Si AKO :) |
Sa totoo lang po, hindi ko alam kung paano ko bubunuin ang 1500 words... kung iisipin, ANG HIRAP! Pero dahil buhay ko naman ang pag-uusapan, maybe I can do this..goodluck to me! :)
Ako po si Abigail May Santillana Bigal, 15 taong gulang, isang San Pableno. Isinilang sa San Pablo City Hospital by caesarian operation sa taong isan libo't siyam na raan siyam na pu't anim sa buwan ng Mayo, ika-labing anim. Noong ako ay nasa sinapupunan pa lamang ng aking ina, ako po ay ipinaglihi sa siopao. At kung ako po ay makakalbo, makikita niyo po ang markang pula sa aking ulo na nakikita sa pangkaraniwang siopao HAHA. Iilan lamang po sa aking mga kaibigan ang nakakaalam noon.
Sa larawang ito, ipinagdiriwang ko ang unang taon ko sa mundo. |
Sa larawang ito, kasama ko ang pinakamamahal kong ama. Siya ay si Ricky Dayrit Bigal. Isang guro. Noong ako ay bata pa, kami ay nanirahan sa Sta. Rosa, Alaminos. Dahil doon nagtuturo ang aking ama. Ngunit sa kasamaang-palad, siya ay sumakabilang buhay noong ako ay dalawang taong gulang pa lamang. Samantalang ang aking kapatid na lalaki na si Victor Allen ay sampung buwan gulang pa lamang.
Sa larawang iyan, kasama ko naman ang aking pinaka best na ina. Siya ay si Carmina S. Bigal. Isang malaking dagok ang pagkawala ng aking ama sa aking ina. Naiwan kaming dalawang magkapatid sa kanyang pangangalaga. Ngunit ipinagmamalaki kong ito ako ngayon, nag-aaral. Matatag ang aking ina. Sa mga panahong iyon, naghanap ng trabaho ang aking ina upang kami ay matustusan. Ako at ang aking kapatid ay naiwan sa pangangalaga ng aking Lola Carol.
Sa larawang iyan, kasama ko naman ang aking pinaka best na ina. |
Isa sa pinaka hindi ko makakalimutang pangyayari noong ako ay apat na taong gulang ay noong ako ay nakagat ng aso sa aking kaliwang pisngi. Naglalaro kami noon ng aking mga pinsan ng bola. Hindi sinasadyang natamaan ang aso at sa pagkuha ko ng bola ako ay kinagat niya. Maraming parte ng aking katawan ang tinurukan para kontra-rabis. Sa bata kong isip, tumatak ang pangyayari na naging dahilan ng phobia ko sa aso. Na hanggang sa pagtanda, dadalhin ko ang munting pilat sa aking mukha.
Sa edad na lima, inumpisahan ko ang pinakamagandang pamana sa atin ng ating mga magulang. Ang edukasyon. Nag-aral ako sa isang Daycare Center sa Guadalupe I Brgy II-B. Naging napakabait sa amin ni Ma'am Jollie. Naging masaya at makulay ang bawat araw. Nakakilala ako ng mga bagong kaibigan. Natuto ng mga bagay-bagay. Natutong magsulat ng aking pangalan, gumuhit ng mga hugis, natutong magbilang. Bumasa ng mga kuwento at matuto ng magandang asal. Ngunit sa mga panahong iyon mas nangingibabaw pa rin sa akin ang kagustuhang maglaro ng maglaro.
kapatid kong bunso |
pangalwa kong kapatid |
Sa pagpasok ko sa susunod na yugto ng pag-aaral, ang elementarya, nag-aral ako sa Ambray Elementary School. Sa unang pagtapak ko sa paaralang iyon, wala akong ibang naramdaman kundi saya at excitement. Excitemant na makasalamuha ng mas maraming tao. Naalala ko noon, may ilan akong kaklaseng naiyak dahil ayaw magpaiwan sa kanilang nanay, tatay o lola. Sa akin ay wala iyon. Dahil alam ko namang babalik ang nanay ko. :) Noong ako ay grade 2 , hindi ko rin makakalimutan na napakalikot ko. Sa kwento ng aking ina, pinukpok ko daw ang paso na naging dahilan upang habulin ako ng isang titser. Ako daw ay nagtatakbo at nagtago sa room namin. Isa iyon sa pinakanakakatawang karanasan ko noong ako ay Grade 2. Average student lamang ako, hindi naman ako matalino, pero hindi rin ako bobo. :) Isa ang Grade 3 sa pinakamasayang taon ko sa elementarya. Dahil naging kaclose ko ang adviser naming si Mrs Aguila. Katabi ko siya sa upuan at ipinagkakatiwala niya sa akin ang pagtitinda sa oras ng recess. Masaya ang mga panahong iyon.
communion |
At sa pagtungtong ko naman ng Grade 4, masaya kami ng aking pamilya na nakatanggap ng isang biyaya galing kay Lord. Isinilang ang bunso kong kapatid na si Chaina. Masaya akong maging ate. Alagang-alaga ko siya noon. Balik tayo sa pagiging Grade 4 ko, sa larawang iyan nagaganap ang 1st Communion. Napili pa ako noon na magbasa sa unahan ng simbahan. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Napakamasayahin ng aming gurong tagapayo na si Mrs Ovilla.
Malaki ang naging pagbabago nang naging Grade 5 ako. Natutunan kong nararapat akong kumilos ayon sa aking edad. Haha ! :) At naalala ko, sa baitang na iyan ako nagsimulang magkacrush. Crush na crush ko noon si Raymund. Hindi naman siya kagwapuhan eh. Pero ewan ko ba, mabait kasi siya at matalino. Gusto ko rin naman kasi sa lalaki matalino. Isa iyon sa dahilan ng aking paghanga. Sa mga panahong iyon, iniwan ko na ang lutu-lutuan. Dahil ang hawak ko na eh .... SUKLAY ( haha kahit hindi halata ! )
grade6 |
graduation |
Sa larawang iyan, class picture namin ng mga kaklase ko noong graduation. Masaya at malungkot ng mga araw na iyon. Pero mas nangibabaw ang saya at ... excitement. Na finally, Yes, graduate na ako !
1st year |
Sa pagpasok naman ng 2nd year, marami rin ang nangyari. Sa mga panahong iyan, wala pa akong pakialalam sa mga love love na iyan. Mas pinapahalagahan ko ang "FRIENDSHIP". Napagkamalan pa nga akong tomboy noon! haha. Pero hindi naman po noh ! Hindi po kasi talaga ako palaayos sa sarili ko at inaamin ko iyon. Haha
Sa picture na iyan ginanap ang aming Hawaiian Party ( JS ). |
Eto na .. sa paggawa ko nito, ito ang pinaka inaabangan ko. 4TH YEAR. Dahil sa taong ito maraming nangyari sa akin. Huling taon bilang isang dizonian. June, malungkot ako sa buwang iyan dahil 4 Archimedes pa ako niyan. Hindi ako talaga sanay na malayo sa barkada ko. Mabuti na lang tinulungan ako ng nanay ko na mapa-B. At eto nga, kabilang ako sa BLAKE. Masaya talaga pag napabalik ka sa section na mahal mo. Noong una, ok lang sa aking na hindi noong una ok lang sa akin na hindi makaclose ang mga bago naming kaklase. Pero sa pagtagal naging isa kaming masayang pamilya. Mahal na mahal namin ang aming adviser na si Tatay Wally. Nakasanayan na rin namin na hindi talaga siya palangiti :). Pero napakabait at maalalahanin niya.
Sa section na ito, aaminin kong may minahal ako. Pero huwag na po nating banggitin ang pangalan. Hindi ko kinahihiyang aminin na naging kami kahit pa sa maikling panahon. Naging mahirap na nga lang para sa aming dalawa na magpansinan dahil mayroon na talagang ilangan. Pero hindi ko po siya makakalimutan. Masaya akong pinili naming maging magkaibigan pa rin.
OWWMAIGAAD :) Tropa KO ! |
Sa bus. Fieldtrip :)) |
Sa EK ! |
Sa pagpasok ng December, nakakaramdam na ko ng lungkot dahil alam kong palapit na ng palapit ang katapusan. Haist... masaya ang buwan na iyon dahil nangaroling kami kung saan -saan. para iyon sa christmas party namin. Sama-sama kami dumayo sa kung saan-saan. Pasko na! Huling pasko ko kasama sila :(
VICTORIAN PARTY |
ang buwan na ito dahil may JS.Hehe :P Masaya ang naging JS ko dahil isinayaw NIYA ako ! Pagkatapos ng JS, naghapit na kami sa MAPEH.May project kami, gumawa ng short film. Mahirap iyon para sa akin dahil ako ang naging direktor. Pero mabuti na lang naayos pa rin namin.
JS :) |
Film KO :P |
Sa month ring ito, lumaban nga pala ang isa kong kabarkada sa showtime. At fortunately, nanalo sila at nakapasok! Proud na proud ako sa kanya.
Hayy, March na huling buwan na. Nag-aayos na lang kami ng mga kailangan. Nalulungkot kasi ilang araw na lang hiwa-hiwalay na kami. Bakit hindi pa kasi nakasama sa Kto12! Sa buwan na ito ipaparamdam ko na sa lahat na mahal ko sila. Hinding-hindi ko makakalimutan ang Dizon! Ang paaralng maraming nagawa sa akin. Ang nagpabago sa akin.
Maraming Salamat !! Magsisimula na naman ako ng bagong yugto. Sa mga nagbasa, SALAMAT po! :))
Akala ko, hindi ko kakayanin ang 1500 words. Hayun ka't nalampasan ko pa sa dami kong kwento ! Hahaha
SALAMAT PO ULET ! SAYONARA :))
BLAKIAN FAMILY :) |
Ako at ang KAPATID KO :)) |
Ako at ang BESTFRiEND KO :)) |
LAST NA TO MGA SAGAD ! :P |
ABEH :P |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento