![]() |
ANG AKING KUHANG LARAWAN |
Ako si Sherwin Salvador Sagaysay,labing-anim na taong gulang,Isinilang noong ika-14 ng Hunyo,taong 1995,Lungsod ng San Pablo,Lalawigan ng Laguna.Ang aking magulang ay sina Augusto B.Sagaysay at Rosalie S.Sagaysay ,Ako ang kanilang unang supling matapos sila nagisa-dibdib noong ika-25 ng Taong 1994.Ako ay ganap na naging katoliko sa pamamagitan ng sakramento ng binyag na naganp noong ika-27 ng Agosto,taong 1995 sa Nuestra Senora delos Remedios sa Brgy.Del Remedio, sa lungsod pa din ng San Pablo.Lumaki ako sa aking mga lolo't lola na sina Bonifacio Q..Sagaysay at Violeta B.Sagaysay sila ay magulang ng aking ama,Ako ang kanilang unang apo kaya binibigay nila ang mga pangangailangan ko na nagbibigay sa akin ng kasiyahan ,itinuro nila sa aking tamang paguugali at mga gawaing bahay na para na rin sa aking sarili.
Sa pagsapit ng anim na taong gulang pinapasaya ng aking Lolo't lola na ibalik na ako sa aking magulang para smakasama ko sila,at ang aking mga kapatid na sina Richard Sagaysay at Rose Ann Sagaysay. Simple lang ang pamumuhay ng aming pamilya, kami ay masaya at nagmamahal sa bawat isa,at buo ,naninirahan kami sa kasalukuyan sa Brgy. Bagong Pook,Spc.
Sa pagsapit ng anim na taong gulang pinapasaya ng aking Lolo't lola na ibalik na ako sa aking magulang para smakasama ko sila,at ang aking mga kapatid na sina Richard Sagaysay at Rose Ann Sagaysay. Simple lang ang pamumuhay ng aming pamilya, kami ay masaya at nagmamahal sa bawat isa,at buo ,naninirahan kami sa kasalukuyan sa Brgy. Bagong Pook,Spc.
![]() |
AKO AT ANG AKING AMA |
Sa pagtatapos ko ng elementarya,kami ng aking mga kamag-aaral at magkakaibigan na kumuha ng pagsusulit sa ibat-ibang paaralan para sa baka sakaling makakuha sa scholarship, Sa pagkuha ko ng pagsusulit sa Canossa College ay nakakakuha ng mataas ng persiyento sa pagsusulit kaya naman nagtungo sila sa aming bahay para malaman ang aming pamumuhay o (background check),para sa pagtanggap ko ng scholarship kung papalarin ako na mapili.ngunit sa kasamaang palad hindi nila ako napili dahil may mas nangangailangan pa ng scholarship nila , natanggap ko naman yon, at kinasaya ko na mas naibigay ito sa mga nangangailangan pa sa akin dahil sa pangyayaring ito pinagpasyahan ng magulang ko na pag-aralin ako ng sekondarya sa Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School o mas kilala noon na Annex5.
Sa pagsisimula ko ng hayskul nangibabaw sa akin ang pananabik,kaba at takot, na sa paglipas naman ng mga araw ay napalit ng kasiyahan . Sa pagsisimula ko sa hayskul ang aking seksyon ay I-D, ANG Ika-apat ng seksyon ng unang antas, ang aking unang tagapayo ay si Gng.Nayla Pasco ngunit sa mga kadahilan ay .nagbago at naging si Gng.tolentino na napapalit naman ni Bb.Miranda na sa wakas ay ang muli na.Ang mga pangyayari ito ay hindi naman nakaapekto sa amin,marami kaming natutunan, noong mga panahon yong ay ang guro namin sa Filipino ay si Gng.R.Ilagan na coordinator ng Filipino na mapakahusay.Ang aming seksyon ay lubhang masaya kahit minsan ay magulo kaya ang mga guro ay pumupunta sa aming silid-aralan at palaging napapagalit ng aming tagapayo.Malaking adjustment ang ginawa ko sa unang taon ko sa hayskul ngunit kahit gaano ay hindi naman ako lubos na mahirap.Sa unang taon ko sa Dizon high naranasan ko ang mabilad sa init ng araw para sa pagsasagawa ng sayaw sa intramurals ng paaralan , sayaw naitinuturo ng mahusay na guro ng MAPEH na si G.Edgardo Victorio na sasabi ko naman na matagumpay dahil sa pagsusumikap sa pagbuo ng isang sayaw, Ito rin ang unang taon na naranasan ko ang pagpapapirma ng clearance kung saan gawa kami ng mga course requirement na hindi madaling gawain.Sa unang antas din ay madami ako naming bago kaibigan. tulad nina Merilyn Salipot pagtatapos ng unang antas,syempre nandyan naman ng ikalawang antas kung saan ang aking seksyon ay 2-d ang aking tagapayo ay si Gng.C.Dioso.
Sa taong ito ay sinikap na mapataas ang aking marka,at masasabi ko naman na hindi ako mabigo dahil simula unang markahan hanggang huling markahan ay kabilang ako sa top10 ng aming klase, lubos ang aking pasasalamat dahil nagbunga ang aking pagod at pinaghirapan.
Sa taon ding ito ay nagkakaroon naman ako ng responsidad sa aming klase kung saan ako ang auditor at attendance monitor, Sa muling namang pagkakataon si Gng.Nayla Pasco ay naging guro ko sa edukasyon sa pagpapahalaga (values education), sa pagkakataon ito ako naging assitant niya sa aming klase na tumulong sa kanyang sa loob. Dito sa ikalawang antas namin isinasagawa ang pagsasadula ng Florante at Laura Kung ay hind ko makakalimutan dahil sa sarili ko bahay sinagawa ang pagsasanay ng dula,.nasasabi ko din na hindi ko makakalimutan ang pangyayaring ito. nakasasaya ng aming seksyon at may pakakaisa sa magkamit ng tagumpay na inaasam. Sa muling pagkakataon din ay nakatagpo ako ng kaibigan at sila ay sina Mary Joy Laparan, Mariel Palma,Kier Guno at Lea Ramos.
![]() |
Sa ikatlong antas ang aking
seksyon ay tumaas mula seksyon D ay naging C, kaya ako ay 3-C,Sa una naninibago
naman kasi halos bago na naman ang mga maging kaklase ,at parang ang hirap ding
makibagay ngunit kinalaunan ay maging maayos naman.Ang aming tagapayo ay si
Gng.Lyn L.Joaquin siya ay napagbuting guro,supportive siya,masipag,maunawain,at
itinuring namin siya pangalawang ina.kailanman ay hindi namin siya binigay ng
sakit ng ulo dahil mababait ang napabilang sa aming seksyon kahit may ilang
magulo sa amin,pinilit nila at aming lahat ang maging maayos. Muli sa taong ito ay sinikap ko na mapataas ang aking mga marka,kahit noong unang markahan ay hindi pinalad na mapasama sa top10 ay sinikap ko naman sa sumunod na top10,kung saan ako ay nagrank#5 sa aming klase.Sa muli pagkakataon ay nadagdag naman ang aking mga kaibigan at sila ay sina Jhuncel Deriquito,Vanessa Arielle Dominique Lim,Jerico Doce,at Alice Luistro,kung saan tinawag pa ang aming tropa na " shalandi family" na kahit sa anumang projects at group works ay hindi naiiwanan. Sa taong nagaganap naganap ang pagbubukas ng SM sa ating lungsod,sa pagbubukas ng mall na ito ang Dizon high at iba pang paaralan ay inimbitahan na magperform king saan si G.Victorio ay Itinuro sa amin isang interpretation dance para sa Mall jungle na matagumpay naman namin isigawa noong ika-3 ng oktubre,taong 2010. Sa pagbukas ng SM San Pablo sunod sunod ang mga event na ginanap dito isa nang ito ang Coco star, Kung saan isa sa aking mga kamag-aaral ang kabila sa mga candidates siya ay si Gladys Sulibit , malaki ang suporta na ibinigay ng aming seksyondahil proud na proud kami sa kanya at syempre hindi natatapos ang ikatlo antas kung wala ng ang ikatlo antas kung wala angJS PROM ,ginanap ang aming prom noong ika-12 ng Pebrero taong 2011 sa san Pablo Central gym,may theme ito na "Hawaiian Party", napasaya ng araw na ito sa aming lahat , para sa akin ay saya dahil naisayaw ko ay babaeng gusto ko isayaw at naggawa ienjoy ang gabi iyon kasama aking mga kamag-aaral. ![]() ![]() Sa muling taon ko sa hayskul ng aking naging seksyon ay 4-blake ang aking tagapayo ay si Mr.Romualdo H.Vasquez na aming guro sa Physics ,siya ay isang mabait,matalino,masipag,mauunawain na adviserat itinuturing namin siya bilang isang pangalawang ama, na palagi kami pinanalahan sa mga tama at mga maling bagay . Bukod sa ang aking mga guro sa naging guro ay sina Mr.Malfori guro sa mapeh,Mrs.putungan guro sa math, Mr.delvalle ang aking guro sa edukasyon sa pagpapahalaga(values education) at building head ng 4th year,Mrs.Banzuela guro sa english at coordinator ng englsh department,Mrs.Deocampo guro sa tle, na nagturo sa amin sa pagbabakre ng mga cookie at cakes,Mr.Marcial Villanueva guro sa filipino at masipag na chief adviser ng 4th year, at syempre ang aking guro sa araling panlipunan(economics) |
![]() |
Mr.Elmer C.Escala |
si Mr. Elmer Caimo Escala,siya ang tinuring ko ay ang aking mentor dahil sa paghubog niya sa aking kakayahan. dami ako natutunan mula sa kanya,napaunlad ko ang aking sarili ,nagtutunan ang iba't ibang bagay sa lahat ng aspeto at malaki ang pasasalamat ko dahil natuto ako ng mga bagay na nakadagdag sa aking kaalaman kaya nga ako ang kanyang "protege".ang aking mga guro sa ika-4 na antas ang naging io ang nspirasyon ko upang sa college ay tahakin ko ang propesyon ng paging guro,dahil nakita ko ang kanilang pamamaraan ng pagtuturo at dahil din sa kanilang kakayahan.
Sa huling taon sa high school nasasabi ko na naging masaya ako dahil hindi ako nahirapan sa pakikisama at pakikipagkapwa tao,sa katayuan ako sa nagpapasaya sa aking mga klase kasama na rin si alvince.Sa kadahilang kami ay 12 lamang sa aming klase na mga lalaki malalapit kami sa isa't isa Sila ay sina ian paul, jk,benedick,jordan,alvince,ron,christopher,joseph at syempre ang aking bestfriend na si roger.
![]() |
ANG AKING MATATALIK NA KAIBIGAN |
![]() |
ANG 12 LALAKI NG 4BLAKE( ng aming section) |
Sa muling taon ko sa
Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School, nagkaroon ng mga pagbabago sa
aming paaralan ,sa ilang taon na paging punong guro ni Mrs.Evelyn C.Malabag ay
napromote bilang supervisor ng TLE.kung kaya siya ay pinalit ng bagong punong
guro na walang iba kung hindi sa maganda,masigasig at masipag na punong guro si
Mrs.Cristeta S.Uy.
Nagsagawa siya ng mga pagbabago sa paaralan tulad ng pagsasama ng mga guro may makirehas na asignatura sa isang faculty kasama ang kaniola mga kanya kanya coordinator, at pagkakaroon ng mga bagong patakaraan. para sa ikakaunlad ng paaralan, sa masasabi ko naman na nagpatagumpay niya,sa katayuan ay sa unang school na kanya pagdating ay nabawasan abg mga dropout ng aming paaralan na dahil din sa pagsisipag at pagsisikap ng mga adviser at ng kanilang chief advisers.Masaya kung iiwan ang Dizon high at ikakarangalan na ito ako na dito ako nag-aral at na dito ko binuo ang aking mga pangarap. |
![]() |
BLAKE WITH THE PRINCIPAL MRS.UY |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento