Miyerkules, Marso 21, 2012

ang talambuhay ni anna marie delos reyes




 ANG TALAMBUHAY NI ANNA MARIE DELOS REYES






Ako si Anna Marie Delos Reyes, labing anim na taong gulang, kasalukuyang nakatira sa San Francisco Calihan, San Pablo City.Ipinanganak ako ng aking ina noong Enero 5 1996, sa San Pablo City, Ako ngayong ay nasa sekondarya na at awa ng Diyos ay magtatapos na ng aking pag aaral .Ang aking mga magulang ay sina Evangeline, apat na pong taong gulang,self employed.Ang aking ama naman ay si Jun Delos Reyes, Limamput tatlong taong gulang ,isang Family Driver.Lima kaming mag kakapatid. Ang panganay ay si Art, sinundan ni Analyn, Si Rj, Angelique, at ako ang bunso.
Noong bata pa ako ang gusto ko ay simple lang, ang maging Sales Lady, para kasing ang dali dali lang ng ginagawa nila. Pero habang limalaki ako, napalitan ang kagustuhan ko, gusto ko nang maging Cashier kase gusto ko yung pagbibilang at pag aayos ng pera. Pero naiba ulit ang gusto ko, nang mag highschool ako, gusto ko ngang maging chef, hilig ko ang pagluluto pero walang hilig sakin ang niluluto ko. Balak ko pa nga napag nag kolehiyo ako, ang kukunin kong kurso ay HRM pero napag isip isip ko rin nabaka masayang lang masayang lang yung pag papaaral sakin kapag Hrm kukunin kong kurso dahil may kamahalan din ang kursong iyon.Sa larangan naman nang media, ang paborito kong manganganta ay si Sarah Geronimo, gusting gusto ko ang mga kanta niya at mga performance niya.Hindi ako nag sasawang panoorin ng paulit ulit ang mga video niya sa youtube at mga pelikula niya. Ang kuya Art ko ay nagtatrabaho at may sarili nang pamilya. Nauna nga lang magkaroon ng sariling pamilya ang ate Analyn ko. Siya ngayon ay may 2 anak. Masaya ako para sa kanya dahil alam kong blessings sa kanya ang kanyang mga cute at makukulit na anak. Kasama niya ngayon ang kanyang asawa na si kuya Marlon. Nakabukod sila sa amin, pero bumisita naman sila kapag sila ay bumibisita ay inaabot sila ng 2-4 na buwan. Siguro ang pinaka maikli nilang bakasyon sa amin ay 1 buwan lang. Kami ay binuhay ng mga magulang namin ng maayos at may paninindigan kahit mahirap, kahit maraming problema ay hinaharap namin at nagagawa namin o nila ito ng solusyon. Kahit simple lang ang buhay namin ay masaya parin kami, nagagawa namin ang kumain ng tatlong beses sa loob ng isang araw at may miryenda pa iyon. Kahit pag minsan merong mga bagay na hindi nnapagkakasunduan na umaabot sa pagtatalo, pero paglipas ng ilang araw ay nagkakasundo sundo na ulit kami. May trabaho din ang ate jek ko, siya ay nagtatrabaho sa isang bakeshop, hanggang 1st year college lang siya kasi nagdesisyon siyang kumuha ng kursong 1 year course lang. Naranasan ko ring magtrabaho, nagtrabaho ako noong nakaraang bakasyon. Nagtrabaho ako sa pagawaan ng libro, nag rerevise lang kami. Naoong una ay nahirapan ako kasi hindi ako sanay pero nang magtagal ay nasanay na rin ako at naging madali ang trabaho. Isang buwan lang ako nagtrabaho kasi magpapasukan na.  Kahit papaano ay nag enjoy ako sa bakasyon ko at sa trabaho ko. Sa darating na bakasyon ay gusto ko ulit magtrabaho kasi iba pala yung pakirmdam na may pera klang pinag hihirapan tapos ay nabibili mo pa ang gusto mong bilhin, noon ay nauunawaan ko mang aking ama sa pagtatrabaho. Marami akong naging kaibigan ng ako ay nasa elementarya. Masaya, magula, at andun di ang awayan. Buwan ng marso, 26 2008, ay araw ng aking pagtatapos. Medyo yung iba kong kaklase ay naging emosyonal pero napigilan kong umiyak, pakatapos ng program ay deretso na kong uwe, baka kasi tumuloy ang pagluha ng aking mata kasi nahihiya akong umiyak sa kanila. Nang magbakasyon ay pinag handaan ko na ang pagtuntoing ko para sa sekondarya kasi alam ko ay panibagong pagsubok ulit ang haharapin ko. Hindi nga ako nagkamali, dahil noong nasa freshman ako may medyo nahihirapan akong makisalmuha sa mga kaklse ko. Hindi ko talaga kasi sila kilala, pero lumipas ang buwan ay may naging kaibigan narin ako. Hindi lang isa kundi tatlo sila, sina kimberly, shaira, at may ann. Naging masaya na ako ng magkaroon ako ng mga kaibigan, sila kasi yung tumutulong sa akin kapag may problema ako. Nang nasa sophomore na ako ay tumaas ang seksyon na ako, kasi nung freshman ako ay “J” ang seksyon ko tapos naging “I” ako. Mas nakakalungkot nga lang ng nasa junior na kami kasi iilan nalng kami magkakaibigan na nagkasama ng seksyon. Naging “G” kami, hindi kami masyadong nahirapan mag adjust, kasi friendly din naman ang mga bago naming kaklase. Nang nasa junior na kami naranasan na namin ang nakakaexite na event, ito ay ang JS. Naging napakasaya ng gabing iyon dahil naging firstdance ko ang first crush ko. Isa yon sa ‘MOST MEMORABLE MOMENT’ ko sa high school life ko. Nang mag senior ako ay hindi ko inaasahang maging ‘B’ ako, halo ang nararamdaman ko noon kasi hindi ako makapaniwala dahil biruin ko nasa lowest seksyo lamang kami dati tapos ngayon ay pangatlo na kami sa higher section. Nahirapan kami mag adjust, kami nina Shairalyn at Kimberly, si May ann naman ay napahiwalay samin, naging “D” siya. Nahirapan kami kasi iba yung nararamdaman namin. May haloong tensyon, kaba, at hiya ang nararamdaman naming 3. Piling nga namin ay hindi kami “B” kasi lagi kaming na OOP sa kanila. Ginawa namin ang lahat para makasalamuha namin ang mga kaklase namin, di naman kami nabigo kasi lumipas siguro ang kalahating buwan ng taon ay naging close na kami ng magkaklase. Ngayon ay maraming pagsubong parin ang pinagdadaanan namin pero alam kong malalampasan ko ito sa tulong ng pamilya ko at mga kaibigan. Sa darating na March 30 2012 ay gaganapin ang pagtatapos namin. Dito ay siguradon di ko na maitatago pa ang luha ko kase talagang sobra kong minahal ang high scholl life ko. Kahit maraming problema ay nandun parin ang saya at ang pageenjoy. Pagkatapos nito ay ang kolehiyo naman ang aking pag hahandaan, dapat ay masanay na akong maging matiyaga at masipag para magamit ko s aking pag aaral. Napagkasunduuan namin ni Shairalyn n pumasok sa iisang paaralan at kumuha ng iisang kurso, ayaw kasi naming maghiwalay kaya kukunin naming kusro ay BSBA.Sana maging matagumpag ang ankin kinabukasan. Tulungan nawa ako ng Diyos.  



ang talambuhay ni aries gabayno



       
  Madalas kaming magkatampuhan ng aking ama dahil sa kanyang pag-inom ng alak. Madalas namin siyang pagbawalan ni mama pero hindi siya nakikinig , kahit hinahayblad na siya ginagawa pa din niya iyon. Pero kahit ganon , mahal pa rin namin siya. Kaya kapag minsan hinahayaan nalang namin kung anong gusto niya. 
Ang Talambuhay ni Aries I. Gabayno


         Ako si Aries I. Gabayno  anak ako nina Alexander  T. Gabayno at ni Priscila  I. Gabayno . Ipinanganak ako noong Marso 21, 1996 sa Daet  Camarines Norte, sa kasalukuyan ako ay labing anim na taong gulang na . Kami ay tatlong mag kakapatid, ako ang panganay sa amin ang pangalawa kong ay si Alyssa I. Gabayno, siya ay siyam na taong gulang na at ang aming bunsong kapatid ay si Angel I. Gabayno, siya ay tatlong taong gulang na.  
     Masaya ang aming pamilya ,ang nasusunod kay mama at papa ay si mama. Si mama ay masipag, maalaga, makulit , mapagmahal samin, mabunganga, palatawa at syempre matakaw. Si papa naman ay responsable  , mapagmahal siya , mabait , makulit , masipag siya , kahit masama na ang pakiramdam niya ay nag tatrabaho pa din siya para lang may makain kami sa araw –araw kaya mahal na mahal namin siya. Hindi ako nagsisi  na sila ang naging mga magulang ko.
        
        Pinalaki ako ng mabuti, makulit, mapagmahal,matulungin,masipag ng aking mga magulang at ng ibang taong nakapaligid sa akin. Sa aking paglaki hindi ko nakasama ang aking mama at papa dahil sila ay nagtatrabaho, ang aking lola ang naging katuwang nina mama at papa sa pagpapalaki sa akin, kaya pinasasalamatan ko rin ang aking lola sa pagmamahal niya.Ako ay kinuha nila mama at papa sa aking lola at lumipat kami sa Cavite noong ako ay mag lilimang taong gulang pa lamang.

       
 Noong ako ay nasa Cavite ipinasok ako nina mama at papa ng Kindergarten sa Montesory. Pinatapos lamang nila ako doon ng kindergarten. Pagkatapos ay lumipat na naman kami dito sa Laguna, nangupahan kami sa isang bahay sa barangay Sta. Felomina ng Lungsod ng San Pablo. Sa aking paglaki pumasok ako ng elementarya sa Mababang paaralan ng Sta. Felomina Elementary School. Nang ako ay nasa unang baitang pa lamang ako ay nasa seksyon-B marami akong naging kaibigan na laging nandiyan para sa akin. Sila ay sina Maureen, Rinalyn, Mirasol, Camille, Julie ann, Jerlyn, Charry, Lyneth, Abigail, at si Ann. Masaya kaming mag kakaibigan, makulit ang bawat isa sa amin pero marami kaming natutunan na mag kakasama. Marami naganap sa isang taon nagkaroon kami ng Intrams ngunit hindi ako pinasali ng aking mama masyado pa raw akong bata para sa mga ganung bagay naingit ako sa aking mga kaibigan masaya silang pumarada samantalang ako ay nanood lamang sa loob ng bahay namin at nakadungaw sa bintana.

      
   Pagkalipas ng tatlong taon ako ay nasa limang baitang na ng aking pag-aaral sa elementarya ang aking mga kaibgan ay nadagdagan pa ng isa siya ay si Rachell Dazo siya ay isang tranfery galing sa isang paaralan sa Pakil Laguna. Siya ang naging pinamatalik kong kaibigan  marami kaming ginawang kalokohan, masaya rin siyang kasama palatawa siya  sobra !! hahaha. Naging isa rin akong player ng Soccer at nag training din ako ng volleyball pero sa masamang palad nagkasakit ako at pinatigil ako ng aking mama at papa hindi naman ako makatutol dahil sila pa din ang masusunod. Pagkatapos ay nag Mr. and Ms. Valentine, ako ang napiling ipanlaban noon sa babae inis na inis ako noon dahil ayoko ng ganong labanan hindi ako marunong lumakad ng pang maarte ehh lahat ng kalaban ko maarte sobra medyo tomboyin pa ako ng mga panahon na yon. Masaya at makulay ang aking grade-5, natapos muli ang taon. Pagpasok ko nasa ika-anim na baitang na ako, huling taon ko na sa elementarya, magtatapos na ako sa wakas !! Sa panahong iyon marami akong natutunan naging matured ako. 

        Ako ay nakapagtapos na ng aking pag-aaral sa elementarya at maraming nagbago sa akin tulad ng pisikal na pagbabago na senyales ng pagdadalaga, pati aking pananamit ay nag bago din naging mas maarte na ako sa aking mga ginagawa. Namimili na rin ako ng mga kaibigan na pakikisamahan mas nagkakaroon na rin ako ng maraming oras sa aking kaibigan kesa sa aking mga kapamilya. Mas gusto ko ng kasama ang aking mga kaibigan marami akong na ibabahagi sa kanilang sekreto, nakakapag open din ako sa kanila ng maraming bagay.
 

      Nang ako ay sumapit sa pagiging highschool, nag aral ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Akala ko nung una ay mahirap maging highschool, sabi nila masarap daw ang buhay ng highschool-malaya, mapusok, maraming thrill, magulo, pero sa una talaga nakakatakot parang mag-isa ka lang walang kasama. Pero nagbago lahat nang nagkaroon ako ng kaibigan magulo kami ang seksyon ko noon ay I-C doon ko nakilala sila Jonna, Amina, Alice, Diane, Christine, Jaslean at marami pa pero sila lang ang naging malapit sakin, ung iba sa kanila naging bad influence kaya humiwalay kami ni Alice.

      Nang ako ay naging Second year ang aking section ay 2 - C marami akong natutunan noong ako'y first year. Marami akong naging kaibigan ulit sama sama kami sa kalokohan. Sila Rona , Ronabel , Evangeline , Camille ,at Stella , Ang naging mga bestfriend ko. Noong nag Instrams kami ay mag kakasama kami sa canteen at doon kami nag ayos. Marami akong natutunan sa kanila masaya silang kasama. 


     Nang kami ay nag 3rD year.Mas lalo kaming naging Matured nagkaroon din kami ng ibang classmate at naging kaibigan din namin sila. Nadagdagan din kami ng kaibigan sila Jen, Kristel , Romalyn ,at Angelica. Nagkaroon kami ng biglaang swiming may mga kasama kaming ibang lalake masaya kami ng araw na iyon kahit walang pagkain. Nagkaroon kami ng ibat - ibang relationships. Bihira kaming mag kasama sama noon malapit ng mag bakasyon dahil nga may mga boyfriend na kami. Noong nag birthday ako noong march 21 , 2011 . Masaya kaming nag kainan at nagkantahan kami ng aking mga kaibigan gabi na sila umuwe noon. Mayroon nga kami na kaibigan na brokenhearted noon araw na yon. Sa taon na un marami akong natutunan. 

    4th year na ako ngayon. Maraming nag bago pati section ko nag karoon ako ng ibang classmate at na iwan ko ang mga barkada ko sa 4 - C noong una ay malungkot kasi nakakapanibago kase para kaming o.p sa section namin ngayon. Pero nuong nag tagal ay nakasundo din namin un mga classmate namin pero ung iba ay mahirap pakisamahan. Ang una kong naging kaibigan sa 4 - Blake ay si Cristine. Siya ay makulit , Tahimik , Matakaw , Kulot , Mabait , Matalino , Nagpapagaya , at Syempre siya'y Joker. At Payat . Laging kaming nag kwekwentuhan. Nang isang Araw may nanligaw saken ang pangalan nya ay Algie Barrento. Section 4 -HARVEY noong una ay napapansin kona siya kasi lagi siyang nakatingin alam mo un nakakainis . kasi hindi mo alam kung bakit siya nakatingin akala mo tuloy laging may dumi sa mukha ko pero kinikilig naman ako.


       
Si James Dalanon, Ay kaibigan ko hindi ko alam kung bakit hiningi nya ang Number ko akala ko siya ang makakatxt ko yun pala ay si Algie. akala ko niloloko ako ni james tinawagan ko ung Number na nag txtxt saken na si algie kinulit ko siya ng kinulit hanggang naniwala ako sa kanya na siya nga yon. Tapos yon nanligaw siya saken sinagot ko naman siya July 29 2011. Naging kami. Tapos isang araw may pinakita siya saken na isang video ko na kumakain ako sa patio na hindi pa kami closed at magkakilala. Ngayon Okey na kami Naging maayos ang aming relasyon namin at mahal na mahal ko siya dahil mahal n mahal nya din ako. Ngayon sabay kaming Gragraduate ng highschool. Kahit nag aaway kami ng madalas nakakaya parin namin ang mga pagsubok na dumadaan sa aming relasyon. nag papasalamat ako sa Diyos dahil nagkaroon ako ng boyfriend na mabait at kaya akong alagaan at ipagtanggol sa mga masasamang tao. at kami ay Legal na sa aming mga parents. Ngaun March 21 Birthday ko na naman ang wish ko lang ay masama ko ang family ko , boyfriend ko at mga friends ko ngaun darating na birthday ko. Ngayon march 30 gragraduate na kami. dito kona puputulin ang akin masaya at makulay na buhay ko. ni Aries I Gabayno.

Ang aking talambuhay Marc Benedick C. Capule


(Ako ngayon 16 na taon)
 Ako si Marc Benedick C. Capule ipinanganak noong ika tatlo ng Marso taong labing siyam siyamnaput anim.Nakatira kaimi sa San Diego San Pablo City Laguna.Ang aking mga magulang at sina Marieta Capule at Bernie Capule.ang aking ama ay nagtatrabaho bilang isa karpentero at ang nanay ko ang gumagawa ng gawaing bahay at siya rin ang nagaalaga samin.Kahit ganan ang trabaho nila ay d nila kami pinababayaan.May kapatipd ako ang pangalan ay benson.Siya ay nasa Highschool na din labing apat na taon na siya.Ako ang panganay samin.
        
                 Ako ay nagtapos na elementarya sa San Deigo Elementary School.

                  Nung nasa grade 1 ako ang gurong tagapayo namin ay si Ginang Cecile Caperina.Marami akong nagging karanasan nung nagging guro ko siya.Magaling siyang magpaunawa sa kanyang mga estudyante lalo na sa magugulo.Masaya kahit kami ay pasaway pero yung grupo ng mga grupo ng lalaki sempre kasama ako dun lagi na lang kaming sinasayaw na maingay pa daw kami sa babae.Ang pinakamasamang nangyari nun ay nung nahulog siya sa upuan may isinasanit sya nun eh nalimutan ko na kung ano tapos bigla na lang siyang nahulog na ikinatakot nung iba ko pang kaklase sempre matanda na un tapos nahulog ang masama pa ay ulo ang unang lumapat sa sahig kaya yung iba ay na takot sa nang yari pasalamat at naging maayos din ang lahat.Nagtapos ako ng Grade 1 kaya nman ay naghanda kami sa panibagong gurong tagapayo.Nag Grade 2 kami yung sinabi nga ng iba na mataray ang aming magiging guro ay nag katotoo kaya ako ay natakot baka pag nagkamali ako ay mapagalitan nya ako.Ang masayang ginawa naming saming gurong tagapayo ay nung na late siya tapos binate naming siya ng “Mam. Gudafternoon why are you LATE”nagtawanan kami nun pati narin ung mga nakarinig sa labas puro tawa na lang kami tapos biglang nagalit at sinabng “Magdala kayo ng ganimit sa pagtatanim magtatanim tayo.Kinabukasan ay nagtanim nga kami puro siya utos kami nman sumusunod na lang dahil takot nga eh.Nung nagdidilig ako ay bigla na lang niya akong kinalmot sa may mukha nung una di ko pinansin kasi wala akong naramdaman na sugat tapos nung hinuhugasan naming yung mga ganit napansin nung kaklase ko na may dugo sa mukha ko.Kaya na isip ko na masama pala yung magalit kaya di na naming inulit pa yon baka lahat masaktan pa niya.Ang pangalan nga pala ng aming gurong tagapayo ay Ginang Alunan.Pero kahit ganon siya ay natanggap naming siya kase mabait naman siya wag ka nga lang magulo kundi papagalitan ka niya.Marami akong natutunan sa kanya kaya ako ay nagpapasalamat at nagging guro ko siya.Nag grade 3 ako ang nagging gurong tagapayo ko noon ay si Ginang Bathan.masaya kami nung lalo na kapag oras ng biruan magpakakataon pa nga na yung aming guro pagnakikitang tinatamad kami ay pinagbibigyan kaming magpahinga sa kanyang oras.Mabait siya kaya siya yung naging paborito kong guro.Marami rin akong natanggap na payo sa kanya kase nga makulit ako.Nag grade 4 ako ang nagging gurong tagapayo ko noon ay si Ginang Araceli Montoya.Mabait siya sa lahat lalo na mga pursigidong mag-aral.Nung nagrereview sila para sa laban naglalaro lang kami ng iba ko pangkaklase na hindi kasali tapos bigla na lang nilang sinabi na nabangga daw ako kinabahan yung titser ko tapos nung nkita ako napagalitan tuloy ako eh nagtago lang naman ako sa classroom.Masaya kami sa kanya lalo na nung nagkaroon kami na party para sa pasko.Nakakatuwaang isipin kahit kagano na siya katanda game pa rin siya sa mga laro namin kaya ako ay tuwang-tuwa sa kanya lalo na yung pagiging maalalahanin niya.Nag grade 5 ako na ang gurong tagapayo ay si Ginoong Marlon mabait siya at mapagbigay sa mga estudyante niya.Masaya akong nakapagtapos ng grade 5 dahil sa mga naituro nyi samin.Nag grade 6 ako doon ay natuto akong magseryoso sa pag aaral at mabawasan ang aking kaingayan lalo na nung nagkaroon ako ng ibang kaklase na medyo seryoso at magagaling sa ibat-ibang asignatura.Natutunan ko sa kanila kung paano mag seryoso sa pag-aaral.Masaya ang karanasan ko nung nasa elementary ako lalo na kapag kasama ko yung mga kaibigan at kabarkada ko na sina Aldrin,Marlowe,paul,Eduardo,Kim,Lawrence,Jandry,Nickole,Michaela,joan,jenny at iba pa.Maraming karanasan ang natunghayan ko nung nagaaral ako ng elementary.May karanasan ako nung nag camping para sa Boy Scout magulo at Masaya.Meron din sa camping para sa science Masaya noon kase marame akong nakila na napasok sa ibang paaralan meron mabait at meron ding nga suplada..Ang gurong tagapayo ko nung grade 6 ay si Ginang Susan masaya ako sa pagtuturo lalo na sa subjet may pagkakataon pa nga na natutulog kami sa classroom dahil sa wala na kami ginagawa at pinaghahandaan naming ang aming pagtatapos malungkot ito dahil magkakahiwalay-hiwalay na kami yung iba ay makakalimot sa mga kalokohang ginagawa at sa mga pang aasar ng mga titser namin.Nagpapasalamat ako sa mga gurong gumabay para makapagtapos kami ng pagaaral.
(kabakada ko si
         aldrin)
(si nickole kaibigan ko)
(si kim kabarkada ko)
Nag bakasyon kami nakibonding sa mga kamag-anak doon ko naranasan sumakay sa kabayo at iba pang ginagawa sa bukid nandon kami ng aking pamilya dahil sa gusto nilang makasama yung mga kamag-anak naming doon.Masaya ang nagging bakasyon ko dun.Sempre pagkatapos ng bakasyon naghanda ako para sa pagpasok sa highschool.
                Pumasok ako sa Col. Lauro  D. Dizon  National Highschool nang hanggang apat na taon para makapasok ako sa kolehiyo.Nag First year ako ang nagging gurong tagapayo ko ay si Ginang Belen.Mabait siya pero ako ay kinakabahan dahil sa unang pasok sa school na d pamilyar at yung makakasama ko ay di ko kilala mahirap nung una pero nung nagtagal matanggap nila ako at natanggap ko din sila.Ang naging section ko noon ay section C. na lagging napapagalitan bilang pasaway na section. Masaya ako sa mga nagging guro ko nung first yaer ako
Nag second year ganon pa rin ang section mabuti at may kakilala na ako o nagging kaibigan noong ako ay na sa first yaer.May nadagdag na bagong kaklase nung una ang tingin ko sa kanila ay hindi makulit,maingay at magulo yung pala kabaligtaran yung tingin ko sa kanila makulit,maingay at magulo pala sila pero maasahan mo slia lalo na kapag may problema.Ang naging gurong tagapayo ko ay si Ginang Lingad.Mabait siya at maalahanin sa estudyante.Masaya ako sa mga nagging guro ko nung second yaer ako.  
Nag third year ako doon nagiba na ang tingin ko sa pagaaral na isipan ko na kailangan ko nang baguhin ang style ng pagaaral ko para sa nagpapaaral sakin kaya doon nagsipag ako sa paggawa ng mga takdang aralin at pagbutihin ang mga exam.Ang gurong tagapayo ko noon ay si Ginang Joaquin mabait siya ang tinututo niya ang Araling panlipunan .Naranasan ko ang  “JS prom” doon nagging masaya ako noon dahil sa nakasama ko ang mga kaibigan ko at mga kaklase ko tapos iba pang 3rd at 4th year Masaya yung  karanasan  iyon.Natapos ko ang 3rd year kaya tutungo na ako sa pagiging 4th year nalaman ko na tataas ako ng section na magiging section B ako  I nung nalaman ko ay kinabahan ako dahil ibang kaklase  na naman kailangan makibagay sa mga ginagawa nila o magpakungbaba kapag may aasarang nagdudulot ng away.Naging  masaya ako sa mga naging guro ko nung third yaer ako.Pagkatapos ng bakasyon ay naghanda ako sa pagpasok sa huling antas sa pagiging highschool.
Nag 4th na ako nung unang pasok nahiya ako dahil sa marami palang kaming magiging kaklaseng babae at kakaunti lng ang lalake.Nung unang mga buwan ay ilang pa ako sa iba pero may iba na akong na kilala.Mabait sila kahit may kanya-kayang grupo ay wala namang awayan na nangyayari.Ang nagging gurong tagapayo naming ay si Ginoong Vasquez.Mabait siya at pagminsan mo lang mapapansin na masaya siya dahil siya ay isang seryosong tao.Yung mga kaklase ko naman ay masayahin at maingay.Kaya na bansagang maingay ang section B yun naman talaga ang totoo kase nga marami kaming babae ka siguro ganon o talagang nag kasamasama ang maiingay na estudyante.Makalipas ang ilang buwan ay nagkaroon ng Js prom yung isang okasyon na inabangan ko dahil sa mayroon akong pagkakataon na isayaw ang taong malapit sakin,yung mga kaibigan ko at yung mga nagging kaklase ko na date masaya talagang maging highschool dahil sa mature na ang isipan mo sa mga nagaganap sa paligid mo at sa salrili mo
(JS prom)
.Pagkapos ng ilang buwan bago kami magtapos ay nag karoon kami ng National Achievement Test na kailangan mapataas dahil sa gusto ito ng principal namin sa kagustuhang mapaganda ang paaralang Dizon High.Nagkaroon din pala kami ng Intramurals na naging napakasaya sa lahat kase nakilahok doon an gaming principal at iba pang guro,Pima pahalagahan niya ang pamlpalakasan.Kaya natuwa ako sa kanya dahil sa gusto ko din ng ibat-ibang larong pampalakasan.masaya ako sa mga naging guro ko nung 4th year nagpapasalamat ako sa kanila sa mga payo at patitiwala lalo na sa pagtanggap sa aming maingay na section.Nagpapasalamat din ako sa aming gurong tagapayo dahil sa siya ang unang tumangap sa aming ugali.
(kami ng mga classmate ko ng fourth year)
 Sa aming pamilya lagging may away sa pagitan naming magkapatid basta nag sama kami ay lagi na lang nagaaway.Pero kahit ganon ay tanggap naming ang isat-isa at tanggap din kami ng aming magulang kahit gonon kaming dalawa.
Kagaya ng ibang pamilya, meron in kaming tampuhang nararanasan. Mga isyung hindi maiiwasan. Pero kahit na  may mga problema  kaming nararanasan matatag pa rin kaming nagsasama-sama. Ngyon ay nangungupahan kami at nagpapagawa ng pa ng bagong bahay. Sana kasabay noon may bago ring mangyayari at mararanasan kami sa aming buhay. Masayng-masay ako kasama ang aking pamilya.

Ang Talambuhay ni Stella Mae Obiasca

  Ang Talambuhay ni Stella Mae Obiasca
nung mga bata pa kami
ako, si mama mga kapatid ko at ung isa ay pinsan ko
    
si ate almie at ate angie
 Ako si Stella Mae Obiasca, labing anim na taong gulang, nakatira sa Brgy.II-C Maharlika 
Highway lungsod ng San Pablo. 4th year high school na ako na nagaaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ang aking ama ay si Estanislao P. Bautista at ang aking ina naman ay si Remedios S. Obiasca. Ang aking ama ay isang tricycle driver at ang ina ko ay sa bahay lang. Nagaasikaso sa 4 kong kapatid kasama narin ako. Ako ang panganay sa aming 5 magkakapatid, 3 lalaki at 2 naman kaming babae. Mayroon din kaming kapatid sa una, sa side ng aking ama ay 2 at sa side ng aking ina ay 4, kahit alam ko na hindi kami ang unang pamilya ng aking magulang Masaya naman kami, at tanggap ko lahat, ganun naman sila. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay, pag may selebrasyon na gaganapin ay nagkakaisa kami. Pero may oras din na may tampuhan pero kahit na ganun, hindi ko parin inaalis ang pagrespeto sa kanila. Nalulungkot nga ako pag minsan dahil hindi sila masyado inaasikaso ng ina naming nung sila ay mga bata pa lamang, kaya nga naiisip ko na napakapalad pala naming na naalagaan kami at nasusubaybayan kami ng aking magulang.

nung kami ay Grade 3
      Noong ako ay elementary excited ako nun kasi gustong gusto ko na talaga pumasok nun, para palagi akong nakapaglaro at magkaroon ng madaming kaibigan. Marami akong natutunan kahit pag minsan napapagalitan ako ng aking guro. Nung grade nga nakalimutan ko pa dalhin ung bag ko e. kaya panaglinis na lang ako at nanghingi ng papel sa aking kaklase pagkatapos dun narin ako nagsimula magka crush, tapos andun narin un palagi kang tinutukso kahit nga maga kaklase kong lalaki nananakit e, sa sobra kasing kalikutan.

nung kami ay Grade 6

  Noong Grade 6 naman mayroon nangyari sa aming pamilya na nangyari sa aking buhay, yun ay nung medyo naghirap kami. Pag minsan nga absent ako dahil walang sapat na pera, pero maswerte parin kami at nariyan ang lolo ko na sumusuporta sa amin noon. Kaya nga mahal na mahal ko ang aking lolo, dahil nalaman ko na doon mo makikita kung sino talaga ang tutulong sayo kapag gipit ka. May mga kamag anak din kaming may kaya, pero hindi man lang kami nagawang tulungan. Kaya nagpapasalamat ako sa aking lolo. Ito yung pinaka hindi ko malilimutan na grade sa elementary, mas madami akong naranasan na kahit malungkot ay naging masaya pa rin naman. Tapos nagkaroon din nun ng program ang Ambray katulad ng Kids Prom. Kaso umga nun ginanap kasi bawal pa daw ganapin ng gabi masya ako nun kasi sinayaw ako ng aking crush at sinulit ko talaga yun at nagpasalamat ako sa kanya kasi hindi naman siya naging suplado sa akin.Sobrang kilig ko talaga nun, hanggang sa dumating na ang graduation day magtatapos na kami at laking pasasalamat ko at nakaya ko ang isang pagsubok na ito, naging malungkot rin ako pero naging masaya kasi nagtiis ang aming guro na turuan kami kahit na sobrang ingay namin at ito'y palaging nasa puso't isipan ko.

     Noong ako ay first year pa lang sobrang kinakabahan ako nun, nalulungkot pero masaya, malungkot kasi mamimiss mo yung mga kamag-aral ko nung elementary, Masaya kasi isa na naman itong pagsubok sa buhay at marami kang matututunan, marami ka rin makikilalang bagong kamag-aral at mga guro. Nung unang araw pa lamang nun. Mayroon agad akong nagustuhan at nagulat ako nalaman ko na kaklase ko pala siya hanggang sa nakilala ko na siya at panay naman ang tukso ng aking mga kaklase hanggang sa gusto na niya ako ligawan pero hindi ako pumayag kasi hindi pa ako handa sa ganoong sitwasyon. Siya nga yung first love ko e, siya rin yung una kong naiyakang lalaki.
   
     Hanggang sa mag second year highschool na ako. Natutuwa naman ako at kahit papaano nagging Masaya ang first year life ko. Nung second year ako nun syempre yung mga classmate mo nung 1st year eh hindi lahat classmate ko nung second year. Meron kaming transfer na classmate sa “MSC” siya pumasok pangalanan nalang natin siya ng “Mr.Pahed”. Syempre cute siya, tsaka mapute kaya naman nagkagusto agad kami sa kanya. Pero nalaman ko may gusto na rin pala siya sa akin, kaya lagi tuloy kami tinutukso tapos nagging malapit na rin kami sa isat’ isa at kinuha niya cellphone number ko at nagkatext naman kami. Niligawa niya ako siguro mga 2months ata yun. Tapossinagot ko naman siyang January , nagging maganda ang takbo n gaming relasyon pero nung nakakarandam na ako na parang wala na akong oras sa kanya unti-unti na akong nasasaktan kasi nagkakalabuan na kami nun. Hanggang sa tapos na ang 2nd year kami parin hanngang bakasyon pero bihira na siya magtext. Nakikitext lang siya sa nanay niya, pero ako iniintindi ko parin siya kahit ganun, syempre mahal mo.
Si BIEBER idol ko
Ako at si camille

kaming "fyhukee'z"
    Nung 3rd year na kami masaya ako kasi bago na naming hamon ito at marami pang darating sa aking buhay kaya ako’y na chachallenge. Nung August may 1week siyang hindi nagtext hanggang nagtext siya nang hindi ko inaasahan, sabi niya sa akin nahihirapan na daw siya sa aming sitwasyon. Pero hnidi niya alam na mas nahihirapan ako pero pilit ko parin siya iniintindi kasi mahal ko siya nun. Hanggang umiyak ako kasi masakit talaga lalo na’t mahal na mahal ko siya. Pero wala na naming akong magagawa kung hindi na naman magwowork ang aming relationship. Hindi nalng ako nag isip ng masama. Siguro hindi talaga kami sa isat’-isa marami rin akong natutunan sa pangyayaring iyon. Humingi nalang ako ng advice sa aking mga kaibigan. Pinilit ko magmove-on nun pero nahihirapan ako kasi nalulungkot ako sa tuwing naiisip ko yun. Ang tagal ko ring nakapagmove-on . kahit na ganun andiyan pa naman yung mga kaibigan ko na sumuporta sa akin “Fyhukee’z” name ng aming grupo, Masaya kaming magkakasama at pag may pupuntahan lagi rin silang on the kahit minsan ay merong hindi pagkaka unawaan. Nung march na at malapit na ang bakasyon nalulungkot na ako kasi mag-iiba na ang aking section mapapawalay na ako sa kanila specially kay “Camille” kasi siya mas nakakasundo ko sa lahat ng bagay lalo na pag ang pinaguusapan naming ay tungkol kay Bieber. Kaya naman namiss ko yun, at alam ko malalampasan ko rin ito at magiging maayos rin.   
kami nina "Phab'z"

   Hanggang sa 4th year na ako ngayon, mga 1 year bago ako makapagmove-on sa kanya , kasi nakikita ko na masaya na siya kasi may girlfriend na siya ngayon. Kaya dapat maging masaya din ako. Ngayong 4th year na ako eto na yung last year ko sa highschool kaya dapat pagbutihan ko. Masaya ako na may kasamang lungkot, gagraduate na kasi kami. Mamimiss mu yung asaran, kulitan, biruan, tuksuhan at syempre yung mga guro na nagsilbing inspirasyon rin sa atin at nagtiis sa mga kaingayan at kakulitan ng mga estudyante dahil sila yung naging pangalawa nating magulang sa paaralan. Malungkot ako nung una kasi nag-iba na aking serction simula kasi nung ako'y 1st year ay section-C ngayong 4th year ay naging B na ako, kasi namimiss ko na yung mga lagi kong kasama pero kahit na ganun may nakilala naman ako at naging mabait naman sila sa akin. Lagi kaming tatlo ang magkakasama kahit sa recess, lunch at awasan. Ang tawagan naming ay “Phab’z” pag minsan dumadating din yung time na tampuhan  lalo na nung December kasi may bago akong nakilala at gusto niyang manligaw sa akin pagkatapos lagi ko na siyang nakakasama at hindi ko na nabibigyan ng oras yung dalawa hanggang sa kinausap nila ako at doon bumuhos ang aking luha, dahil pansin ko naman na hindi na nila ako pinapansin at hindi na katulad nung dat na palagi kaming nag-aasaran, pero naging maayos naman dahil pinilit nilang tanggapin na makasama yung nanliligaw sa akin at natutunan din nila itong pakisamahan kaya naman masaya ako at naging maayos kasi alam narin nila na gusto ko ito, palagi na kaming apat magkakasabay kahit na may program sa school at activity, kasi sinusulit na namin ang mga nalalabing oras at malapit na kaming gumaraduate.

  Hanggang sa nalaman na ng aking magulang na may nanliligaw sa akin at sinasabi pa nilang Boyfriend ko na nga daw ito. Gawa kasi nung aking kuya dahil siya mismo nakakita na magkasabay kami , napagalitan ako ng aking Ama at sabi pa'y hindi na daw niya ako pagaaralin ng college kaya napaluha na lang ako kaya naman umiiwas na lang ako sa kanya kasi importante muna sa akin ang pag-aaral pero nagpapansinan naman kami sa school at nagkakatext pa naman kami pero malungkot parin ako kasi kung kailan naman gagraduate na ay naging ganun pa. At sobrang namiss ko rin yung time na palagi kaming magkasabay at kasama ko siya pag ako’ymay lakad. Ganun pa man naiintindihan naman niya at talaga ngang napakasaya ng High School Life.
4-BLAKE

 Ngayong darating na sa puntong magkakahiwa-hiwalay na kami sana maging maayos pa lalo ang mga pag-subok sa aming buhay . Nawa’y tumatak sa aming puso’t isipan ang mga tinuro at natutunan naming sa aming mga guro na magsisilbing gabay sa pagtahak sa aming buhay. Kaya nagpapasalamat ako at nagging parte kayo ng aking buhay. Kaya naman ni nanais ko lamang na sana sa darating pang panahon maging matagumpay tayo sa ating mga mithiin.

 At diyan muna nagtatapos ang aking talambuhay.

ME
 Take Care & Godbless to all .J

Ang Talambuhay ni Riza O. Joven

  Ang Talambuhay ni Riza O. Joven 
           Ako si Riza O. Joven na ipinanganak noong Feb.09 taong 1994 at isinilang sa Brgy. San Roque S.P.C.Ang aking mga magulang ay sina Rogelio A. Joven at Saturnina O.joven.Pang pito ako sa siyam na magkakapatid.Kasapi kami sa simbahan na ang pangalan ay The Church of Jesus Christ of Latter Day saints o mas kilalang mormon.Mahilig akiong magbasa ng mga kwento/ parabula o anumang babasahin.Paborito kong laruin noong bata pa lang ako ay jackstone o badminton.


Tumuntong ako ng elementarya sa gulang na siyam na taon dahil na rin sa hindi stable ang paninirahan  namin .Sa Brgy san crispin kami napalipat at dito narin ako nagkaisip.Sa San Crispin elem. School ako nag-elementarya .Sa mga panahong ito ,dito na rin ako  natutong makisalamuha sa kapwa bata ,sapagkat noong akoy bata pa ayaw ng magulang  namin na kami ay lalabas. Ang naging kalaro ko lang ay mga kapatid ko ,kayat lumaki akong mahiyain.Ganon pa man ay ipinagmamalaki ko ang aking mga magulang  dahil sila ay mga responsableng magulang.Dinisiplina nila kami at pinalaki ng maayos.Ang tatay ko ay walang bisyo kayat ang aking mga kapatid na lalaki ay naging kagaya nya.Bata pa lang ako ay marami na akong ipinagtataka sa aking mga nasa paligid na bagay, kaya naman ng tumuntong ako sa elementarya ang mga tanong na iyon ay unti-unting nasagot .Noong nasa elementarya ako pangarap kong maging nurse para  may marunong sa aming gumamot pag may nagkasakit,at mag-alaga sa pamilya ko,subalit ng tumuntong ako ng grade 5 pinangarap ko ding maging isang astronauts kasi gusto kong makarating sa labas ng mundo,kasi nacucurious talaga ako.Noong nasa elementaryaako paborito ko ang asignaturang math at syempre science,lalo na noong 4,5,6 ang topic ay tungkol sa mundo.
Ang aking pamilya

Araw ng pagtatapos sa elementarya
        Nang magtapos ako ng elementarya naging malungkot ako kasi mawawalay na ako samga naging guro atnagin malalapit na kaibigan ko.
.Nagpalista ako ng pangalansa Col.lauro D.Dizon MNHS kung saan pumasok ang kuya ko.Naging napakahirap para sa amin ang pagpapaenroll sa school na ito ,sapagkat sa mga panahong ito ay marami rin ang gustong pumasok sa Dizon high. Ilang araw din kaming nagpabalik -balik.Sabi nga ng mga magulang ko ay huwag na daw akong pumasok don .Nawawaan na nga ako ng pag-asakasi ang tagal talaga ng proseso.Pagkatapos ng ilang na pagpabalik-balik ay natanggap ako.nagpapasalamat talaga ako kasi natanggap na ako.Nang mag-1st year ako ay nasa section A ako,nanibago talaga ako.Palipat-lipat kasi kami ng room ,syempre iba pa ang principal noon si mam.Evelyn Malabag pa.Talagang nanibago talaga ako maging sa mga teacher mukha kasing mga stricto at matataray.Si sir.Mision ang naging guro ko sa math.noon talaga hindi ko siniseryoso ganoon pa man sya ang hinangaang guro ko pagdating sa asignaturang math noong 1st year ako.Sa Science naman ay nawalan na ako ng interes ,siguro dahil sa topic. Noong 1st year ako natutunan ko na rin kung paano magsolve ng mga problem sa math,sobrang nachallenge ako sa asignaturang math.Marami rin akong naging kaibigan,nagkaroong ako ng mga kabarkada,mababait sila at mabuti ring impluwensya.
        
Mga naging kabarkada ko noong nasa ikalawang antas ako
Noong magsecond year ako ,bumaba ang section ko naging section B.Noong una ayoko talaga sa section B kasi yung mga kaibigan ko ay nasa section A .Ang lungkot ko talaga ,pero naisip ko na may purpose si para sa akin.Naging kakase ko ulit si Precious ,kaklase ko sya nung nasa elementarya pa lang ako.Nakisalamuha muli ako sa mga bago kong kaklase .Ang naging teacher ko sa math ay si mam nuevo.Marami sa mga kaklase ko ang naging paborito sya.Magaling din sya at nakakachallenge,kapag ang buong klase ay mababa ang nakuha sa quiz nya ay inuulit nya .Nagig paborito ko din syang teacher sa math. Sa panahong nasa second year ako, maraming masasayang nangyari .Narealize ko na mas masayang kasama ang mga section B.


Mga kaibigan ko noong nasa ikatlong antas ako
         Maraming nakakatuwang bagayang  nangyari ..Naging interesting din sa akin ang subject na biology,kaya lang sa mga ibang subject wala akong masabikasi hindi siguro sila naging interesting pagdating sa pagtuturo,pero kahit konti naman ay may natutunan naman ako sa kanila.Ang teacher ko nga pala sa Filipino ay si mam Bidula magaling din sya at ang adviser ay ang guro namin sa T.l.e na si mam Sotalbo.
JS Prom 2011-2012
  Nang mag-3rd ako ay ganun pa rin ang section ko at masaya na ako dito ,ang adviser ko ay si mam umali ang guro namin sa T.l.e at ang co-adviser namin ay si mam Lee ang guro namin sa Filipino,Sya ay magaling at masipag magturo kaya naman naging interesting sa akin ang noli me tangere .dahil na rin sa kanya na feel ko talaga ang subject na ito.Masaya ako at naging guro namin sya.
        

Temple trip(Manila Philippines Temple)
    Sa kabilang banda ay aktibo ako sa mga gawaing pansimbahan,umaatend ako ng seminary class namin  at guro namin ay si sis. guerra.Nagkaroon din  kami ng youth tempe trip,sa manila Phils. temple.Nagkaroon din kami ng youg women act.,nag hiking  kami sa pandin lake at noong dec.2011 nakaroon kami ng stake cultural event. Sa pamamagitan kasi nito ay nalilinang namin ang aming mga talento at mas lalo pa kaming napapalapit kay god,kaya naman nagpapasalamat ako at naging miyembro ako ng simbahang ito
          Sa schoolnamin ay isa sa mga naging masayang karanasan namin ay ang j.s prom.maramiingkalokohan ang pinaggagawa ng aming section kayat ang 2nd at 3rd year ay di ko malilimutan .masaya kasing kasama ang section B.
           Sa church naman ay achiever ako sa aming seminary class at masaya ako.Sa kabilang banda naman ay malungkot kasi syempre di ko na makakasama ang mga kaklase ko sa seminary class.
          
Ward Camp
        Noong April 2011ay nagkaroon ng Y,S,A AT YOUTH CONFERENCE 3 days kami sa simbahan .Nagpraktis kami ng sayawat marami akong nakilalang mga kaibigan.Dahil 50 taon na ang simbahan sa Pilipinas ay ay naghanda kami ng mga katutubong sayaw 8 ward ang kasali kayat  habang kami ag nagkakamping ,kasama na rin ang paghahanda para sa anibersaryo ng aming simbahan. Nang sumapit ang buwan ng mayo  naging excited kami,at dumating ang may 14 kung saan ay ito ang araw ng aming pagpeperform.Ginanap ito sa Central gym at ito ay open sa lahat kahit di member pwedeg manood. ang sinayaw ng aming ward ay sayaw sa palayok.Akala ko noong una ay di ko kayang sumayaw ng may palayok sa ulo pero narealize ko na kaya ko pala.Naging masaya ang aming pagdiriwang ,masaya ako kasi inaksa ko ang aking bakasyon sa mga act. ng church,sayang nga lang at di ko nainbitahan ang aking mga kaklasepara manood.Naging successful ang aming jubilee.
Sayaw sa Palayok , April 2011
                Nang dumating ang June ay nagpaenroll ako para sa 4th year at asusual B pero masaya kasi kakalase ko na ulit ang mga naging kabarkada ko noong 1st year ako.Maraming nabago pagdating ng 4th year ,iba na ang principal sya ay si Mrs.Cristeta Uy.Naging organize ang Col. lauro D.Dizon Memorial National High School.Nagkaroon na kami ng guard.Nagkaroon ng policy na No id no entry,kailangan proper uniform.Hindi na rin pweding lumabas basta-basta ng walang dahilan.May parusa na rin sa mga batang palaging nahuhuli sa klase .Wala na ring makikitang mga estidyante na pakalat-kalat kapg oras na ng klase.Ang mmga guro namin ay halos masisipag hindi tuld dati na hindi nagtuturo .Ngayong 4th year maayos at organisado ang pamamahala. May mga building na rin na itinatayo . Sa mga nakalipas na panahon ay unti-unti na ring umaayos ang Col. Lauro D.Dizon Memorial National High School.Ang adviser namin ay si Sir .Vasquez ang guro namin sa pisika . Maraming nagsasabi na mahirap daw ang asignaturang ito pero para sa akin ayos lang masaya ako sa pag sosolve ng mga problem.Marami kaming natutunan sa physics, klaro kasing magturo ang guro namin . Sa math ang guro namin ay si Mam putungan ,marami din akong natutunan sa kanya at gusto ko yung paraan ng pagtuturo nya. Sa mga naging guro namin  sa A.p,hinangaan ko rin ang ang guro namin sa A.p IV(ekonomiks0kasi pag nagtuturo sya talagang papasok talaga sa isp mo ang mga itinuturo nya.Sa mga nakalipas na panahon sa pamamalagi ko sa High school,marami akong  natutunan ,mas lumawak ang aking kaalaman,pero nabago ang pangarap ko .Sa pagtuntong ko kasi sa High school, hindi na nursig ang gusto ko  at ayoko ko na ring maging isang astronauts.Inayawan ko ang nursing  kasi narealize ko na hindi ko kaya ang mga gawain ng isang nurse.Inayawan ko rin ang maging isang astronauts kasi ayokong maging againts kay God ,kasi ang astronauts ay tungkol sa syensya at ang siyensya ay di naniniwala sa Dios kasi puro eksperimento at puro proving.Paborito ko ang talaga ang math.B.S Accountancy ang gusto kong kurso na makuha sa kolehiyo kasi ayon sa ang guro sa Mapeh ang kunin daw naming kurso ay yung nageexcel kami. 
Family Home Evening
       Ayos lang din kung Engineering kasi tungkol din yun sa math.Sa pagtuntong ko din sa High marami akong nahiligan tulad ng pagkanta kaya lang mukhang walang hilig sa akin pero sa nga sa amin sa churh ay linangin daw ang talento.Sa pagkanta kasi nailalabas ang emosyon ng isang tao .Para sa akin kasi kapag di ako nakakanta hindi kumpleto ang araw ko.Maraming nabago sa buhay ko at marami akong naging karanasan sa high school na kailanman ay di ko malilimutan.Noong akala ko hindi masaya ang highschool pero tama sila masaya nga.Nang mag18th b-day ako ang saya ko .

Mga missionaries sa aming simbahan
     May inihand pa ang mag leaders ko sa simbahan.Nagpapasalamat ako sa Dios sa mga biyaya nya na ipinagkakaloob sa akin,sa pagkakaroon ng mabuting pamilta kaibigan at iba pa,at ngayong magtatapos na ako alam ko na panibagong hamon ulit ang aking kakaharapin pgadating ko sa kolehiyo.Marami mang naging pagsubok na aming kinaharap pero napapasalamat ako kasi nalalagpasan namin ito.Nagpapasalamat ako sa mga naging guro ko sa Dizon high kasi sila yung naging daan upang mas lumawak ang aking kaalaman.

“Ang Aking Talambuhay”

Taong isang libo syam na daan siyamnaput-anim (1996) nang ako ay isinilang sa ika-30 ng buwan
ng mayo. Ang pangalan ko ay Merellyn L. Calupas. Pangatlo po ako sa aming apta na magkakapatid. Ang
pangalan po ng aking panganay na kapatid ay si Melanie L. Calupas at sinundan nama po ni Myline L.
Calupas at ang bunsong kapatid kong lalaki ay si Mitch Richmond L. Calupas. Ang aking ama naman po ay
si Edwin I. Calupas at si Eulalia Calupas naman po ang aking ina. Gumaraduate po ako ng kinder sa Day
care Center ng Solidad. Ipinagpatuloy ko po ang pag-aaral sa paaralang Solidad Elementary School.
Grade 1 po ako noon nang pagpasyahan ng aking mama na magtrabaho sa ibang bansa. Samantalang
naiwan ang aking ama at dito nagtrabaho sa Pilipinas bilang isang Laborer. Kami po ay lumaki sa aming
Lola na si adelina Carandang. Kanit wala po sa aming piling ang aking mga magulang ay napalaki po kami
ng maayos ng aking lola at lolo. Ngunit nagkasakit po ang aking lolo at nagpagamot sa iba’t-ibang lugar
pero sa di inaasahan ay baniwian din po siya ng buhay. Simula pa lang po ng pasukan noon naming sa ika
apat na baiting sa Elementary. Ipinaalam po ng aking mga tita ang nangyari noon sa aking mama. Kaya’t
nagpasya po siya na umuwi dito sa Pilipinas. Pero pagkaraan poi ng dalawang buwan ay bumalik po ulit
siya sa Saudi Arabia(Jedah). Nagtuloy-tuloy po ulit kami sa pag-aaral hanggang sa makapagtapos po kami
sa elementary. Isa poi yon sa Masaya at nakalulungkot na pangyayari dahil magkakahiwa-hiwalay nap o
kami ng aking mga kaibigan. Kaya ng araw din pong iyon ay pumunta po kami sa bahay ng isa’t-isa
parang “bonding” na din po. Hanggang nagsimula na din po ang buhay “Highschool”. Pumasok po ako sa
paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Ako po ay first year noon na nabibilang
sa pangkat E. Madami po akong naranasan na “first time”. Dito kop o naranasang umuwi ng mag-isa.
Dito ko rin po nakilala ang anking friend na si Marjorie Culla. Siya po ang madalas kong kasama. Sumali
po ang aming seksyon sa palatuntunan sa Filipino. Dito po ay itinanghal naming ang kwento sa Ibong
Adarna. Di man kami nanalo noon ay masaya pa din kami. Pero sa pagtungtong naming ng second year
High school ay hindi na kami magkakaklase ng aking friend na si Marjorie dahil siya ay nabibilang na
noon sa seksyon C samantalang ako ay nanatilui sa seksyon E. Doon ko nakaclose at nagging bestfriend
sina Janelle, Kayee, Joanna, Michelle, Vina, Dane, Camille at Marialla at pinangalanan naming an gaming
grupo na A.K.A Mhine. Di man maiwasang hindi mag-away ay nagkakasundo pa din naman kami sa
maraming bagay. Madalas kami noong tumatambay sa Bagong Pook during our vacant time. Doon kami
lagi nakain ng lollipop kaya minsan tinatawag kaming lollipop girls. Kahit di na kami magkakasama ng
third year sa iisang section ay nagkakabonding din naman sina Camille, Michalle at Mariella Madalas na
din kaming hindi nagkakasama dahil magkakaiba na kami ng schedule sa pagpasok. Kaya doon nakilla si
Jeverly Calabia. Madalas kaming magkasama noon lalo na pagpuntang CR madalas sa time ng A.P. Tapos
sumali ako sa isang organisasyon sa school, ito yung C.A.T nagging isa akong volunteer.  Tuwing may free
time ako ay ditto ko nalang iyon nilalaan. Mahirap pero masaya. Mahirap kasi hondi kop o alam noon
ang mga gagawin at Masaya dahil maraming bagay kang dito mo lang mararanasan at madami ka pang
makikilalang friends. Tsaka ditto maraming kapakipakinabang na Gawain kang matututunan. Dito ko rin
nakilala si Jemrick, he was my first boyfriend. Pero hindi ko naman mahal kaya nakipagbreak din ako
nine days lang naging kami. It’s just we call puppy love. Pero hindi din. Friend lang kasi sya para sa akin.
Bakasyon na pero napasok pa rin kami ng CAT ito yung tinatawag na ”summer training” every mornig
umiikot kami sa ovaltapos nag-eexercise. Naglelecture din kami at may activity. Sabay-sabay din akming

nakain kasama si Mr. Marfori.Isang lingo din kaming tinuruan ni sir Vic Rivera. Lagi kaming may activity
kaso every wrong move may parusa. Katakot pero mabait naman. One time nalibre nya kaming lahat ng
kakanin na binebenta nung ale. Tapos every Friday doon kami natutulog tapos may activity pa sa gabe
perop dapat pag oras na ng pagtulog dapat matulog na kasi may parusa.  Natapos na ang 20 days araw
na ng graduation ng CAT sa summer training. Tinawag na ni Sir Marfori isa-isa ang mga umatend kung
saan position sila mapapalagay hanggang sa dalawa nalang kaming natira ni Aquino. Napunta sya sa
position ng X-O na corps-conmmander.  Tapos sa corps-commander ako. Super saya ko kasi di ko naman
inaasahan na sa posisyong iyon ako mapupunta. Natapos na summer training at malapit na din ang
pasukan. First day of school na ulit forth year na kami. Nakakpanibago kasi lagi kong kasama ang mga
kaofficer ko pero hindi kami magkaksection at sa pag kakataon ito ay tumaas na ulit ang section ko.
Npunta kami ni jeverly sa section B at dahil bago na din ang principal nagbago na din ang pamamalakad
sa school mas mahigpit pero makikita mo ang pag unlad ng school. Tinawag na 4-blake ang aming
section. Sa Pagsisimula ng taong ito mas nagging kaclose ko pa si JR Torres volunteer din sya dati dito
kaso nagquit na. He is my friend. Lagi ko syang nakakakulitan. Liging nag aagawan ng panyo at
nakaksama din sya sa paggagala. Tapos nanligaw sya. At first ayaw ko pa maniwala kasi kala ko joke lang
pero totoo pala. Then nagging kami noon July 22 2011. Saya na ata ang first love ko. Madalas ko sayng
kasabay noon pag uwi. Naikot ng ovl tapos tambay ng oval. Then first monthsary naming noon I give him
a card with key chain na guitar. Tapos binigyan nya ko ng staff toy. Pinangalanan ko ng Jherell (pinagmix
na pangalan naming dalawa). After 20 days he broke up with me maskit kasi mahal ko na tapos bigla
namang nawala. Pero nakaksabay ko pa din sya pag uwi. Naging kami ulit sept.22 2011. Nasa oval
kaming dalawa ng I say yes again. Super saya. Then I meet his family. Pumunta kaming SM. Tapos
naglaro kami sa WOF. Lahat sila mabait. Then kasama pa rin nila ako papuntang Memorial para basitahin
nila yung puntod. Pagkatapos non pumunta kaming bayan. Sa UNO bumili sila ng pang exchange gift.
After that I go home. Christmas party na super saya kasi andaming activities ang bawat seksyon. Tapos
banigyan ako ng gift ni JR ang cute jacket color black. Month of Feb. 14-15 magkakaroon dawn g JS
Prom. Sumali ako kagaya ng dati lagging late. Pero umabot naman Madami nagsayaw sa akin. Pero
pinakamemorable nung sinayaw nya ko. Pan 8 dance ko si JR tapos sya din ang last dance ko I won’t
forget that day. Siguro last na din yon. Feb. 22 2012. Nakipagbreak ako sa kanya. Tapos sabi na lang nya
OK with a smiling face. Parang wala lang sa kanya. Ang sakit!!!!! sobra. Mahal na mahal ko pa sya tapos
ganun lang reaksyon nya. Noon lko lang nafeel yun ganun kasakit. Tapos banilik pa nya sa akin lahat ng

ako na napaglalabasan ko ng sama ng loob. Pero noong time na malaman ko na may GF na ulit sya masd
masakitb yon para bang gumuho ulit ang mundo ko. Kahit bestfriend ko na sya mas lalo lang sumasakit.
Lalo na pag nakikita ko sya with other girls. Hanggang ngayon di pa din ak nakak “move on”…….