
![]() |
baby pa ako |
Kinder
garten ako noon. Wala parin masyadong alam sa buhay. Lagi parin umiiyak dahil
ayaw kong magpaiwan sa room naming. Tamad pa akonh magsulat kaya napapagalitan
ako ng titser namain. Lagi rin naman akong kasali sa sayaw. Tanda ko noon,
lalaban kami ng sayaw pero ayaw ko magpalagay ng lipstick, takot pa kasi ako
dati. Masayang Masaya ako dahil nanalo kami noon. Graduation na naming noon,
nakakuha din naman ulit ako ng award, Masaya siyempre ako, pati ang mga
magulang ko.
![]() |
kaarawan ko |
![]() |
graduation kinder |
Noong
grade6 ako, 10 years old pa lamang ako. Ako ang pinaka bata sa aming
magkakaklase. Ako ang napag iiwanan sa edad. Ang hindi ko malilimutan ay noong
nahulog ako sa hagdan dahil sa kaklase ko, kinukulit niya kasi ako. Bagama’t
medyo matagal nay un sa akin, nakakatuwa pring balikan.
![]() |
ako at ang nanay ko |
![]() |
ako at ang tatay ko |
![]() |
graduation |

2nd
year highschool na ako at ang section ko ay 2-B ulit. Ang adviser naming ay si
maam Sotalbo. Marami na akong naging kabarkada. Nabuo din ang BEBIBU. Sila ay
sina Bertiz, Beruela, Bigal at siyempre, ako! Bungualan. Sila ang nagging
kasama ko araw-araw atr sa anumang oras ng kahirapan sama-sama kami. Tapos
dumaan ang mga araw, ayun! Florante at Laura na. play na naman. Masyado akong
maingay at makulit noon kaya pinagmonologue kami. Kinabahan kami kasi mahirap
din yun. Hindi nagtagal, hindi rin nasunod yun. Hay! Salamat! Sa kasamaang
palad hindi kami nanalo sa play pero okay lang, atleast ginawa naming yung best
namin.
3rd
year na ako, B parin ako. Masayang masaya ako dahil B na naman ako. Ang adviser
naming ay sina maam Umali at maam Lee. Medyo nakakpagod, madami kasi kaming
ginagawa kung tawagin ay busy. Hehe.
Marami rin nangyaring activities sa school. Fieldtrip naming noon, first
fieldtrip ko yun sa highschool, masayang masaya kami. Sama sama kahit saan
magpunta. Yan! Dahil sa fieldtrip nay an, nagustuhan ko si JC, ang kulit niya
kasi eh. Lagi kasing tingin ng tingin sa akin. Haha. Keme!. Tanda ko noon, galling
kami sa bio-research, binigyan ako ng crush ko ng isda. Saying, namatay nga
lang. pero okay lang matagal na naman. Tapos na ang field trip namin. Lagi ko
nakikita si JC. Sabi ko nga “kasama naming sa bus yan.” Haha. Ayun, nagtanung
tanung kami kung sino yun. Praktisteacher naming si maam Alvarado, eh handle
din niya yun kaya pinakilala niya sa akin yun. Pero ayaw niya para sa akin si
JC. May pinakilala siya sa akin, si Clifford daw. Nakakatext ko siya araw-araw.
Friends pa lang kami noon. Hindi nagtagal, nagkita kami noong December 18 yun,
1st naming magkita, nagkausap kami, tapos umuwi na din ako.
Una, hindi
talaga kami pwede kasi INC siya, samantalang ako ay katoliko. Diba, hindi naman
importante ang religion kung mahal niyo talaga ang isa’t isa. Pero nanligaw
parin siya sa akin. Tapos na ang taon,
magiging 4th year na kami. Parang M.U na kami. Nagkakatext parin
kami noon.
4th
year na kami. Wala, ganun parin. M.U parin. September 10, 2011, medyo matagal
bago ko siya sinagot. Masayang Masaya ako dahil nagging 1st
boyfriend ko siya. Alam niyo ban a may inaway pa ko dahil kay Clifford, gawa ng
ex niya eh kasi naman nilalandi ko daw ang ex niya. Eh ex na nga siya at ako
naman ang nililgawan pero okay lang.
Marami
akong experiences kasama siya. Minsan hinahatid niya ako at sabay kaming
umuuwi.
1st
monthsary namin, October 10, 2011, excited ako nung time nay un kasi 1st
monthsary naming. Niregaluhan niya ako ng relo tapos binigyan ko siya ng damit.
Maganada pa hanggang ngayon yung binigay niya kasi iniingatan ko yun. Tsaka
hindi ko yun pinapahiram kahit kanino.
Intrams
namin yun. Hapon, nagtext siya sa akin. Papunta daw ako sa bahay nila para
ipakilala ako sa mga magulang at tita niya. Kinilig naman ako, grabe ang saya.
Ayaw ko pa dahil nahihiya ako. Hindi rin nagtagal ay pumayag na ako. Pumunta na
kami sa kanila, kinakabahan ako. Pagdating ko sa kanila, pinakilala niya ako sa
lola at ate niya.grabe ang saya ko.
December
16 2011pumunta ulit kami sa bahay nila.ipinakilala niya akonsa papa niya. Nasa
bahay na kami pero hindi ako matagl na nanatili, umuwi agad ako. At ang hindi
ko malilimutan ay nung bnigyan ako ng lola niya ng chocolate. Sabi niya sa
akin, bumalik daw ako sa December 18, ikakasal daw kasi ang tita niya. Pumunta
ako sa kasal ng tita niya dahil magagalit daw ang kaniyang lola. Ang daming
tao. Nakilala ko ang mama ni Clifford. Pinakilala niya ako sa pinsan at tita
niya. Natapos ang kasal, hindi na dapat ako sasama sa reception pero pinilit
ako at wala naman akong nagawa. Nang ihagis ang bulaklak, ako ang nakasambot.
Pagkatapos nun, umuwi na ako at binigyan naman ako ng white roe=se ni Clifford,
grabe!
![]() |
field trip |
JS
prom na. hindi naman dapat talaga ako sasali eh. Kaya lang ay sumali si
Clifford. At buong gabi kaming magkasama, syempre siya ang first dance ko.
Magkasama lang kami at nagkukulitan, pero sabi ko sakanya, kung sinu ang gusto
niya isayaw eh okay lang sa akin. Pero hindi naman niya ginawa. May nagsayaw sa
akin at pumayag naman siya. Natapos ang
gabing yun na masaya kami.
![]() |
ako at si asha |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento