. Hindi naman ako nahirapan sa
pagpapapirma dahil maayos naman ang lahat ng aking mga gamit. Pagkatapos noon
ay nagtakda na ang mga guro ng araw para makuha ang aming mga marka para sa
natapos na pasukan. Noong oras na iyon ay isa as pinakamasakit na naramdaman ko
ko sa akingbuhay ay nag malamn ko na hindi na ako kaanib sa pangalawa sa
pinakamataas na seksyon sa aming paaralan. Lubos akong nasaktan at hidi ko
malaman kung sino ang sisisihin sa nangyari. Hindi ko malaman kung saan ko
ibabaling ang lungkot na aking naramdaman dahil wala akong madaingan. Ni hindi
ko magawang umiyak dahil para sa akin, isa itong malaking kabiguan hindi lamang
sa aking sarili kundi pati rin sa aking pamilya lalo na sa aking kapatid.
Nagkaroon ng
isang piknik ang aming seksyon, at nagkayakagan, ngunit pinili kong hindi
sumama sa kanila dahil alam ko na masasaktan lamang ako at lalaong manliliit
ang tingin ko sa aking sarili. Pinasiya ko na sumama na lamang sa sa night
swimming ng aking ina kasama ang kanyang mga kaibigan na ginagawa nila
taun-taon sa isa sa mga resort sa Calamba, Laguna ang SunCity. Katulad ng dati,
kong ginagawa kapag pumupunta kami sa
Calamba Laguna ay nagsaya ako at panandalian kong kinalimutan ang aking mga problema. Kumain ako, uminom, naglangoy,
at nakipagsayahan. Ginawa ko ang lahat para makalimutan ang mga nangyari pero
kahit ano palang gawin ko hindi ganoon kadali na kalimutan ang lahat lalo na
kung mga malalapit na kaibigan ang iiwan mo. Pag-uwi naming ng bahay pagkatapos
naming magsaya ay parang walang nangyari dahil pakiramdam ko ay lalo lang akong
nalungkot lalo na kapag naiisip ko kung ano ang posibleng mangyari sa susunod
na araww.
Mabilis na
lumipas ang mga araw habang unti-unti kong sinusubukang kalimutan ang mga
nangyari. Isang araw napansin kong wala siya sa paligid ko, ang taong
hinahangaan ko . hinanap ko siya pero hindi ko siya nakita. Nagtanong ako sa is
kong pinakamalapit na kaibigan kung saan siya nagpunta, sinagot ako ng kaibgan
at Sinai niya na nagbabakasyon ito. Nalungkot ako kasi alam kong hindi ko siya
makikita at hindi ko na rin iya makakasama pero sinabi ko sa sarili ko na
babalik siya kaya maghihintay na lang ako hanggang sa siya ay dumating.
Pagkalipas ng isang buwan ay bumalik naman siya. Lubos ang aking kasiyahan.
Kung naging malapit lang kami sa
isa’t-isa kayak o sanag sabihin ang nais kong sabihin ko sa kanya. Kapag
pumupunta ako sa aming bahay sambahan ay doon ko siya palaging nakikita. Hindi
ko akalain na tatagal ng isang taon ang aking nararamdaman para sa kanya at
wala akong pakialam kung infatuated
ako sa kanya o totong gusto ko siya.
Muli,
dumating na naman ang buwan ng Hunyo, araw ng enrolan sa aming paaralan.
Sinubukan kong maging matapang para sa bagong buhay ko kasama ang mga bagong
mga kamag-aaral. Sa unang araw ay nakita ko ang mga bagong mukha ng mga mgiging
kamag-aaral ko. Nang sumunod na mga araw ay unti-unti na akong napapalapit sa
kanila. Natuklasan ko na hindi dapat husgahan ang isang tao sa mga unang araw
pa lamang ng inyong pag-sasama. Akala ko magiging madali ang lahat dahil pwede
akong magpatumpik-tumpik sa pag-aaral dahil inisip ko na hindi sila ganoon
kagagaling. Nagkamali ako, hindi ko pala dapat tingnan sila ng ganoon. Nalamn
ko na magagaling din pala sila. Naging mahirap para sa akin ang naging skedyul
naming dahil nasanay ako na mas maaga ang aming pasok at maaga din ang aming
awas. Ngunit di nagtagal ay nabago din ito
dahil lumipat kami ng aming silid-aralan at nabago din ang aming skedyul.
Isang araw
ay natuklasan ko na lamang napapalapit na ako sa aking mga kamag-aaral at
nagiging malapit ko na rin silang kaibigan. Puno kami ng kulitan at asaran. Hindi
ko man aminin sa aking sarili ay talagang mas naging masaya akong kasama sila.
At hindi ako nagsisisi na bumaba ang aking seksyon kung ang aking mga
makakasama at makikilala ay katulad nila.
![]() |
Ako sa kasalukuyang panahon |
At ngayon ay
nalalapit na nga ang aming pagtatapos sa sekondarya at patungo na kami sa buhay
bilang mga kolehiyo. magiging malungkot ang pagtatapos na ito dahil maiiwan ko
ang aking mga kaibigan, kamag-aaral, mga guro at ang aking pinagtapusang
paaralan. Isang hakbang patungo sa pagtupad ng kanya-kanyang mga pangarap.
Ipinagmamalaki kong bunga ako ng paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial
National High School. Babaunin ko sa
aking pag-alis lahat ng mga magagandang ala-ala at lahat ng pangarap na binuo
ko sa paaralang ito. At sa lahat ng aking mga magagaling na guro, sa mga taong
tumulong sa akin lalo na ang aking mga kaibigan, ang aking pamilya at ang
Panginoong Diyos upang matapos ko ng may
buong pagmamalaki ang ikalawang bahagi ng buhay ko sa pag-aaral ay isa lamang
ang iiwan ko sa inyo, “MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT!”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento