Talambuhay ni Ma. Angelica V. Seguro
 |
Magdagdag ng caption |
Ako nga pala si Ma.Angelica Viernes
Seguro kasalukuyang nag-aaral sa paaralan ng Col.Lauro D.Dizon Memorial
National Highschool.4th year,section BLAKE sa pamumuno ng ating
punong guro na si Ms.Uy,at ng tatay ng mga BLAKIAN na si Mr.Wally Vasquez.
Tawagin niyo nalang akong Anne o kaya
MAVS ito kasi ang tawag sakin ng aking magulang,kapamilya at mga kaibigan.Ipinanganak
ako noong Enero 2,1996 ;12:45pm sa Ugac sur,Tuguegarao City,Cagayan Valley.Ang
mga magulang ko ay si Mama Juvie Viernes Seguro at si Papa Larizon Rueco Seguro
nagpapasalamat ako ng lubos kasi binigyan ako ng mga magulang na tulad nila
kasi kung wala sila wala ako dito sa mundong ito sila ang nagturo sakin kung
pano maging maayos,malinis at presentable;pati pagtitipid at pagkain ng
masustansiya;paggalang sa mga nakakatanda pati narin ang hindi paghusga sa
panlabas na anyo ng tao.Sila ang nagtatayo sakin pag nadadapa ako,lalot higit
pumapatnubay sakin kung ano ang tatahaking landas para paglaki ko maituro ko
ito sa aking mga kapatid.
 |
Me & my sisters |
Ako ang panganay
sumunod naman si Pauline Joice Seguro na nasa ikaapat na baiting at ang bunso
naman ay si Jasmine Seguro na nasa kindergarten 5 taon ang pagitan naming
tatlo.Nung bata pa ako sabi ko ayaw ko nang kapatid kasi pasaway ako noon may
pagkasutil kaya laging napapagalitan.Naalala ko pa na pinababantayan ako nila
mama at papa sa mga pinsan ko pag-nasa skul kaya wala akong kawala eh gala pa
naman ako nun nakakapunta sa bahay-bahay ng kaklase puro lalake pa ang pinsan
ko kaya natatawa lang ako pag naaalala ko yung mga kalokohan ko dati.Kapag
papagalitan ako ni mama tatakbo ako kanila mamang at papang(magulang ng mama)very
close ako sa mamang lagi akong nag-oopen sa kanya ako yung favorite kasi bunsong
apo kaya kaya spoiled ako dati sa lola ko.Meron akong pinsan si kuya jayvee
siya yung parang kakambal ko lagi(partner in crime)ika nga lagi na lang kaming
nakakabasag hanggang sa nabasag naming pati yung malaking salamin ni tita nid’s
kaya ako nagkaroon ng maliit na peklat sa likod.Tapos kapag nagkakaroon ng
reunion ang family napagkukwentuhan namin ang nakaraan,sa family ni mama ako
close kasi sakanila ako lumaki pero hindi naman ibig sabihin nun di ko close sa
part ni papa.Sila mama 9 na magkakapatid.una si Tita frosie,vilma,nida,Si
mama,marivic,lea,at sila Tito marvin,louie at bunso si tito jhay.18 kaming
magpipinsan sa part nila mama.super close talaga ako sa kanila.Kaya nga pag may
reunion napagkakamalan kaming magkakapatid,sobra kaya kahit na may tampuhan
minsan mga magulang namin di namin ito pinapansin kasi hindi naman kami damay
dun,hindi matatawaran ang pagmamahal ko sa mga pinsan ko.
 |
B-day koh |
Nung bata daw
ako ayaw ko ng mga kulay red na pagkain;tulad nang cornedbeef,spaghetti kaya
pag may handaan imbes na pula ang spag. Ginawa nalang nilang carbonara hahah
nung una nga di ako naniniwala kasi panong ayaw ko dun eh favorite ko nga yun
tapos fav. Color ko rin red.(naaalala ko tuloy nung bata pa ako).Na kapag
may mga okasyon tulad ng Bagong Taon ito yung araw na samasama lahat kaming
pamilya walang kulang kaya sobrang saya ko tsaka may mga palaro pa ang mga tita
ko tulad ng hampas palayok na may lamang mga kendi at barya ahaha meron pa
ngang pag-akyat sa terrace hahabulin naming magpipinsan si whittee(aso
naming
makulit) kung
sino ang una may premyo,nadapa pa nga ako nun eh.Tsaka alam niyo ba dati ayaw
kong kumain nang gulay,kaya kapag vegetable ang ulam ipapatawag ni mama si Tito
marvin(kapatid
ni mama),si
tito vin kasi ung pinakatatakutan kong tito dati ultimo marinig ko lang ang
boses,kakaripas na akong takbo kay mamang.Pero hindi naman na ngayon syempre
malaki na me Im stronger and mas makulit na done yesterday….Anxabe hehe..hindi
naman talaga terror si tito vin actually napakabait ni tito magaslaw,kung ano
ano ang mga tinuturong style,sabi din niya ginagawa niya lang daw yun para
kumain ako ng gulay.,at ngayon mga pinsan ko namang maliliit,at kapatid ko
ginagawa yun.nasasalamin ko tuloy yung sarili ko sa kanila hahah sila naman
ngayon..Tapos na ako dian.
 |
Sa Alcala w/ Lola & couz |
 |
Couz koh |
Sa kanila papa
naman,kapag pupunta kami sa Alcala bukid yun favorite ko yung kendi na
binibigay sakin ni Itang(ama ni papa)at si Inang(ina ni
papa)yung
alcala milk candy ansarap talaga nito try niyo kung sakaling pumasyal kayong
Alcala.Malapit din ako sa mga pinsan ko dun sa Alcala lalo na dun sa mga cute
kong maliliit na pinsan tsaka mga pinsan kong mga luko-luko.Mga mahilig sa party ang pamilya ni
papa lalo na sa sayawan,kantahan at kung ano-ano pa,kaya natuto akong sumayaw
at kumanta hindi ako mahiyain pag usapang kantahan at sayawan nasanay kasi ako
dun sa kanila papa napaka masayahin,mga kengkoy,at happy go lucky ang angkan ng
Rueco at Seguro.Namimiss ko nga yung basaan,kulitan tapos mga nilalaro naming
dati,kasi may poso dun bibili sila ng tagP1 lobo tig iisa kami lalagyan ng
tubig tapos sakto pang umulan nun kaya ansaya,magpapaltukan na kami nung lobo
natamaan pa nga ako sa mukha nun eh ansakit pero ok lang kasi im happy
naman.Tapos pag may time mamasyal kami pinakagusto ko nung pumunta kaming star
city mga 9 yrs old ako nun,actually that’s my 1st time kaya ansaya
sumakay kaming surf dance,roller coaster,tapos nun ginagawa palang yung dino
island eh gusto ko nang pumunta,di pa kasi tapos kaya naglibot nalang kami
pumasok kami dun sa gabi ng lagim.SHOCKS!!.katakot mawiwindang ako eh kaya
humiwalay kami sa mga kuya kong matatapang “daw” mga duwag naman di pala
pumasok dun sa The Mummy,hahah basta kami pumunta dun sa peter pan,giant world,tapos
sumakay sa tren na pambata hahah.that’s avery unforgettable trip kahit na
bumaliktad yung sikmura ko dun sa malaking Barko na pataas-pababa.
 |
X-mas party nung Grd.1 |
 |
swimming time |
Simula nung
Grade1hanggang Grade 2 Pilot 1-2 ang section ko sa Arao St. School sa
Tuguegarao City,Cagayan Valley,malapit lang yung school kapitbahay lang naming
kaya Bantay sarado ako ng mga pinsan at mga tito ko sila mama at papa laging
lumuluwas ng manila gawa ng trabaho ni Papa kaya naiiwan ako sa pangangalaga ni
mamang.Tapos nung bumalik sila luluwas daw kami dun na titira sa SPC gawa ng
trabaho ni Papa naunang pumunta si Papa sa San Pablo City,Laguna siyempre
umiyak ako 1st tym ko kayang humiwalay sa mamang pati mga pinsan ko
pero sabi nila sasama daw sila kaya happy naman ako.Unang pagdating ko dito
sabi ko ang ganda pala ditto pero mamimiss ko parin ang Cagayan.2nd
day pinasyal kami ni Papa sa SampalokLake ang ganda sobra.Dati sa libro ko lang
nababasa tapos ngayon nandito na ko namamasyal pa ahehe.Grade 3 inenroll ako ni
Papa sa central si Gng.Marasigan pa ung principal,nagulat ako kasi pagpasok ko
sa rm ni Maam Abes ginreet niya kami “Good Morning Sec.10”inang anlaki nang
ibinababa ko pero kahit ganun marami naman akong nakasundo agad madaldal kasi
ako di lang halata kasi sabi nila 1st expression daw nila sakin
tahimik ganun naman talaga ako pag di ko kakilala di ko dinadaldal pero pag
nakilala ko na ayun okey na dadakdak na hehe medyo tomboyin pa ako kaya halos
kaibigan ko mga lalaki namiss ko kasi mga pinsan ko kaya sila nalang,di talaga
mawala yung pagkagala ko nakarating nga ako sa sto.cristo para maglaro lang ng
jolen,namiss ko tuloy ung mga kuyang nagbabantay sakin tapos maghahanap pag di
ako Makita sa School,uhm[teardrops]pag bakasyon naman namamasyal
sila samin sa apartment tapos magswiswiming sa Bato Spring(sobrang lamig ng
tubig ditto para kang inilublob sa nagyeyelong tubig jeeez(wew)si tito jhay
naman ang chef ng pamilya ansarap ng mga luto pang restaurant meron pang red
pepper na ginawang siomai yun yung nagustuhan ko maanghang nga lang ok nga yun
anlamig kasi dun napakasaya kasi nagkaroon ulit kaming magpipinsan na
magbonding.
 |
Grd 5 ID |
Aba nag-iimprove
ang section ko bawat year hahah YES!!! Mula sec. 10 naging 9 nung Grd4 this
year May nangyaring di ko inaasahan nakaconfine si Mamang gawa nang may
Pneumonia daw siya,Di kami makauwi kasi may pasok ako tapos trabaho ni papa
buti nalang nagleave si Papa kaya nakauwi kami naghanda ako ng sarili kong
gamit hiwalay sa gamit nila mama.Pagdating naming paggising ko wala na ung
gamit ko nandun pa naman lahat nang bigay na damit mga regalo sakin nila mama
pero ok lang marami pa naman akong damit
sa bahay.Dumaretso na kami kay mamang tumakbo ako at niyakap ko si mamang may
nakalagay na Dextrose sa Ilong niya tapos hindi na siya gano makapagsalita kaya
iyak ako ng iyak nun.Mga 5 araw wala na si mamang,di ko alam ang gagawin ko
gusto ko ngang gisingin si mamang baka niloloko niya lang kami pero hindi the
truth is wala na talaga yung mamang na magtatanggol sakin pag aawayin ako nila
kuya,tapos yung pagsusumbungan ko pag papagalitan ako ni mama.Pag uwi naming sa
laguna baon ko parin yung mga alaala dati miss ko parin si mamang di ko
matanggap yung nangyari.
 |
half heart pendant |
 |
Si Samica♥ |
Grd.5 na ko
lumipas na ang 1 taon lumipat na kaming apartment may naging kaibigan naman ako
si Rhina kapitbahay naming may kapatid din siya pero di ko pa nakikita kasi nasa camping daw ng boyscout may lahi
sila half Canadian,half pinoy mabait naman yung mama niya,yung papa daw nila
nasa Canada maytrabaho bihira lang daw umuwi pag b-day,pasko at new year lang
umuuwi.Naging best friend ko si Rhina kapag mamasyal kami isinasama namin siya
wala kasi siyang kasama sa bahay,.July 2 b-day ni Rhina inimbitahan niya
ako,pagpasok ko akala ko party yun pala silang tatlo lang nun ko lang nakita
yung kapatid niyang si Sam ipinakilala ako ni rhin’s ewan ko ba iba ung feeling
crush ko na ata siya ang cute kasi ang lalim ng dimple tapos medyo curly pa
yung buhok niya 2 taon ang tanda niya sakin.Ang bait niya sakin nagging kaclose
ko na rin siya pag minsan nga sinusundo nila ako sa school pag tanghale kakain
kami sa KFC libre nila lage.Tapos meron ding siya lang ang sumundo di niya
kasama si rhin’s malakas lang naman ang loob ko nong kausapin siya kasi nanjan
si rhin,nahalata niya rin pagkailang ko “wag kang mahiya”yun lang ang narinig
ko.Kala ko kung san pupunta hinatid niya lang pala ako sa bahay tapos binigyan
niya ako ng tobleron padala daw ng dad niya,nagt.y. nalang ako.Nung umagang kasabay
ko si rhin sinabi ko yung nangyari,di naman pla ngpadala yung dad nila binili
daw un ni sam palusot lang daw yun “may lihim kasi”, “ano?”, “siya nalang
magsasabi okey”,lalo tuloy akong kinilig eeeeh.Habang tumatagal lalo ko siyang
nakikilala hanggang mag December 24 pinapunta ako ni rhin sa bahay nila pero di
ko naman siaya nadatnan dun ang nakita ko eh si Sam kumakain ng stick-o color
pink,pink ang damit,tapos pink din ang sapatos,di pa nakontento may pink pang
ponytail,niloko ko tuloy bakla tapos lumapit sakin binigay yung puting bear
pangalan daw nun White Samica,meron din pala siyang pink na bear mas gusto ko
nga yun, name naman dw nun Pink Samica[sam and angelica]. Nagtanong
siya “gusto mo ba ako?’’Biglaan!!siyempre ano pa ba sasagot ko e di yung totoo,ayun
sinabi din niya gusto niya rin ako.Itong damuhong na to gusto naman pala ako
pinatagal pa eh,kinikilig ako eeeeeeeeeeeh.Sinabi ko kay rhin tuwang-tuwa naman
ang luka lagi tuloy kaming inaasar ni rhin.Ang saya ng x-mas ko kahit di alam
nila mama at papa yung samin ni pink[sam]kung
sakali yari,patay talaga ako.Masaya ako sa kanya.hanggang Graduation ko na
siyempre pumunta siya pero iba ang mukha niya malungkot ewan kinongratulate
niya ako tapos si Rhin umiiyak,sabi ni Sam aalis na daw sila magmamigrate na
silang Canada umiyak si Sam 1st tym ko lng syang nakitang umiyak,
napaiyak na din ako nabigla ako sa sinabi nila hindi ko alam ang sasabihin ko
niyakap niya ako buti nalang nauna na sila mama sa labas at siksikan na.Bukas
na ang alis nila.iyak na ako ng iyak kasi naman kukunin na daw sila ng papa
nila sa Canada.sabi ko ayaw ko na,di kc ako naniniwala sa LDR wala din a siya
nagsalita may binigay lang siyang biyak na heart pendant nasa kanya ung isa.Di
ko na sila hinatid para dina ako malungkot,sabi ko di kasi ako naniniwala sa
LDR……End of Samica stry..
 |
Graduation Pic |
1st
year na ako andami ko ng binago sa sarili ko naging tahimik ako,tinirintas ko
yung buhok ko,parang wala akong pakialam sa iba naging mahiyain na din
ako.Pagdating sa bahay yung Dating Anne na ulit nagkaroon ako ng mga friends
kahit pala mag-iba ako mayron paring makakaunawa sakin atsaka get to know your
classmate year muna hehe.
2nd year Masaya, yung nakasanayan ko
ipinagpatuloy ko lang may mga bagong kaklase medyo nawawala na sa isip ko yung
nakaraan.Marami na rin akong natututunan habang tumatagal.Napakasaya sa Dizon
lalo na kapag Intramurals,Florante at Laura kung saan kasali ako sa
mangaawit.At habang tumatagal marami akong nalalaman tungkol sa mga kaklase
ko.
 |
TLE Modelling |
3rd year,napakaraming nangyari ito yung year na ine-enhance ang
bawat estudyante yung may confident na sa sarili,Natututo nang mag-make up,mag
kulot tapos di ko malimutan nung nag model lahat ng nasa Cosmetic class kasali
kami ng mga classmate ko sa grp.ako nila aries ang theme eh:may pagka
emo,rocker kaya para tuloy akong Bampira dun hahah.Nagkaroon din ako ng mga
makukulit na friends ang yogka(sila Gladys,khate,vire,Eloisa,Guila,rejina,Jhona
at si Rhoma)di ko sila malilimutan.
 |
phab'z w/ omg girl'z |
4th year,ito yung year na parang
bumabalik na yung ako talaga.Napahiwalay ako sa mga kaibigan ko kami nalang ni
Rhoma ang magkasama,kasama rin namin si Stella kaming 3 na yung nagging magkakaibigan(Phab’z)
napapunta kami sa sec.BLAKIAN best sec. ever mga totoong tao na di ginagawang
biro lahat ng issue.Iba talaga may open forum na samin dati wala eh.Tapos
mayroon pang 1 responsible president na gumagabay sa min para magtulungan.Ito
yung sec. na halos lahat madaling pakisamahan na kahit
magulo,pasaway,napapagalitan ng mga teacher eh maganda,pogi at matalino
naman.(Phab’z)[group namin nila ste at val]kahit na may
tampuhan,nagagalit,di pagkakaunawaan,sa bawat pag-iyak,pag-tawa mga
kalokohan,pag-cutting minsan,kahit na lagi akong late pag my
pupuntahan,pag-kain lagi ng Hotdog,bananaballs eh magkakaibigan pa rin tayo
kahit na sinusubukan tayo ng panahon,talo pa rin natin kasi tatlo tayo.Kahit na
nagkakaproblema sa lovelife ang 1 o sabihin ko ng 3 heheh.Kaya pa rin yang
resolbahan.hindi to nyeknyok ha.colorful mga phab’z.BLAKIAN is the best among
the REST.hahah
 |
Phab'z |
 |
Friends |
Sa aking
pagtatapos sa paaralan ng Dizon babaunin ko ang bawat aral simula 1st
hanggang 4th year na dadalhin hanggang sa pagtanda.Isang yaman na
hindi matutumbasan ang maging bahagi ng isang paaralang katulad ng Col.Lauro
D.Dizon Memorial National High School.Im proud to be a Dizonian..
Yours truly,
MAVS
 |
Phab'z♥ |
 |
BLAKIANS |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento