Sabado, Marso 17, 2012

Ang Talambuhay ni Christine A. Evangelista




Ang Talambuhay ni Christine Evangelista


Ang aking larawan
sa kasalukuyan
Ako si Christine Agencia Evangelista. Ipinanganak ako noong Disyembre dalawampu’t lima, taong labing siyamnapu’t lima. Ipinanganak ako ang araw ng pasko at kaarawan din ni Hesus. Masayang-masaya ako dail sakto sa araw ng pasko ang aking kaarawan. Ipinanganak ako sa Barangay San Ignacio San Pablo City, laguna. Ang aking mga magulang ay sina Crisanta Agencia Evangelista at glorioso Muños Evangelista. Pangalawa ako sa aming tatlong magkakapatid. Si Ate Quinnie na panganay, at si Aprilyn ang bunso.
Ako kasama ang aking dalawang
kapatid.
Ipinanganak akong malusog na bata ng aking nanay. Ipinangalan nila sa akin ang panglang Christine dahil kinuha nila ito o hinango nilaito sa salitang Christmas. Samantala “Tin-tin” naman o simpleng “Tine” amg aking palayaw. Dahil magkasunod kaming ipinanganak ng aming nanay hindi na iyon inaasahan ng aking mga magulang. Na dapat dalawa lang kami. Hindi pinalad na magkaroon ng lalaking anak ang aking mga magulang, kaya minsan tinatawag kaming “Tatlong Maria”.
Katamtaman lang aming pamumuhay. Simple lang ang handa kapag may kaarawan kahit sa unag taon o pitong taon. Ganoon pa man, masaya pa rin kami basta sama-sama kami.
Noong bata pa ako, masyado akong iyakin kaya minsan naiinis na sa akin ang aking mga magulang. Habang apat na taon at limang taon ay tinuturuan na ako ng aking nanay na paunti-unting magsulat ng aking pangalan. Kapag sumasapit na ang aking kaarawan lagi akong nagsasabit ng medyas. Noong ako ay bata pa ang laging laman ng medyas ko ay puro kendi, lollipop at chocolate at pagkatapos ay namamasko ako kasama ang aking mga pinsan sa aming mga ninong, ninag, lolo, lola, tiyo, tiya, at sa iba pa naming mga kamag-anak.
Hindi ako nag-aral ng kinder, kaya pagsapit ko nang anim na taon ay pumasok na ako sa Grade Onesa Bernardina Aranza- Devesa Memorial School. Sa unag pasukan umiiyak pa ako kapag ako’y iniiwan ng aking nanay mag-isa sa eskwelahan. Hatid-sundo ako noon. Hindi na ako iniiwan ng aking nanay at lagi niya akong binabantayan dahil umiiyak ako noon kapag umaalis siya. Dinadalhan ako ng binalot kapag tanghalian at iniintay hanggang uwian.
Pagdating ko ng Grade Two, nahirapan ako sa subject na mathematics kaya nagkaroon ako ng line of seven sa card. Kahit na nahihirapan ay kinakaya ko parin. Pagdating ng Grade 3 nahirapan naman ako sa pagkakabit-kabit ng pangalan. Iniisip ko noon kung paano pagkakabit-kabitin ang aking pangalan. Salamat naman at natuto akong magkabit-kabit. Sa Grade Four, seryoso na sa pag-aaral. Pero tuloy pa rin ako asa paglalaro. Takbo kung saan-saan kalaro ang mga lalaki kahit na nadadapa at nasusugatan ang tuhod. Hindi ako nakaligtas sa aking mga kaklaseng magagaslaw at masasalaw. Inaasar nila ako at ang iba pa ko pang mga kaklaseng babae. Mga lalaki ang pinakamahilig mang-asar at manng-away. Nasabitan ako noong Grade Four ng Most Conduct sa aming Recognition Day. Pagdating ng Grade Five, inihalal nila akonhg bilang kalihim ng klase, dahil lagi akong nagsusulat sa aming pisara. Tagasulat lista din ako ng mga maiingay sa loob ng klase, kaya tinatakot ako ng mga kaklase kong lalaki na huwag na silang ilista. Inilalaban din ako sa noo sa ibang eskwelahan sa mga Math Quiz Bee at sa iba pang mga subject. Nasabitan akong third honor noog Grade Five. At sa Grade Six, secretary pa rin ako. Simula Grade One hanggang Grade Six section A ako. Inilalaban parin ako sa ibang paaralan kasama ang aking mga kakalase. Nandoon pa rin ang kulitan, asaran, at aawayan sa aming kaklase kaya lagi kaming napapagalitan.
Sa aming pagtatapos sa elementarya, haling saya at lungkot ang aking naramdaman. Mami-miss ko ang aking mga kaklase kahit nagkakaaway kami dahil anim na taon din kaming nagsama-sama. Baon ko sa ming pagtatapos ang aking natutunan at lalung-lalo na ang naranasan ko sa loob ng anim na taon. Hindi nawawala lahat ng iyon sa aking puso at isipan. Sa aking mga guro at mga kakalase, masaya ako na nakilala sila at lubos din akong nagpapasalamat sa kanilang mga naitulong sa akin. Paalam na sa buhay elementarya.

Ako kasama ang
aking mga kaibigan
Pagdating ng bakasyon, kabado ako noong pasukan. Hindi ko alam ang aking iisipin. Mga bagong kaklase, eskwelahan at mga magiging guro. Ganun pa man excited namn akong bumili ng mga gamit sa eskwelahan. Sa araw ng pasukan, kasama ko ang aking nanay sa pag-eenrol. Kabadong-kabado ako noon. Hinahanap naming ang aking silid-aralan. Pagpasok ko sa loob, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Nakipagkilala at nakipagkaibigan ako sa kanila.Maraming first time na nangyari. First time na crush, first time na gayahan ng assignments, at mga quizzes. Sa labanan ng Ibong Adarna, marami ring nangyari naging masayang alaala. Bilang freshmen sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School na-enjoy at naging masaya ako sa mga naging karanasan ko .
Ako kasama ang mga malalapit
na tao sa buhay ko
Pagdating ng second year, masaya parin. Sanay na sa eskwelahan, sa mga kaklase, at guro. Medyo humirap na ang mga lesson at subject. Marami na akong mga kaibigan at kakilala. Sina Fredilyn, Justine, Aimee, at Zaira. Mga naging kadamay ko sa hirap at ginhawa. Hindi pa rin nawawala ang tuksuhan sa mga crush, asaran at tawanan. Laban naman sa Florante at Laura ang aming inensayo at masayang ipinagmamalaki ko na naging first kami noon. Marami pa rin akong alalalang nabuo at natutunan bilang sophomore o second year student.

Ang mga 3-A
 Batch 2010-2011
Ako kasama sina Fredilyn at Justine
Makalipas ang ilang buwan ay tinahak ko naman ang pagiging Junior o ang buhay bilang third year student. Maraming karanasan ang nagpaligaya sa akin ng taong ito. Nadagdagan ang aking mga kaibigan. Bagama’t naging mahirap man ang mga aralin at mga lessons lalo na sa Math ay na bawasan naman ito kahit konti dahil alam naman ng bawat mag-aaral ng hayskul na nagkakaroon ng kopyahan o tulungan sa mga sagot. At masasabi ko na nariyan ang aking mga kaibigan upang ako ay tulungan.
Ako kasama ang aking
mga kaklase
Ang first dance ko
noong J.S.
Bilang third year, nakilahok ako sa Junior Senior Promenade o mas kilala sa mas simpleng katawagan na “J.S”. Ito ay nilalahukan ng estudyante mula sa ikatatlo at ikaapat na antas. Ang nasabing Promenade ay may temang “Hawaiian Party”. Ginanap ito noong buwan ng Pebrero taong 2011. Napagdesisyunan kong makilahok dahil abot kaya naman ang mga babayaran at ang damit na nararapat sa okasyon. Nang gabing iyon ay kasama ko ang aking mga kakalase at mga kaibigan at ang lahat ay naging maayos at naging masaya. At masasabi ko na isa ito sa mga pinakamasayang sandali ng aking buhay.  
Ng mga buwan ding ito ay naranasan ang magkasakit ng sobrang tagal. Halos dalawang buwan akong liban sa klase. At dahil dito ay lubhang bumaba ang aking mga marka. Sobra akong nalungkot sa pagkakasakit ko at talagang na-miss ko ang aking mga kakalase. At ito nga ang naging dahilan ng pagbaba ng aking seksyon.
Ako kasama ang mga Blakian.
Buwan ng Hunyo, araw ng pasukan. Pinipigilan ako ng aking sarili na pumasok dail alam ko na malulungkot ako dahil iba na ang aking seksyon. At sa totoo ay alam ko nang mapapalayo ako sa aking mga kaibigan. Alam ko na ito ay simula na naman ng panibagong pakikipag-kaibigan at pakikipagkilala sa aking mga kaklase. Sa una, inakala ko na magiging mahirap ito para sa akin ngunit hindi pala. Akala ko noong una ay mga suplada sila ngunit hindi pala dahil sa totoo lang ay mas totoo sila. Sila ang tipo ng mga estudyanteng  hindi mahirap pakisamahan at masayang kasama.  Nagkaroon pa ako ng mas maraming kaibigan. Hindi pa rin maalis talaga ang kulitan, asaran at tampuhan. Ganun pa man masaya akong kasama sila. At masaya akong sasabihin na “I’m proud to be a Blakian!”
Larawan noong J.S. 2011-2012
Nakilahok din ako sa J.S. ngayong fourth year. Victorian Party ang napiling tema ngayong taon. Kasama ko ang aking mga kaklase na nakilahok din sa nasabing kasiyahan. Ginanap ito noong ika-14 ng Pebrero at kasabay ng pagdidiwang ng mga Araw ng mga Puso o Valentine’s Day.  Kahit na napuyat kami ay sulit naman dahil naging masaya naman ito at nakapag-iwan sa akin ng masayang alaala.
Pagkalipas ng isang buwan ay ginanap naman ang National Achievement Test na inilaan para sa mga mag-aaral na fourth year sa buong bansa. Katulad ng dati, ibang teacher ang magiging proctor. Ayon sa aking pagkakaalam, ang mga guro sa private school ay mag-poproctor sa public school samantalang ang mga teacher naman na mula sa public school ay proctor sa public school. Para sa akin, mas naging mahirap ang National Achievement Test noong second year kaysa ngayong fourth year.
Buwan na ngayon ng Marso at nalalapit na ang aming pagtatapos. Naging masaya akong kapiling ang aking mga kaibigan, mga kaklase at ang aking mga naging guro. Masaya ako sa mga karanasan, alaala at samahang nabuo sa loob ng Dizon High. Hinding-hindi ko malilimutan ang lahat ng mga iyon. Alam ko na hindi ko ito makakamit kung wala sila kaya lubos akong nagpapasalamat sa kanila.
Sa aming pamilya naman, hindi maiiwasan ang mga away sa loob ng bahay. Away sa aking mga kapatid. Ang aking nanay ay housewife, at  ang aking tatay naman ay isang laborer. Pero kahit ganoonpa man ay masaya ako sa aming simplemg pamumuhay.
Kagaya ng ibang pamilya, meron in kaming tampuhang nararanasan. Mga isyung hindi maiiwasan. Pero kahit na  may mga problema  kaming nararanasan matatag pa rin kaming nagsasama-sama. Ngyon ay nangungupahan kami at nagpapagawa ng pa ng bagong bahay. Sana kasabay noon may bago ring mangyayari at mararanasan kami sa aming buhay. Masayng-masay ako kasama ang aking pamilya.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento