Biyernes, Marso 9, 2012

            Ang Talambuhay Ni Pauline Shane Concepcion

Ako ay sanggol pa lamang.
        Ako si Pauline Shane Uri Concepcion. Nakatira ako sa Mabini Ext. San Pablo City. Ako ay ipinanganak noong Agosto 29, 1995 sa kasalukuyan ako ay labing anim na taong gulang na. Ipinganak ako dito sa Lungsod ng San Pablo. Ang aking ama ay si Augosto Concepcion at ang aking ina ay si Emma Uri. Ako ay may isang kapatid siya ay panganay sa akin. Siya ay si Paulo Concepcion na sa kasalukuyan ay nasa unang lebel sa kolehiyo. Ako naman ay nasa ika-apat na lebel na sa sekondarya.Hindi ko matatawag na buo ang aking pamilya dahil simula pagkabata ay hindi ko pa nakikilala ang aking ama. Ngunit hindi iyon naging hadlang upang ako ay maging mabuting anak sa aking ina. Kahit na hindi kami kumpleto mayroon kaming masayang pamilya. Ako simpleng babae lang, may dimple, hindi naman masyadong katangusan ang ilong,at kayumanggi ang balat. Mayroon din akong salamin dahil namana ko sa  tatay ko ang pagiging nearsighted. Pero kahit na ganyan proud ako kung sino ako. Mahilig din ako sa kulay violet at favorite ko ang mga pasta.

Ako at ang aking ina.

I.D. ko nung kinder :)
             Nang ako ay magsimula ng mag-aral ako ay pumasok sa kindergarten sa paaralan sa P. Alcantara. Ang pangalan ng aking guro ay si Mrs. Sandra Bondad. Katulad ng mga natural na bata wala pa masyado sa isip ko ang pag-aaral mas gusto ko mag-laro hehe. Sa kindergarten ako unang natutong makisalamuha sa iba’t-ibang uri ng tao. Mayroon akong nakakasundo,mayroon din naman hindi masyado. Dito syempre ako unang natutong magsulat,magbilang at magbasa. May pangyayari na hindi ko makakalimutan nung kinder ako. May isa akong kaklase na tinusok ako ng ballpen dahil nahawakan ko yung pencil case niya haha bata nga naman. Napili rin ako noon ng titser ko na lumaban sa tula, sa bawat araw na pagsasaulo ko nung tula naiisip ko na hindi ko kaya kasi madaming tao ang manonood kaya ayun umayaw ako sa bandang huli ako din ang nanghinayang hehe. Nagkaroon di kami ng fieldtrip noon. Wow first time syempre excited ako, ang aga gumising, tulong sa nanay ko sa paglalagay nung mga pagkain at magmamadaling niyaya ang nanay ko na magpunta sa kitaan ng bus. Ang natatandaan ko lang na pinuntahan naming noon ay Manila Zoo at Enchanted Kingdom. Sa Manila Zoo  aliw na aliw kami sa mga hayop na nakikita namin. Nagkachance pa kme magpapicture sa may giraffe habang nakain siya pero hanggang ngayon hindi pa rin napapadevelop yung picture haha.  Sa Enchanted Kingdom naman isa lang ang rides na pwede naming sakyan yung  mga kabayong umiikot (haha syempre bata pa yun pa tawag namin ).Dahil nga isang rides lang ang pwedeng sakyan wala kaming ginawa kundi mag-ikot at magpicture na lang na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapadevelop ang picture haha. Natatandaan ko nagkaroon din kami ng program noon sa plaza sponsored by McDonalds. Libre ang food tapos ang dami din nilang pinamigay na laruan tuwang-tuwa naman kaming mga bata. Dumating din ang araw na kailangan ko na magpaalam sa kinder pati na din sa aking mga naging kaibigan dito na naging parte ng aking pagkatao at naging bahagi ng aking pagkabata.

Nung ako ay magtatapos ng elementarya.
            Pumasok ako ng elementarya sa paaralan ng San Pablo Central School. Grade 1, wow bagong eskwelahan,bagong mga tao, bagong pakikisama. Masaya ang simula ng pagpasok ko naging kaklase ko yung kapitbahay namin na crush ko ( haha oo, grade 1 pa lang may crush na agad ako haha.Kahiya man pong aminin :D ). Naging madali naman sa akin ang makisama sa mga bagong kaklase nagkaroon pa nga ako ng bestfriend eh Joanne Aizel Almeda ang pangalan niya. Puro pa ko kakulitan at kalokohan noon. Dahil bata pa ako syempre mahilig ako maglaro nagdadala kami ni Aizel ng clay at Barbie haha mayroon kasing ilalim yung mesa naming na lagayan ng mga gamit yun dun kame naglalaro. Isang beses inatake ako ng kamalditahan ko yun pencil ng kaklase ko nilubog ko sa isang buong paste at ipinatong sa test paper niya pero nagsorry naman ako sa ginawa ko at napatawd niya ko ( naks hindi na ko naguguilty haha ) . Grade 2, diyan sa grade na yan ako 1st  time napalo sa palad dahil maingay ako. Grabe hindi ko makalimutan yun kasi ang sakit talaga. Wala naman masyadong happenings nung grade 2 ako eh. Grade 3 yan may naranasan din akong 1st dito haha . 1st time kong makabasag ng bintana,nagpupunas kasi ako nun ng bintana eh hindi ko siya maabot yun nabasag pero buti na lang hindi ako napagalitan ng titser ko. Dito din ako 1st time nakaranas na maging cleaner bigla dahil nakalista ka sa NOISY haha.  Grade 4 ako wala masyadong nangyari. Nagkaroon kami ng pagluluto ang pinili naming gawin yug favorite ko MACARONI SALAD kaya enjoy na enjoy ako. Grade 5, natuto akong mag-gawa ng mosaic. Dito ko din nakilala si Fatima Bongon ang talagang naging tunay na kaibigan sa akin. Natatandaan ko noon valentines pinag-ribbon kami na red ng titser ko at hindi lang ribbon lahat kami may clip na HEART SHAPE sa may dibdib haha,anong say niyo ! haha. Tuwing hapon din noon ay pinapayagan kami maglaro ng titser ko dun sa labas ng room tuwan-tuwa tuloy kami.Grade 6, dito ko nafeel yung kasiyahan ng elementarya. Dito bawat araw ko masaya, parang wala akong naging problema sa grade na ito. Yung feeling na bawat araw parang ayaw niyo na matapos. Naging masaya din ako dito dahil sa mga crush ko haha oo “mga” dalawa sila eh haha. Dito din yung pinaka unforgettable na field demo naka-malong ba naman kami tapos may parang korona at mga kulay gold sa daliri kahiya ng sobra eh.Naging “ Model Pupil ” pa ako noon diba ang bait ko haha. Ay! Mayroon pa akong naalala periodical test namin noon eh nautusan ako nung titser ko na ako na ang bumili sa canteen ng mga pagkain ng mga kaklase ko gaun kasi sa amin oorder na lang kasi bawal lumabas eh ang oorderin noon ay TURON alam niyo naman siguro yun eh yun tindera dun sa canteen namin pinakiusapan akong magbalat nun saging edi di agad ako nakakuha ng test tapos pagbalik ko tinanong ako ng titser ko edi sinabi ko yung dahilan kinausap yung tinder sa canteen ang sinabi naman nung tinder ngakusa daw ako hay nako! Tuwing naaalala ko yan ngayon natatawa na lang ako hehe. Basta naging sobrang masaya ako sa grade na ito at hinding-hindi ko ito makakalimutan. Dumating yung araw ng pagtatapos ko pigil na pigil ko yung pag-iyak kasi kasama ko nanay ko eh nahihiya akong makita niyang naiyak ako.


Nung kami ay nagfieldtrip sa Intramuros.
kinuhanan ito ng gabi ng kami ay aatend ng JS ng  kapatid ko.

Litrato ng ako ay 3rd year :)
Ang 4BLAKE :))
             Highschool na! Dito ko narealize na wala pa lang pala yung nafeel kong kasiyahan sa elementary J as in walang wala. Pumasok ako sa paaralan ng Col. Laruro D. Dizon Memorial National High School.First day ng highschool life ko as usual kabado dahil bagong school na naman at higit sa lahat mga bagong kaklase at kaibigan. Sa mga kaklase ko ng elementary isa lang naging kaklase ko ulet sa highschool hanggang ngayon magkabarkada kami.Wait magkwento muna ako first year ko.Nung freshmen pa ako masaya naman section B ako. Lagi kaming maingay haha. Naexperience ko pa nga na galit na galit sa amin yung isang titser namin as in galit talaga kung anu-anong words nasabi niya sa amin haha. Tapos sumali kami sa play “Ibong Adarna” kung anu-ano nangyari sa amin sa practice pa lang dahil sobra yung nagtuturo sa amin.Grabe pinaluhod kami dun sa may labas ng klasrum tapos lagi kami nasasabihan ng bad words pero worth it naman lahat dahil nanalo kme 2nd ata. Tapos ang dami pang bloopers ng play namin yung isa kong klasmeyt nakaupo dun sa floor sa backstage eh nakabukaka haha kita ata nun mga nanonood tapos dun sa sound nung pagtakbo ng kabayo patay na yung kabayo natakbo pa rin haha tawa sila eh.Wala naman masyado akong naging memories dito eh. Sa 2nd year ko ng highschool may mga napahiwalay sa amin pero B pa rin ako. Dito sa taon na ito nabuo ang tropa ko.PAICHALEYCLAMEIA FT. JEHAN yan ang pangalan namin ang ibig sabihin niyan ay PAuline,Ivy,CHArlene,ashLEY,CLArissa,MhEiy,amIA tapos JExanne at HANnah kaya naging ganyan ang pangalan.Meron ako naging favorite na titser dito si Mam Delmina Baylon at Mam Janice Nuevo pero Mam Laloon na siya ngayon. Nakakatuwa kasi magturo si Mam Baylon tuwing time niya kasi mga antok kami kasi tanghali yun ang lagi niyang ginagawa may patpat siya tapos pinupukpok niya ayun nagigising tuloy mga diwa namin haha. Kay Mam Laloon naman takot kami pero gustong-gusto namin siya kasi ang galing niya talaga magturo tapos tuwing time niya na tahimik na agad kami haha.Madaming nakakatuwang nangyari sa amin nung 2nd year sa “Florante At  Laura” naming.May mga nagmonologue puro kabarkada ko pa haha. Tapos talo din kami eh haha. Sa 3rd year ko B pa rin ako, dito kami puro kalokohan haha. May nauso nun eh yung mabaho na pinuputok as in mabaho.Nagpaputok kami nun para walang klase haha ( haha bad noh ?) kaso walang effect kay titser haha luge kami eh. Tapos tuwing hapon lagi kami mga nakatambay sa oval. Nagkaroon din ako dito ng isa pang tropa F’Family naman ang pangalan, tuwing hapon sila ang mga kasama ko. Hindi ko makakalimutan dito si ‘Jexanne Angelie Ostonal’ kasi  sa year na ito siya talaga ang pinaka naging bestfriend ko kaya nung nagkuhanan kami ng card napaiyak ako kasi nalaman kong hindi na kami kami magkaklase A na kasi siya. Iba talaga yung naging bonding namin yung tipong barahan pero walang inisan tapos lagi kami yung magkasama. First time ko din magJS dito hawaiian yung theme ng JS namin enjoy naman ako haha. Madami akong masayang alaala sa pagiging junior na hinding-hindi ko makakalimutan lalong lalo na yung mga tao. Senior na ako ! J masayang-malungkot dahil  masaya malapit na akong makapagtapos ng highschool at malungkot dahil malapit na din akong mapahiwalay sa kanila. Sa simula ng senior ko maunti na lang kaming mga B talaga halo-halo na galing sa iba’t-ibang section. Ang natira lang sa boys namin  2 pareho pang may sinat HAHA. Kasi naman ih naging napakapasaway nila yan tuloy. Kahit na ganun yung mga yun namimiss ko yung kakulitan nila lalo na si ‘Christian Paulo Hernandez‘( siya yung lalaking wala ng ginawa kundi kulitin ako simula pa nung 1st year kami ) nakakamiss din pala yung kakulitan nun. Tapos si Jexanne magkatabi kami ng room kaya lagi pa rin kaming nagkakausap iba na nga lang hindi na katuad ng dati. Yung bago ko naman kaklase ayos naman.Sa iba hindi nga lang ako masyadong close pero ok naman ang pakikitungo namin sa bawat isa. Yung mga mga bago kong kaklaseng lalaki lahat sila mababait kaya kasundo namin sila.Dito nabuo yung  tinatawag na ‘OwwMaiGaad’ tropa ko ulet hehe. Kadalasan kami yung pinaka maingay at magulo sa room. Masaya kami kasi nafeel namin yung tunay na pagkakaibgan sa isa’t-isa. Kahit na may mga taong ayaw sa amin at hindi kami maintindihan masaya pa din kami. Nagkaroon na nga pala ng pangalan ang bawat section Blake ang section namin. Nagkaroon din kami ng fieldtrip. Yung EK at Tagaytay ang pinaka masaya. Sa EK hindi namin makalimutan nun sumakay kami sa mga rides lalo na sa Rio Grande at Space Shuttle pero di ako sumakay sa Space Shuttle natakot kasi ako haha. Ang saya din ng JS namin ngayon Victorian ang theme halos lahat ng naging crush ko simula 1st year sinayaw ako haha ang saya talaga ! Nitong year na din to na  wala yatang kasawaan sa concert haha pero masaya kasi laging magkakasama kaming mga Blake. Tinatawag nga pala kaming ‘ BLAKIAN ‘ oh di ba say niyo haha.Ngayon konti na lang yung araw na magkakasama-sama kami sinusulit na namin.MARAMING SALAMAT BLAKIAN! Mamimiss ko kayo! Hinding-hindi ko kayo makakalimutan J.
Ako at si Jexanne nang kami ay magfiedtrip.


Sila ang OMG :))


Nung school concert .
             




















Thank you Paichaleyclameia Ft. Jehan, F’Family at syempre ang OMG ! I love you guys J. Thank you sa lahat ng naging titser ko.










SHANE PO iTO :)
LOVE PO KAYO NiTO !



talambuhay ni jordan Villareal

ANG TALAMBUHAY KO
                                                                (Jordan M. Villareal) 
Ako po si Jordan Villareal, Nakatira sa Brgy.San Joaquin San Pablo City. Pinanganak ako sa Brgy. San Joaquin noong January. 25,1994. Ako ay labing-walong taon gulang na ngayon. Ako po ay may apat na kapatid, ako po ang panganay sa aming mag kakapatid. Ang aking mga magulang ay sina Junner Villareal at Marissa Villareal. Ang paangalan ng aking mga kapatid ay sina Josadin Villareal,Gener Villareal,Jillian Villareal,at Jean Marie Villareal. Ang taon ng aking kapatid na sumunod sa akin ay labing limang na taong gulang, ang sumunod ay labing tatlong taung gulang ang sumunod sa pang tatlo ay labing isang taung gulang at ang bonso ay siyam na taung gulang. Ang aming relihiyon ay Iglesia ni Chisto. Kaya kame ay nagging iglesia ni Cristo dahil ang tatay ko ay iglesia. Ang apilido ng tatay ko nung binata pa siya ay Llanes Villareal. Ang nanay ko naman ay Samsaman Miranda.
 Ang tatay ko ay pang tatlo sa kanilang magkakapatid. Ang nanay ko naman ay pang dalwa sa panganay. Ang tatay at nanay ng tatay ko ay patay na at ang nanay at tatay ng nanay ko ay buhay pa. Nang maospital ang lolo ko sa nanay ko ay ako ang nagbabantay sa kanya kahit nakakailang pasok na ang lolo ko sa ospital ay nakakarekober parin siya. Ang trabaho ng tatay ko ay isang life guard lang. Ang nanay ko ay walang trabaho nasa bahay lang siya inaabyad lang niya ang aking dalwang kapatid na napasok ng elementary. Ang padalwa sa dunso ay grade 5at ang bunso naman ay grade 3. Ang dalwa ko pang kapatid ay napasok din sa Col. Lauro D. Dizon MNHS. Ang pangtatlo kong kapatid ay 1st yr. sa Dizon High at ang pangdalwa ko namang kapatid ay 2nd yr. sa Dizon High. Tatlo bali kameng nag–aaral sa Dizon High.   
Nag-aral ako ng kinder hanggang makapagtapos ng Grade VI sa Brgy. San Joaquin Elem. School. Nung Grade 4 ako ay namasukan ako o nagtrabaho sa isang guro sa San Joaquin bilang taga hakot ng gamit. At tuwing sabado’t lingo ay napunta ako sa kanilang bahay para sa paglilinis ng bahay o nag wawalis sa harapan. At nang ako ay nagtapos ng Grade VI ay ipinagpatuloy ko ang aking pamamasukan para kahit papano ay nakakatulong ako sa aking mga magulang, nag alaga din ako ng bata para sa halip na naglalaro ako ay nag aalaga nalang ng isang batang lalaki. Pero kahit ganun ako ay Masaya dahil nakakatulong ako sa mga magulang ko kahit maliit lang. Nakapagtapos ako ng elementaya dahil sa tulong ng aking mga magulang pati narin ang guro kong pinagtrabahuhan ay sinuportahan ako.
Ako ay sumali sa sport sa aming paaralan, noong ako ay Grade II ay ang sinalihan ko ay score bilang kasibulan malayo ang naabot naming sa paglalaro ng score. Kaya tuwang –tuwa ang mga guro naming sa amin. Noong ako ay Grade V ang sinalihan ko naman ay track and field o takbuhan. Nakalaro ako hanggang palarong panglunsod lang. kahit hindi ako nakapasok sa istakaa ay ayus lang sakin kase madami na ako naranasan sa paglalaro at madami din akong nakilala na kung sinu-sino at iba-iba pang paaralan. Noong Grade VI naman ako ay sumali ako sa pagalingan sa pagdruwing sa aming paaralan. Hindi ko inaasahang mananalo ako dun kaya na 1st place ako sa paligsahang iyon. Ako ay tuwang-tuwa nuong pag ka 1st place ko at pati ang aking mga magulang.
Pumasok ako ng 1st yr. sa Col. Lauro D. Dizon MNHS. Sa una kung pagpasok ay ayko ay kinakabahan dahil sa wala pa akong kilala dun. Ako ay napasama sa section J habang nagtag madaming ako makilala at nagging kaibigan. Kala ko nung una ay mahirap pero habang nagtatagal ay lalong nadali. Nang nagging 2nd yr. na ako ay tuwang-tuwa ako dahil sa tumaas ng isa ang section ko nung 1-J ako ay nagging 2-I pati narin ang aking magulang ay natuwa sa akin. Noong bakasyon ay napag-isipan ko na tumira sa tita ko sa may City High dun na ako tumira dahil sa wala silang kasama sa bahay ang kasa lang nang tita ko sa bahay ay ang kanya lang dalawang anak na lalaki. Dahil ang asawa niya ay nangebang bansa. Dahil sa aking kasipagan ay pinag aral nila ako cila na ang tumulong sa akin nag napapa-aral sakin ay ang isang kapatid ng tita ko na nasa Canada tinulongan nila ako dahil sa 5 na kaming nag-aaral. Pero kahit hindi ko na kapiling ang akin mga magulang ay napunta rin naman ako pag minsan sa san Joaquin para dalawin ang aking mga magulang para kamustahin sila kung ayos lng sila at para naring Makita ko ang mga pinsan ko o kamag-anak. Hindi naman ako pinababayaan ng tita ko dito sa City high minsan pag wala na kaming magawa dito sa bahay napasyal kame sa san Joaquin para may makalaro ang anak ng tita ko at pangpalipas oras din. Kaya kahit magkahiwal kame ng mga magulang ko ay kampanti sila pag nadito ako. Dahil alam nila na hindi ako pababayaan ditto sa mga tiyahin ko. Nang ako ay nag 3rd yr. tumaas ulit ang section ko dating 2-J nagging 3-G Masaya ako dahil sa tumaas ang section ko lima lang kameng nagging section G pero kahit ganun masaya naman kame kahit yung iba kong kaibigan ay napahiwalay samen kahit nagkakahiwalay kame ay nagkikita-kita parin kame hanggang nawalan kame ng oras sa isa’t-isa. Doon na nagsimula ang panibagong kaibigan namen o kabarkada. Paro nakakapag-usap kame paminsan-minsa.
Madami na akong naranasan sa buhay nang pagiging 1st to 3rd yr. level madami na rin akong naranasan sa nga gawaing pang paaralan. Sinusuportan ako ng mga tita ko at tito sa lahat ng Gawain  ko. Para makatapos ako ng aking pag-aaral. Nangyong ako’y 4th yr. na lalo akong sinoportahan at lalo ko pinagbuti ang aking pag-aaral. Noong ako ay section G ngayon ay section B ang laki ng aking pagkatuwa at ng mga magulang ko pati narin ang mga tita ko. Hindi ako nasiyahan nung unang pasukan dahil wala akong masyadon pang kakilala kundi yung apat kong kaklase mula 1st yr. ay makakasama parin kame. Lima kaming nagging B tatlong babae at dalwa kaming lalaki pero hindi na nakapasok ang isa kong kaklaseng lalaki kaya iisa nalang ako lalaki galling sa section G. noong una ako ay nahihiya pa sa mga bago kong kaklase habang tumatagal ay nakilala nila ako at nakilala ko rin sila nagging Masaya ako dahil sa mabuting pakikitungo nila sakin at pakikitungo ko sa kanila nagging Masaya ang lahat at mabilis din akong nagkaroong nang panibagong kabarkada. Masaya ang panibago kong kabarkada dahil sa 12 lang kameng lalaki sa aming section ay nagkakasundo kami. Dahil akala ko nung una ay mahirap pero nang nagtagal ay Masaya pala. Madami din kaming nagging activity sa mga subject namen lahat naman kame ay nagging Masaya. Dahil 12 lang kameng lalaki ay ako ang pinakamakulit sa amin kaya mabilis nila ako nakilala.
Nang makaruon ng entramural sa aming paaralan ako ay sumali sa laro. Ang sinalihan kong laro ay ang sikat na basketball. 15 kaming player  ng  4th yr. lahat ng section ay maykasali. Isa-isa ko din sila nakilala dahil sa magkakasama kame pati narin ang mga player nang 1st yr.,2nd yr.at 3rd yr. ay aming nakilala at nang kami ay naglaro na ay nagging maganda ang kinalabasan n gaming laro lahat ay nasiyahan ang una naming nakalaban ay ang 1st yr. sempre hindi kame nagpadaig dun, pero kahit dihado ang 1st ay lumaban parin sila nahirapan din kami sa mga 1st yr, ang sunod naman naming nakalaban ay ang 2nd yr. gaya ng nangyari sa 1st yr. ganun din ang kinalabasan ng laro naming at ang huli naming nakalaban ay ang 3rd yr. mas nahirapan kami sa kanila dahil mas malalaki sila sa amin pero hindi kami nagpadaig sa kanila tinalo naming sila sa ganda ng laro naming. Lahat kami ay nagging masaya sa bawat laro ng aming sinalihan. Madami akong natutunan sa mga activity ng paaralan tulad ng pagkakaisa.

Ito ang aking buong nang yari sa buhay ko. Kasama narin ang mga nangyari sa paaralan. Kaya pagbubutihin ko pa ang aking pag-aaral para makamit ko ang aking minimithing pangarap sa buhay.    

Huwebes, Marso 8, 2012

talambuhay

ANG TALAMBUHAY KO
                                                                    (Jordan M. Villareal)




ako at ang  pinsan ko nung baby pa ako
Ako po si Jordan Villareal, Nakatira sa Brgy.San Joaquin San Pablo City. Pinanganak ako sa Brgy. San Joaquin noong January. 25,1994. Ako ay labing-walong taon gulang na ngayon. Ako po ay may apat na kapatid, ako po ang panganay sa aming mag kakapatid. Ang aking mga magulang ay sina Junner Villareal at Marissa Villareal. Ang paangalan ng aking mga kapatid ay sina Josadin Villareal,Gener Villareal,Jillian Villareal,at Jean Marie Villareal. Ang taon ng aking kapatid na sumunod sa akin ay labing limang na taong gulang, ang sumunod ay labing tatlong taung gulang ang sumunod sa pang tatlo ay labing isang taung gulang at ang bonso ay siyam na taung gulang. Ang aming relihiyon ay Iglesia ni Chisto. Kaya kame ay nagging iglesia ni Cristo dahil ang tatay ko ay iglesia. Ang apilido ng tatay ko nung binata pa siya ay Llanes Villareal. Ang nanay ko naman ay Samsaman Miranda.
ako at ang tito ko nung bata ako
 Ang tatay ko ay pang tatlo sa kanilang magkakapatid. Ang nanay ko naman ay pang dalwa sa panganay. Ang tatay at nanay ng tatay ko ay patay na at ang nanay at tatay ng nanay ko ay buhay pa. Nang maospital ang lolo ko sa nanay ko ay ako ang nagbabantay sa kanya kahit nakakailang pasok na ang lolo ko sa ospital ay nakakarekober parin siya. Ang trabaho ng tatay ko ay isang life guard lang. Ang nanay ko ay walang trabaho nasa bahay lang siya inaabyad lang niya ang aking dalwang kapatid na napasok ng elementary. Ang padalwa sa dunso ay grade 5at ang bunso naman ay grade 3. Ang dalwa ko pang kapatid ay napasok din sa Col. Lauro D. Dizon MNHS. Ang pangtatlo kong kapatid ay 1st yr. sa Dizon High at ang pangdalwa ko namang kapatid ay 2nd yr. sa Dizon High. Tatlo bali kameng nag–aaral sa Dizon High.   
graduation ng kinder
Nag-aral ako ng kinder hanggang makapagtapos ng Grade VI sa Brgy. San Joaquin Elem. School. Nung Grade 4 ako ay namasukan ako o nagtrabaho sa isang guro sa San Joaquin bilang taga hakot ng gamit. At tuwing sabado’t lingo ay napunta ako sa kanilang bahay para sa paglilinis ng bahay o nag wawalis sa harapan. At nang ako ay nagtapos ng Grade VI ay ipinagpatuloy ko ang aking pamamasukan para kahit papano ay nakakatulong ako sa aking mga magulang, nag alaga din ako ng bata para sa halip na naglalaro ako ay nag aalaga nalang ng isang batang lalaki. Pero kahit ganun ako ay Masaya dahil nakakatulong ako sa mga magulang ko kahit maliit lang. Nakapagtapos ako ng elementaya dahil sa tulong ng aking mga magulang pati narin ang guro kong pinagtrabahuhan ay sinuportahan ako.
ako at ang mga tito ko
ako nung may award ako
Ako ay sumali sa sport sa aming paaralan, noong ako ay Grade II ay ang sinalihan ko ay score bilang kasibulan malayo ang naabot naming sa paglalaro ng score. Kaya tuwang –tuwa ang mga guro naming sa amin. Noong ako ay Grade V ang sinalihan ko naman ay track and field o takbuhan. Nakalaro ako hanggang palarong panglunsod lang. kahit hindi ako nakapasok sa istakaa ay ayus lang sakin kase madami na ako naranasan sa paglalaro at madami din akong nakilala na kung sinu-sino at iba-iba pang paaralan. Noong Grade VI naman ako ay sumali ako sa pagalingan sa pagdruwing sa aming paaralan. Hindi ko inaasahang mananalo ako dun kaya na 1st place ako sa paligsahang iyon. Ako ay tuwang-tuwa nuong pag ka 1st place ko at pati ang aking mga magulang.


kami ng mga kaibigan ko sa oval
kami ng mga tropa ko

Pumasok ako ng 1st yr. sa Col. Lauro D. Dizon MNHS. Sa una kung pagpasok ay ayko ay kinakabahan dahil sa wala pa akong kilala dun. Ako ay napasama sa section J habang nagtag madaming ako makilala at nagging kaibigan. Kala ko nung una ay mahirap pero habang nagtatagal ay lalong nadali. Nang nagging 2nd yr. na ako ay tuwang-tuwa ako dahil sa tumaas ng isa ang section ko nung 1-J ako ay nagging 2-I pati narin ang aking magulang ay natuwa sa akin. Noong bakasyon ay napag-isipan ko na tumira sa tita ko sa may City High dun na ako tumira dahil sa wala silang kasama sa bahay ang kasa lang nang tita ko sa bahay ay ang kanya lang dalawang anak na lalaki. Dahil ang asawa niya ay nangebang bansa.
 Dahil sa aking kasipagan ay pinag aral nila ako cila na ang tumulong sa akin nag napapa-aral sakin ay ang isang kapatid ng tita ko na nasa Canada tinulongan nila ako dahil sa 5 na kaming nag-aaral. Pero kahit hindi ko na kapiling ang akin mga magulang ay napunta rin naman ako pag minsan sa san Joaquin para dalawin ang aking mga magulang para kamustahin sila kung ayos lng sila at para naring Makita ko ang mga pinsan ko o kamag-anak. Hindi naman ako pinababayaan ng tita ko dito sa City high minsan pag wala na kaming magawa dito sa bahay napasyal kame sa san Joaquin para may makalaro ang anak ng tita ko at pangpalipas oras din. Kaya kahit magkahiwal kame ng mga magulang ko ay kampanti sila pag nadito ako. Dahil alam nila na hindi ako pababayaan ditto sa mga tiyahin ko. Nang ako ay nag 3rd yr. tumaas ulit ang section ko dating 2-J nagging 3-G Masaya ako dahil sa tumaas ang section ko lima lang kameng nagging section G pero kahit ganun masaya naman kame kahit yung iba kong kaibigan ay napahiwalay samen kahit nagkakahiwalay kame ay nagkikita-kita parin kame hanggang nawalan kame ng oras sa isa’t-isa. Doon na nagsimula ang panibagong kaibigan namen o kabarkada. Paro nakakapag-usap kame paminsan-minsan.
sa STI nung open house

kami ng mga pinsan ko
 Madami na akong naranasan sa buhay nang pagiging 1st to 3rd yr. level madami na rin akong naranasan sa nga gawaing pang paaralan. Sinusuportan ako ng mga tita ko at tito sa lahat ng Gawain  ko. Para makatapos ako ng aking pag-aaral. Nangyong ako’y 4th yr. na lalo akong sinoportahan at lalo ko pinagbuti ang aking pag-aaral. Noong ako ay section G ngayon ay section B ang laki ng aking pagkatuwa at ng mga magulang ko pati narin ang mga tita ko. Hindi ako nasiyahan nung unang pasukan dahil wala akong masyadon pang kakilala kundi yung apat kong kaklase mula 1st yr. ay makakasama parin kame. Lima kaming nagging B tatlong babae at dalwa kaming lalaki pero hindi na nakapasok ang isa kong kaklaseng lalaki kaya iisa nalang ako lalaki galling sa section G. noong una ako ay nahihiya pa sa mga bago kong kaklase habang tumatagal ay nakilala nila ako at nakilala ko rin sila nagging Masaya ako dahil sa mabuting pakikitungo nila sakin at pakikitungo ko sa kanila nagging Masaya ang lahat at mabilis din akong nagkaroong nang panibagong kabarkada. Masaya ang panibago kong kabarkada dahil sa 12 lang kameng lalaki sa aming section ay nagkakasundo kami. Dahil akala ko nung una ay mahirap pero nang nagtagal ay Masaya pala. Madami din kaming nagging activity sa mga subject namen lahat naman kame ay nagging Masaya. Dahil 12 lang kameng lalaki ay ako ang pinakamakulit sa amin kaya mabilis nila ako nakilala.
kami ng mga kaklase ko (4BLAKE)
ito ako, ngayon
Nang makaruon ng entramural sa aming paaralan ako ay sumali sa laro.  Ang sinalihan kong laro ay ang sikat na basketball. 15 kaming player  ng  4th yr. lahat ng section ay maykasali. Isa-isa ko din sila nakilala dahil sa magkakasama kame pati narin ang mga player nang 1st yr.,2nd yr.at 3rd yr. ay aming nakilala at nang kami ay naglaro na ay nagging maganda ang kinalabasan n gaming laro lahat ay nasiyahan ang una naming nakalaban ay ang 1st yr. sempre hindi kame nagpadaig dun, pero kahit dihado ang 1st ay lumaban parin sila nahirapan din kami sa mga 1st yr, ang sunod naman naming nakalaban ay ang 2nd yr. gaya ng nangyari sa 1st yr. ganun din ang kinalabasan ng laro naming at ang huli naming nakalaban ay ang 3rd yr. mas nahirapan kami sa kanila dahil mas malalaki sila sa amin pero hindi kami nagpadaig sa kanila tinalo naming sila sa ganda ng laro naming. Lahat kami ay nagging masaya sa bawat laro ng aming sinalihan. Madami akong natutunan sa mga activity ng paaralan tulad ng pagkakaisa.

Ito ang aking buong nang yari sa buhay ko. Kasama narin ang mga nangyari sa paaralan. Kaya pagbubutihin ko pa ang aking pag-aaral para makamit ko ang aking minimithing pangarap sa buhay.    

Ang talambuhay ni Grace V. Estrellado


   Taong 1996 ikalabing-isa ng buwan ng Marso ng dumating ang araw ng aking kapanganakan. Isinilang ako sa bayan ng San Pablo City,Laguna. Ang nangyaring ito ay ang masasabi kong pinakamasayang parte ng aking buhay, ang masilayan ko ang mundo, makilala at makasama ang aking mga mahal sa buhay. Grace V. Estrellado ang napili nilang ibigay na pangalan sa akin.
   Pagkatapos ng halos pitong buwan ng aking pagkasilang ako'y nabinyagan at naganap ito sa Chapel ng San Lucas 1 na aming barangay. Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng mga piling ninong at ninang ko. Matapos ito, ayon sa sinabi sa akin nang aking mga magulang kami'y umuwi at nagkaroon ng kaunting salu-salo sa aming bahay.
   Sa paglipas ng maraming araw, oras, buwan, taon, at panahon ang mag taong nagmulat sa akin ng mga magagandang karanasan at ang naging mga kasakasama ko, sumusuporta, tumutulong at gumagabay sa akin sa bawat disesyon na aking ginagawa sa buhay ay walang iba kundi ang aking mga mahal na magulang. Sila ay sina Cheryl V. Estrellado at Moises R. Estrellado. Ang aking ina ay nagtatrabaho sa isang maliit na kompanya bilang isang "Sales Consultant". Bagama't siya'y nagtatrabaho, nagagampanan pa rin niya ang pagiging ina niya sa amin at responsibilidad niya bilang isang ilaw ng tahanan. Ang akin ama naman ay kinakailangan nga lamang na lumuwas ng Maynila upang doon maghanap-buhay. Kahit na siya'y hindi namin nakakasama dahil kinsenas at katapusan siya umuwi, alam kong hindi niya kinakalimutan ang pagiging ama niya sa amin. Ang aking ama't ina ay parehong nagtatrabaho at nagtutulungang kumita ng pera upang mapagtapos lang kaming dalawa ng aking nakakatandang kapatid sa pag-aaral. Istrikto man sila sa lahat ng bagay alam kong kabutihan lamang namin ang kanilang iniisip.Michelle V. Esrellado ang pangalan ng aking nakatatandang kapatid at dalawang taon ang agwat ng edad namin sa isa't isa. Magtatapos na siya sa ngayon ng Colegio sa Pampublikong paaralan ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo sa kursong kanyang kinuha na "Information Technology".
   Sa edad kong limang taong gulang ako'y nagsimula nang pumasok sa paaralan bilang estudyante sa Day Care Center na aming Barangay. At natapos ko ito noong ika-dalawa ng buwan ng Abril,taong 2002. Natanggap ko na ang kauna-unahang Diploma ko. Matapos ang seremonya ng aking pagtatapos kumain kami sa Jollibee ng aking mga magulang kasama ang aking kapatid.
   Nang dumating na ang aking ika-pitong taong kaarawan, nagkaroon ako nang maraming handang pagkain at maraming bisita ang pumunta. Kanya-kanyang abot sakin ng dala nilang regalo na lubos ko namang ikinasiya.
   Nagtuloy-tuloy ang aking pag-aaral at pumasok na ako ng elementarya. Sa San Lucas 1 Elementary School na ako bumuo ng mga masasayang alaala sa aking pagkabata sa loob ng halos anim na taon na pamamalagi ko dito. Nasa baitang ikaapat na ako nang makatanggap ako ng sertipiko at medalya ng dahil sa partisipasyon ko sa banda ng aming paaralan. Ako ang humahawak ng instrumentong Lyre, kaya naman sa husay kong tumugtog na biyayaan ako ng gantimpala. At ng ako'y nasa ikaanim na baitang na dumating na ang araw ng aking pagtatapos sa elementarya at noong taong 2008, ika-dalawapu't anim nang buwan ng Marso, muli ako nakatanggap ng pangalawa kong Diploma. Masasabi kong ang pagtatapos kong ito ay ang pagtatapos ko na rin sa unag yugto ng aking buhay, iiwan ko na ang aking pagkabata at dadalhin na sa kasalukuyan ang mga natutunan kong bagay sa bawat karanasan na aking napagdaanan.
   Pumasok ako at nagtuloy muli ng aking pag-aaral ng secondarya sa pampublikong paaralan ng Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School. Sa unang taon ko pa lamang nang high school nakatanggap na kaagad ako ng dalawang medalya, medalyang bunga ng aking paghihirap at pagsisikap. Ako ang gumanap na Ibong Adarna sa dulaan naming pinamagatang Ibong Adarna at ako ang nanalo at nakakuha ng unang puwesto. Napanalunan ko rin ang unang puwesto sa bigkasan ng ako rin ang ipanglaban muli ng aming seksyon sa tula. Ito ang isa sa mga hindi ko makakalimutang pangyayari sa aking buhay ang ibigay sa akin at isabit ang medalya sa harap ng maraming estudyanteng na nunuod nito.Malakas na palakpakan at sigaw na mula sa kanila ay sapat na upang maramdaman kong ako ang pinakamaswerteng mag-aaral dahil nakamit ko ang ganitong parangal.
   Noong ako ay nasa ikatlong taon na ng high school, naranasan ko na ang sinasabi ng marami, ang pinakamasayang parte ng "high school life"...ang junior at senior prom nagkaroon ng tema ang aming paaralan at ang naging tema noon ay "Hawaiian Party".
   At ngayon sa patuloy ko pang pagsisikap sa aking pag-aaral ako ngayon ay magtatapos na nang high school, nakaranas muli ako ng junior at senior prom, naging "Victorian Party" naman sa ngayon ang tema at ngayon sa edad kong labing anim na taong gulang naging kumpleto at buo ang aking pagkatao dahil sa mga karanasang aking napagdaanan at sa lahat ng taong nakasama ko sa lungkot at saya ng aking buhay.
   Ako ang taong may simple lamang pangarap sa buhay na nais marating at makamit pagdating ng tamang oras at  panahon. Gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang aking pamilya dahil aaminin ko, ako ay nag mula sa di kayamanang pamilya kaya ako ay patuloy na nagsisikap na makatapos ng pag-aaral dahil alam ko ang hirap na napagdadaanan ng aking mga magulang at palagi nilang sinasabi sa amin ng aking nakakatandang kapatid na tanging edukasyon lamang ang maipapamana nila sa amin at ang eduksyon ay ang kayamanang hindi maagaw ng kahit sino pa man. Salat man kami sa yaman alam kong mayaman at busog naman kami sa mga pangaral na galing sa aking mga mahal na magulang na palagi kong nadadala saan man ako mapunta o mapadpad na lugar.
   Ang mga kinahihiligan, naisin at paborito kong gawin palagi ay ang kumanta, mag-sulat at bumuo ng tula o kanta, makinig ng musika at maggitara. Nasa edad labing limang taon na ako ng matuto akong tumugtog ng istrumentong gitara. Ang paborito kong mangaganta sa ibang bansa ay si Taylor Swift at Avril Lavigne at dito naman sa Pililinas ay si Angeline Quinto at Sarah Geronimo. Ang mga pinakagusto ko sa mga kanta ni Taylor Swift ay "Crazier" at Avril Lavigne naman ay "Wish you were here", kay Angeline Quinto naman ay patuloy ang pangarap at ang kay Sarah Geronimo ay lahat ng kanta niya. Ang pinakapaborito ko ring artista ay si Anne Curtis.
   Mas mahilig din ako sa mga pagkaing luto ng aking ama na adobong manok at sinigang. Kaya naman palagi ko itong hinahanap sa aming hapag kainan sa tuwing oras na ng pagkain.
   Marami na ako ngayong natutunan ngunit alam kong hindi pa ito sapat na sabihin kong alam ko na ang lahat                . Kaya naman kahit na ako'y nasa edad labing anim na taon na ay palagi pa ring humihingi ng patnubay at gabay sa aking mga mahal na magulang at siyempre sa ating mahal na panginoon. Kapag ako'y may problema palagi ko lamang sinasabi sa aking sarili ang salitang "God's love is bigger than my problem", na natutunan ko sa aking guro na si Mr. Elmer C. Escala. Ngayong ako ay nasa ikaapat na taon na sa high school at hanggang ngayon ako ay naniniwala sa kasabihan lahat tayo ay nasa ilalim ng iisang langit, ke mayaman o mahirap man lahat tayo ay pantay-pantay.
   Simple lamang akong tao, masayahin, maingay at kung anu-anu pa, ngunit minsan sa kabila ng pagiging masayahin at maingay kong tao ako pa yung masasabi kong mayroong problema at sama ng loob na tinatago dahil minsan pakiramdam ko mag-isa lang ako at walang kakampi, dahil minsan nararamdaman ko ang hindi pantay na pagtingin ng aking pamilya sa aming dalawa ng aking nakakatandang kapatid pero alam ko namang mahal nila ako kaya mahal na mahal ko rin sila, alam ko rin naman na hindi mawawala ang ganoong pagkukumpara. At isa pa ay ang mga taong patuloy humuhusga sa aking kakayanan kaya naman ipinakita ko sa kanila na mali silang lahat at pinatutunayn ko ito hanggang sa ngayon.
   Marami rin akong mga bagay na kinatatakutan. Nakakahiya man sabihin ngunit takot akong tumanda at mamatay ng hindi pa ako handa. Takot rin ako sa aso dahil minsan na akong nakagat nito. Isa pa rin sa mga nakakatawang katutuhanan na kinatatakutan ko ay ang mag mahal dahil natatakot akong masaktan kay naman hanggang ngayon hindi pa ako nakakaranas na makipagrelasyon, isa pa hindi rin naman ako nagmamadali sa ganitong mga bagay dahil alam kong kusa itong darating sa buhay ng bawat isa.
   Sa mabilis na pag-usad ng panahon sa ngayon, nakikita ko ang maraming pagbabago sa buhay ng bawat isang taong namamalagi rito sa mundo. Marami ng makabagong teknolohiya ang na-iimbento ng mga matatalinong tao dahil sa maunlad nilang kaalaman. Computer at cellphone ay ang ilan lamang na mga bagay na kinahihiligan ng mga kabataang katulad ko na nagbibigay naman mabuting epekto dahil nagagamit namin ito sa pag-aaral at sa pakikipagkominikasyon.
   Hanggang sa ngayon masaya, kumpleto at buong-buo pa rin ang aming pamilya. Marami mang problema at pagsubok na dumadating sa amin, sama-sama at tulong-tulong namin itong hinaharap at patuloy na lumalaban sa bawat hamon sa buhay na may pananalig sa poong maykapal.

Miyerkules, Marso 7, 2012

Ang Talambuhay ni Ma. Maurene Bañagale Bagayawa



Noong ako ay dalawang taong gulang.


 Ako si Ma. Maurene Bañagale Bagayawa. Tubong Laguna sa lungsod ng San Pablo. Ipinanganak ako noong ika-walo ng setyembre taong isang libo’t siyam na raan siyam na pu’t lima sa Mahabang Parang, Barangay San Francisco, San Pablo City, Laguna. Ang aking ina ay si Marilou Bañagale Bagayawa na siya na ngayong saleslady sa Jojo and Myra’s Metal Craft. Ang aking ama naman ay si Ramon Ibarrientos Bagayawa na isang tricycle driver o kaya kung minsan ay isang karpintero. Dalawa lamang kaming magkapatid at may isa kaming kapatid na namatay noong naagasan si inay.
  Bininyagan ako nong ika-apat ng oktubre taong isang libo’t siyam na raan siyam na pu’t lima. Ako ay isang katoliko. Ang aking mga ninong ay sina Ninong Butch at Ninong Ramil Bagayawa. Samantala, ang aking dalawang ninang ay sina Ninang Grace Villanueva at Ninang Elenita Bañagale Cestona. Ang aking Ninang Elenita ang tumayong ikalawa kong ina sapagkat dati ay madalas niya akong isama kung saan-saan.
Ang aking mga kaibigan; Lyzel Atienza (kaliwa sa taas),
 Mel Joy Esporlas (kanan sa taas),  ako (kaliwa sa baba)
at si Camilli Villaflores (kanan sa baba).
  Nagtapos ako ng kinder sa San Francisco Day Care Center. Nag-aral naman ako ng grade I hanggang grade III sa San Pablo Central School.Bago naman matapos ang pag-aaral ko ng grade III ay napalayas kami ng lolo ko na siyang may ari ng lupang kinatitirikan n gaming bahay iyon ay sa kadahilanang nag-kaaway ang aking ina at ang aking lolo. Saglit kaming nanirahan sa Barangay San Gregorio. Doon ko nakilala ang aking first crush na si Jason subalit hanggang doon lamang iyon dahil may pangarap pa ako sa aking buhay. Hindi naglaon ay pinabalik na kami ng aking lolo. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral ng grade IV hanggang grade VI sa Pampublikong Paaralan ng Ambray. Doon ko nakilala ang aking mga tunay na kaibigan na sina Camille Villaflores, Mel joy Esperlas, at Lyzel Atienza.
Si Jonas Hila. Ang first dance ko
noong Grade VI.
  At nakilala ko din doon si Jonas Hila. Madalas nila akong asarin sa kanya subalit tanging hinahangaan ko lang siya sa pagiging magaling niya sa larangan ng sayaw. Siya din ang dahilan kung bakit umiyak ang aking kaibigan na si Mel Joy noong Valentine’s Day noong Grade VI kami.
  Noong nasa ikalimang baitang ako ay ginawaran ako bilang isang model pupil.Doon ko din sinimulan ang pagkahilig ko sa matematika. Pagdako ko naman sa ika-anim na baitang , masaya, puno ng kaba, at pananabik; masaya sa kadahilanang kahit puro aral ay puno naman ng kalokohan at gimikan; kaba dahil sa dami ng sauluhin at hindi ko din maikakaila na medyo may katarayan ang din aming adviser. Subalit sa sa lahat ng ito ay puno ng pananabik, pananabik sa bawat masasayang kaganapan tulad ng Christmas Party, Valentine’s day/par y na nagkaroon ng sabihan ng “I love you and happy valentine’s day” na siyang pinagmulan ng mga selosan subalit lahat ng iyon ay napawi ng saya dahil sa mga kantahan, sayawan at asaran noong kinahapunan , at  Kids Prom. Siyempre hinding-hindi namin makakalimutan noong kami ay nagalitan dahil sa hindi naming natapos ang talaarawan namin.     Sa araw ng aming pagtatapos ay nagalak ang bawat isa nang tawagin na ang kanya-kanyang pangalan subalit sa mga oras na iyon ay nag-iyakan na ang halos lahat. Talagang hinding-hindi naming malilimutan ang isa’t-isa.
Si Paolo Marquices.
  Pagdating naman ng summer ay nakilala ko si Paolo Marquices. Madalas ko siyang asarin noon na bakla kasi mukha talaga siyang babae tapos ay ang puti pa niya. Oo, naging crush ko siya kasi para sa akin iba siya at aaminin ko din na mabait siya.
  Ngayon naman ay tatahakin na namin ang panibagong kabanata ng aming buhay. Ang High School.Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.Noong una ay kinakabahan pa ako sapagkat parang wala naman akong kakilala doon subalit laking pasasalamat ko at mabilis kong nakagaanan ng loob ang aking katabi na si Dianne Irish Ardinel. Unti-unti ay na ng aming pangkat ang isa’t isa. Bahay at paaralan lang ako noon hanggang sa makilala ko sina Jaslean Anne Escala at Shylla P. Cochesa na silang mahilig magcomputer noon. Nahirang din ako sa aming klase sa “Etika-Huwarang Mag-aaral 2009” subalit hindi ako nanalo.  
Class picture namin noong
3rd year high school.
Nabigla na lang ako nang mapataas ang aking section sa pagdako ko ng 2nd year high school. Naging section B na ako. Tulad ng dati ay sa bahay at paaralan lang ako.
Mga pocketbooks na aking nabasa.
  Pagdating ko naman ng 3rd year high school ay napasama ako sa aking mga kaibigan na magvolunteer sa Citizenship Advancement Training (C.A.T). Noong una ay wala talaga akong balak na mag-C.A.T. hanggang nang lumaon ay nasiyahan na ako sa mga aktibidad na aming mga ginagawa. At dito na rin nagsimula ang lahat. Dito nagsimula ang pagkahilig kong magbasa ng pocketbooks.                    
Noong j-s prom namin (2010-2011).  Ako (kaliwa), Shylla 
Cochesa (katabi ko), Angelu Jane Aquino (katabi ni Shylla)
at si Hannah Carmela Nuevo (nasa kanan).
  Pagdating naman ng buwan ng pebrero ay nagkaroon kami ng Junior-Senior Prom. Masaya at talaga namang kakaiba ang Prom na ito sapagkat ito ay Hawain Style.
  Maraming hirap at pasakit sa organisasyong ito subalit sa huli laging disiplina at saya pa rin ang mananaig. Marami ding lihim sa likod ng organisasyong ito. Nahirang din ako bilang isa sa mga colours.
Graduation ng batch 2010-2011 colours .
  
Noong nagka-activity kami sa C.A.T.
Graduation namin sa C.A.T. noong summer.
  Pagdako ko naman ng buwan ng abril at mayo, buwan ng aming pagsasanay sa nabanggit na organisasyon, ay talaga namang puno ng hirap; konting likot o galaw lang sa form ay mapaparusahan na, at umagang-amaga pa lang ay pawisan kana sa bawat ehersisyo subalit lahat ng iyon ay napawi ng saya noong nakapagtapos na kami bilang volunteer at nabigyan na kami ng posisyon.
Activity sa Red Cross.
  Sumali din ako noong summer sa Red Cross Youth. Sobrang saya noon. Lalong-lalo na noong huling araw na namin at nagkaroon kami ng aktibidad sa aming paaralan. Maraming nagsiluhaan sa nasabing aktibidad at isa na ako roon.

Si Jude Angelo Bayud Briñas (ang aking
boyfriend).
  Pagdating din ng summer training ay doon ko nakilala ang lalaking nagpatibok ng aking puso. Si Jude Angelo Bayud Briñas.
Maraming pagsubok bago maging kami. Sa katunayan ay hindi talaga pwedeng maging kami sapagkat pareho kaming officer sa C.A.T. Subalit lahat ng iyon ay aming kinaya. Pasalamat na lamang ako at pinayagan kami sa aming relasyon ng aming facilitator na si Mr. William E. Marfori. Sa totoo lang ay madalas kaming mag-away subalit lahat ng iyon ay hindi natapos ang aming relasyon.
Si Ma'am Cristeta Uy (ang aming punong-guro)
  Nagpatuloy ang aming relasyon sa pagiging isang 4th year student. Naging kami noong ika-anim ng hulyo dalawang libo’t labing isa. Di naglaon ay naging legal na kami sa aming mga magulang. Malaki din ang ipinagbago ng aming paaralan dahil sa aming bagong punong-guro na si Gng. Cristeta S. Uy.
  Sa kasamaang palad naman ay nasuspended naman kaming dalawa sa pagiging officer sa kadahilanang madalas daw kasi kaming makita ng ibang mga guro na sobra daw sa kasweetan sa isa’t-isa.
  Subalit sa pagdako ng buwan ng disyembre ay isang karumaldumal na balita ang tumambad sa amin. Ang isa naming kamag-aral na si Mickee. Nagkaroon ng misa para gumaling na siya subalit makalipas ang ilang araw ay binawian na siya ng buhay. Maraming nalungkot at naluha sa araw ng kanyang libing.
  Di naman naglaon ay muli kaming napabalik sa aming posisyon sa C.A.T.
J-S Prom namin noong Feb. 14,2012.
  Pagdating naman ng buwan ng pebrero, sa ikalawang pagkakataon ay nagkaroon uli kami ng Junior-Senior Prom. Iba na ang tema ngayon sapagkat ito na ngayon ay Victorian Style. Ito ay ginanap sa mismong araw ng mga puso. Ako naman ay nahiya at lubha na ring nalugod sa aking boyfriend sapagkat talagang kinaon pa niya ako sa bahay at may dala pang chocolate at red rose. Talaga namang napakasaya ko nang araw na iyon. Masasabi kong mas masaya ngayon kesa dati. Mas maraming nag-enjoy ngayon. Maging ang aming punong-guro ay nakisaya din sa amin. Masasabi ko ring mas magara ngayon sapagkat catering ang pagkain namin.
Si Sr. Romel Bituin.
  Nakilala ko rin ang observer ni Sr. Elmer Caimo Escala na si Sr. Romel Bituin na talaga namang nagpaiyak sa amin noong ipinapanood niya sa amin ang kanyang ginawang video ng IV-Blake.
Sa HRM room sa S.T.I.
  Noon namang nakaraang biyernes, ika-dalawa ng buwan ng marso dalawang libo’t labing dalawa, ay nagtungo sa aming silid-aralan si Ginoong Dennis Lacsam upang ipang kumuha ng labing limang estudyante mula sa aming pangkat upang dumalo sa exhibit sa STI. Noong una ay wala talaga akong balak na sumama doon subalit nang dahil sa aming kaguluhan ay ginawa na lamang ni sr. na bunutan. Laking pasasalamat ko at ako ay nabunot. Nang dumating na kami sa STI ay medyo nahihiya pa kami subalit nang naglaon ay naging komportable at masaya na kami. At sobrang napakasarap din ng ginawa nilang Chocolate Mousse. Libre din ang miryenda namin. Nang natapos na ay parang ayaw pa naming bumalik sa aming paaralan. Bukod sa ayaw naming mag-C.A.T. ay talaga namang nawiwili pa kami.
  Hindi ko din maikakaila na medyo madami o madami talaga ang may ayaw sa akin. Iyon ay sa kadahilanang mataray po talaga iyon. Subalit sa lahat po ng iyon ay nasa lugar maging ang pagtuturo ko ngayon sa mga kadete.
Ako at ang aking mahal noong J-S Prom.
  At sa kasalukuyan ay tinatapos na namin ang nalalabing isang buwan ng aming pag-aaral ng high school. Lubha mang nakakalungkot subalit kailangan naming tanggapin na malapit na ang araw ng aming paghihiwalay. Maging ang aming relasyon ng aking mahal ay hindi ko rin alam kung ano nang mangyayari pa sa amin subalit sa pagdating ko ng collage ay pipilitin ko pa ring magkaroon ako ng oras sa kanya.

Sabado, Marso 3, 2012

My Autobiography(Lovely Joy Ramos)

I'm Lovely Joy Ramos,16 years old. I was born on 27th day of January year1996 here at San Pablo City. My mothers name was  Ma. Imelda Ramos.I also have my twin sister named Sunshine Ramos.Even if we are twins we have grown apart. My Grandparents took care of me since birth.They treat me as if im their true daughter.They are Mr.Nonilon Anonuevo Ramos and Rebecca Andal Ramos.

When i was  just one year old,i used to smile in front of a  camera.So my family are fond of  taking me a picture.

At this picture we are about 3 years in age,we do not know the reason why we were almost crying.LOL.And until i turned to school.At first my grandmother enrolled me in Tiaong Day Care Centre , bec. at those times we were living at Lapid Ville,Tiaong Quezon. we stay there for almost 1 year because my grandfther was working at Sioland(Candelaria branch).But without two months on the day care centre im attending my grandmom tried to transfer in Sto.Nino Day Care Centre for the reason of we will going to stay in San Pablo.It was sad for me to leave Lea , my dear true friend there.But i easily adopt he environment in Sto.Nino because my teacher .was so closed to me.

At that school year ,we've  take a fieldtrip. My mama was my chaperon. I will neverforget that 4:00 am, when my grand daddy bought me lots of chocolate drinks and foods at 7eleven Convenient Store.Wanna know why? It is because when we are about to ride the bus i got vomited . It is so unusual for me to ride a bus. It is really embarrassing . Well that is part of being a child.LOL.We first go to Manila Zoo,Nayon Filipino and Enchanted Kingdom.I will never forget that moment with my mama.:)

And when the time came that i will going to walk along the stage,i dont know how i feel.Because there are lots of students like me.My grand mother and my mama mel supported me that day. I am 3rd honor in class . Perhaps they are proud of me.

And when i turned to elementary my grand mother enrolled me in Don Enrique Bautista Elementary School.At first day of school all of the students shld. attend the flag ceremony.It was first time for me to mingle with them so i used to look for my guardians but i do not see them so i start to cry.I know to myself that it is funny weird for them.i really love my teacher Mrs.Niz.She was my Godmother in GIRL'S SCOUT.When i'm grade 1&2 i belong to section A.Since i used to absent at those school years my section turned down to B.There it is ...PUPPY LOVE...I know since the first day of the class in my grade 3 i like Gerald.He's always beside me because my teacher used to arrange our sittings.

At grade4 I'm the teachers pet. I am always having a task which is to list down those noisy students secretly and to manage her small business which is selling a choco marble.Since we are already girl scout there are many activities that we've join.First in Japanese Garden in Caliraya Laguna held on september 24 2005.Second is the 3RD COUNCILWIDE JUNIOR ENCAMPMENT for the triennium 2003-2006 held on October 21-23,2005 at DEBES . Lastly the council wide Junior Day Camp held on September 23,2006 at Lipa City Community Park, Lipa City And I have graduate at batch 2007-2008.

I was so excited because it's another level of my life HIGH SCHOOL. My grand daddy enrolled me in West Greenville Laguna Colleges(Inc.). It is so nice there because there are only one section every year level. In our room were just 19 students, so we are really close to each other. Feb.12,2009 we take our field trip. First is to Rizal Shrine, Manila Ocean Park it was great there, third to Mall of Asia it is so wide me and my classmate Aira dont know where to find our other classmates when they left us. But thanks God we saw one of our teacher. Last tour is to Star City, I bought lots of souvenir items. Then we first enter the "GABI NG LAGIM" second we rode the wild river then we enter the "Snow World" we ride all we can. Then we take our dinner in Tropical Hut. That day was so great.

But Im not contented with my life im having. So tried to tell my grand parents that i want to transfer in Dizon High, well they do transfer me. But when the first day of school I was shocked of the rules of that school. I cannot adopt their schedule facilities, but the I have to adjust. My classmates made me mad even though they are treating me well. I used to cut my class just to go home and feel regret about my decision. And in my 3rd year it was good because im already having my closed friend named Keithleen. but in our 4th year we have been apart because her section turned down. but despite of our section  our friendship remains the same. In my 4th year I met Beatriz , Wendy, Shairalyn and Jean they treat me as if im their classmate before, they are from section A. And now im 16 year old im hoping for prosperity in my life. Even though at first im not proud to be a Dizonian, now i will say that i will never be who i am if i do not enter this school my second home.

I just hope someday I will be the one I want to be.

                        Lovely:)