Martes, Marso 13, 2012

Ang Talambuhay ni Beatriz Maria D. Medina


Ako noong ako at 2 buwan pa lamang

Ako si Beatriz Medina, isinilang noong ika-18 ng Oktubre taong 1995. Biniyayaan ako ng napakabuting ilaw ng aming tahanan na si Angelica Medina at mapagmahal at reponsableng haligi ng tahanan na si Antonio Medina. Ako ay bininyagan sa San Pablo Cathedral. Ako na siguro ang pinaka maswerteng tao sa mundo sa pagkakaroon ko ng mga magulang na katulad nila. ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid na sinundan ng nag-iisang lalaki na si Moses John. Simple lang ang pamumuhay ng aming pamilya. Marami na rin kaming pinag-daanang paghihirap noong kami ay maliliit pa dahil sa aking pagiging sakitin. Pagkalipas ng tatlong taon ay nadagdagan na naman ang aming pamilya ng isang napaka-cute at matalinong bunso na si Maria Sophia.Lumaki kami sa isang simpleng pamilya ngunit masagana sa saya at puno ng pagmamahalan. Kaming magkakapatid ay sobrang malapit sa isa't isa, palaging sumasakit ang ulo ng aming mga magulang dahil sa aming mga kakulitan. 

From L-R: Sophie, Bea and Mosi
Mabilis na lumipas ang panahon at ako ay nag-umpisa ng pumasok sa paaralan. Ako ay nag-umpisang mag-aral sa isang pribadong paaralan ng St. Joseph.Nakakatuwang balikan ang aking kabataan dahil may mga bagay akong ginagawa na hindi ko na ginagawa ngayon lalong lalo na ang paglalaro ng manika, lutu-lutuan, habulan at taguan na sobra kong nami-miss gawin. Nakahiligan ko ring sumali sa iba't iba uri ng paligsahan kahit hindi ako ganoon kahanda tulad na lamang noong ako ay nasa unang baitang pa lamang. Palagi akong sumasali sa mga "speaking contest" o timpalak bigkasan na sa kasamaang palad ay wala akong napag-tagumpayan kahit isa. Basta sali lang ako ng sali dahil "feeling" ko naman ay kakayanin ko iyon ngunit kapag nasa tanghalan na ako ay nauunahan ako ng kaba. Dahil sa aking pagiging sobrang bibo noong bata pa ako, pati sayawan ay sinalihan ko narin dahil narin yun ang aking pinaka gustong gawin.

My First Communion
Noong ako ay nasa ikatlong baitang na ay nakapag "first communion" na ako at kasama ko noon ang aking ama. Ito rin ang panahon kung saan nag-umpisa ko ng kahiligan ang pagsusulat at pagbabasa ng mga kwento kaya noon ay gustong-gusto kong maging guro, lagi pa nga akong nagpapabili ng maliit na "board" at "marker" kung saan pwede akong magsulat. Nakakatuwang isipin na ang dalwa kong kapatid ang nagsisilbi kong estudyante kapag kami ay naglalaro.

Picture together with my sister and Minnie Mouse
Muling lumipas ang ilang taon at kami ay lumipat na ng paaralang pinapasukan at ito ay sa Canossa College. Meron akong isang ala-ala na hindi ko malilimutan at ito ay noong sumali ako sa isang "singing contest". Hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng aking loob na samali sa ganoong kumpetisyon, alam ko naman na sa una pa lang ay hindi na ako mananalo sa kumpetisyong iyon dahil hindi ako biniyaan ng ganoong talento. Habang ako ay lumalaki, unti-unti ng nababawasan ang takot at hiya sa aking sarili, "atleast", "once in a lifetime" ay naranasan kong umawit sa entablado. Ito rin ang taon kung saan unang beses kong naranasang sumakay ng eroplano at makarating sa ibang bansa. Sobrang sayang balikan ang mga ala-alang iyon. Una naming napuntahan ay sa Hongkong na kung saan napuntahan namin ang DisneyLand. Maraming "rides", "games" at kainan kaming sinubukan. May mga disney characters din akong nakita pero ang aking pinaka-nagustuhan ay si "Minnie Mouse", hindi ko pinalampas ang sandaling iyon para maka kuha ng litrato kasama siya.  Limang beses naming nabisita ang bansang ito, kung tutuusin naman ay hindi ganoon kamahal ang pagpunta roon para sa isang bakasyon dahil may "family package" namang tinatawag.

Ang itim ko naman dito. . . hehe
Grade 5 naman ako noong lumipad naman kami patungong Singapore kung saan nakita namin sa airport sina Dingdong Dantes at Jolina Magdangal. Sinamantala namin ang pagkakataong ito upang mapuntahan ang Merlion sa Sentosa Singapore. tuwing naaalala ko ang mga sandaling iyon ay napapangiti na lamang ako at naisip ko na hanggang larawan ko na lamang makikita ang mga lugar na aming napuntahan.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may isang pagsubok na dumating sa aming buhay na hindi naging madali para sa aming pamliya. Noong ako ay 12 taong gulang ay naaksidente ang aking mga magulang kung saan sila ay na-ospital. Nakakalungkot ang pangyayaring ito dahil labis itong naka-apekto sa aming buhay lalong lalo na sa pag-aaral naming magkakapatid. Ngunit sa kabila ng mga lungkot na sanhi ng problema ay naging daan ito upang kami ay mas lalong mapalapit sa Diyos at sa lalong pagtibay ng aming pamilya. Alam namin na palaging may dahilan ang Diyos kung bakit nangyari yun sa aming buhay. 

'Di nagtagal ay nadagdagan nanamang muli ang yugto ng aking buhay. Ako'y isa ng ganap na "high school student". Marami ng pagbabago ang naganap simula noong naging high school ako. Mas naging masigasig ako sa pag-aaral, nakahiligan ko naring sumali sa mga "academic contest", tulad na lamang ng paglahok ko sa religion contest kung saan ako ay nanalo ng 2nd place, ganoon narin sa Social Studies na ako ay naging 2nd place rin. Syempre hindi naman mawawala sa buhay ng isang tao na kapag nagiging "matured" ay nakadarama narin ng pag-ibig. First year high school ako noong maramdaman ko ito, ganoon pala kasaya ang umibig. Dati rati ay hindi ko ito pinagtutuunan ng pansin. Umibig ako sa isang lalaking matalino, gwapo, at sobrang galing sa sports ngunit ito ay pinanatili kong isang lihim. Dahil nga siya ay matalino, gumawa ako ng paraan para kahit papaano ay mapansin niya ako at bumagay din ako sa mundo niya. Kung iisipin siya ang naging inspirasyon ko upang mag-pursigi sa pag-aaral, siya ay si Franklin. Nag-aral ako ng mabuti at ako ay naging top 2 sa klase at top 10 naman sa buong first year noon. Tuwing awarding ay absent ako kaya labis akong nanghihinayang dahil hindi niya ako nakikita. Dito rin ako nag-umpisang magkaroon ng isang sobrang sayang barkada. Dahil sa financial problem ay napag-pasyahan ng aming mga magulang na ilipat nalang kami sa isang pampublikong paaralan at iyon ay sa Dizon High. hindi naging madali para sa akin ang paglipat ko sa panibagong paaralan dahil mga bagong tao na naman ang aking makakasalamuha, syempre kailangan ko na nanamang makisama at makibagay sa kanila. Tandang-tanda ko pa noong mga unang araw ng taong iyon ay dinadalhan pa ako ng aking ama ng pagkain dahil hindi pa ako sanay at hindi ko alam kung saan ako pwedeng kumain. Nagdaan ang ilang mga araw ay unti-unti narin akong nasasanay sa mga tao sa paligid ko. May kakwentuhan na ako, may nakakasama na akong kumain kapag recess at lunch. Hanggang halos lahat ng aking mga kaklase ay naging kaibigan ko na. Lumipas pa ang ilang buwan at sumapit na ang buwan ng Setyembre na talagang hindi ko malilimutan, ito kasi ang buwan kung saan ipinagdiriwang ang intramurals na kung saan ako ay lumahok sa Mr. and Ms. Intramurals. Sobran akong kinabahan sa mga sandaling iyon dahil unang taon ko palang sa paaralang ito ay nakasali na agad ako sa isang malaking kumpetisyon tulad nito. Sobrang saya ko noon dahil nanalo ako bilang Ms. Sophomore ay 1st runner up. Hindi ko inaasahan iyon dahil marami pang ibang magagandang alahok. Dito narin nag-umpisang mabuo ang aking "self-confidence". Hindi lang karangalan ang aking nakamit mula sa kumpetisyong ito kasi dahil din doo  ay mas marami pa akong nakilala at naging kaibigan. Dahil sa pangyayaring ito ay may nakilala ako na napalapit sa aking puso, siya ay si Fausto Carlos Jr., sobra siyang naging malapit sa akin kaya hindi rin nagtagal ay nahulog na ang aking loob sa kanya kaya natapos ang taong iyon na kami ay naging mag "MU".

3A 
Sa sumunod na taon ay mas marami pang pangyayari ang naganap sa aking buhay. Marami akong sinalihang "extra-curricular activities" tulad na lamang ng "Jazz Chant". Sa 'di-inaasahang pagkakataon ay kasama rin doon si Fausto kaya hinding hindi ko talaga iyon makakalimutan ngunit sa kasamaang palad ay hindi kami nananalo. Sumapit ang aking kaarawan at isa ito sa mga kaarawan ko na hindi ko malilimutan dahil sa mga paghahandang ginawa niya para sa akin.Hindi basta-basta o hindi ganoon ka-ordinaryo ang ginawa niya para sa akin, niligawan niya ako sa pamamagitan ng awit. Kaya naman ako ay sobrang natuwa dahil hindi ko pa nararanasan iyon lalo na ang pagluhod niya sa aking harapan. Ito rin ang araw kung kailan naging boyfriend ko siya..Lumipas ang ilang buwan ay naging matatag ang aming relasyon. Pagsapit ng Enero ay sumali ako sa Mardigrass kung saan 2nd place lamang ang aming school. Noong ika-2 ng Pebrero ay sumapit ang aming JS Prom, sobrang saya ko noon dahil unang beses kong makasali sa ganoong pagtitipon at nakakatuwa naman dahil ako pa ang naging Ms. Hawaian Luan. Syempre ang aking naging first and last dance ay si Fausto. 

Best in Sports Wear
talent competition sa SM
Sa wakas, 4th year na ako, unang araw ng taong ito ay medyo nahirapan akong mag-adjust dahil napababa ako ng section. Hindi ko pa kasi kilala ang mga bago kong kaklase kaya yung mga dating kaklase ko lang ang aking sinasamahan. Hanggang ngayon iilan parin ang aking ka-close sa aming seksyon. Sumapit na naman ang intramurals at nagwagi ako bilang "best in sports wear". Kahit hindi ko nakuha ang title ay masaya parin ako dahil ako ay muling naging bahagi ng kumpetisyong iyon. Ilang buwan pagkaraan nito ay napasama ako sa mga kalahok para sa Mr. and Ms. Dizon High 2011. Bago sumapit ang mismong araw ng coronation night ay marami kaming ginawang paghahanda tulad na lamang ng iba't ibang presonality development activities at ang isa sa mga ito ay dinaluhan ng kilalang international make-up artist na si Mr. James Cooper. Isang malaking karangalan ang mapalahok sa kumpetisyong ito  dahil sa dinami-dami ng mga estudyante sa aming paaralan ay isa ako sa mga kalahok dito. Buwan ng Nobyembre noong kami ay nagkaroon ng "talent competition" na ginanap sa SM City San Pablo. Sobrang nakakakaba ang mga sandaling iyon dahil sobrang daming nanood, ngunit masaya parin dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon para makapag-tanghal sa SM. 

Ganda ko naman ..hehe
Haggang sa dumating na ang pinakahihintay na araw ng mga kalahok. Nagkaroon kami ng "one-on-one" interview sa mga hurado na kilala hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Pagkatapos niyon ay pumunta na kami sa mismong venue ng contest, sa San Pablo Central School Gymnasium.Sobrang daming tao doon, kaya noong una ay nakaramdam ako ng kaba. Pero noong mag-umpisa na kaming rumampa ay napalitan na ito ng excitement. Sa kabutihang palad ay napasali ako sa magic 7 kung saan nagkaroon ng Question and Answer. Lalo pang tumaas ang tensyon sa venue ng sumapit na ang awarding. Sobrang kinakabahan talaga ako noon hanggang sa tawagin ang aking pangalan para sa nagwagi bilang 1st runner-up. Natapos na ang kumpetisyon ngunit ang mga aral na natutunan ko rito ay habang buhay kong dadalhin.


Ilang buwan na lamang ay magtatapos na ako at iiwan ko na ang isang yugto ng aking buhay na nag-iwan sa akin ng napakaraming aral, at ito ay ang pagiging high school. Marami ng pangyayari sa aking buhay ang labis na nagpabago at humubog sa aking buong pagkatao. Magka-college na ako, ngunit ang mga ala-ala na idinulot sa akin ng pagiging high school student, kailanman ay hindi ko malilimutan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento