Ako si Edeliza D. Guerra, ipinanganak noong Marso 4,1996 sa Barangay Banaba Famy,Laguna. Ako ay labing-anim na taong gulang na. Si Edilberto Dayan Guerra ang aking napakasipag na ama. Marami siyang trabaho tulad ng pangingisda, pagtatanim ng mga gulay, at pag-aalaga ng mga hayop na pwedeng ibenta tulad ng mga manok. Ganun kasipag ang aking ama, ginagawa niya ang lahat ng iyon para maibigay ang mga pangangailangan naming anim na magkakapatid. Si Merlinda Sadsad Del Rio naman ang aking napakaalaga at napakamapagmahal na ina. Isa siyang mabuting may bahay ng aking ama at responsableng ina sa aming magkakapatid. Sila ang aking mga magulang na unang nagturo samin ng mga mabubuting bagay na dapat naming gawin at dapat naming isabuhay tulad ng laging magpapasalamat sa Panginoon, maging masunurin at higit sa lahat igalang ang kapwa. Sila ‘yung pinakamagaling na magulang para sakin. Meron akong limang masasayahing kapatid. Ang panganay sa amin ay si Edelito Guerra. Siya ay labing pitong gulang na .Tapos na siya ng sekondarya at ngayong darating na pasukan ay kukuha siya ng kursong engineering. Ako naman ang pangalawa sa aming magkakapatid. Ang sumunod sa akin ay si Edlyn Mae Guerra. Siya ay labing tatlong taong gulang na kasalukuyang nasa ika-limang baitang ng elementrya. Si Edel Mark Guerra naman ang pang-apat sa aming magkakapatid. Siya ay labing-isang taong gulang na nasa ika-limang baitang din ng elementary. Si Edelina Jane Guerra naman ang pangalawa sa bunso sa aming magkakapatid. Anim na taong gulang na siya at kasalukuyang nasa unang baitang ng elementary. At si Edelyka Guerra naman ang aming bunso na siyang nagbibigay sa amin ng saya sa araw-araw. Sila ang pamilya ko. Sila ang pangalawa kay God sa pinakaimportante sa buhay ko. Sila ‘yung lakas at kahinaan ko. Inspirasyon ko sila sa bawat bagay na ginagawa ko. Lahat kaming magkakapatid nagsisikap makapagtapos ng pag-aaral para kila mama at papa, para masuklian naman namin yung mga hirap nila samin. Masaya kami lagi basta’t magkakasama kami at kumpleto ‘yun ang pamilya ko.
bonding moment kasama si kuya |
Noong bata pa kami ay sa Sta.Isabel pa kami nakatira, tanging si kuya lang ang aking laging kasama at kalaro sa araw-araw. Malayo kasi ang pagitan ng mga bahay doon noon at wala din kaming mga kakilala pa noon, mga kamag-anak o pinsan na pwedeng puntahan at maging kalaro kasi ay sa Concepcion sila mga nakatira. Kaya nga natuwa kami noong nalaman naming na nagpasya na pala sila mama at papa na lumipat kami sa Concepcion.
ako at ang mga pinsan ko .. |
Doon namin lalong nakilala ang mga kamag-anak at mga pinsan namin. Naging malapit kami sa kanila. Naging kasabay namin sa paglaki. Nagkasama namin sa mga lungkot, kalokohan, kasiyahan, at pati na rin sa mga kulitan. Isa din sila sa mga nagturo samin ng magagandang asal na dapat naming matutunan. Pero hindi talaga maiiwasn iyong mga tampuhan at hindi pagkakaunawaan sa pamilya.Pero sa kabila naman niyon ay nasosolusyonan din agad at nagbabalik sa magandang samahan at maging masaya ulit dahil magkakasama at kumpleto ang pamilya namin. Pamilya sila ’yung laging andyan para suportahan ka at gabayan ka kapag may problema ka. Tutulungan ka kapag kailangan mo sila. ‘Yun ang totoong pamilya.
noong day care palang ako :) |
Pagkatapos ko ng day care ay pumasok naman ako ng Kinder Garten sa Guerilla Elementary School. Doon parang nabawasan ng konti iyong pagkamahiyain ko kasi nagging madaldal na ko noon, nakikipagkulitan na din ako sa iba kong mga classmates ko.
recogniton noong grade 5 ako |
recognition noong grade 2 ako .. |
Hanggang sa pumasok na ako sa unang baitang ng elementary, lumalawak na aking mga kaalaman. Habang tumatagal naiintindihan ko na yung mga bagay-bagay. Lumaki kami ng kuya ko na nag-aaral kami ng kami lang at hindi nahingi ng tulong sa iba, hanggat alam namin at kaya naming sagutan o gawain ang mga homework naming ay ginagawa naming iyon ng kami lang. At dahil siguro doon kaya taon-taon ay nabibigyan ko ng kasiyahan ang magulang ko, dahil sa taon-taon silang naakyat ng entablado upang tanggapin namin yung mga munting karangalan na ipinagkakaloob sa akin. Nakakatuwa dahil sa mga simpleng bagay na iyon ay napasaya ko ang magulang ko maliban nalang noong nasa ika-tatlong baitang ako ng elementary dahil hindi ako nakatanggap noon ng award pero ayos lang dahil iyon ‘yung naging hamon para pag-igihin ko pa ang pag-aaral. At lalong nging masaya noong 2009 dahil nakapagtapos ako ng elementary.
Noong tumuntong naman ako sa unang taon ko ng sekondarya ay napabilang ako sa mga napapunta sa pangalawa sa pinakamataas na seksyon, ang seksyon A. Nahirapan ako noon kasi pakiramdam ko napapag-iwanan ako ng klase, ‘yung pakiramdam na hindi ka makasabay. Kaya parang tinamad ako noon at kapag hindi ko maintindihan ang aralin ay mas pinipili ko pang matulog nalang kaysa makinig sa guro ko. Iyon siguro ang nagging dahilan upang bumaba ang seksyon ko noong ikalawang taon ko sa sekondarya at napunta ako sa seksyon B na masaya, magulo, at masarap mga kasama. Dito ko din nakilala at nakasama ang aking matalik na kaibigan na parang kapatid ko na ang turing ko, siya si Jamielyn Javier. Masaya siya kasama, nandyan siya lagi kapag kailangan mo, siya ‘yung taong maaasahan mo at handang tumulong sayo kapag may problema ka. Hindi ko din alam kung paano kami nagkasundo dahil ako ‘yung taong magulo samantalang siya seryoso sa buhay. Minsan nga naisip ko na baka nahawa na siya sakin sa kaguluhan ko. Pero ayos na din iyon para parehas kaming masaya.
siya ang aking best friend :D |
Nang dumating ang ika-tatlong taon ko sa sekondarya ay seksyon B pa din ako, kasama ko pa din iyong magugulo at makukulit na B. Iyong B na mahilig sa mga kalokohan. Basta kalokohan sama-sama idagdag pa yung mga mahihilig maglakwatsa. Sa din nabuo at nagsimula ang pagkakaibigan ng JEGKZ(Jamielyn,Edeliza,Grace,Krishia,Zaira). Sila ‘yung mga barkada ko na maaasahan mo sa mga kasiyahan, nandiyan kapag kailangan. Sama-sama sa kalungkutan, damayan kapag may problema, mahilig sa tawanan at kulitan. Iyan ‘yung mga kaibigan na natagpuan ko sa sekondarya na talagang mamimiss mo ang mga hiyawan at malalakas na tawa. Minsan man ay may hindi pakakaunawaan pare-parehong hindi makakatiis at agad aayusin ang mga hindi pakakaunawaan., at hindi pa din nagbabago laging nandyan para sa'yo.Iyan ang mga kaibigan na hindi mapapalitan ng sino man dahil sa dami ng sayang pinagsamahan.
JEGKZ sisters ..<3 |
Ako yung tao na magulo pero may takot sa Diyos at napalaki ng magulamg ng ayos. Madalas siguro paiba-iba ang ugali ko. Pero yun siguro talaga ako.Ito na ako ngayon malayo na sa maliit at mahiyaing Edeliza. at siguro sa mga dadating pang panahon mas malaki pa ang mga magiging pagbabago sakin.
ako ngayon :) |
Simple lang naman ang pangarap ko, iyon ay mabigyan ng magandang buhay ang mama at papa ko at masuklian, maibalik, mapalitan sa kanila yung paghihirap na ginawa nila para sa aming makakapatid. Iyong paghihirap na dinanas nila para mapag-aral lang nila kami at maibigay lang nila iyong mga pangangailangan namin. Nag-aaral kaming makakapatid ng mabuti para sa kanila para maibili sila ng sariling lupa at mapatayuan ng bahay at mabigyan ng pagkakabuhayan. Iyon lang ang gusto ko, lahat ay para sa pamilya. Sana magtagumpay ako sa buhay. Goodluck sa akin, sa atin J !!
At iyon aking Talambuhay Edeliza Del Rio Guerra ‘’_’’
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento